Share

Chapter 2

"  Natapos rin sa wakas!" 

Katatapos lang ng huling klase namin at tuwang-tuwa na nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Patalon-talon pa silang lumabas na para bang isang kangaroo. Napailing na lamang akong nagliligpit ng gamit ko. 

Bwesit kasi ang professor namin na panot at nag-extend pa ng oras. Kanina pa sana ako nakauwi kung hindi lang siya umepal sa oras. Lumapit sa akin ang pinsan ko at mga kaibigan ko at niyayaya akong magtungo sa bar. Just to relax and have fun daw kasi friday naman at walang klase bukas. 

" Ayoko," tipid kong sagot. 

" Huwag ka nang killjoy, girl!" sabat ni Bevs. 

Umiling ako. Ayokong uminom ngayon ng alak dahil wala ako sa mood. Kami na lang ang naiwan sa room namin at kinukulit nila akong sumama. Sumulyap ako sa may pintuan nang mapansin kong may kalalakihan na dumaan roon. Hindi naman siguro ako namamalikmata dahil talagang uniform ng taga College of Law iyon. 

Hindi ko sila pinansin at tumayo ako sa aking pagkakaupo. Dumiretso ako ng labas sa room namin at nakita ko ang tatlong lalaki na nagtatawanan habang naglalakad. Sumunod ako sa kanila at alam kong nakasunod rin ang mga kaibigan at pinsan ko sa akin dahil naririnig kong isinisigaw nila ang pangalan ko. 

Napatigil ako nang biglang tumigil ang mga lalaki at dahan-dahan lumingon sa aking gawi. Huli na para magtago dahil nagsalubong na ang mata naming dalawa nang lalaking nagpakilala sa akin noong isang araw. 

His lips form into smile kaya nag-iwas ako nang tingin at tumingin na  lamang sa aking likuran. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na papalapit sa akin upang maiwasan ang lalaking iyon. 

" Sasama na pala ako sa bar," saad ko nang sila'y makalapit na.

Ngumiti sila sa akin pero ngising nang-aasar lamang iyon. " Kanina pa nakatingin sa iyo ang lalaki sa likuran mo, Bella." pag-iiba ni Achi na may makahulugang tingin.

" Ang layo ng building nila sa building natin pero bakit dito pa sila dumaan?" segundang tanong sa akin ni Kara.

Nagkibit-balikat lamang ako at tumuloy na sa paglalakad. Hindi ko pinansin ang mga lalaki at nilagpasan lamang sila. Narinig ko si Achi na kinakausap ang mga lalaki pero wala akong pakialam. Dumiretso ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko. Nagtext na lamang ako kay Achi na mag-convoy na lang kami patungong bar. 

Narito na kami sa bar at napansin ko na naman ang mga lalaking taga College of Law. Sinusundan ba kami?  Tanong ko sa aking isipan.

Umorder kami ng drinks at naglagay ako sa aking baso. Nilagok ko iyon ng diretso habang nakatingin sa direksyon ng lalaking iyon. Ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang makitang nakatitig rin siya sa akin. 

" Hoy, Achi!" tawag ko sa atensyon ng pinsan ko. 

Tumingin ito sa akin. " Bakit?" 

" Lalabas lang ako saglit at magpapahangin. Mainit ang paligid, Achi at idagdag mo pa ang mata ng lalaking iyon na nakatitig sa akin." walang ganang sambit ko sa kaniya. 

Tumawa ito. " Relax, Bella. Hindi ka niyan kakainin," 

Inirapan ko siya kaya tumayo na ako at ininom muna ang laman ng baso ko. Naiirita ako sa loob lalo pa at naroon ang lalaking nagngangalang Kashmiere Geyser. Wala akong interes sa kaniya pero nakakairita ang mukha niya. 

Nagtungo ako sa likod ng bar. Madilim at hindi gaano ma-ilaw. May puno roon kaya naisipan kong umupo. Nakatingala ako sa mga bituin at walang pakialam sa paligid. 

" Ang ganda ng bituin, Bella. Kasing ganda ng taong nakaupo ngayon." 

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses na iyon at tinawag pa ako sa pangalan ko. Namamaligno yata ako at mukhang mali ang inupuan kong puno. 

" Shit!" mura ko nang mapagtantong hindi maligno ang nagsalita kung hindi tao. " A-anong g-ginagawa mo diyan?!" inis kong tanong sa kaniya.

He laughed again. " Sorry. Did I scare you?" 

" Tangina! Malamang. Bakit ka ba susulpot sulpot?!" iritang tanong ko sa kaniya. 

Hindi ito umimik bagkus tumabi ito sa aking kinauupuan. Lumayo ako nang kaunti nang maramdaman ko ang kaniyang balat na dumikit sa aking braso. Parang sumikip ang lugar nang dumating siya at tila ako'y kinakapos ng hininga. 

" Bakit narito ka sa labas? Are you that drunk?" 

Kumunot ang noo ko. Ano ba ang pakialam niya kung lumabas ako? Tsaka ako? Lasing? No way, hindi pa ako lasing at mataas ang alcohol tolerance ko. Tumingin ako sa kaniya only to find him staring at me intently kaya inirapan ko siya.

" Hindi ako madaling malasing at tsaka, wala kang pakialam na narito ako sa labas." masungit kong sagot sa kaniya.

" Sungit," I heard him mumbled that.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. " Huwag mo akong masundan-sundan,"

" Why? Masama ba iyon?" 

" Hindi naman. Ang creepy lang!" bulyaw ko sa kaniya bago naglakad patungo sa loob.

I know it's rude but I don't care! 

Umupo ako sa dulong parte ng couch at talagang ginagago ako ng tadhana dahil nagtagpo na namang muli ang mata naming dalawa ni Kashmiere. 

" Putanginang mga mata!" inis na bulalas ko sa aking sarili. 

" Anong binubulong-bulong mo diyan, pinsan?" tanong ni Achi sa akin. " Sumayaw ka na rin doon!" she shouted.

Naamoy ko ang amoy alak niyang hininga at pansin ko ang pamumungay ng kaniyang mata. Lasing na ito sigurado ako. " You're drunk, couz!" I shouted back. Hindi na ito sumagot at umalis sa aking tabi papuntang dance floor na pagewang-gewang.

Maingay at talagang lively ang buong club dahil friday naman ngayon. Maraming estudyante ang narito lalo na ang mga galing sa University namin. Ang bawat indayog ng ilaw sa kabuuan ng club ay kumikislap sa aming pwesto kahit pa nasa dulong bahagi kami. 

Nakasandal ako sa couch habang umiinom ng alak sa aking baso. Hindi pa naman ako lasing para hindi makita ang lalaking palapit sa aking pwesto ngayon. Napairap ako nang tuluyan siyang nakalapit at naupo sa aking tabi bago magsalin ng alak sa kaniyang sariling baso.

Napabuga ako ng hangin nang dumikir ang balat nito sa akin. I looked away dahil nag-init ang aking katawan sa biglaang paglapit niya. Wala akong nakikitang rason para lapitan niya ako at samahan na uminom. 

Wala kasi ang mga kaibigan ko at tingin ko ay naghahanap ang mga iyon ng lalaking lalandiin. Napansin ko rin na wala sa kabilang table ang mga kaibigan ng lalaking katabi ko ngayon. Tahimik ito at base sa gilid ng aking mata ay nakatingin ito sa dance floor pero naramdaman kong bumaling ang tingin niya sa akin. 

Iyon na naman ang tingin na parang tagos sa aking katawan. " Stop staring, jerk!" sigaw ko sa kaniya.

Umangat ang sulok ng kaniyang labi. " I can't stop, it's just... you're beautiful!" he shouted back. " I can't take my eyes off of you,"

Sasagot na sana ako sa kabila ng maingay at malakas na tugtog ngunit napalitan bigla ito ng slow at romantic na kanta. I just roll my eyes and never talk back. Nakakabwesit!

Ramdam kong sumagi na naman ang kaniyang braso sa aking braso kaya mas umusog at nagsumiksik ako sa dulo ng couch. Hindi naman siya lumapit pa at tanging tawa na lang na mahihina ang naririnig ko sa kaniya.

" Stop laughing. Not funny!" inis kong bulyaw sa kaniya. 

Umiling ito at tumingin sa ibang direksyon ngunit nakikita ko pa rin ang pagpipigil niya ng tawa. Tumayo na lamang ako at naghanap ng ibang table  pero dinala ako ng sarili kong paa sa may counter. Tumingin ako sa aking pinanggalingan kanina at kita ko ang nanlilisik na mata ni Kashmiere na nakatingin sa aking direksyon. Binigyan ko lamang siya ng mapang-asar na ngiti at nilagok ang alak na hawak ko.

Makalipas ang ilang minutong pag-iinom ay napatingin ako sa aking relo. Pasado alas dose na pala ngunit marami pa rin ang tao sa club. Hindi naman siguro ako pagagalitan ni Daddy bukas at magdadahilan na lamang ako. 

Nakaharap ako sa counter. Mag-isang umiinom ng Jack Daniels ngunit ayoko ng lasa pero tinuloy ko pa rin. I can taste the bitterness of it. Napapitlag ako nang may brasong humawak sa bewang ko kaya mabilis akong napaharap rito. 

Nakangisi ang isang lalaki na may hawak ng alak kaya kumunot ang noo ko. Hindi ito pamilyar sa akin kaya malakas ko siyang naitulak. Natigilan naman ang nag-iinuman sa ibang table at nanlilisik ang mata ng lalaking tinulak ko. 

" Bitch!" he shouted at me at mabilis akong dinaluhan ng kaniyang kamao ngunit mabilis ko iyong nahuli at pinaikot siya.

Tila mapapaaway ako ngayong gabi at talagang ngayon pa niya natyempuhan ang init ng ulo ko. This bastard is nothing but a dickhead!

" Bastard! I am not a bitch!" sigaw ko sa kaniya at sinipa siya kaya napasubsob ito. Nagkagulo sa loob ng club at talagang gumawa pa siya ng ikakasakit ng kaniyang katawan. 

I punched him hard on the face until I see blood on it. Alam kong presinto ang bagsak ko nito at ayokong mapagalitan ni Daddy pero gigil ako sa lalaking ito. 

" Ano? Piliin mo sa susunod ang hinaharass mo! Tangina mo! Kung naghahanap ka ng babae, huwag ako ang pagdiskitahan mo." malamig kong sambit sa kaniya.

May mga bouncer na rin na lumapit sa amin. Hinihila nila palayo ang lalaki sa akin ngunit nakawala ito at talagang sumugod pa sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang sakit ng aking ulo pero mas ramdam ko ang init ng ulo ko ngayon. 

Bago pa dumapo ang kaniyang kamao ay may sumalo na itong ibang braso kaya napatingin ako sa lalaking iyon. Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Kashmiere at malamig na titig nito sa lalaki.

" You don't have the right to hurt a woman, asshole!" malamig at seryosong usal ni Kashmiere. I blinked my eyes dahil hindi ako makapaniwala. 

" B-bitawan mo akong tangina ka!" galit na sigaw nang lalaki rito. 

He smirk. " Want me to drag you in jail, bastard? Want me to sue you? Sexual harrassment is declared unacceptable and unlawful, dickhead." he said to that jerk. " You'll be penalized by imprisonment and not only that but you will be paying a bunch of money, do you want that?" panakot niya sa nangbastos sa akin.

Tila natulala ang lalaki ngunit nagbago ulit ang anyo ng kaniyang mukha. Mula sa pagkatulala ay muling nanlisik ang kaniyang mga mata.

" We're not yet done, bitch!" 

Akmang susugod pa sa akin ang lalaki nang magsalita muli si Kashmiere. Pinapahanga ba ako ng lalaking ito o ano? Alam kong law ang kurso niya dahil nabanggit niya na ito sa akin. Pero sa totoo lang, kakaiba ang itsura ng kaniyang mata ngayon tila handa nang makipagpatayan sa taong may kasalanan sa kaniya.

" Baka gusto mo na lang sa presinto pag-usapan ito..." he spoke. " I am willing to defend this woman that you harrassed, Sir." pasipol na sambit niya. 

Nagngitngit sa galit ang lalaki. " Y-you... h-how dare you!" 

Sumingit ako sa usapan. " Kung hindi ka rin naman isang gago, piliin mo ang babaeng hinahawakan mo dahil baka mas sundalo pa sila kaysa sa iyo. Mas matapang at mas kayang ipatumba ang kagaya mo." I said mocking him.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil naglakad na ako palayo. I'll make sure that bastard would rot in jail. Ramdam kong may sumunod sa aking likuran kaya napahinto ako at siya'y tinignan. 

" Pasalamat ka mag-aabogado ako. Mukhang troublemaker ka pa naman," he said in a low tone.

" Thanks," tipid kong sambit bago muling naglakad paalis ng club.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status