Share

Chapter 3

" Aba! May lakad ka? Nagmamadali lang, Bella?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng aking gamit nang magsalita si Kara sa aking likuran. Napairap ako bago tumingin sa kaniya. " Wala akong lakad. Masyado lang kayong mabagal mag-ayos ng gamit niyo," sagot ko sa kaniya.

Hindi ko na lang sana kwinento ang nangyari sa club noong nakaraan. Napapahanga tuloy sila kay Kashmiere at ang mga gago, itulak daw ba ako palapit sa lalaking iyon.

I can say that he's handsome naman at may tindig ang pangangatawan. Wala naman akong interes dahil ayokong mapahamak pa siya sa akin lalo at may banta sa aking buhay. Yes, sole heir ako ng tatay kong pinakamayaman sa bansa at maraming kumakalaban sa kaniya.

I always brought trouble that's why gusto akong pag-aralin sa ibang bansa. Sinusubukan kong magpakatino kahit ako ang hinahabol ng kapahamakan. I always wanted to live a normal life. Naiinggit ako sa mga kaibigan ko. They are living in such a simple way, nagagawa nila ang kanilang gusto at malaya sila.

Samantalang ako, lahat ng ginagawa ko, kapahamakan ang kapalit. Sana naging mahirap na lang ang buhay namin at least masaya ang pamilya ko. Masaya at masaganang namumuhay nang sama-sama at walang panganib but it's my fate to be born with a golden spoon.

Hindi naman ako matapobre. I do have charities but I don't consider myself happy and contented. Hindi lang siguro patas ang mundo para maging masaya ako at maging malaya sa mga gusto ko.

Nasaan kaya ang lalaking iyon? Pasado alas singko naman na at tiyak kong may klase pa si Kashmiere na nag-aya sa amin? No, ako lang ang inaya niya kaya pareho kaming tinutukso ng mga kaibigan namin.

Naupo na lamang ako sa waiting shed sa tapat ng aming University habang hawak ang fries na aking binili. Luminga-linga ako sa paligid at nagbabakasakaling matanaw siya ng mga mata ko ngunit wala namang lumitaw na kahit anino niya.

" Hey,"

Bigla kong nalunok ang kinakain kong fries dahil sa gulat. Napaubo ako ng tuluyan na parang ako'y kinakapos ng hininga.

" You okay?" he asked offer me a bottled water to drink.

Ininuman ko iyon at wala akong pakialam kung tuloy-tuloy man iyon. Nang makainom ako ay guminhawa ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa kaniya at sinamaan nang tingin.

" You fucking startled me!" inis kong asik sa kaniya.

" Ano ginagawa mo rito? Tapos na klase mo, ah."

Inirapan ko siya. Hindi ba obvious na siya ang hinihintay ko kasi inaaya akong lumabas. Gago yata ito, e!

" Mukhang nakalimutan mo na," I said. " Nag-aya ka lang naman sa akin na lumabas, tapos ngayon makakalimutan mo na," sarkastikong sagot ko sa kaniya.

He laugh softly. " Ah! I almost forgot," sagot niya. " Marami kasing case na kinailangang basahin kaya nawala sa isip ko."

" So, buti nakita mo ako rito?" naging patanong tuloy kaya yumuko ako dahil sa hiya. Baka kung ano ang isipin niya sa akin.

Narinig ko na naman na tumawa siya. Kailan ba ito titigil sa pagtawa? At ano ba ang nakakatawa?

" May binili lang kasi ako malapit dito sa pwesto mo at eksakto, nakita kitang kanina pa lumilinga sa paligid mo," he explained. Napahiya ako roon sa kaniyang sinabi. Mukhang natunugan naman niya yata ang ibig kong sabihin kaya seryoso niya akong tinitigan but I saw him grinned at me.

" Hinihintay mo ako dahil niyaya kita?" amusement in his voice.

Nakaramdam ako ng hiya kaya napayuko ako at tumango na lang bilang kasagutan. I didn't bother to look at him kaya tumayo na ako at nagpaalam. Wala rin akong napala sa aking paghihintay kaya mas mabuti na lamang na umuwi ako.

" I'll go ahead," paalam ko. " Mukhang busy ka pa naman. Maybe, next time mo na lang ako yayain." matamlay kong saad sa kaniya.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil naglakad na ako at eksakto namang may taxi na dumaan sa harapan ko kaya pinara ko iyon at mabilis na sumakay. Hindi na ako nag-abalang tignan pa muli ang lalaki na aking iniwan.

Nakaramdam ako ng inis dahil imbes na maaga akong nakauwi ay pinaghintay lang pala ako sa wala ng mokong na iyon. Tsk!

" Boys will be boys, paasa!" inis kong bulong sa aking sarili.

Nakarating ako sa bahay at dumiretso ng akyat sa aking kwarto. I took a shower before I started to make a draft design of gowns. Inilaan ko ang aking oras sa pagdradrawing at hindi ko namalayan ang oras.

Habang nagdedesign ay naramdaman kong nagvibrate ang selpon ko. Kinuha ko iyon at binuksan. I saw a text message coming from an unknown number. Kumunot ang noo ko bago buksan ang mensahe.

Unknown number: 09xxxxxxxx

          Hey, I'm sorry about this day. Btw, this is Kashmiere!

I save his number at nagreply sa kaniya.

To: Kashmiere

Ayos lang. Saan mo pala nakuha ang number ko?

Naghintay ako ng mensahe niya ngunit walang dumating. Napag-isipan ko na lamang bumaba para maghapunan. It's already 9pm nang bumalik ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang selpon ko at nakita ko ang sunod sunod na mensahe mula kay Kashmiere.

From: Kashmiere

        Bawi na lang ako this Friday. I need to fucking finish this cases.

Napaisip ako. Available naman ako sa Friday kasi wala naman kaming masyadong gagawin. I will just ask my cousin kung payag siyang sumama. Baka kasi sa club na naman kami pumunta.

Nagreply na lamang ako sa kaniya ng "okay" bago itiklop ang aking mga papel sa aking higaan. Nahiga ako at binuksan ko ang aking social media accounts. I took a photo of myself and posted it on i*******m. I captioned it with " I'm your dearest nightmare."

After posting that, sinubukan kong hanapin ang pangalan ni Kashmiere. Good thing at may nagpakita agad pagkatype ko ng kaniyang pangalan. I stalked him at biglang gulat ko na mas marami pa ang followers niya kaysa sa akin.

He has a  hundred thousand followers and he only follow two people which I think is his friends. Mostly, ang nagpa-follow sa kaniya is from the University naman and siguro from other Universities.

Nagsend ako ng follow request sa kaniyang i*******m at ilang minuto pa ay may dumating na notification na he accepted my follow request. My heart pounded and message him.

BellaAMore: Hi! How are you being a law student?

Nagtingin-tingin ako ng pictures niya sa kaniyang account at marami na rin iyon. I think highschool pa ang iba dahil may nakalagay sa bawat albums ng kaniyang litrato. Pasado alas onse na nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.

KGeyser: Too busy.

Busy nga naman siya talaga. Kaya ayokong gumaya sa mga law student. Nakakapiga ng utak.

BellaAmore: Okay. Kawawa naman ang attorney na iyan. HAHAHA!

I sent him a laughing emoji kaya napatawa naman siya pabalik dahil nagsend rin ito. He send me a photo of him at mga papeles sa kaniyang study table na makakapal.

KGeyser: Marami pa, e. Matulog ka na.

He also viewed my story at tinawanan lang niya iyon. I grimaced and purse my lips dahil hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ba ako.

BellaAmore: Lol! Goodluck na lang sa readings mo, enjoy!

KGeyser: ....

Bwesit naman, ang tagal niya magreply. Nawala ang pagta-type niya kaya nagpaalam na lang ako sa kaniya na matutulog na ako.

BellaAmore: Goodnight crush!

Mabilis akong nag-out dahil sa sariling kahihiyan. Dapat pala hindi ko na iyon sinend at simpleng goodnight na lang sana. Shit! I'm so dumb. Shit! What to do? The fuck lang.

" Stupid, Bella! Istupida ka!" sambit ko sa aking sarili habang pabaling baling ng higa sa aking kama.

Anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya bukas? Shit kasi! Pasmado ang kamay ko na nagtype, kaasar!

To be continued...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status