Share

Chapter 5

SHAINA

"Anong oras na po ba dumating kagabi si Sir Jacob?" tanong ko nga kay Manong Caloy kung anong oras dumating si Sir Jacob na boss namin. Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong ko na 'yon sa kanya.

"Malapit na mag-alas onse ng gabi nang dumating si Sir Jacob kagabi," sagot ni Manong Caloy sa tanong ko. Mabilis ko naman siyang tinanguan at nagsalita, "Ganoon po ba? Hindi ka pa po ba inaantok kagabi habang hinihintay si Sir Jacob?"

"Inaantok na nga ako, eh, pero kailangan na hintayin si Sir Jacob. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin siya na makauwi," sagot ni Manong Caloy sa akin na muli kong tinanguan.

"Kumain pa po ba si Sir Jacob kagabi pag-uwi niya?" tanong ko pa kay Manong Caloy.

"Hindi na, eh. Hindi na siya kumain ng dinner pag-uwi niya kagabi. May kasamang kumain siya ng dinner kagabi sa labas. Hindi naman niya sinabi sa akin kung sino. Hindi ko naman siya tinanong pa nang tinanong dahil hindi naman 'yon importante, eh. Hindi naman 'yon trabaho ko na mag-usisa nang mag-usisa sa kanya. Ang trabaho ko ay ang pagsilbihan siya at wala nang iba pa," sagot pa niya sa akin.

"Ah, okay po," tanging naiusal ko sa kanya. Iyon lang ang ibang masabi ko. Wala akong ibang masabi kundi 'yon lang talaga.

Huminga muli siya nang malalim at saka nagsalita, "Mabuti pa siguro ay tawagin mo na si Sir Jacob para kumain ng breakfast mayamaya. Malapit nang matapos ako sa pagluluto ng breakfast niya."

Tumango naman kaagad ako kay Manong Caloy pagkasabi niya. "Sige po. Tulungan ko na po kayo," sagot ko nga sa kanya.

Hindi naman na si Manong Caloy nagsalita pa ng kung ano. Pinatulong na niya ako sa ginagawa niya. Ngayon naman na ang simula ko sa pagtatrabaho kaya magtatrabaho na ako.

Matapos niyang magluto ay inilagay ko na ang mga niluto niya sa mesa kung saan kakain ng breakfast si Sir Jacob. Tinulungan naman niya ako sa paglalagay ko doon.

Nang matapos 'yon ay iniwan ko na muna si Manong Caloy sa dining room para puntahan si Sir Jacob sa taas. Sasabihin ko sa kanya na handa na ang breakfast niya. Puwede na siyang bumaba para kumain. Alam ko naman na kung saan ang room niya dahil tinuro 'yon sa akin ni Manong Caloy kahapon habang inililibot niya ako sa buong bahay.

Huminga muna ako nang malalim nang makarating ako sa labas ng room niya. Dahan-dahan ko na kinatok ang pinto ng kuwarto niya. Nakailang katok na ako ngunit hindi pa rin bumubukas 'yon. Naisip ko na baka tulog pa siya. Sabihan ko na lang kaya si Manong Caloy na hindi pa niya ako pinagbubuksan ng kanyang pinto at sigurado ako na tulog pa siya.

Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at lumabas si Sir Jacob mula sa room niya na nakatopless lang. Ang tanging suot lang niya na pang-ibaba ay boxer shorts. Nanlalaki ang mga mata ko pagkatingin ko sa kanyang katawan. Napamura ako sa isip ko habang nakatitig sa kanyang napakagandang katawan. Ang laki ng katawan niya at ang lapad ng dibdib niya. Kitang-kita ko rin ang kanyang abs. Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ako makapagsalita sa harapan niya at para bang may kumokontrol sa akin na magsalita habang nakatitig sa katawan niya. Natulala ako. Kitang-kita ko rin ang namumukol sa ibaba niya.

"Hey! Are you okay, Shaina?" tanong niya sa akin na ikinabigla ko. Nawala ako bigla sa aking ulirat kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya sa harapan niya. Kunot-noong tinititigan niya ako. "Okay ka lang ba, huh? Natulala ka."

"A-ako p-po? N-natulala po ako?" nauutal ko na tanong sa kanya. Nararamdaman ko pa rin ang bilis ng tibok ng aking puso.

"Oo. Natulala ka. Hindi ka rin nagsasalita. Okay ka lang ba, huh?" tanong muli niya sa akin na nakakunot pa rin ang noo. Nahihiya tuloy ako sa kanya.

Nangyari naman na, nahuli na niya akong natulala sa kanya. Sino ba naman ang hindi matutulala at hindi makapagsalita kapag ang katawan niya ang makita sa hindi inaasahan na pagkakataon?

Hindi puwedeng i-ignore ko lang siya sa tanong niya na 'yon. Kailangan ko na magsalita. Baka kung ano pa ang isipin niya kapag wala pa akong isagot. Nahuli na nga niya akong nakatulala at hindi nagsasalita.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita sa kanya. Kahit nahihiya ako sa kanya ay kailangan ko na ipakita na okay lang ako. Dinilaan ko ang aking mga labi at nagsalita, "Opo, Sir Jacob. Okay lang po ako."

Tinapunan niya ako nang hindi naniniwalang tingin bago nagsalita pagkasagot ko sa kanya na okay lang ako. Hindi siguro siya naniniwala na okay lang ako.

"Sigurado ka ba na okay ka lang, huh?" tanong pa nga niya sa akin na mabilis ko naman ngang tinanguan.

"Opo, Sir Jacob. Okay lang po ako," sagot ko sa kanya. "Wala ka pong kailangan na isipin sa akin. Okay lang po talaga ako."

Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita sa akin.

"Why are you knocking on my door, huh? May sasabihin ka bang importante sa akin, huh?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at nagsalita, "Opo. May kailangan po ako sa 'yo, Sir Jacob."

"Ano 'yon? Ano'ng kailangan mo sa akin?" tanong pa niya sa akin.

"Pinapasabi po ni Manong Caloy na handa na po ang breakfast mo, Sir Jacob. Akala ko po ay tulog ka pa kaya aalis na muna ako para bumaba at sabihin kay Manong Caloy na tulog ka po kaso nga lang ay bumukas na ang pinto ng room mo. Bumaba ka na po kung kakain ka na dahil nakahanda na po ang lahat para sa 'yo, Sir Jacob," sagot ko nga kay Sir Jacob na may kasamang paliwanag.

Hindi ko maiwasan na tumingin sa mga mata niya. Ang ganda ng mga mata niya. Ang guwapo pa nga niya, eh.

Tumango naman siya sa harapan ko pagkasagot ko sa kanya.

"Ah, okay. Thanks for saying that, Shaina. Kaya ka pala kumakatok kanina para sabihin 'yon sa akin," sagot ni Sir Jacob sa akin.

"Opo, Sir Jacob. Iyon po ang dahilan. Bumaba ka na lang po para kumain sa baba," sabi ko pa sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin kaya kita ko ang ngiti niya na pakiramdam ko ay hihimatayin ako. Ang guwapo talaga niya. Napamura ako sa aking isipan.

"Thanks for saying that, Shaina," pasalamat muli niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya pagkasabi niya.

"You're always welcome po, Sir Jacob," sagot ko naman sa kanya na nakangiti pa rin. "Bababa na muna po ako."

Tatalikod na sana ako sa kanya nang magsalita ulit siya kaya naman ay hindi muna ako nakaalis sa harapan niya.

"Ano po 'yon, Sir Jacob? May sasabihin ka pa po ba sa akin?" malumanay kong tanong sa kanya.

He took a deep breath first and said, "Bagay sa 'yo ang uniporme mo, Shaina. You look more sexy wearing that uniform."

"Thanks po," tanging sagot ko sa kanya. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako sa sinabi niyang 'yon kasi parang may kakaiba sa sinabi niyang 'yon sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status