SHAINA
"Kakain na tayo ng dinner, Shaina," malumanay na sabi ni Manong Caloy sa akin kinagabihan. Nandoon lang ako sa loob ng bahay ni Sir Jacob. Lumapit si Manong Caloy sa akin para sabihin 'yon na kakain na kami ng dinner na dalawa. Iniwan ko na muna siya doon sa kusina kanina habang nagluluto siya dahil ayaw naman niya akong patulungin. Doon muna ako sa taas.Mabilis naman akong tumango kay Manong Caloy pagkasabi niya na kakain na kami."O, sige po. Dumating na po ba si Sir Jacob?" tanong ko nga sa kanya kung dumating na si Sir Jacob. Sigurado ako na dumating na ito dahil gabi na nga. Hindi naman ito matutulog doon sa opisina ng kompanya niya."Hindi pa. Hindi pa dumarating si Sir Jacob. Wala pa siya," mabilis naman na sagot ni Manong Caloy sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi pa pala dumarating si Sir Jacob. Akala ko pa naman ay dumating na ito. Niyaya na nga niya akong kumain ng dinner."Talaga po? Wala pa po siya?" hindi naniniwalang tanong ko sa kanya na kaagad naman niya akong tinanguan."Oo. Wala pa siya. Hindi pa siya dumarating, Shaina. Baka mamaya pa 'yon darating kaya mabuti pa na kumain na tayo ng dinner para pagdating niya ay siya na lang ang pi-puwestuhan natin," maiksing paliwanag ni Manong Caloy sa akin na tinanguan ko naman. Hindi pa talaga dumarating si Sir Jacob at 'yon ang totoo. Mali ako sa inaakala ko na dumating na siya."Ah, ganoon po ba? Akala ko pa naman po ay nandito na siya ngunit wala pa pala. Nagkamali ako sa inaakala ko," nakangusong tugon ko nga sa harapan ni Manong Caloy."Oo. Kaya habang wala pa siya ay kumain na tayo ng dinner, Shaina. Nakapagluto na ako ng dinner natin. Kakain na lang tayo. Maliwanag ba 'yon sa 'yo, huh?" sagot ni Manong Caloy sa akin. Tumango ulit ako sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa. Sumunod na lang ako sa kanya at kumain kami ng dinner na dalawa. Tahimik lang kaming kumakain ng dinner. Hindi naman kami nag-usap ni Manong Caloy habang kumakain kami sapagkat hindi maganda 'yon na nag-uusap habang kumakain. Hindi naman gaanong karami ang kinain ko na pagkain. Sakto lang 'yon, eh."Hindi ka pa ba matutulog, Shaina?" tanong niya sa akin makaraan ang isang oras. Hinihintay pa rin namin si Sir Jacob na dumating. Tapos na rin kaming dalawa kumain ng dinner.Huminga muna ako nang malalim bago sumagot sa tanong niyang 'yon sa akin. "Mamaya na po siguro. Wala pa po si Sir Jacob, eh. Hinihintay ko rin po na dumating siya," sagot ko nga kay Manong Caloy na napakunot-noo pagkasabi ko. Gusto ko lang kasi na masigurado na nakauwi na nga si Sir Jacob sa bahay niya lalo na gabi na nga."Shaina, hindi mo naman kailangan pa na hintayin siya, okay? Magpahinga ka na ngayon. Matulog ka na. 'Di ba sabi niya sa 'yo kanina na huwag ka na munang magtrabaho? Magpahinga ka na muna ngayon kaya 'yon ang gawin mo. 'Wag mo hintayin si Sir Jacob na dumating. Ako na ang bahala sa kanya pag-uwi niya. Ang gawin mo ay tumungo ka na sa kuwarto mo para magpahinga na doon. Baka magalit pa siya sa akin kapag nakita niya na hindi ka pa nagpapahinga. Ang alam pa naman niya sa 'yo ngayon ay nagpapahinga ka kaya magpahinga ka na. Iwan mo na ako dito dahil ako na ang bahala. Maliwanag ba sa 'yo ang sinasabi ko, Shaina?" sabi ni Manong Caloy sa akin.Ayaw ko rin naman na mapagalitan ni Manong Caloy lalo na ni Sir Jacob kaya ay tumango na lang ako. Sumunod na lang ako sa sinasagot niya. Tinanguan ko si Manong Caloy at nagsalita, "Okay po. Babalik na po ako sa kuwarto ko para magpahinga na. Baka po magalit sa akin si Sir Jacob kapag nakita pa niya ako na naghihintay sa kanya at hindi pa nagpapahinga. Iyon pa naman ang inaasahan niya sa akin. Good night po.""Good night din sa 'yo, Shaina. Magpahinga ka na. Maaga ka pang gigising bukas dahil bukas ang simula ng pagtatrabaho mo dito sa pamamahay ni Sir Jacob," sagot rin ni Mang Caloy sa akin. Nginitian ko naman siya pagkasabi niya. Muli akong tumango sa sinabing 'yon ni Mang Caloy.Iniwan ko na nga siya na mag-isang naghihintay sa pagdating ni Sir Jacob. Dali-dali akong tumungo sa kuwarto ko.Pagkapasok ko ay nakaramdam ako ng lungkot. Naalala ko ang mama ko at mga kapatid sa probinsiya. Na-miss ko bigla silang lahat. Ano kaya ang ginagawa nila sa ganitong oras? Iniisip siguro nila ako? Gusto ko silang makita pero hindi ko pa sila puwedeng makita. Matagal-tagal pa bago ko sila makikitang muli. Bukas pa lang ako magsisimula sa trabaho ko bilang isang kasambahay. Naalala ko rin si Tita Delia. Ano kaya rin ang ginagawa niya doon sa kabilang bahay na pinagtatrabauhan niya? Baka may ginagawa pa siya doon.Humiga na ako sa malambot ko na higaan at ipinikit ang aking mga mata para matulog. Dahil pagod ako sa mahabang biyahe namin patungo dito sa Maynila ay nakatulog naman na nga kaagad ako.Maagang nagising ako kinabukasan. Iniabot sa akin ni Manong Caloy ang magiging uniporme ko bilang isang kasambahay. Excited akong suotin 'yon.Naligo muna ako bago ko sinuot ang uniporme ko 'yon bilang isang kasambahay. Kasya naman sa akin ang uniporme na 'yon. Sakto lang naman 'yon. Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin na nasa loob ng kuwarto ko. May malaking salamin kasi doon."Ito ang unang araw ng pagtatrabaho ko sa bahay na 'to. Sana talaga ay magawa ko nang maayos ang aking trabaho para hindi ako mapagalitan ni Sir Jacob. Hindi dapat mangyari'yon," bulong ko sa aking sarili habang nakaharap ako sa malaking salamin. Naalala ko lang kasi ang sinabi sa akin ni Manong Caloy tungkol sa mga ayaw ni Sir Jacob. Ayaw ko na mapagalitan niya ako kaya kailangan ay maging maayos ang aking performance sa pagtatrabaho sa loob ng bahay niya.Inayos ko pa ang hitsura ko bago ako tuluyang lumabas sa aking kuwarto para magsimulang magtrabaho."This is it. Good luck to me," sabi ko pa sa sarili ko habang dahan-dahan ko na binubuksan ang pinto para lumabas na.Mula ulo hanggang paa akong tinititigan ni Mang Caloy nang lumapit ako sa kanya sa kusina. Nagluluto siya ng breakfast ni Sir Jacob."Okay naman po ba ang suot kong uniporme?" tanong ko nga kay Manong Caloy.Huminga muna siya nang malalim at saka nagsalita, "Oo. Okay naman ang suot mo. Tamang-tama naman ang ibinigay ko sa 'yo na uniporme mo. Hindi naman siya maliit o malaki. Sakto lang naman siya, Shaina."Tumango naman ako kanya pagkasabi niya. "Ah, okay po. Salamat po. May gumamit na po ba nitong uniporme na suot ko po?" tanong ko pa sa kanya kung may gumamit na nitong suot kong uniporme."Wala pa, Shaina. Wala pang gumagamit ng suot mo na uniporme na 'yan. Ikaw pa lang ang sumusuot n'yan, eh," sagot nga niya sa akin. Natuwa naman ako nang sabihin niya na wala pang gumamit ng uniporme na suot ko ngayon."Talaga po ba na wala pang gumagamit nito kahit isang beses lang?" tanong ko pa sa kanya bilang paninigurado."Oo. Wala pa talaga, Shaina. Bago ang mga ibinigay ko sa 'yo na uniporme. Marami n'yan doon sa stock room dahil doon pinapalagay 'yan ni Sir Jacob. 'Yung mga ginamit ng dating kasambahay dito ay dala-dala na nila pag-alis nila, eh, kaya lahat ng mga nandito na uniporme para sa mga kagaya mo kasambahay ay lahat bago," paniwalaan ni Mang Caloy sa akin na mabilis ko naman na tinanguan. Naniniwala naman ako sa sinasabi niya na totoo nga 'yon."Ganoon po ba? Maraming salamat po sa pagsagot ng mga tanong ko. Gusto ko lang po maliwanagan kaya nagtatanong po ako sa 'yo. Wala naman po sigurong masama na magtanong," sagot ko kay Manong Caloy na may kasamang pasalamat. Tumango naman siya at sumagot, "Wala naman talaga, eh. Malaya kang magtanong kung ano'ng gusto mo na itanong na gusto mo na maliwanagan kung may gusto ka na malaman o makumpirma, Shaina.""Opo. Maraming salamat po ulit," pasalamat ko muli sa kanya at nginitian siya.Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️
SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta
SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.
SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '
SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa