Share

MML 11 - Meeting Oversea

Nagkunwari ako na nag-aayos ng mga upuan nang balingan ako ni Lily.

Nakasuot na siya ng pajama niya at dala ang kaniyang libro. Suot din ang kaniyang salamin sa mga mata.

"I thought... umakyat na kayo, Tito?" mukhang gulat pa na aniya.

"May naiwan lang," sagot naman ni Roy.

"What is it po?" tanong niyang muli at lumapit sa gilid ko upang maupo roon. "Ate Ina, could you make me a glass of milk po. I can't sleep po kasi eh."

"A-ah, sige."

Agad ako na sumunod at ginawa ang inuutos niya.

"After you drink your milk, you should sleep na," si Roy.

"Yes, Tito. I will po," dinig ko naman na sagot ni Lily.

Pinunasan ko ang malamig na pawis na namumuo sa noo ko habang nilalagyan ng gatas ang baso.

Sa pangalawang pagkakataon ay si Lily na naman. Siya na naman ang nakakita sa amin at hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon gayon na hindi si Ate Anne iyon at hindi rin nagsasalita si Lily patungkol sa mga nakikita niya.

"Hindi pa po kayo aakyat, Tito?"

"Sabay na tayo," sagot naman ni Roy at su
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status