"O ano sem break na, wag niyong sasabihin sa akin na uuwi na naman kayo?" Tanong ni Max sa amin ni Jen. Nandito kami ngayon sa apartment at katatapos ng finals.
Taga Baguio lang kasi si Max kaya tuwing bakasyon ay bagot na bagot siya. Kanya-kanya kasi dito sa Baguio hindi tulad sa mga probinsya na kakilala mo ang mga kapitbahay mo.
"Ikaw Jaz, uuwi ka ba ng Manila? Graduating ka na next sem! Sulitin na natin. Di na din muna ako uuwi." Sabi ni Jen. Dahil 5 years ang engineering, mayroon pa siyang 1 year bago grumaduate.
"Pagkatapos naman ng graduation, magrereview pa ako dito at mag ti take pa ng board exam. Pero sige di muna ako uuwi." Sabi ko naman.
"Ayos! So, saan tayo? La Union o Sagada?" Tanong ni Max. Ayun naman pala at may plano na.
"Sagada na lang! Para romantic!" Sabi naman ni Jen na parang lumulutang pa sa alapaap kung magningning ang mga mata. Kilig na kilig ang bruha. Kaka one year din nila ng boyfriend niyang si Rustan last month. Four months na kami ni Niko nang maging sila ni Rust.
Ito namang si Max, mukhang binasted si Von! Pero galit na galit naman kapag may kasamang babae ito ang huli. Babaero daw kasi kaya di niya sinagot. May trust issues kasi si Max. Niloko siya ng first love niya kaya natatakot ulit siyang sumugal pero ramdam kong gusto niya din si Von.
"I agree with Jen. Sagada na lang." Sang ayon ko naman. Lagi na lang kasi kami sa beach kaya gusto ko namang maiba. Matagal ko na din gustong makapasyal sa Sagada kaya siguradong mas maganda kapag magkakasama kami.
"So Sagada para romantic ganun? Wow! Porke may mga jowa kayo ha? Wag niyong isasama ang mga boys ha?! All girls lang tong lakad na to! Naku ayokong ma out of place at mag mukhang chaperone nyo noh!" Kunwaring singhal nito sa amin ni Jen kaya tumawa na lang kami. Sigurado namang gustung gusto niyan pag meron si Von Andrew. Denial queen din kasi yan.
Natuwa naman ang mga boys nang malaman nila ang plano namin ngayong bakasyon. Buti na lang din at walang uuwi sa kanila at game na game din silang lahat. Wala din naman kasi silang gagawin sa Manila dahil puro din busy ang mga magulang nila.
NAPAGPASYAHAN naming mag commute na lang at mukhang hindi kaya ng kotse ang daan papuntang Sagada.
Apat kaming mga babae kasama si Gab. At limang boys kasama si Dexter na classmate ko. Boyfriend na pala ni Gab. Nagulat nga din ako nang malaman ko. Well, bago pa lang daw sila. Diko kasi akalain dahil lagi kong kasama si Dex dahil magka group kami sa duty. Akala ko ay mayroon siyang pinupormahang iba.
Magkatabi kami ngayon ni Nikos a bus. Parang kailan lang nagkakahiyaan pa kami sa bus pero heto at isang taon mahigit na din kaming mag boyfriend. Sa harapan naman namin nakaupo ang magkasintahang si Jen at Rust. Sa likuran naman namin si Von at Max na walang ginawa kundi mag bangayan. At sa kabila naman ang dalawang playboy, at si Gab at Dexter sa pinaka harap.
Humilig ako sa balikat ni Niko at inaantok pa ako. Gumising na kasi kami ng 3 ng madaling araw at nag prepare. Saktong 5 ng umaga umalis itong bus.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at binulungan ako. "Baby, I want to kiss you right now. Can I?" Kinurot ko siya sa tagiliran dahil napaka naughty niya! Ang dami kayang tao!
"Tigil tigilan mo ko Niko, baka marinig ka. Nakakahiya." Bulong ko din sa kanya.
"They're all sleeping. Sige na kasi.." Ungot pa niya.
"Niko!" Suway ko naman sa kanya dahil baka marinig kami ng mga alaskador niyang mga kaibigan.
"Damot! Mag solo tayo ng room doon ha?" Sabi pa niya na nagpapula ng husto sa mukha ko.
"Niko?!" Nanlalaki ang mata na sabi ko. Ang kulit!
"Why? Ayaw mo?" Nanunukso niyang tanong at itinaas taas pa ang mga kilay na tila nanunudyo! Mygad bakit para pa akong kinikiliti sa pambubuska ng lalaking to!
"Hay naku! Ewan ko sayo! Matutulog na ako." Inirapan ko na lang siya kunwari at humilig na ulit ako sa balikat niya.
"Uy namumula siya oh.." Tumatawa pa niyang tudyo sa akin. Nainis pa ako sa sarili ko dahil imbes na mapikon ay kinilig pa talaga ako sa mga pinagsasasabi niya.
"Hoy Jaz! Wag nga kayong PDA diyan! Kanina pa kayo ha." Singhal ni Max sa amin.
"Halika na nga kasi dito oh. Yakapin din kita para dika naiinggit diyan." Malambing pero nang aasar na sabi naman ni Von sa kanya kaya napatawa ako. Napapailing at natatawa na lang akong nakikinig ng pag-aaway nila.
"Tigil tigilan mo nga akong babaero ka! Doon ka na nga!" Singhal ni Max sa kanya.
"Uy nagseselos! Di naman ako babaero, babe. Promise, ikaw lang!" Sagot naman ni Von. Kaya binasted eh kasi parang kalokohan niya lang lahat.
"WHOAH! Sa wakas! Makakapagpahinga na ang tainga ko sa mala armalite na bibig nitong babae na to!" Sigaw ni Von pagbaba namin ng bus.
Tawa kami ng tawa dahil halos puro away lang talaga ginawa nila. Pero na picturan namin sila nang nasa kalagitnaan kami ng biyahe na natutulog at nakahilig sa balikat ni Von si Max.
"Tse! Mapagsamantala ka talagang babaero ka!" Singhal sa kanya ni Max nung pinakita namin sa kanila yung picture nila.
"Ha? Ako pa talaga? Ikaw nga diyan eh oh! Tignan mo oh, ikaw yung nakahilig sa akin. Mayroon ka palang pagnanasa sa akin! Sana sabihin mo na lang ng maayos papayag naman ako eh." Nang-aasar na namang sagot ni Von.
"Tumigil na nga kayo diyan! Baka nga kayo pa nga maunang magpakasal sa ating lahat dito!" Natatawang suway sa kanila ni Jen.
Sabay pa silang sumagot ni Von ng "Yuck!"
Agad na kaming dumiretso sa isang hotel kung saan kami nagpa book. Nakakatuwa dahil parang mga native huts at magkakahiwalay ang bawat room. Hanggang dalawa lang ang kasya sa isang room.
"Sige na baby, isang room lang tayo please? I'll behave, gusto lang kita laging kasama." Lambing ni Niko sa akin. Pero alam ko namang nagbibiro lang siya.
"Max, tayo ang magkasama sa room ha?" Biglang sabad naman ni Gab kaya naputol ang pag-uusap namin ni Niko. "Si Jaz at Jen na lang din magkasama sa isang hut. Yang mga boys sa labas na lang matulog." Kunwaring biro naman nito sa mga boys.
"Ha?! Hindi pwedeng ikaw kasama ni Maria Xandra sa room, Gab!" Sabi ni Von na seryosong seryoso.
"At bakit hindi?!" Singhal naman ni Max ni kay Von.
"Di ba nag usap na tayo, mahal? Di ba tayo ang magkasama sa room?" Sagot naman niVon. Wala na ata itong nasabing matino kaya kanina pa naiinis si Max sa kanya.
"Ang kapal lang talaga!" Inirapan siya ni Max.
Dahil tanghali na kami nakarating, nagpahinga lang muna kami saglit saka kami namasyal at nag food trip. Pinaka nagustuhan ko yung yogurt nila dito at etag pizza! Unique ang lasa pero nagustuhan ko ito.
"Bro! Tara na nga mag hanap ng chicks at by partner pala dito. Nandidiri tuloy ako at pakiramdam ko ikaw ang partner ko!" Sigaw ni Erik kay Jeremy habang naglalakad lakad kami.
By partner kasi kami. Si Von hindi tinantanan si Max kaya mukha silang mag jowa na may LQ. Laging may LQ! Napapailing na lang kami dahil hindi na sila tumitigil. Para silang mga aso't pusa!
"Oo nga bro! Tara! Tara Niko, Rust, Von, at Dexter pare! Hanap tayo ng chicks!" Sabi naman ni Jeremy at halata namang iniinis niya lang kaming mga girls.
"Good boy 'to bro! Loyal ako sa misis ko!" Sabi ni Niko na lalong hinigpitan ang pagkaka akbay sa akin. Kinilig ka naman agad?
Kunwaring nasusuka naman si Jeremy sa ka sweetan na nasaksihan niya. May tawag diyan eh. Inggit!
"Kadiri bro! Von, tara na nga! Madaming turista doon na magaganda oh." Sabi ni Erik at itinuro kung saan napakadaming tao.
"Oh ano pang hinihintay mo?! Andun daw oh yung mga magaganda 'daw'! Punta ka na! Alis na!" Singhal ni Max kay Von. Kunwari naman siya pero sa totoo lang nagseselos nay an wala pa man din.
"Bro, faithful din 'to noh! Tignan mo hina high blood na naman tuloy tong asawa ko. Wag kayo mandamay bro!" Sabi naman ni Von sa dalawang playboy.
"Tse! Kunwari ka pa!" Singhal ulit sa kanya ni Max.
NASA labas kami ng mga kubo namin ngayon at mag di dinner kami. Nakapalibot kami sa maliit na bonfire at may nakasalang na kaldero na ang laman ay ang specialty nilang pinikpikan na may etag. Tamang tama sa malamig na klima!
"Hoo! Ginaw ah! Sana nagdala pala talaga tayo ng mga babae, bro!" Sabi ni Jeremy kay Erik.
"Hayaan mo na bro, malamig pa din naman mga gabi ng mga yan. Pare-pareho lang tayo!" Sagot naman ni Erik at nagtawanan pa silang dalawa at nag apir. Dahil alam naman nilang magkakahiwalay naman kami ng kubo.
"Next time, balik tayo dito baby. Tayong dalawa lang." Bulong ni Niko sabay kindat sa akin. Pakiramdam ko namula ako kaya kunwaring kinurot ko na lang siya sa tagiliran.
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b