‘HAPPY anniversary, baby! I love you so much! See you later!’
Kagigising ko pa lang ay ito agad ang bumungad sa akin. A beautiful bouquet of red roses! Aww ang sweet naman ng baby ko. First anniversary namin today! I can’t believe it has already been a year! Parang kahapon lang. Sigurado akong kinasabwat nun si Jen. Napangiti naman ako ng matamis. My baby never fails to make me smile!
Maliksi naman akong bumangon at binati ko din siya sa text at nagpasalamat. Maaga kasi pasok niya ngayon.
Isang taon na kami ni Niko pero lalo siyang nagiging sweet sa bawat araw na dumadaaan. He really is my Mr. Perfect! Lalo ko din siyang minamahal kahit napaka seloso niya minsan.
Magaan ang katawan kong naligo at nag-ayos dahil may meeting kami ng mga ka group ko ngayon. Mamayang alas tres pa ang duty namin pero kailangan naming mag meet para sa isang requirement namin. Buti na lang at naitsambang dito lang sa Baguio ang duty namin ngayon. Usually kasi sa labas ng Baguio kami nag-duduty tulad sa Atok, Kapangan, at Lepanto.
Palabas na sana ako ng bahay nang mag ring ang cellphone ko. Napangiti naman ako nang makitang si Niko ang tumatawag.
"Hi baby ko!" Sagot ko na nagpapa bebe. Gustong gusto naman niya kapag nilalambing ko siya ng pabebe!
"Hi baby! Happy anniversary! Love you! Love you! Love you!" Naningkit naman ang mga mata ko dahil pabulong niya itong sinabi. Mukhang nasa klase ang loko!
"Niko, nasa klase ka ba?” tumatawa kong tanong sa kanya.
“Yep. Bat walang I love you too?” Boses nagtatampo nitong sabi kaya lalo akong natawa dahil parang nakikita ko ang itsura niyang parang batang nakasimangot!
“Happy anniversary baby ko! I love you a million times! Oh mas madami yung akin ha?" Natatawa kong sabi sa kanya.
"I love you. I'll call you later.” Masaya nitong sabi.
"Pasaway ka talaga, mahuli ka niyan eh! Sige na.” Nangingiti ko nang tinapos ang tawag.
PASADO alas diyes na ng gabi at maghahanda na din sana kami para sa endorsement namin sa susunod na mga magdu-duty nang nagkaroon pa ng problema ang isa sa mga pasyente ko.
"Jaz, yung pasyente mo nagwawala kaya nahugot ang IV niya!" Natatarantang tawag sa akin ni Anne. Napaka nerbyosa kasi niyan kaya hindi ko alam kung bakit nursing pa din ang napili niyang kurso.
Agad ko namang pinuntahan ang nasabing pasyente at nag-iiyak nga ito at nagwawala. Napakadami ding dugo sa kamay niya at wala man lang tumulong sa bata. Sabagay, abala din kasi ang lahat sa kanya-kanya nilang pasyente. Agad ko namang nilapatan ng cotton at idiniin ito sa pinaggalingan ng iv para tumigil ang pagdudugo. Pumapalahaw pa din ng iyak ang limang taong gulang na batang lalaki. Hindi rin siya mapatahan ng nanay niya. Kanina pa kasi siya irritable dahil medyo nahihirapan siyang huminga dahil sa pneumonia.
"Jaz, mag re-insert ka ha? Prepare mo na mga kailangan mo." Sabi naman ng C.I ko pagdating niya. Iniisa isa niya kasi kaming tinuturuan.
"Yes maam." Magalang ko namang sagot at bumalik ako ng nurse station para kumuha ng mga kakailanganin ko.
"Tahan na baby. Di ba brave ka? Saglit lang to, okay? Para mabilis kang gagaling at makakauwi ka na at makakapaglaro ha?" Masuyo kong inaalo ang bata dahil nagpupumiglas pa din talaga siya. Naka assist na ang C.I ko sa amin pero nahihirapan talaga ako dahil sa pagwawala ng bata. Kanina pa kami dito pero hindi kami matapos tapos. Natapos na lahat ng mga kasama ko ang kanilang mga ginagawa at ako na lang ang hinihintay nila. Malapit ng mag eleven at isa-isa na ding dumadating ang mga incoming. Group nila Jeff ang mga incoming eh.
"Ayoko niyan tusok! Ayoko niyan mama!" Sigaw ng bata at lalo pa siyang nahihirapan dahil sa pag iyak niya. Napabuntong hininga na lang ako at awing awa na ako sa kanya pero kailangan talaga niya ng dextrose eh.
"Hello little boy! Im back! Aw bakit natanggal ang dextrose? Paano ka gagaling niyan?" Si Jeff! Kahit papaano ay nag uusap naman na kami pero di na bumalik pa sa dati.
"Kuya! Tusok po nila ako ulit!" humhikbing sumbong niya kay Jeff.
"Di naman masakit yun eh. Di ba di natatakot ang mga big boys tulad natin?" Masuyong sabi naman ni Jeff.
Unti-unti namang napatahan ni Jeff ang bata. Tinulungan na din niya ako nang mag re-insert ako ng iv niya. Umiyak pa din siya ng umiyak pero atleast hindi tulad kanina na sobra siyang magwala.
Nakahinga din ng maluwag ang mg aka group ko dahil hindi rin sila makauwi kapag hindi pa natatapos ang isa sa amin. Tapos na din silang mag endorse.
"Na toxic ka kung kelan pa out na tayo ah?" Sabi ni Anne habang nag-aayos ako ng gamit ko.
"Oo nga eh. Nakakapagod tong araw na to noh?" Sagot ko naman sa kanya at isinuot ko na ang backpack ko at sabay na kaming lumabas ng hospital.
"Sinabi mo pa! O siya sige mauna na ako ha?"Paalam niya nang makalabas kami.
Bigla kong naalala si Niko nang makita kong sumakay ng taxi si Anne! Oo nga pala! Sa sobrang busy ko hindi ko naalalang i check ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ng bag ko. Limang missed calls!
Agad kong dinial ang number niya at nagri-ring naman pero di niya sinasagot. Dinial ko pa ulit pero di talaga sumasagot.
"Jazzy!" Si Jeff na tumatakbo palapit sa akin. Napakunot noo naman akong tumingin sa kanya.
"Naiwan mo!" Sabi niya sabay abot sa akin ng bp app ko.
"Hala oo nga pala! Salamat ha?"Sabi ko naman sa kanya. Akala ko nailagay ko yun sa bag ko. Akmang ilalagay ko ito sa bag ko nang bawiin niya sa akin ang bp app at sinabing siya na ang maglalagay nito sa bag ko kaya hinayaan ko na.
"Wala ka atang sundo ngayon?" Tanong niya nang maisara ang zipper ng bag ko.
"Ha? Hindi ko makontak si Niko eh." Sabay tingin sa cellphone ko at nag babaka sakaling may text na siya.
"Delikado kung magtataxi kang mag-isa ngayon. Pasakay na kita para makita ko ang plate number." Nag-aalala nitong sinabi.
"No need pare." Si Niko! Bigla na lang itong sumulpot sa kung saan dahil hindi ko talaga siya napansin. Nagkibit balikat na lang si Jeff at nagpaalam na sa akin at umalis na.
"Sorry na late ako ngayon. Sobrang toxic eh." Paliwanag ko sa kanya habang iginigiya nya ako kung saan naka park ang kotse niya. Nakahawak siya sa bewang ko pero kapansin pansin ang pagiging tahimik niya.
"It's okay." Tipid niyang sinabi at inalalayan niya pa ako sa pagsakay.
"Galit ka ba?” Tanong ko sa kanya ng mahina dahil napaka tahimik niya. Pakiramdam ko ay talagang nagtatampo siya dahil first anniversary namin ngayon pero malapit nang mag alas dose.
"Im not mad. Siguro dahil nakaidlip ako kaya di lang siguro maganda ang gising ko. Im sorry.” Sabi naman niya at tipid na ngumiti sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng manibela at pinisil ito. Gumanti naman siya ng pisil at tumingin siya sa akin at pinipilit niyang ngumiti. Aw nagtatampo ang baby ko pero naiintindihan ko naman siya. Tinanggal ko ang ikinabit niya nang seatbelt kanina at niyakap ko siya. Gumanti naman siya pero agad din akong bumitaw at hinawakan ang mukha niya. Tinawid ko ang distansiya naming dalawa at hinalikan siya sa labi. Agad naman niya akong sinuklian ng mapusok at malalim na halik hanggang sa halos di na kami makahinga!
Bumaba ang mga labi niya sa aking leeg at napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa aking dibdib. Para kaming apoy na nagliliyab kaya diko napigilan ang umungol. Humihingal niya akong tinitigan at muling kinintilan ng halik sa noo, tungki ng ilong, at mga labi.
"Let's go home." Mahina niyang sinabi na tila nahihirapan pa saka niya pinisil ang baba ko at umayos na ng upo.
Si Niko ang laging nagpipigil sa tuwing halos mawalan kami ng kontrol. Kaya lalo ko siyang minamahal dahil kahit alam kong nahihirapan siya ay grabe ang pagpipigil niya dahil nirerespeto niya daw ako. Makakapaghintay naman daw siya.
Dumiretso muna kami sa apartment niya and I was really surprised na merong mga balloons, flowers, and even candles sa floor kaya lalong nagmukhang cozy at romantic ang place nila. Grabe yung puso ko. Napakasaya ko.
Niyakap niya ako mula sa likuran at inabot ang bouquet ng magagandang bulaklak. I am so overwhelmed kaya napaharap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Its almost 12. Let's make the remaining minutes of our anniversary worth.." pinutol ko na ang sasabihin niya at hinalikan siya sa labi.
"I love you so much Niko. Thank you! Thank you baby!" Maluha luha kong sabi sa kanya nang kapusin kami ng hininga.
"I love you more." Madamdamin nitong sagot at muli niya akong hinalikan.
"I can’t get enough of you. You're so sweet.." bulong niya sa tainga ko na lalong nagpakiliti sa akin.
Kung kailan lumalalim doon siya tumitigil.
Ah! How I love this man!
NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b