Ala una ng madaling araw nang tinatawag ako ng kalikasan. Nasa labas kasi ang common rest room kaya kinailangan ko pang bumaba sa kubo. Bumungad sa akin ang napakalamig na ihip ng mabining hangin pagkalabas ko. Mas maginaw pa dito kesa sa Baguio!
Pabalik na sana ako ng kubo pagkatapos kong mag cr nang mapansin kong tumakbo galing sa kubo nila Niko si Gab at kung di ako nagkakamali ay umiiyak. Napakunot noo ako dahil anong ginagawa niya doon sa gantong oras? May problema ba siya? Baka naglabas na saloobin kay Niko at Von. Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na sa kubo namin. Nang akma kong isasara na ang pintuan ay may nakita akong dalawang tao sa di kalayuan na nag-uusap. Inaninag kong mabuti at nanlaki ang mga mata ko nang ma recognize ko sila kahit nakatalikod sila. Si Von at saka si Max! Sabi ko na nga ba at may something din sa dalawang yan eh. Pero teka, kung nandiyan si Von..ibig sabihin si Niko lang ang nasa loob ng kubo? Kung ganun, anong ginawa ni Gab doon sa kubo ni Niko? Naging palaisipan sa akin yun hanggang sa igupo ako ng antok.Nakaligo na at nakapag-ayos na si Jen pagkagising ko kinaumagahan. Mag-uumaga na nang tuluyan akong makatulog kagabi."Oh tinanghali ka na ng gising madame! Mukhang napuyat tayo kagabi ah?” May halong panunudyo ang tinig ni Jen. Akala siguro niya ay lumabas pa ako at nakipagkita kay Niko!"Namamahay lang siguro. Anong oras na ba? Low batt pala tong cellphone ko." Pupungas pungas kong sabi sa kanya."Alas otso na, bilisan mo na at nang makapag breakfast na tayo. Kanina ka pa tinatanong sa akin ng boyfriend mo."Para namang nagising ang inaantok ko pang dugo sa sinabi niya kaya mabilis na akong kumilos dahil nakakahiya naman kung ako na lang pala ang hinihintay nila.
Ginugol namin ang tatlong araw namin dito sa Sagada sa pamamasyal. Namasyal kami sa mga tourist spots dito tulad sa Bumud-ok falls na kung saan ay napakaganda sanang maligo pero napakalamig naman ng tubig! Ang mga boys lang ang naglakas loob na maligo.“C’mon baby! The water’s warm!” Paghihikayat ni Niko sa akin. Nagdala din kasi kami ng mga extra naming damit in case na maliligo rin kami pero halata namang malamig ang tubig dahil napasigaw sila nang mag dive sila.“Warm ka diyan! Ayan nga na at nanginginig ka na sa ginaw.” Tumatawa kong sabi sa kanya. Halata namang ginaw na ginaw na sila.“Sige na baby para maging warm ang water kapag nandito ka coz you’re hot.” Sabi pa nito at kinindatan pa ako! Kunwari ko naman siyang inirapan sa panunudyo niya sa akin. Umupo naman ako para sabuyan siya ng tubig. Grabe, napakalamig nga ng tubig!“Huwag mo nga akong pinaglololoko diyan, Niko. Umahon na kayo. Masyadong malamig ang tubig.” Sabi ko dahil baka magkasakit pa siya. Lumangoy pa sila saglit at umahon na din.Namasyal din kami sa may hanging coffins at sa blue soil hills. Napaka ganda talaga dito! At syempre hindi makokompleto ang pamamasyal namin dito kung hindi namin titikman ang mga specialty nila dito. Kaya puro din lamon ang ginawa namin dito. At pwede ko ba namang makalimutan ang coffee? Nagustuhan ko talaga ang coffee kaya bumili pa ako at pati sila tita Jelai ay binilhan ko din.Na in love ako sa Sagada! Napaka ganda at napaka peaceful. Gustung gusto ko yung vibes dito. Siguradong babalik pa ako dito."Did you enjoy our trip?" Masuyong tanong ni Niko. Pauwi na kami ngayon.Hindi rin nawala sa isipan ko yung about kay Gab lalo na't kapansin pansin ang pagiging matamlay niya. Pero hindi naman nagbago ang treatment sa akin ni Niko kaya ipinagkibit balikat ko na lang. Baka may problema lang siya.Pero muli akong napaisip nang maalala kong kapansin pansin din talaga ang pag distansya niya sa akin mula nang maging kami ni Niko. Ipinagsa walang bahala ko yun pero ngayon parang nagdududa na ako. Hindi kaya nakakahalata si Dex?"Baby? Hey. Are you with me?" Untag ni Niko sa akin kaya nagising ako sa malalim na pag iisip."Ha? Uh sorry. May hang over pa ata ako sa Sagada. Ano ulit yun?" Pilit ang ngiti kong tanong sa kanya."Nag enjoy ka ba kako? Lalim ng iniisip natin ah.""Oo naman nag-enjoy ako lalo na’t kasama kita.” Sabi ko naman sa kanya. “Inaantok lang ako." Dagdag ko pa.Nag aalangan kasi akong itanong sa kanya at natatakot ako na baka tama ako. Natatakot ako na baka masira friendship namin ni Gab.SECOND sem na! Ang bilis ng araw at kunting kembot na lang ay ga graduate na ako. Hindi ako makapaniwalang graduating na ako. Parang kelan lang nang freshmen pa kami nila Jen.Uy himala dahil classmate ko si Jeff Ivan ngayon. At hindi lang basta kaklase dahil ka group ko pa siya. Ibig sabihin madalas kaming magkakasama dahil sa mga hospital at community duty. Maging sa case study at thesis namin makakasama ko siya. Siguro kung noon to na patay na patay pa ako sa kanya ay ako na ang pinakamasayang babae ngayon. Napangiti ako nang maalalang parang kailan ay patay na patay pa ako sa bestfriend ko."Jaz! Magka group ulit tayo ah." Sabi ni Dexter at tinabihan niya ako dito sa classroom."Oo nga eh. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha mo eh!" Biro ko sa kanya."Ouch grabe ka maka hurt ng feelings ha?" Kunwaring nasaktan naman niyang sabi."Uy uy palit tayo ng group Dex! Para ka group mo ang jowa mo at para maka group ko si Jaz! Pleaseee!" Si Max na lumapit at nakipagkumpulan sa amin ni Dexter. Magka group pa din kasi sila ni Gab."As if naman pwede! Asa ka Maria Xandra!" Sabi ni Dexter. Hindi kasi pwede yung sina-suggest niya.Ewan ko ba dito kay Dex at sa akin pa lumapit eh andun sa likod si Gab at may mga kakumpulang iba din naming mga kaklase."Ehhh ano ba yan! Boring sa group namin eh!" Parang batang maglulupasay si Max kaya tinawanan namin siya ni Dex. Masaya kasi sa group namin dahil kasama namin ang mga boys na kengkoy tulad ni Dex."Jazzy! Boyfriend mo!" Tawag naman sa akin bigla ni Anne.Medyo nagulat naman ako at hindi ko naman ini-expect na pupuntahan niya ako dito sa classroom. Tinukso pa ako ng mga ka block ko at nakakainggit daw sabi ng mga girls at napaka gwapo ng boyfriend ko. Aba syempre naman. Lihim naman akong napangiti. At lalo pa akong napangiti nang makita ko siya. Napaka gwapo nga naman kasi ni Niko na naka sweatshirt ng black ngayon at medyo hapit sa maganda niyang katawan at naka khaki pants siya at naka bonnet pa. Agad naman akong lumabas at nilapitan siya."Hi! Napadaan ka?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko.
"Wala. Na miss lang kita. Di mo ko na miss?" Lambing naman niya at hinawakan ako sa bewang. Ang clingy! Gustong gusto mo naman di ba?" Syempre na miss! Wala ka pa bang klase?”
“Wala na. How about you? Wala naman kayong instructor?” Tanong niya at sumilip pa sa room namin. Halos magtilian pa tuloy ang mga bakla kaya napailing na lang ako at natatawa.“Wala nag-uusap usap lang kami ng mga bago kong groupmates. I’ll just get my bag at alis na tayo." Pumasok naman ako sa room at kukunin ang bag ko nang magsalita si Jeff."Where are you going? Mag mi meeting pa tayo para sa duty natin next week." Seryoso nitong sabi kaya hindi agad ako nakahuma."Pwede naman sa group chat di ba?" Tanong ko naman at tumingin ako sa mga iba ko pang ka group."It's okay Jaz! Go ka na! Di magandang pinaghihintay ang gwapong boyfriend!" Si Anne naman na halatang kilig na kilig din. Nagpasalamat naman at nagpaalam sa kanila.Lalabas na sana ako nang maunahan ako ni Gab. Mabilis siyang lumabas at ni hindi man lang niya nilingon si Niko. Mukha namang ipinagsawalang bahala ni Niko yun at sa halip ay si Jeff pa talaga ang napansin niya."Dito din siya?" Tanong niya sa akin at kay Jeff siya nakatingin."Ah oo, ka group ko din siya." Nag-aalangan kong sabi sa kanya dahil nga pinag seselosan niya lagi ito. Napatango na lang siya pero bigla siyang sumeryoso. Ito na nga ba ang sinasabi ko."Let's go." Yakag niya sa akin at nagpatianod naman ako.Sa apartment nila niya ako dinala at ipagluluto niya daw ako ng lunch. At habang nagluluto siya ay naglakas loob akong tanungin siya."Niko.. may problema ba kayo ni Gab?" Mahina kong tanong. Natigilan siya pero agad ding nakabawi."Wala naman." Matipid niyang sinabi kaya hindi na ako nag-usisa pa dahil halata namang umiiwas siya.Hindi na lang din ako umimik at naging awkward tuloy ang katahimikan. Hinugasan ko na lang ang mga pinag gamitan niya sa pagluluto.Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likuran at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko."What time is your next class again? Diko pa kabisado bagong sched mo." Malambing nitong tanong.Napabuntong hininga na lang ako. Naglalambing kasi siya dahil alam niyang kahit di ako magsalita ay nagtatampo ako. Nirerespeto ko naman kung anuman yun pero diko talaga mapigilang magtampo. At nagtataka na talaga ako at iba na din ang nararamdaman ko.Tuluyan ko na ngang nakalimutan ang pagtatampo ko dahil sa kalambingan ng lalaking to. Kulang na lang subuan niya pa ako sa sobrang pag aasikaso niya sa akin.Nagpahinga naman kami dito sa sofa pagkatapos naming kumain at papasok na din kami maya-maya."I'll just change. Amoy ulam ako." Sabi niya at tumayo na siya at agad niyang hinubad ang sweatshirt niya.
Oh my gosh! Those abs! Bigla akong nag iwas ng tingin. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko ngayon at nagkukulay kamatis na naman! Napakaganda talaga ng katawan niya. Para talaga siyang greek god!"Baby?" Tanong pa nito at hindi pumasok ng kwarto niya para magbihis. Ano ba? Magkakasala pa ang mga mata ko niyan eh."Oh?" Sagot ko naman sa kanya pero hindi ako makatingin sa kanya. Kunwaring tinitignan ko ang mga pudpod kong kuko sa kamay."Pakamot naman ng likod ko saglit oh. Makati eh baby." Hindi ako nakakilos dahil mabilis siyang lumapit at inumang ang malapad niyang likod sa akin! Oh my gosh Niko! Are you trying to seduce me? Please don't! Sigaw ng isip ko.Halos manginig naman ang mga kamay kong unti-unti kong idinampi sa likod niya. At wala akong choice kung hindi kamutin at may namumula nga. Shocks, anong klaseng parusa ito? Ang lapad ng likod niya. Gosh! Likod pa lang, ulam na! Kalma, Jaz!Tumikhim ako para hindi halatang tensed ako."Oh ayan namumula lalo. Magbihis ka na bilis baka malamigan pa likod mo." At marahan ko na siyang itinulak. My gosh, mahirap na!NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b