Share

Kabanata 17

MATAPOS makalabas ng building. Dumiretso kaagad kami sa kainan nitong resort. Kitang kita ko kaagad ang mukhang malinis na dagat. Medyo malayo iyon sa amin kaya medyo nanghinayang ako.

"Ano'ng gusto niyong kainin?" rinig kong tanong agad nong Paul pagkakita ng mga upuan at lamesa sa isang malapad at malaking silungan.

Nakita kong halos lahat ng upuan, bakante. Buong room nga siguro ng building na pinags-stay-an namin, e bakante din. Mukhang walang katao tao rito sa resort except sa amin.

"Kahit ano, ako naman magbabayad, e." Naramdaman kong humiwalay sa pagkakagapos sa akin si Damaris. Naglakad siya at maya maya sinulyapan kami ng katabi ko na magkadikit pa rin.

Naiwas ko kaagad ang paningin ko sa babae dahil sa halakhak niya habang nang aasar na pinagmamasdan ang kamay ni Allen na ngayon ay nasa bewang ko pa din. Sinulyapan ko si Allen at laking tuwa ko nang hindi niya man lang binigyang pansin ang pang aasar ni Damaris sa amin.

Napakaseryoso ng mukha niya. Para siyang may malalim na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status