Mag-log inMY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 203RD POV “Mommy, mukhang ang saya niyo ngayon..” Wika ni Zafira, habang nilapitan nito ang kanyang ina.“Tama ka anak, dahil alam mo bang galit na galit ang ina ni Darius kay Jane..” ngiting sagot niya sa kanyang anak. “Talaga Mommy? Pero bakit? Ano ang ginawa mo?” “Pinahuli ko siya sa pulis,” namilog ang mga mata ni Zafira, dahil sa sinabi niya rito. “Pinahuli mo?” Ulit na tanong ng kanyang anak, habang mabilis siyang tumango rito. “At alam mo bang doon ko ginawa sa mansion ng mga Westwood..” “Mommy! Ang galing mo talaga! Ikaw na talaga ang pinakamagaling sa lahat!” tuwang wika sa kanya ni Zafira. “At ‘wag kang mag-alala anak, dahil hindi na siya makakalabas pa sa kulungan na ‘yon..” “Talaga ba Solene?” Gulat silang napalingon at nakita si Jane na nakatayo. “J-Jane..” Hindi makapaniwala na sambit ni Solene, habang nakita niyang papalapit sa kanya si Jane. “May pasalubong din pala ako sa ‘yo, ipasok niyo sila!” M
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 193RD POV “Hindi ko matanggap, na gano’ng klaseng babae ang pakakasalan mo Darius..” Wika sa kanya ng kanyang ina, habang inalalayan niya itong umupo sa sofa. Kahit siya ay naguguluhan, dahil hindi niya akalain na basta nalang papayag ang kanyang ama, na ikasal siya sa gano’ng klaseng babae. Gusto niya rin sana itong samahan, pero alam niyang ayaw ng kanyang ina, at iniisip niyang mas lalo lang siyang mapapahiya ro’n. “’Wag kang mag-alala anak, kakausapin ko ang ama mo, hindi ako papayag na maikasal ka sa babaeng ‘yon, dahil isa siyang kahihiyan sa pamilya natin.” “Mukhang hindi papayag si Daddy sa gusto mo Mommy..” Sagot niya sa kanyang ina, kaya mabilis itong napatingin sa kanya. “At bakit hindi? Hindi ka pwedeng magpakasal sa babaeng ‘yon, dahil sa kawalang hiyaan niya! Gusto mo bang pagtawanan tayo sa lahat ng taong nakakakilala sa atin, sa oras na malaman nila ang tunay na pagkatao nito?” galit na wika sa kanya ng
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 183RD POV “Mukhang naghahanda kana sa nalalapit mong kasal..” Wika ni Solene, kaya napatingin sa kanya si Jane.“Bakit? Balak mo bang sirain ang araw na ‘yon?” Mabilis siyang natigilan, habang na-ikuyom nito ang kamao. “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Alam ko naman na wala na akong magagawa. Pero hindi ko akalain na magugustuhan mo si Darius..” “At bakit hindi? Gusto siya ni Zafira, kaya gusto ko na rin siya.” Kunot-noo siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Simple lang, ang gusto ko, mapapasa-akin ang lahat na meron ang anak mo.” Mas na-pahigpit ang pag-kuyom niya sa kanyang kamao, dahil sa sinabi nito.“Wala siyang ginawang kasalanan sa ‘yo, bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ‘to?” galit na tanong ni Solene, habang malakas itong humalakhak.“Walang ginawa?” Iling nitong wika. “Alam mo kung ano ang ginawa mo, pati na rin ng anak mo sa akin, kaya sana ‘wag ka nang magka-ila pa
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 173RD POV "Kumusta na si Lola, Mommy?" tanong niya sa kanyang ina, matapos niya itong lapitan. "Ayos na siya Zafira. Ang sabi ng doctor nabigla lang siya." "Kasalanan talaga 'to ng Jane na 'yon Mommy, kailangan mo ng gumawa ng paraan, para mapa-alis siya sa bahay natin." "'Wag kang mag-alala Zafira, ako na ang bahala, at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Mommy." Madiin na wika ni Solene, habang napa-kuyom ito sa kamao. "Solene!" Sabay silang napalingon, at napalingon nang makita nila si Alvin."Ano ang nangyari sa 'yong ina Solene?" galit na tanong sa kanya ng kanyang ama. "Ang sabi ng doctor, Dad, na bigla lang daw si Mommy sa mga nangyayari," kabado na sagot niya sa kanyang ama. "Ako dapat ang sisihin sa lahat ng 'to, dahil kung hindi sana dahil sa akin, ay hindi 'to mangyayari sa 'yong ina.""Dad, wala kang kasalanan, ang bastardang anak ni Alvin ang may kasalanan sa lahat ng 'to!" Galit na wika ni Sole
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 163RD POV “Sa tingin mo kaya kitang saktan Zafira? Anak kita at hindi ko hahayaan na masaktan ka!”“Kung gano’n, gumawa ka ng paraan, para hindi matuloy ang kasal nila ni Jane at Darius, Alvin.” Wika sa kanya ni Solene, kaya napatingin siya rito. “Ihahatid ko na muna ang anak natin sa bahay ni Mommy, dahil ayaw kung mas lalo pa siyang masasaktan dito.” Wika ni Solene, habang mabilis na hinawakan ang braso ng anak nilang si Zafira. “Mommy, tama si Daddy, hindi tayo ang dapat umalis sa bahay!”“Alam ko Zafira, at ‘wag kang mag-alala, dahil gumagawa na ako ng paraan. Minsan ko na siyang napa-alis at pinahiya, kaya hindi na ako mahihirapan pang gawin ‘yon..” Malawak na na-pangiti si Solene, habang hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina. “Gustong-gusto ko na siyang makitang napahiya Mommy, at gusto kung makita ang pagbagsak niya.” “’Wag kang mag-alala, dahil gagawin ko ang lahat mawala lang ang babaeng ‘yan, at hindi lang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONBOOK IIICHAPTER 153RD POV “Kung ayaw mong pumayag sa gusto ko, madali lang naman akong kausap, hindi ko itutuloy ang project na ‘yon at kausapin ko sila na tanggalin ang kumpanya niy-.”“’Wag mong gagawin ‘yon Jane..” Wika ni Alvin, kaya napatingin ito at malawak na ngumiti. “’Yan ang gusto ko, madali kayong kausap, dahil baka paalisin ko kayo sa bahay na ‘to.” Gulat na na-patingin si Solene, sa asawa niya, dahil sa kanyang narinig mula kay Jane. “Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ‘yon? At bakit ka pumayag na sa silid siya ni Zafira?” galit na tanong niya rito. “At ano ang gusto mo? Gusto mo bang maghirap tayo, at mawala ang kumpanya?!” “Pero Dad? Ano bang meron sa babaeng ‘yan? Bakit napapasunod niya sila?” iyak na tanong ni Zafira. “Wala rin akong alam, hindi ko alam kung ano ang meron kay Jane, lalo na at wala naman siyang ibang pamilya bukod sa akin. Kung gusto niyo ring manatili sa atin ang kumpanya, at kung gusto n’yong hindi t







