CHAPTER 163RD POV Hindi niya napigilan na mapahalakhak habang nakatingin kay Grace. “Sa tingin mo talaga gagawin ko ‘yon?” Iling na wika niya. “Nasa inyo na ‘yan kung maniniwala kayo sa kanya.” Wika niya at tinalikuran sila. “Layla!” Napahinto siya at napalingon. “Sa wakas, nagpakita ka rin.” Wika niya kay Mike, at lalapitan sana ito. Pero may mga lalaki na humarang sa kanya. “Bakit gusto mong kidnap-in ako?” Galit na tanong nito sa kanya, kaya napangiti siya. “‘Yon ba ang sinabi niya?” Sagot niya habang ang tinutukoy ay si Grace. Nailing si Keana, dahil hindi niya akalain na babaliktarin siya nito. Ito kasi ang narinig niya kanina na pinag-usapan ni Grace at ng mga lalaki na inutusan nito. “Ang kapal din pala ng mukha mo.. Hindi kana nakuntinto sa perang binigay ko sa ‘yo!” Galit na sigaw nito, pero wala siyang balak na sagutin ito, dahil ayaw niyang makipagtalo kay Mike. “Sa bagay ano pa ba ang aasahan ko, mukha ka namang pera.” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa sinabi
CHAPTER 15 3RD POV “Excuse me..” Mahinang wika ng isang ginang, kaya napalingon dito si Keana. “Bakit?” Sagot niya, habang panay ang paglingon, dahil hinahanap niya pa rin si Mike. “Pwede bang ‘wag kang sumigaw Hija, nakakahiya kasi sa mga bisita.” Wika nito, kaya tinitigan niya ito. “Kailangan kung mahanap ang walang hiyang Mike na ‘yon.” Sagot niya, habang bakas sa mukha ng ginang ang gulat. “B-bakit galit ka sa kanya?” Tanong nito. “Sino ba ang hindi magagalit. Bigla niya nalang akong hinalikan sa labi. Alam mo bang first kiss ko ‘yon? Ninakaw niya!” Galit na sagot niya, habang bigla nalang natawa ang babae. “Sandali lang, kilala mo ba siya?” Tanong niya, habang napakunot ang kanyang noo, dahil sa paghalakhak ng babae. “Rose..” Napalingon siya sa isang lalaki na lumapit sa kanila. Medyo may edad na ito at sa tingin niya ay asawa ito ng ginang na nasa harapan niya. “Ano ba ang nangyayari rito?” Tanong ng lalaki. “Ikaw ba si Layla?” Tanong ng ginang, habang hindi pa rin na
CHAPTER 14 3RD POV “Walang hiya ka!!” Malakas niyang sigaw habang lumabas. Sumunod naman sa kanya si Mike, habang malawak itong napangiti, at may nakalagay ng tuwalya sa kanyang bewang. “Gusto ko bang putulin ko ‘yan?” Galit na wika niya, habang hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi. “Ano bang kinaga-gagalit mo? Ikaw naman ang pumasok bigla sa silid ko.” Wika nito, habang umupo sa sofa. “Bakit mo kasi iniwang bukas ang pinto? At kanina pa ako katok ng katok, ni hindi mo man lang binuksan!” “Paano ko bubuksan? Nakita mo naman na wala akong damit.” Sagot nito. “Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo ba ako pinapa-punta rito?” Inis na tanong niya, dahil gusto niya sana na samahan ang pinsan niyang si Daisy. “Gusto kasi ni Mommy at Daddy, na pumunta tayo sa bahay namin.” Wika nito, kaya gulat siyang napatingin dito. “Pupunta tayo sa inyo?” “Oo, at pwede bang mag-bihis ka ng matinong damit.” Napa-yuko siya at tiningnan ang damit niya. “Bakit? Maganda naman ‘tong suot ko
CHAPTER 13 3RD POV “Ano ‘to?” Tanong ni Mike, sa kanya matapos niya itong bigyan ng pera. “Bayad nila sa atin.” Sagot niya. “Hindi ko kailangan ‘yan.” Wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “Sa ngayon hindi pa, pero kailangan mo pa rin mag-ipon.” Wika niya at kinuha ang kamay nito. “Itago mo ‘yan, kung ayaw mong baliin ko ‘yang kamay mo.” Madiin na wika niya rito. “Ano pang hinihintay mo?” Muling wika niya rito. “Hindi mo na kailangan pang pumunta sa bahay.” Wika nito at sumunod sa kanya. Lihim naman siyang napangiti, dahil sa kanyang narinig. “Bakit?” Tanong niya rito. “Umalis na ang mga magulang mo, dahil hindi tayo umuwi.”“Dapat sinabi mong may ginagawa pa tayo rito.”“Sinabi ko na.” “’Di mabuti.” Balewala na wika niya. Habang nasa loob ng eroplano, ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Keana, mabuti nalang at nakipag-kaibigan siya sa isa sa mga staff ng hotel, kaya kinuha sila bilang waiter. “Malapit ko na talagang maibalik ang pera ko!!’ Malakas na sigaw ni
CHAPTER 12 3RD POV Habang papasok sa hotel, ay nagtataka pa rin siya, dahil hindi siya nakilala ni June. Ang akala niya noong una, ay nagbibiro lang ito. “Hoy! Hindi mo ba ako naririnig?” Napatingin siya sa kamay ni Mike, na nakahawak sa kanyang braso. “Bitawan mo ako.” Madiin na wika niya rito, kaya agad siya nitong binitawan. Hindi na siya nag-salita pang muli at basta nalang itong iniwan. Nang makapasok siya sa loob ng kanyang hotel room, ay napatingin siya sa kanyang phone. Balak sana niyang tawagan ang pinsan niyang si Daisy, pero hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang tungkol kay June. “Pero teka lang, baka makilala niya si Daisy?” Wika niya at kukunin na sana ang phone, nang maalala niya ang babaeng kasama nito sa bar. “Hindi kaya nagpapanggap lang siyang hindi niya ako kilala? Para sa babaeng ‘yon?” Napahinga siya nang malalim at muling binaba ang kanyang phone. “Ayoko nang masaktan pa siya.” Malungkot na wika niya. Napatingin naman siya sa pinto nang makarinig
CHAPTER 11 3RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” Galit na tanong sa kanya ni Mike, kaya kunot-noo niya itong tiningnan. “Ang alin?” “Bakit mo nilalandi ang taong may nobya?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya. “Ano? Anong nilalandi?” “Damn Layla! Kung gusto mo ng lalaki humanap ka naman ng walang girlfriend.” Hindi niya napigilan na matawa, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ganun ba ang tingin mo sa akin?” Iling na wika niya rito. “Alam mo, hindi ko nilalandi ang lalaking ‘yon.” Balewala na sagot niya, habang umupo at napatingin sa lamesa, kung saan niya nakita si Jue. Pero nang tingnan niya ulit ito ay hindi na niya ito nakita. “Sa tingin mo, maniniwala ako?” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Kung gusto kung lumandi, dapat sa ‘yo ko nalang ginawa.” Wika niya at tumayo. “Sa’n ka pupunta?” Tanong nito, habang hinawakan ang kanyang braso. “Sa kotse. Doon nalang kita hihintayin.” Sagot niya, habang tinalikuran ito. NANG makapasok sa kotse si Keana, ay muli