Share

CHAPTER 32

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2025-08-02 13:23:36

CHAPTER 32

3RD POV

“Marie!!” Muling sigaw niya, habang inikot ang buong bahay.

“Ahh!!” Napasigaw siya sa galit nang hindi niya mahanap si Marie at ang mga anak niya sa buong bahay.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang kotse at agad na sumakay. Kinuha niya ang kanyang phone, para tawagan ang kanyang tauhan.

“Alamin mo kung nasaan si Marie at ang mga Anak namin.” Utos niya rito at mabilis na binuhay ang kanyang sasakyan.

Nang marating niya ang bahay ng mga magulang ni Marie, ay hindi niya na iwasan na magtaka, dahil tahimik ito.

“Nasaan sila?” Tanong niya sa guard nang malapitan niya ito.

“Umalis po sila Sir, at matagal pa po silang babalik.” Na-pakunot ang noo niy, Dahil sa narinig niya mula rito.

“Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?”

“Pumunta po sila sa ibang bansa, at ang sabi ni Madam, matagal pa bago sila bumalik dito.” Sagot ng guard sa kanya.

“Saang bansa sila pumunta?” Tanong niya habang umiling ito.

“Hindi ko po alam Sir.” Sagot nito sa kanya, habang tinadyaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
thank you po update
goodnovel comment avatar
Jeosh Borillo
matauhan ka na at magbagong Buhay gael para sa mga anak at asawa mo...para bumalik na sila sayo
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
iyang Ang bagay Sayo Gael thank you sa update ma'am God bless you always
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 32

    CHAPTER 32 3RD POV “Marie!!” Muling sigaw niya, habang inikot ang buong bahay.“Ahh!!” Napasigaw siya sa galit nang hindi niya mahanap si Marie at ang mga anak niya sa buong bahay. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang kotse at agad na sumakay. Kinuha niya ang kanyang phone, para tawagan ang kanyang tauhan. “Alamin mo kung nasaan si Marie at ang mga Anak namin.” Utos niya rito at mabilis na binuhay ang kanyang sasakyan. Nang marating niya ang bahay ng mga magulang ni Marie, ay hindi niya na iwasan na magtaka, dahil tahimik ito. “Nasaan sila?” Tanong niya sa guard nang malapitan niya ito. “Umalis po sila Sir, at matagal pa po silang babalik.” Na-pakunot ang noo niy, Dahil sa narinig niya mula rito.“Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Pumunta po sila sa ibang bansa, at ang sabi ni Madam, matagal pa bago sila bumalik dito.” Sagot ng guard sa kanya.“Saang bansa sila pumunta?” Tanong niya habang umiling ito.“Hindi ko po alam Sir.” Sagot nito sa kanya, habang tinadyaka

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 31

    CHAPTER 31 3RD POV “Gael! Tama na!!” Iyak na sigaw ni Jessica sa kanya, habang patuloy niyang sinusuntok ang kaibigan niyang si Alvin. “Napaka-walang hiya niyo!! Lalo kana!! Tinuring kitang higit pa sa kapatid ko! Pero ito lang ang iganti mo sa akin hayop ka!!” Galit na sigaw niya habang pinipigilan siya ni Jessica.“Isa ka pa!! Alam mo bang ikaw ang sumira sa pamilya ko?!” Galit na sigaw niya matapos itong tinulak. “Simula nang sinabi mo sa akin na buntis ka, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun, p-pero ito.. Ito lang ang malaman ko! Na hindi ko pala ang batang ‘yon!!” Muling sigaw niya, habang patuloy na umiiyak si Jessica. “Alam mo bang mas pinili ko pa ang batang ‘yon, kaysa sa mga Anak ko! At ang mga panahon sana na ginugol ko para sa anak mong hay*p ka!! Ay dapat sana sa mga Anak ko!!” “At iakw, ‘wag na ‘wag ka nang mag-papakita sa akin, dahil baka mapatay lang kita.” Madiin na wika niya, habang nakatingin kay Alvin. Mabilis niya silang iniwan, dahil baka ano pa ang ma

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 30

    CHAPTER 30 3RD POV Malakas na nag-iiyakan ang dalawang bata, dahil sa ginawa niya. Pero hindi niya ito pinansin, dahil ang mahalaga lang sa kanya ay makuha sila pati na rin ang kanilang ina.“Gael! Tama na!” Iyak na wika sa kanya ni Marie.“Sasama na ako..” Muling wika nito sa kanya. “Kung ganun, sumakay kana.” Madiin na wika niya at mabilis na pinasok muli ang dalawang bata sa loob ng kanyang sasakyan. “Bakit mo inaaway ang Mommy namin?!” Galit na sigaw sa kanya ni Maximus. “Masama ka!! Pinaiyak mo si Mommy, malalagot ka sa akin!!” Sigaw nitong muli, habang niyakap sila ni Marie. “Isusumbong ka namin sa Lola at Lolo namin! Malalagot ka!!”“’Wag mong gawin ‘yon Anak..” Narinig niyang wika ni Marie. Habang nasa daan lang ang atensyon niya. Nang makarating sa dati nilang bahay ay agad niyang kinandado ang gate at muling sumakay sa kanyang kotse. Sinisiguro niya na hindi makakatakas sa kanya si Marie at ang dalawa niyang mga anak. “Bumaba na kayo.” Wika niya, matapos buksan ang p

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 29

    CHAPTER 293RD POV “Saan tayo pupunta?” Tanong ng isang bata sa kanya, matapos niya silang ipasok sa loob ng kanyang kotse. “Mamasyal.” Ngiting sagot niya rito.“Talaga?” Wika nito sa masayang boses. “Pero baka hahanapin kami ni Mommy.” “Ano kaba naman Maxwell. Hindi niya tayo hahanapin, dahil magkakilala naman sila ni tanda.” Hindi niya napigilan na mailing dahil sa kanyang narinig. “Teka lang, magka-ibigan na kayo?” Narinig niyang tanong ni Maximus sa kakambal nito. “Oo,”“Kaibigan mo na pala ang kapatid ko, kaya kaibigan na rin kita.” Ngiting wika nito sa kanya, habang kumindat. Lalong napangiti si Geal, dahil sa ginawa ng kanyang anak.“Ano pala ang regalo mo sa akin?” Tanong nito sa kanya, kaya napalingon siya rito. “Regalo?” Kunot-noo na sagot niya rito.“Oo, hindi mo ba alam, na kapag bagong kaibigan ay nagbibigay ng regalo?” Napangiti siya, dahil sa sinabi nito sa kanya.“Ano ba ang regalong gusto mo?” Tanong niya rito. “Alam mo, hindi sa pagmamayabang. Pero nasa amin

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 28

    CHAPTER 28 3RD POV “Hindi mo man lang ba ako paupu-in? Ganyan kaba sa mga bisita mo? Anong klase kang kapatid?” Galit na wika nito sa kanya. Napalingon naman siya kay Edward, dahil narinig niya ang pagtawa nito. “Umupo ka.” Wika niya, habang lumapit ito sa kanya at umupo sa kanyang swivel chair.“Ngayon sabihin mo sa akin, kung paano ka nakarating dito?” Tanong niyang muli sa anak niya. “Sumakay ako sa kotse mo.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sinabi nito sa kanya.“Alam ba ‘to ng Mommy mo?” “Hindi, pero ‘wag kang mag-alala mamaya alam na niya at pupuntahan niya ako rito.” Sagot nito sa kanya. “Alam mo ba ang tungkol sa kanila?” Tanong niya kay Edward, at mabilis itong tumango.“Bakit hindi mo sinabi?”“Ayaw ng mga magulang mo.” Sagot nito, kaya na-pahinga siya nang malalim. “Alam mo, ang liit ng opisina mo. Para lang ‘tong silid namin sa opisina ni Mommy.” Iling na wika nito sa kanya.“Paano, maiwan ko muna kayong mag-ama. Ikaw na muna ang bahala sa anak mo.” Natatawang w

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 27

    CHAPTER 27 3RD POV “Aalis ka?” Napalingon siya kay Jessica, dahil sa tanong nito sa kanya. “Magkikita lang kami ng mga kaibigan natin.” Sagot niya, habang mabilis siyang hinarangan nito.“Bakit kayo magkikita?” Napakunot ang kanyang noo, dahil sa tanong nito sa kanya.“Nagpapatawa kaba? Bakit mo tinatanong ‘yan? Alam mo naman na kaibigan ko sila.”“A-ang ibig kung sabihin, bakit hindi nalang sa susunod na araw kayo magkita.”“Gusto mo ba akong ikulong dito?” Tanong niya rito.“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Gael! Alam mo naman na ayaw ko lang na uminom ka, lalo na at may bata tayong kasama.” Sagot sa kanya ni Jessica, sa galit na boses.“Hindi ako iinom, kaya pwede ba. Hayaan mo muna akong umalis.” Wika niya at iniwan ito. “Gael! Paano kung magising si Jane? Tiyak na hahanapin ka niya.” Napapikit siya sa kanyang mga mata, habang napalingon dito.“Alam mo bang iiyak na naman siya, kapag hindi ka niya makita.” Muling wika nito, kaya wala siyang nagawa, kun’di ang bulik sa silid nila.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status