CHAPTER 37 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Hinawakan ni Ellie, ang kamay ni Johnson, na patuloy na nagmamasahe sa kanyang isang dibdib, kahit pa may nakaharang na damit at b*a nito. Pero parang balewala lang dito ang ginawa niyang pag-pigil. Patuloy naman ang paglalakbay ng d*la nito sa bawat sulok sa loob ng bibig niya. “Ummm..” Hindi napigilan ni Ellie, na mapa-ungol dahil sa patuloy na ginagawa ni Johnson, sa kanya. Lalo na at nakaramdam siya ng libo-libong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan. Namilog naman ang kanyang mga mata, nang bigla nalang nitong sirain ang kanyang damit. “Ano ba?” Inis na wika niya, nang bitawan nito ang kanyang labi. Pero hindi ito nakinig sa kanya, at basta nilang sinubsob ang mukha nito sa leeg niya. na mas lalong nagpapakiliti sa kanya. Kahit anong pigil ni Ellie, sa sarili niya na ‘wag magpadala sa ginawa ni Johnson, ay kusa pa rin ang katawan niya na nagpapa-ubaya kay Johnson. Napapatingala si Ellie, habang patuloy na sinisipsip ni J
CHAPTER 38 3RD POV “Sa’n mo ba ako dadalhin?” Tanong niya rito, matapos siyang makapag-bihis. Nasa loob na muli sila ng kotse at napansin na ibang daan ang binabaybay nila. “Do’n sa lugar na malayo sa mga lalaking pumapaligid sa ‘yo.” Sagot nito, kaya kunot-noo niya itong tiningnan. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Pwede ba, ibalik mo na ako sa bahay, dahil kailangan kung bumalik sa trabaho.” “Hindi mo kailangan magtrabaho, kaya ko kayong buhayin.” Lalong nakaramdam ng inis si Ellie, dahil sa sagot nito sa kanya. “At ano ang gusto mo? Ang umasa ako sa ‘yo?” “Dapat ka namang umasa sa akin, dahil ako ang asawa mo.” Natigilan si Ellie, dahil sa sagot sa kanya ni Johnson. “Nagpapatawa kaba? Paano naman kita naging asawa?” Taas kilay na tanong niya rito. “Lagdaan mo ‘yan.” Wika nito, matapos nitong ibinigay sa kanya ang isang folder. “Ano ‘to?” Taka na wika niya, habang binuksan ito. Napakunot naman ang noo ni Ellie, matapos niyang mabasa ang nakasulat dito. “Nagpapatawa kaba?” I
CHAPTER 393RD POV Gulat na napatingin si Ellie, sa mga taong naghakot sa mga gamit niya. Kagigising niya lang, at hindi niya alam kung saan nila dadalhin ang kanyang mga gamit. “Ibaba niyo nga ‘yan! Saan niyo ba ‘yan, dadalhin ha?” Galit na wika niya, habang sinusundan sila. “Hija..” Napalingon siya sa kanyang ina, at dali-dali itong nilapitan. “Mom, sa’n nila dadalhin ang mga gamit ko? At nasa’n ang mga Anak ko? Bakit hindi ko sila nakikita?” Taka na tanong niya rito. “Hiniram ng mga biyenan mo. Ibabalik nalang daw nila mamaya, hindi kana rin nila ginising.” Sagot nito sa kanya. “A-ang mga gamit ko? Bakit nila kinuha? Pinapalayas niyo na ba ako Mom?” Halos maiyak na tanong niya rito. “Pina-lipat na ‘yan ni Johnson. Ang sabi niya, dapat nasa bahay niyo na raw ang mga gamit niyo ng mga bata.” Sagot nito, na kina-bilog ng kanyang mga mata. “Bakit kayo pumayag Mom? Hindi niya naman ‘yon, sinabi sa akin?” Inis na wika niya, kaya hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay. “Asawa
CHAPTER 40 3RD POV Hindi maiwasan ni Ellie, na magtaka. Matapos siyang makababa sa kanyang kotse. Masyado kasing tahimik ang bahay nila. “Wala ba si Johnson, sa loob?” Tanong niya sa guard. “Hindi ko po alam Ma’am.” Napakunot naman ang kanyang noo, dahil sa sinabi nito. “Hindi ba ikaw ‘yong guard? Bakit hindi mo alam?” Wika niya, habang nag-yuko ito ng ulo. “Kapapalit ko pa lang po sa kasama ko Ma’am.” Mahinang sagot nito sa kanya. Napahinga naman siya nang malalim, at iniwan ito. “Ang sabi niya, nandito siya. Sinungaling talag-.” Natigilan si Ellie, matapos makita ang mga bulaklak na nasa sahig. “Ano naman ‘to?” Inis siyang nagyuko para kunin sana ang mga bulaklak, pero agad siyang natigilan nang bigla nalang lumiwanag ang paligid at narinig niya ang sigawan ng kanyang mga anak. Nang mag-angat siya nang kanyang mukha ay nakita niya si Johnson, na may hawak na bulaklak. Ganun din ang dalawa nilang anak. “D-Dad..” Sambit niya, matapos makita ang kanyang ama. Na nakangiti sa k
CHAPTER 413RD POV “Daddy, saan tayo pupunta?” Tanong ni John-John, kaya napalingon dito si Johnson. “Mamasyal.” Ngiting sagot nito. “Mamasyal? Bakit hindi mo sinabi? Ang pangit tuloy ng suot ko.” Inis na wika niya rito. Hindi na kasi siya nagbihis, dahil ang sabi ni Johnson, ay lalabas lang sila saglit. “Hindi mo na kailangan pang mag-ayos pa, Wife. Kahit ano pang isuot mo. Maganda ka pa rin.” Wika nito, habang napatingin siya kay Johnson. “Tse!” Wika niya, habang lihim na napangiti at tumingin sa bintana ng kotse. “Totoo naman ang sinabi ko, kahit pa nga may laway ka sa labi. Maganda ka pa rin.” Dagdag nito, kaya hindi na niya napigilan pa na mapangiti. “Mommy, bakit ka tumawa?” Tanong sa kanya ng anak nilang si Jun-Jun. “Hindi tumawa ang mommy mo, Anak. Ngumiti lang.” Sagot ni Johnson, dito. “Kasi bolero ang daddy niyo.” Ngiting wika niya, habang napatingin kay Johnson. “Sasakay pa tayo rito?” Taka na tanong niya, habang nakikita ang private plane ni Johnson. “Oo, bakit?
CHAPTER 42 3RD POV “Hindi mo ba talaga ako nakilala?” Iling na wika ni Ellie, habang tinitigan ito mula ulo. Hanggang paa. “Itinuring kita na parang kapatid noon, pero ano ang ginawa mo? Niloko mo lang ako!” Galit na sigaw niya rito. Akmang aawat sana sa kanya ang kasama nitong bodyguard. Pero mabilis itong hinarang sa mga kasama nilang bodyguard. “Pinagmukha mo akong tanga.” “E-Ellie..” Hindi makapaniwala na wika nito, at tumingin kay Johnson. “I-ikaw ba ito Ellie?” “Ako nga.” Taas kilay na sagot niya rito. “Jameson.. B-bakit ka nakipag-balikan sa kanya? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ‘wag mo siyang mahali-.” Malakas siyang sinampal ni Ellie, kaya hindi nito natapos ang sasabihin nito. “Ang kapal talaga ng mukha mo!” Galit na sigaw niya. “Anong nangyari rito?” Tanong ng isang lalaki na medyo may edad na. “Mahal, sinampal ako ng babaeng ‘yan!” Iyak na wika ni Camille, habang niyakap ang lalaki. Halos matawa naman si Ellie, dahil sa itsura ng lalaki. Para na kasi itong tatay
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK X CHAPTER 1 3RD POV Kahit pinipigilan ni Daisy, ang kanyang mga luha ay kusa pa rin itong bumagsak. “Ayos lang po ba kayo Ma’am?” Nag-alala na tanong ng kanyang driver sa kanya. Kahit hindi siya okay, ay pilit siyang tumango at ngumiti rito. “’Wag mo akong intindihin Manong, ayos lang ako.” Ngiting wika niya, habang pinunasan ang kanyang mga luha. Sa tuwing iniisip niya kasi si Johnson, ay bumabalik ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya akalain na-mamahalin niya ito ng husto, kahit pa alam niya na hindi siya ang mahal nito. Sinubukan niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, pero bigo pa rin siya, dahil ang kanyang ate Ellie, ang mahal nito. “Wala naman talaga akong laban kay Ate..” Iyak na wika niya, kaya muling napatingin sa kanya ang kanyang driver. “’Wag mo na akong pansinin pa.” Wika niya at pilit na kinalma ang sarili. Nang tumunog ang phone niya, ay agad niya itong tiningnan. Nakita niya naman ang pangalan ng kakambal niya sa screen n
CHAPTER 23RD POV Nang magising si Daisy, ay napatingin siya sa paligid. Wala siyang ibang nakita kun’di puro maitim na kurtina. Mabilis siyang napa-bangon at lumapit sa pinto. Sinubukan niya itong buksan pero hindi niya ito mabuksan. “Buksan niyo ang pinto!!” Malakas na sigaw niya, habang hinampas ang pinto. “May tao ba r’yan?!” Muling sigaw ni Daisy. “Mapapagod ka lang.” Napatingala siya matapos marinig ang isang boses. Doon niya nakita ang mga cctv camera na nakapaligid sa kanya. Kasama ng isang malaki na speaker. “Sino ka?” Galit na wika niya, habang masama na tiningnan ang cctv camera. “Sumagot ka!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo ako rito!!” Muling sigaw niya, pero hindi na niya ulit ito narinig. Mabilis naman ang kilos niya, at isa-isa na binuksan ang mga kurtina. Pero wala siyang ibang nakikita kun’di puro pader. “Sino kaba talaga? Bakit mo ba ‘to, ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sa ‘yo?!” Hindi na niya napigilan pa na mapa-iyak, dahil sa galit na kanyang
CHAPTER 34 3RD POV Dali-dali na tumayo si Daisy, at hindi na ito nag-abala pa na kumuha ng kumot para matakpan ang hubad na katawan niya. Nang makita niya si June, na bigla nalang natumba. “Ayos ka lang ba?” Tanong niya, habang napapikit nang maramdaman ang kirot sa kanyang p********e. “A-ayos lang ako.” Utal na sagot nito, habang inalalayan niya itong maka-akyat sa kama. “Ang bigat mo naman.” Wika niya, habang pawis na pawis. Nang maka-upo si June, sa kama ay kinuha niya ang kanyang mga damit at sinuot ito. Matapos siyang makapag-bihis ay si June, naman ang binihisan niya. Napansin niyang hindi ito kumibo, kaya hinayaan niya nalang. Pumunta siya sa sofa, dahil gusto niyang humiga. Pakiramdam niya ay nasa loob pa rin niya ang alaga nito at nakabaon. “Bakit hindi mo sinabi?” Tanong nito, kaya napatingin siya rito. “Ang alin?” Kunot-noo na sagot niya. “Na virg*n ka pa?” Napangiti siya habang humiga sa sofa. “Bakit? Kung sinabi ko ba, maniniwala ka?” Wika niya, habang natahim
CHAPTER 33 WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG!!!3RD POV “Ano pang ginagawa mo r'yan?” Napatingin siya kay June, dahil sa kanyang narinig. “Titingnan mo nalang ba ako?” Muling wika nito. “Hoy! June! Manahimik ka nga! Baka nakakalimutan mong nasa hospital tayo?” “Hindi ko nakalimutan ‘yan. Ang gusto ko gumawa na tayo ng anak natin, dahil honeymoon naman natin ngayon.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito.‘Tama nga ang hinala ko, manyak pa rin ang lalaking ‘to.’ Napakuyom siya sa kanyang kamao, habang pilit na ngumiti rito. “Hindi mo ba nakikita na maliwanag pa?” Wika niya, kaya napatingin ito sa bintana. “Ano naman kung maliwanag pa?” Napapikit siya sa kanyang mga mata, habang pilit na kinalma ang sarili. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Hindi naman sana ganito ang nararamdaman niya noon. Noong kumalong siya kay Johnson, ina-akit ito. “Halika kana. Tabihan mo na ako.” Muling wika nito. Ayaw niya sana itong susundin, pero akmang kukunin nito
CHAPTER 32 3RD POV “A-ahh… W-wala po Mommy, Daddy… B-bakit po pala kayo nandito?” Tanong niya sa kanila. “Gusto namin na dalawin si Dan, at magpasalamat sa kanya.” “Sinabi ko na sa inyo na ayos lang ‘yon.” Wika ni June, kaya masama niya itong tiningnan. “Mom, Dad, ayos lang po siya. ‘Wag na po kayong mag-alala.” “June Hijo, ‘wag kang mag-alala. Kukuha kami ng mga magagaling na doctor, sa iba’t-ibang bansa, para gumaling ka.” Wika ng kanyang ina. “Sa tingin niyo ba, gagaling pa ako?” Wika nito habang nakikita niya ang mga luha sa mga mata nito. “‘Wag ka nang umiyak. Kahit hindi ka makakalakad, hindi naman kita iiwan. Handa akong magiging mga paa mo.” Wika niya rito, kaya nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “A-Anak, s-sigurado kaba sa desisyon mong ‘yan?” Tanong ng kanyang ina. Habang bakas sa mukha nito ang pag-alala. “Opo Mom, kaya handa na po akong pakasalan siya.” Sagot niya rito. “Kung ganun, mas mabuti siguro na maikasal na kayo, habang nandito pa kami. Ayos la
CHAPTER 31 3RD POV “Nagpapatawa kaba?” Wika nito habang nanatiling nakakunot ang noo. “Alam mong hindi ako magaling magpatawa.” Sagot niya rito, habang nilapitan ito.“Bakit bigla kang bumait? Hindi ba diring-diri ka sa akin?” Muling wika nito, kaya hindi niya napigilan na makaramdam ng hiya. “Sa nagawa ko patawad.” Hinging tawad niya rito. “Kung pakakasalan mo lang ako, dahil sa awa na nararamdaman mo ay makakaalis kana.” Muling wika nito. “Ito ang tandaan mo Daisy, hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin.” Wika nito at itinaas ang kumot. Dali-dali naman siyang lumapit dito, para tulungan ito. “Hindi kaba nakakaintindi? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ko kailangan ang tulong mo, kaya makakaalis kana!” Sigaw nito, pero hindi niya ito pinansin. “Pwede ba, manahimik ka nalang, dahil kahit anong pagtataboy pa ang gagawin mo sa akin, ay hindi ako aalis dito!” Sigaw Niya at inis na hinablot dito ang kumot. “Gusto mo bang mabinat ako?” Galit na wika nito sa kanya. “Kung mangyari man
CHAPTER 303RD POV “P-paanong naaksidente?” Utal na wika niya habang kibit balikat lang ang sagot ng kanyang kapatid. Mabilis niya naman itong tinalikuran at tinawagan si Hazel. “Ma'am Daisy, bakit po?” Tanong nito, matapos masagot ang kanyang tawag. “Alamin mo, kung saang bansa pumunta ang mga Woo.” Utos niya rito. “Masusunod po Ma'am Daisy.” Sagot nito, kaya agad niyang pinutol ang tawag. “Kailangan kung humingi ng tawad sa kanya… S-sana lang hindi pa huli ang lahat…” Hindi niya napigilan na makonsensya dahil sa nalaman niya. Ngayon niya lang na-realize ang kasalanan na nagawa niya, sa taong nagligtas sa buhay ng kanyang ina. “Sa'n ka pupunta?” Taka na tanong niya sa kakambal niya. Nang makita itong sumunod sa kanya, pero para itong walang naririnig. “Dahlia!” Sigaw niya rito. “Daisy, gusto kung puntahan si Fico.” Iyak na wika nito, kaya niyakap niya ito. “‘Wag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa ‘yo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “A-anong ibig mong sa
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady