CHAPTER 14 3RD POV “Nagpapatawa kaba?” Galit na tanong nito sa kanya. “Kahit ngayon lang, kailangan mong sumunod sa akin Sakura.” Wika niya rito, habang napatitig ito sa kanya. “Kailangan mong madala sa hospital.” Muling wika niya rito.“Hindi mo pwedeng gawin ‘yon, dahil hindi ako pupunta sa lugar na ‘yom.” Galit na wika nito sa kanya, habang nakita niya ang pagpikit nito sa mga mata. “At anong gusto mong gawin?” Tanong niya rito.“Sinabi ko na sa ‘yo ‘di ba? Ihinto niyo itong kotse, dahil bababa ako!!” Malakas na sigaw nito. “Hindi ka pwedeng bumaba.” Wika niya, habang mabilis itong hinawakan. “’Wag mo nang pilitin ang sarili mo, may sugat ka, kaya pwede bang makinig ka muna sa akin.” Hindi ito nagsalita habang pinunit ito ang suot nitong damit. Mabilis siyang na-patingin sa mga tauhan niya, para hindi sila tumingin dito. “Ilagay mo ‘to sa sugat ko.” Utos nito sa kanya, kaya agad niya itong sinunod. “Nasa’n na tayo?” Tanong sa kanya ni Sakura nang mag-mulat ito ng mga mata.
CHAPTER 133RD POV “Bakit ayaw?” Galit na tanong niya sa kanyang secretary.“Dahil tatanggalin ko siya.” Sagot sa kanya ni Gray. Masama niya naman itong tiningnan habang papalapit ito sa kanya. “Ano bang pumasok sa isip mo, at pati ang secretary ko, ay gusto mong paglaruan? Maawa ka naman sa tao.” Wika nitong muli, habang umupo siya sa kanyang upuan. “Ano bang masama kung bibigyan ko siya ng bulaklak?” Inis na sagot niya rito. “Tsk, ‘wag mo ngang idamay sa kalokohan mo ang secretary ko, binabalaan kita Greeg.” Napahawak siya sa kanyang noo, habang napatingin sa kakambal niya na lumabas. “Nagseselos lang siguro ‘yon.” Iling na wika niya habang napangiti. Naisip niyang pumunta sa isang bar, para maghanap ng bagong babae na magpa-paligaya sa kanya, nagsasawa na kasi siya sa lahat ng girlfriend niya at gusto niya naman na maiba. Mabilis niyang tinapos ang pag-pirma sa lahat ng files na nasa lamesa niya, dahil gusto na niyang makapunta sa bar. Excited na siyang makakakita ng mga bab
CHAPTER 12 3RD POV “Sakura!” Tawag niya, pero hindi na niya ito nakita. Na-pahinga siya nang malalim habang umupo sa sofa. Hindi na rin siya nag-abala pang hanapin ito, dahil alam niyang hindi niya ito makikita pa sa kanilang bahay. “Nagawa niyo na ba ang inutos ko?” Tanong niya sa kanyang tauhan, matapos nitong sagutin ang tawag niya. “Opo Sir, nandito na kami sa tapat ng bahay nila.” Sagot nito sa kanya. “Husayan niyo, kailangan hindi niya malaman na nand’yan kayo.” Wika niya at mabilis na pinutol ang tawag. “Mabuti at umuwi kana.” Wika sa kanya ng kakambal niyang si Gray. “Uuwi naman talaga ako.” Sagot niya rito. “Alam mo bang nag-alala ng husto sa ‘yo si Mommy.” Wika nito at umupo.“Parang hindi niyo ako kilala.” Iling na wika niya rito.“Ilang beses ko na ‘yan sinabi kay Mommy.” Sagot nito sa kanya. “Nahuli mo na ba ang dumukot sa ‘yo?” Tanong nito. “Hindi, wala na ito nong pinuntahan ng ibang tauhan ko ang silid na ‘yon.” Sagot niya rito. “Bilib din ako sa lakas ng lo
CHAPTER 113RD POV “Ohhh!” Malakas na sigaw niya nang makitang itaas ni Sakura ang isang kamay nito. “Bakit kaba nagagalit?” Tanong niya, habang may ngiti sa kanyang labi. “Tinatanong mo pa talaga ‘yan?” Wika nito sa galit na boses, kaya hindi niya na pigilan ang sarili niya na mapangiti. “Affected kaba sa ginawa kung paghalik sa ‘yo?” Ngiting tanong niya rito. “Hindi.” Sagot sa nito sa kanya at kumuha ng isang stick ng sigarilyo. “Alam mo bang hindi lang ikaw ang humalik sa akin?” Wika sa kanya ni Sakura, kaya unti-unti na nawala ang ngiti niya sa kanyang labi. “Isa pa, mas magaling silang humalik sa ‘yo.” Napakunot ang noo niya, dahil sa kanyang narinig. “Anong ibig mong sabihin?” Galit na tanong niya rito. Pero hindi ito sumagot sa kanya, at lumabas. “Bumalik ka rito Sakura!!” Galit na sigaw niya. Pero basta nalang nitong binagsak ang pinto. “Damn it!!” Sigaw niya habang inayos niya ang kanyang relong pambisig. Para malaman ng tauhan niya kung nasaan siya. “Maligo kan
CHAPTER 10 3RD POV “Ano! Wala ka pa rin bang balita sa anak mo Rey?” Galit na tanong ni April sa asawa niya. “Nalaman ng mga tauhan natin ang kinaroroonan niya, pero bigla nalang siyang nawala.” Sagot nito. “Anong ibig mong sabihin? Anong nawala?” “Mommy, Daddy. Pwede ba tama na ‘yan, alam niyo na naman na isa sa mga babae niya ang dumukot sa kanya, at wala na namang ibang hiling kun'di ang pakasalan ni Greeg.” Wika sa kanila ni Gray. “Ilang beses ko na kasing sinabi sa ‘yo na pumayag kana sa gusto ni Mommy, na ipakasal ‘yong anak mo!” Masamang tiningnan ni April ang asawa niya, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Kilala mo ang anak mo, alam mong ayaw talaga sumunod nun kapag hindi niya gusto. Kung ayaw niyo siyang hanapin ako nalang ang maghahanap sa kanya.” “Mommy naman, kilala mo naman si Greeg, alam mong uuwi rin ‘yon. Wala kabang tiwala sa kanya?” “May tiwala, pero hindi mo ba naisip ang nangyari sa kapatid mo? Alam mo naman na muntik na siyang mapahamak.” “Dahil lang din
CHAPTER 9 3RD POV Malakas na humalakhak ang babae, dahil sa sinabi nita rito. “Nakakatakot ka naman.” Iling na wika nito sa kanya. “Sa tingin mo ba, makakalabas ka rito?” Muling napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito.“Anong ibig mong sabihin?” “Palalabasin lang kita Greeg, kung papakasalan mo ako.” Sagot nito sa kanya, kaya hindi niya na pigilan ang sarili niya na mapa-halakhak. “Seryoso kaba talaga? sa tingin mo papakasal ako sa ‘yo?” Natatawang wika niya rito. “Oo.” Sagot nito habang malawak na ngumiti. “Mukhang hindi mo nga ako kilala.” Iling na wika niya rito.“Sakura!!” Malakas na sigaw ng babae, kaya napatingin siya sa pinto. “Bakit Ma'am?” Lalong napa-kunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Sakura sa babae. “Patayin mo ang lahat ng pamilya ni Greeg.” Natigilan si Greeg dahil sa sinabi ng babae. “Nababal*w kana ba?” Galit na sigaw niya rito. “Bakit Greeg? Mukha ba akong nababal*w?” Natatawa nitong sagot. “Sakura! ‘Wag mong gawin ang inuuto