LOGINC2
3RD POV “Kumain ka na, ipinaghanda kita ng pagkain.” Ngiting wika ni Anna, nang dumating si Dylan. Halos mamuti na rin ang kanyang mga mata sa kahihintay ng kanyang asawa. Ilang beses na rin niyang ininit ang mga pagkain, para hindi ito malamig kapag kumain na si Dylan. “Kumain na ako.” Balewalang wika ni Dylan at nilampasan lang siya. Napatingin naman si Anna sa mga pagkain at umupo sa mesa nang makitang pumasok na si Dylan sa loob ng kwarto nito. Hindi napigilan ni Anna ang kanyang sarili na mapa-iyak, habang nag-uumpisa na itong kumain. Akala niya, sa paglipas ng buwan na magkasama sila ni Dylan ay magbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Pero habang tumatagal, ay mas lalo lamang na lumayo ang loob ni Dylan kay Anna. Kina-umagahan ay hindi na naabutan ni Anna si Dylan. Gusto niya sana itong ipaghanda ng pagkain, pero maaga itong umalis. Naisipan ni Anna, na dalhan nalang ulit ng pagkain si Dylan sa opisina nito. Alam niya kasi na sobrang busy nito at halos hindi na kumakain, dahil Nakatuon lamang ang atensyon ng kanyang asawa sa kanilang kumpanya. “Nandito ka na naman?” Napayuko si Anna, habang tinaasan siya ng kilay ng secretary ni Dylan. Kahit alam ng kanyang secretary kung sino siya sa buhay ni Dylan, ay hindi pa rin siya ginagalang nito. “I-ihahatid ko lang sana ‘tong pagkain Kay Dylan.” Mahina niyang wika habang inabot ang paper bag sa kanya. “Ilagay mo nalang d’yan at ako na ang bahala.” Wika nito, kaya agad na tumalikod si Anna, pero agad itong natigilan ng makita si Dylan na nakaakbay kay Britney. “Hey! ‘Di ba ikaw si Anna?” Iiwas na sana si Anna sa kanila at Wala sana itong balak na sagutin si Britney, pero ito ang kusang lumapit sa kanya. “N-napadaan lang ako rito,” mahina nitong sagot. “Naghatid po siya ng pagkain kay Sir Ma’am.” Napakunot ang noo ni Britney at muling tiningnan si Anna. “Naghatid?” “Siya ang sinabi ko sa ‘yo, ‘yong kasama ko sa bahay, she’s my maid.” Mabilis na nag-angat ng mukha si Anna kay Dylan, at pilit na pinigilan ang kanyang mga luha na bumagsak. “Maid? What do you mean? Naghihirap na ang family nila?” Natatawang wika ni Britney habang nagyukong muli si Anna. Hindi na kasi niya kaya pang pigilan ang mga luha sa kanyang mga mata na bumagsak. “M-mauna na ako S-Sir.” Dali-dali silang tinalikuran ni Anna at agad itong pumasok sa elevator. Nang sumara ang pinto ay agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Pinipigilan nito na gumawa ng ingay at hinayaan lang ang kanyang mga luha na bumagsak. “A-Anna?” Gulat siyang napatingin sa labas ng elevator at dali-daling pinunasan ang kanyang pisngi. “Anong nangyari sa ‘yo? Ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya ni Kim. Mabilis naman na tumango si Anna sa kanya at pilit na ngumiti. “A-ayos lang po ako Mommy, n-namiss ko lang po kasi si Daddy, habang naghatid ako ng pagkain kay Dylan.” Malawak na napangiti si Kim sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. “Masasanay ka rin Anna, anyway, may laman na ba ‘yan?” Mabilis na namutla si Anna, dahil sa tanong ni Kim sa kanya. Takot kasi siya na malaman nito na hindi pa siya nabuntis. Ayaw niya rin na sabihin dito na Malabo itong nabuntis, dahil hindi sila magkatabi ni Dylan at hindi rin siya sinisipingan ng kanyang asawa. Sinamahan ni Anna si Kim na mamasyal sa mall at bumili. Nagbago kasi ang isip nito nang makita si Anna. Ang kanyang asawa sana na si Sandro ang balak niya na dalhin sa labas para kumain. “A-ang dami naman po nito Mommy.” Nahihiya niyang wika, habang nakatingin sa mga paper bag na binigay sa kanya ni Kim. “Konti nga lang ‘yan Anna, alam mo sa susunod na lumabas tayo, mas marami pa r’yan ang bibilhin ko.” Ngiti nitong wika, habang napangiti rin sa kanya si Anna. Matapos maihatid sa driver si Anna sa condo unit nila ni Dylan, ay isa-isa niyang tiningnan ang mga binibili ni Kim sa kanya. Malawak naman itong napangiti habang isa-isang sinukat ang mga damit na binili ni Kim sa kanya. Ngayon lang din kasi niya naranasan na binibilhan siya ng mga damit. Simula kasi noong bata pa siya, ay pera lang ang binibigay lagi sa kanya ng kanyang ama. Kinagabihan ay nagluto muli si Anna para kay Dylan, kahit pa alam niya na hindi ito kakainin ni Dylan. Malawak siyang ngumiti ng bumukas ang pinto, pero unti-unti rin na nawawala ang ngiti sa kanyang labi ng makita niya si Britney. “Hi!” Ngiting wika ni Britney sa kanya, habang pilit naman siyang ngumiti rito. “Wow! Ang bango naman! Ikaw ba ‘yong nagluto nito?” Tumango sa kanya si Anna, habang mabilis na umupo si Britney at kumuha ng pagkain. “Love! Halika kumain na muna tayo!” Sigaw nito habang kinuha ang isang plato. “Sige na Anna, ako na ang bahala rito, lumabas nalang mamaya para iligpit ‘tong mga pinagkainan namin.” Tumango si Anna sa kanya at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto. Muli na naman itong nagpa-iyak, dahil sa pagdala ni Dylan kay Britney sa condo nito. KINABUKASAN ay na-abutan ni Dylan si Anna na naglilinis sa sala. Nilapitan niya ito at inu-utusan. “Magtimpla ka nga ng kape.” Nilagay agad ni Anna ang vacuum sa gilid at pumunta sa kusina. Sumunod sa kanya si Dylan at umupo ito sa upuan. “Bakit mo siya dinala rito?” Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa tanong sa kanya ni Anna. “Ano bang pakialam mo? Baka nakalimutan mo na bahay ko ‘to?” “Bahay ko rin ‘to Dylan!” Napa-halakhak si Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya. “Nagpapatawa ka ba?” “Nakalimutan mo na ba na asawa mo ako?” “At ‘wag mo rin kalimutan na asawa lang kita sa papel Anna! At ito ang tandaan mo! Sa oras na makuha ko na ang mana ko, ay itatapon na kita!” Mabilis na tumayo si Dylan at iniwan ang kanyang kape sa misa. Napa-upo naman si Anna sa upuan habang napatakip sa kanyang mukha ng kanyang mga kamay.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 133RD POV "Mukhang maayos na ang buhay mo ngayong may asawa kana." Nag-angat siya sa kanyang mukha at napatingin sa kapatid niyang si Clyde. "Kung alam mo lang kung gaano kasaya Kuya." Iling na wika niya, habang hindi maiwasan ni Clyde ang matawa. "Akalain mo 'yon, nagkamali lang siya, dahil lasing tapos naging asawa mo na." Ngiting wika nito, habang umupo sa tapat niya. Tanging ngiti lang din ang iginanti niya rito, dahil ayaw niyang malaman nito ang problema niya. "Ang sabi ni Mommy, wala na kayo sa bahay." Muli siyang napatingin sa kapatid niya, dahil sa narinig niya mula rito. "May binili akong bahay sa probinsya, roon ko siya dinala." Balewala na sagot niya, habang napa-kunot ang noo ni Clyde. "Probinsya? Bakit don?" Taka na tanong nito sa kanya, habang nagkibit balikat lang siya. "Gusto ko sanang mag-pasama sa 'yo, pero 'wag nalang pala." Wika nito habang tumayo. "Saan?" Tanong niya habang tiningnan ito. "Sa ibang bansa, balak kun
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 123RD POV "Kumusta ang tulog ninyong mag-asawa?" Ngiting wika sa kanila ng kanyang ina, habang umupo sila sa tapat nito. "Ayos lang po Tita..." Napatingin ang kanyang ina kay Isla, dahil sa sagot nito. "Hija, hindi ba sinabi ko na sa 'yo na mommy ang itawag mo sa akin." Napangiti si Isla, habang lumingon ito sa kanya. "S-sige po Mommy.." Ngiting wika nito, habang nilagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. "Ang bait mo naman Hija, ang swerte talaga ng Anak ko, dahil ikaw ang naging asawa niya." Hindi napigilan ni Charles na ibagsak ang kutsara na hawak niya, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. Gusto niya sana na sabihin dito na hindi mabait si Isla, dahil ubod ito ng sinungaling. "Akin na palitan ko nalang 'yan." Wika nito, habang nakatingin sa hawak niyang kutsara. "'Wag na." Balewala niyang wika habang nag-umpisa nang kumain."Anak, gusto kung dalhin mo ang asawa mo sa isa sa resort mo," wika sa kanya ng kanyang ina, kaya natigilan
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 113RD POV “Akala ko ba nakalimutan mo ng may asawa kang tao.” Napalingon siya kay Isla, habang nasa sofa ito at galit na tumingin sa kanya. “Asawa?” Ismid na wika niya, habang nailing dito. “Asawa lang kita sa papel, kaya ‘wag kang umasta na asawa kita.” Muling wika niya, habang napansin niyang napahiya ito. “Hindi ko ginusto na maikasal tayo.” Hindi niya napigilan na mapangiti, dahil sa narinig niya ula rito. “Hindi? Pero pumayag ka?” “Alam mong sadyang makapangyarihan kayo Charles! Wala kaming laban sa pamilya mo, lalo na si Daddy!” Natigilan siya, habang napa-kunot ang kanyang noo. "Daddy?" Ulit niyang wika, habang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Hali kana, ipaghain na kita ng pagkain." Wika nito at hahawakan sana siya. Pero mabilis niyang winaksi ang kamay nito. "'Wag mo akong hawakan." Galit na wika niya habang tinalikuran ito. Nang makapasok siya sa silid niya, ay lalo siyang nakaramdam nang inis matapos niyang makita ang mga gami
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 103RD POV "Isla!" Muling tawag ni Charles, habang tiningnan niya ang lahat ng sulok sa bahay. Pero hindi niya pa rin ito makita. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang mga tauhan niya. "Nakita n'yo bang lumabas si Isla?" Tanong niya, matapos sagutin nito ang kanyang tawag. "Hindi po Sir." Sagot ng kanyang tauhan, kaya mabilis nitong binaba ang kanyang phone. Napa-kuyom din ang kamao niya habang lalo pang nakaramdam nang galit kay Isla. 'Kaya mo ba sinabi kagabi na mawawala ka Isla?' Mabilis siyang pumasok sa kotse niya, matapos niyang tawagan ang kanyang tauhan. Binilin niya rito na tawagan siya sa oras na bumalik si Isla. Habang nasa kotse ay napatingin siya sa kanyang phone, nang tumunog ito. "Mom.." Sambit niya, matapos niyang sagutin ang tawag ng kanyang ina. "Nasa'n kana ba Anak? Akala ko ba uuwi ka ngayon?" tanong nito sa kanya. "Pauwi na ako Mommy," balewala na sagot niya, dahil ayaw niya sana na umuwi, dahil gusto niy
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 9WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Hindi na nagawang buksan pa ni Charles ang ilaw, dahil kahit ano pang pag-iwas na kanyang gawin ay tinatangay pa rin siya sa init na nararamdaman. "Fvck!" Napapamura siya, habang bumaba ang labi ni Isla, papunta sa kanyang leeg. Mahigpit din siyang napahawak sa bewang nito, habang inumpisahan nitong dila*n ang leeg niya. "Bakla kaba Calvin?" Napa-kunot ang noo ni Charles, dahil sa tanong nito sa kanya. "Hindi ako bakla." Galit na sagot niya, habang hindi niya maiwasan na manggigil dito. Hinawakan niya ang pangga nito at siya na mismo ang sumibasib sa labi nito. Habang patuloy niya itong hinalikan ay narinig niya ang mga ungol ni Isla. Ipinasok niya naman ang dila niya sa loob ng bibig ni Isla, ay bawat sulok ng kanyang labi ay ginalugad ito ng dila niya. Nang mapansin niyang napakapit ito ng husto sa kanyang likod, ay lihim siyang napangiti. "Ngayon patutunayan ko sa 'yo na hindi ako bakla." Ngiting w
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 83RD POV "Calvin.." Napatingin siya kay Isla, habang nakatayo ito sa gilid. "Anong ginagawa mo r'yan?" Kunot-noo na tanong niya, habang nilapitan ito. "Inayos ko ang mga gamit, at nilinisan ko ang bahay." Sagot nito, habang malawak na ngumiti sa kanya. "May problema kaba?" Tanong nito, habang umiling siya. "Kumain kana ba? Akala ko mamaya ka pa uuwi, kaya hindi pa ako nagluto." "'Wag mo na akong intindihin, busog pa naman ako." Sagot niya habang tinugo ang hagdan."Magpapahinga lang ako." Muli niyang wika, habang hindi ito tiningnan, dahil sa galit na nararamdaman niya rito. "Magluluto ako! Gigisingin nalang kita kapag tapos na!" Sigaw nito, habang hindi na siya nag-abala pang sumagot dito. Matapos siyang makapasok sa kanyang silid, ay agad siyang humiga sa kama. Nang makahiga ay na-patingin siya sa pinto at naalala ang mukha ni Isla. Aaminin niyang kanina niya pa pinipigilan ang sarili niya na 'wag makapagsalita rito ng masakit. 'Kung da







