C1
3RD POV “Dad! Ayoko pong magpakasal sa kanya!” Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama. Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan. Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata, pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan. “Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko! Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!” “Pero Dad!” “Tumigil ka na Anna! Dapat kang sumunod sa iyong ama! Alam mo kung gaano siya nagsikap, para sa kumpanya natin, tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?” “Paano ko siya pagbigyan Tita? Alam mo naman na masyado pa akong Bata. Isa ka, kaka-graduate ko lang.” “Wala kaming paki-alam! Basta ang gusto namin ang sundin mo.” Napa-upo si Anna, matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya. “Dad…” Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito. “Kung gusto mo pang manatili rito, sumunod ka.” Wika ng kanyang ama, habang humagulgol ng iyak ang dalaga. Alam niyang kahit ano ang gagawin niya ay hindi pa rin makikinig ang kanyang ama sa kanya. Wala rin siyang choice kundi ang sundin ito, dahil ayawn niyang mapalayas. Bukod kasi sa kanyang ama, ay wala na siyang alam na kapamilya nila. Tuwang-tuwa na sinalubong ni Max at Fely si Sandro at Kim. Napatingin naman sa likod si Max, nang hindi niya makita si Dylan. “Tuloy kayo, Kumpadre.” Ngiting wika ni Max, habang giniya sa dining area ang mag-asawa. “Si Dylan?” Tanong ni Fely matapos maka-upo ng kanilang mga bisita. “Nasa labas, ‘wag kayong mag-alala, susunod din ‘yon.” Wika ni Sandro at tinungga ang baso ng wine na binigay sa kanya ng katulong. “Ito na ba si Anna?” Ngiting tanong ni Kim, habang napatingin sa dalaga. Dali-dali naman na lumapit si Fely kay Anna at hinahaplos ang mahaba at itim nitong buhok. “Oo, ‘di ba Kumare, ang ganda ng anak ko?” Matipid na ngumiti si Anna, habang malawak na ngumiti sa kanya si Kim. “Sorry I’m late.” Nakatuon ang atensyon nila sa pagpasok ni Dylan. Kahit si Anna, ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili na mapatitig sa binata, dahil sa angking nitong kakisigan at kagwapuhan. “Umupo ka Hijo.” Wika ni Fely. Napakunot naman ang noon ni Anna, dahil sa ginawa ng Tita niya, pwede naman sana na ang katulong nila ang gumawa nito. “Kailan ang kanilang kasal?” Ngiting wika ni Fely, kaya napatingin sa kanya si Anna. Pero nilakihan lang nito ang kanyang mga mata, kaya mabilis na nagyuko ang dalaga. “Kung kailan niyo gusto, alam niyo naman na walang problema ‘yon sa amin. Isa pa, nakahanda na rin ang anak namin para sa kasal nila ni Anna.” Napatingin si Anna kay Dylan at alam niya na napilitan lang ito. “Kahit sa judge nalang kami magpakasal Dad, ayos na ‘yon sa amin, ‘di ba Anna?” Ngiting wika nito habang mabilis na tumango sa kanya si Anna. Gustuhin man sana ng dalaga na sa simbahan sila magpakasal, ay Wala itong magawa kundi ang maging sunod-sunuran lang sa binata. Matapos ang dinner nila ay niyaya ni Dylan si Anna sa labas. Ayaw sana ni Anna na makipag-usap kay Dylan, dahil alam niya na galit ito sa kanya, pero ang Tita Fely na niya mismo ang nagtulak sa kanya palabas. “Ito ba talaga ang gusto mo?” Mabilis na nagyuko si Anna sa kanyang ulo dahil ayaw nitong tingnan ang galit na mukha ni Dylan. “Alam mong hindi kita mahal!” Sigaw nito, kaya napapitlag ang dalaga. “W-wala akong magagawa… Kailangan kung sumunod sa kanila..” Nanginginig ang boses nito at pinipigilan ang mapa-iyak. “Walang magawa? ‘Wag mo na ngang bilugin ang ulo ko! Alam ko na gusto mo rin na maikasal sa akin!” Sigaw muli ni Dylan habang naka-pamewang ito sa harapan ni Anna. “Bakit hindi nalang ika-.” Natigilan si Anna at muling napapitlag dahil sa muling pag-sigaw ni Dylan sa kanya. “Sa tingin mo ba kaya ko ‘yon?” “Bakit hindi mo kaya? Ikaw naman ang lalaki rito?” “Damn it!! Hindi ko ‘yon magagawa dahil mawawalan ako ng mana, kung hindi ako susunod sa kanila.” Napayuko si Anna, dahil kahit siya, ay walang magawa para pigilan ang kasal nila. “Ayos lang ba kayong dalawa r’yan?” Gulat na napatingin si Dylan ng makita si Fely na papalapit sa kanila. “A-ayos lang kami Tita, ‘wag po kayong mag-alala.” Ngiting wika ni Anna, habang mabilis silang iniwan ni Dylan. “Anong sinabi nun sa ‘yo?” Tanong ni Felya, habang napatingin si Anna kay Dylan na papalayo sa kanila. “W-wala naman Tita, tinatanong niya lang ako sa mga bagay na gusto ko.” Pagsisinungaling ni Anna sa kanya. Malawak naman na napangiti si Fely dahil sa kanyang narinig mula kay Anna. “Siguraduhin mong mapasa ‘yo ang kayamanan niya.” Gulat na napatingin si Anna kay Fely, habang inayos nito ang kanyang buhok. KINABUKASAN ay ikinasal si Anna at Dylan. Wala naman na ibang dumalo kundi pamilya lang nila, dahil ayaw ni Dylan na may ibang makaka-alam sa kasal nila ni Anna. Ayaw din ni Dylan na malaman ng girlfriend niya na kasal na siya. Matapos ang kanilang kasal ay sa condo na ni Dylan tumuloy si Anna. Ito rin kasi ang gusto ng mga magulang niya. “G-gusto mo bang kumain?” Tanong ni Anna kay Dylan ng makapasok sila sa loob. Masama naman na tiningnan ni Dylan si Anna habang napahawak ito sa kanyang noo. “Sa tingin mo, may gana pa akong kumain sa sitwasyon natin ‘to?” Asik nito sa kanya, kaya hindi na napigilan ni Anna ang mapaluha. Hindi niya kasi maiwasan na masaktan dahil sa pinapakita sa kanya ni Dylan. “Nakita mo ba ang pinto ng ‘yan?” Tiningnan ni Anna ang tinuro ni Dylan at tumango. “‘Yan ang magiging kwarto mo, at ito ang tandaan mo. ‘Wag na ‘wag kang pumasok sa kwarto ko. Naintindihan mo?” Mabilis na tumango si Anna at pinunasan ang kanyang pisngi. Hindi naman pinapansin ni Dylan ang pag-iyak ni Anna at basta nalang niya itong iniwan. Ayaw niya kasi itong makita dahil galit na galit Ito sa kanya. Makita niya lang ang mukha ni Anna, ay nasisira na nito ang araw niya, isa pa nitong inalala, kung paano niya sasabihin Kay Britney ang tungkol sa kanila ni Anna.CHAPTER 24 3RD POV “Ako ba, hindi? Hindi niyo lang alam kung gaano ako nahihirapan!” Iyak na sagot niya. “Ina rin kayo, kaya alam niyo ang nararamdaman ko..” Hikbing wika niyang muli rito. “Pero kung totoong ikaw ang ina ni Dean, bakit basta mo nalang siyang iniwan sa amin Daisy?” Tanong sa kanya ni Dan, kaya natingilan siya. “Anong ibig mong sabihin?” “Bakit kung kailan malaki na siya, doon mo pa siya gustong kunin sa amin?” Galit na wika sa kanya ni Dan. “Wala kang karapatan na kunin sa amin ang pamangkin ko, dahil wala kang kwentang in-.” Malakas niya itong sinampal, kaya napasigaw ang ina nito sa kanya. “Bakit mo sinasaktan ang Anak ko?!” Sigaw nito at akmang itulak sana siya, pero mabilis silang hinarang ng mga bodyguard ni Daisy. “’Wag na ‘wag mong sabihin sa akin ‘yan, dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, sa kanila!” Iyak na sigaw niya kay Dan. Napakunot naman ang noo nito, dahil sa kanyang sinabi. “Umalis kana!” Sigaw ng ina nito sa kanya. “Mommy..” Napa
CHAPTER 23 3RD POV “B-bakit dalawa sila?” Tanog ni June, habang bakas sa mukha nito ang pagka-gulat. Mabilis naman na hinila ni Daisy, ang bata at niyakap. “Bitawan mo ang mga Anak ko.” Madiin na wika ni June, kaya galit niya itong tiningnan.“Anak? Paano mo naging anak ang mga Anak ko?!” Sigaw niya, habang lalo napakunot ang noo ni June. “Mga anak mo? Mukhang nagpapatawa ka.” Natatawang wika nito at akmang hahawakan sana ang dalawang bata, pero mabilis na umatras si Daisy. “’Wag mo akong galitin Daisy!” Galit na sigaw nito.“Kahit magalit ka pa, wala kang karapatan sa mga Anak ko!” Sigaw niya rito. “Mga anak? Ako baa ng niloloko mo?” Wika nito, kaya napakunot ang noo niya. “Kaya kung patunayan sa ‘yo na ako ang ama ng mga bata? Ngayon, sabihin mo sa akin, kung bakit dalawa sila? At paano napunta sa ‘yo ang isang Anak ko?” Nailing sa kanya si Daisy, habang natatawa. “Ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan.” Madiin na wika niya. “At ito ang tandaan mo June, ako ang mas may karap
CHAPTER 22 3RD POV “Sino ang naghatid kay Dominic dito?” Taka na tanong ni Apple sa kanya. Tuwang-tuwa naman na lumapit sa kanila ni Damian, at ginising ang batang karga niya. “Dala mo ‘yong car na binili ni Lolo?” Narinig niyang tanong nito sa bata, habang nakatingin lang ito kay Damian. “Mommy, bakit ayaw magsalita ni Dominic?” Tanong nito, habang hinawakan ang kamay ng bata. “S-sino ka?” Utal na tanong niya, habang nag-uunahan sa paglandas ang kanyang mga luha. “Ikaw yata ‘tong lasing Daisy, mukhang hindi mo na kilala ang anak mo.” Natatawa na wika sa kanya ni Apple. “Akin na ‘yong phone ko.” Utos niya sa yaya ni Damian. Nang i-abot ito sa kanya, ay mabilis niyang tinawagan ang kanyang ina. “Dominic!!” Napalingon siya at nakita ang bukas na pinto. “Nasa’n na siya?” Tanong niya, nang hindi makita ang bata. “Mommy, tumakbo po palabas si Dominic.” Wika ni Damian, kaya dali-dali siyang tumakbo sa labas. “Sandali nga! Ano bang nangyayari? At bakit parang takot na takot ‘yon
CHAPTER 213RD POV KASALUKUYAN“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” Wika ni June, pero hindi niya ito pinansin at tuluyan na tinalikuran. “Bakit Anak?” Tanong niya sa kanyang anak, habang nakatitig lang ito sa kanya. “Baba.” Wika nito, kaya napakunot ang kanyang noo. “Bakit?” Taka na tanong niya, habang bumaba ito. “Daisy!!” Napalingon siya at nakita si Apple. “Bakit ang tagal mo naman?” Tanong nito, kaya muli niyang tiningnan si Damian. Agad na namilog ang kanyang mga mata nang napansin na wala na ito sa tabi niya. “Damian!” Sigaw niya, habang nilapitan siya ni Apple. “Bakit mo hinahanap ang anak mo?” Tanong nito, habang bakas sa mukha nito ang pagtataka. “Nandito lang siya kanina, hindi ko nga alam kung paano siya nakasuno-.” Natigilan siya nang makita ang anak niya, na hawak ng kanilang bodyguard. “Ayan ang anak mo.” Iling na wika ni Apple, kaya mabilis niya itong nilapitan at binuhat. “Tara na nga.” Wika ni Apple, kaya agad siyang sumunod dito at nakalimutan ng magbanyo
CHAPTER 20 3RD POV FLASHBACK “Ayaw mo ba sa pagkain na hinanda ko?” Tanong sa kanya ng babae. Simula ng makalabas siya sa hospital ay ito ang lagi niyang kasama. “Franco ba talaga ang totoo kung pangalan?” Tanong niya rito, habang tumango ito sa kanya. “Hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin?” Tanong nito sa malungkot na boses. “Wala ba akong mga magulang?” Tanong niyang muli, habang natigilan ang babae. “Ang sabi mo sa akin noon, nasa ibang bansa sila.” Sagot nito. “Ang mga magulang mo?” “Wala na sila, kaya ikaw nalang ang natitira kung pamilya.” Malungkot na sagot nito, kaya hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa rito. “Hindi mo lang alam, kung gaano ako nagdurusa, habang nasa hospital ka Franco, pakiramdam ko ay tuluyan mo na akong iniwan.” Iyak na wika nito, kaya niyakap niya ito. “Patawad kung hindi kita makilala, pero hayaan mo, hindi pa rin ako magbabago.” Wika niya, habang niyakap din siya nito ng mahigpit. Sa paglipas ng taon, ay hindi nakaramdam ng lungkot si Ju
CHAPTER 19 3RD POV FLASHBACK Habang nakatingin si June, sa mamahaling kwintas ay iniisip niya ang asawa niyang si Daisy. Alam niyang bagay na bagay ito sa asawa niya. “Kukunin ko ‘yon.” Turo niya sa kwintas, kaya agad itong kinuha ng staff. “Ang mahal po niyan Sir.” Wika ng kanyang secretary.“Oo, isa ito sa pina-kamahal na kwintas sa buong mundo.” Ngiting wika niya rito. “Ang swerte po ni Ma’am Daisy, dahil kayo po ang naging asawa niya.” Muling wika nito, habang inabot sa kanya ang kwintas. “Mas swerte ako sa kanya.” Sagot niya habang binigay rito ang kwintas. “Anong oras mag-umpisa ang meeting ko?” Tanong niya, habang palabas sila sa jewelry shop. “Mamayang hapon po.” Sagot nito. “Tawagan mo agad ang pilito, kailangan kung maka-uwi pagkatapos ng meeting.” Wika niya, habang sumakay sa kanyang kotse. Nang makarating si June sa hotel ay agad niyang tinawagan ang asawa niyang si Daisy, pero naka-ilang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Muli niya sana itong tatawag