LOGINC3
3RD POV “Pwede bang ‘wag ka munang umalis?” Kunot-noong nilingon ni Dylan si Anna, dahil sa sinabi nito. “At anong gusto mong gawin ko rito sa bahay? Magmukmok at titigan ka?” Insulto nitong wika kay Anna, habang natatawa. “Gusto ko lang malaman mo, na ayaw na ayaw kung makita ‘yang mukha mo! Hindi mo ba napapansin? Kaya nga ayaw kung mag-stay ng matagal dito sa bahay, dahil sa ‘yo!” Sigaw ni Dylan habang mabilis na tinalikuran si Anna. Napayuko si Anna, habang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Gusto lang naman sana niya na may kasama, dahil masama ang kanyang pakiramdam. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinuha ang kanyang telepono. Dial niya ang isang agency para kukuha ito ng katulong. Hindi niya kasi kaya ang magluto at tapusin ang paglilinis na ginawa niya, dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Matapos tawagan ni Anna ang isang agency, para bigyan siya ng katulong ay naisipan niya na humiga muna sa sofa at dito nalang ito hintayin. Napamulat si Anna sa kanyang mga mata at napatingin sa oras. Napahawak siya sa kanyang ulo habang bumangon. Hindi niya napapansin na nakatulog siya sa pag-aantay sa katulong. Nang buksan niya ang pinto ay isang babae na medyo may edad na ang bumungad sa kanya. “Magandang tanghali po Ma’am, ako po ang pinadala ng KTX agency.” Ngiting wika nito, habang ngumiti rin si Anna sa kanya. “Ako nga po pala si Luz.” “Tuloy ka Luz, ako naman si Anna. Ang asawa ko ay si Dylan.” Ngiting wika niya, habang giniya sa sofa si Luz. “Iyong ang magiging kwarto mo.” Turo ni Anna at tumango si Luz sa kanya. “Oo nga pala, baka magtaka ka, kung iba ‘yong treatment ng asawa ko sa akin…” Yukong wika nito, kaya napatitig sa kanya si Luz. “Fix marriage kasi kami, kaya hindi niya ‘yon matanggap.” Napasinghap si Luz, dahil sa narinig niya mula kay Anna. “‘Wag po kayong mag-alala Ma’am Anna, kung ano man po ang maririnig ko, ay hindi po ito makakarating sa iba, asahan niyo po.” Muling napangiti si Anna sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Salamat po, Manang Luz.” Wika ni Anna sa kanya. Hindi maipagkakaila ni Anna na magaan ang loob niya kay Luz. Sa itsura niya pa lang ay mabait na ito. KINAGABIHAN ay nagising si Anna sa lakas ng katok sa pinto. Kahit masakit ang kanyang ulo ay dali-dali itong tumayo at binuksan ang pinto. “Bakit?” Taka niyang tanong habang madilim ang mukha ni Dylan na tumitig sa kanya. “Sino ang may sabi sa ‘yo na kumuha ka nga katulong?!” Galit nitong wika kaya napahawak si Anna sa kanyang ulo. “Sumama ‘yong pakiramdam ko Dylan, hindi ko kaya ang gumawa sa mga gawaing bahay.” “Talaga?! Ang sabihin mo nagpa-palusot ka lang!” “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Bakit ba hindi mo ako pina-paniwalaan?” Matalim ang mga mata ni Dylan na tiningnan si Anna dahil sa sinabi nito sa kanya. “Dahil sinungaling ka.” Taka na napatingin si Anna sa likod ni Dylan, dahil sa sinabi ni Dylan sa kanya. Gulong-gulo ang kanyang isipan, dahil hindi niya maintindihan kung bakit sinabihan siya nito ni Dylan. Ni Wala siyang matandaan na nagsisinungaling siya sa asawa niya. “Narito na po ang gamot n’yo Ma’am Anna.” Napatingin si Anna kay Luz, at ngumiti rito. “Salamat po Manang.” Wika nito at kinuha ang gamot at baso na hawak ni Luz. “Nasa’n si Dylan?” Tanong niya, matapos niyang inumin ang gamot. “Umalis po.” “A-ano? S-saan daw siya pupunta?” “Hindi niya po sinabi Ma’am Anna, basta nalang po siya umalis, matapos niya pong kumain.” Tumango si Anna, habang itinatago ang lungkot sa kanyang mukha. Simula kasi noon ay hindi kinakain ni Dylan ang mga luto niya, pero ang luto ni Luz ay kinain ni Dylan. KINABUKASAN ay medyo umayos na ang pakiramdam ni Anna, kaya siya na muli ang nagluluto. Excited din siya na i-pagluto si Dylan, dahil baka sakali na kakainin na niya ito. “Gising ka na pala?” Ngiti niyang wika ng makita si Dylan na kalalabas lang sa kwarto nito. “Kumain ka muna.” Muling wika niya nang mapansin na nakabihis na ito. “Sinong nag-luto?” Tanong nito, kaya napatingin siya Kay Luz na nasa gilid. “S-si-.” “Ako po Sir.” Ngiting wika ni Luz, kaya napatingin si Anna sa kanya. Kinindatan naman siya ni Luz, kaya nakahinga ng maluwag si Anna. Kailangan niya kasing magsinungaling para kainin ni Dylan ang niluluto niya. Lumakas naman ang kabog sa dibdib niya nang makita niya si Dylan na umupo. Isa pa, kinabahan din siya, dahil baka hindi magustohan ni Dylan ang luto niya. Nang makita ni Anna, na halos maubos ni Dylan ang ulam na niluto niya, ay labis ang tuwa na nararamdaman niya. Buong akala niya ay hindi nito magugustuhan ang kanyang luto. “S-salamat po Manang.” Yukong wika niya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling kay Dylan kanina. Medyo nakaramdam din siya ng guilty, dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling. Isa pa, hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Anna, kung bakit nasabi ni Dylan kagabi sa kanya na sinungaling siya, samantalang ngayon pa lang naman siya nagsisinungaling sa kanya. “Ayos lang ‘yon Ma’am Anna, basta kung kailangan n’yo ng tulong nandito lang ako.” “Salamat po talaga Manang Luz.” Naisipan ni Anna, na pumunta ng mall para mamasyal. Nasa bahay naman si Luz, kaya hindi na siya nagmamadaling umuwi. Nang makarating siya sa mall, ay naisipan niya muna ang kumain. Hindi niya kasi maiwasan na matakam sa mga pagkain sa mamahaling restaurant. Na-miss na rin kasi nito ang kumain sa labas. “Anna, ikaw ba ‘yan?” Napalingon si Anna at napangiti ng makita nito si Sheila. Si Sheila ay isa sa mga kaklase niya noon sa collage. “Kumusta ka na? Bakit hindi na kita nakikita?” Wika nito habang hinawakan ang kanyang kamay. “Ahh… Medyo busy lang kasi ako.” Pilit ang ngiti na pinakita ni Anna kay Sheila, dahil nahihiya siya rito. Usapan kasi nila noon na tutulungan niya ito para makapasok sa kumpanya ng kanyang ama. “Busy ka? Nag-tatrabo ka na ba sa company ng daddy mo?” Mabilis na umiling si Anna sa kanya. “Hey!” Sabay silang napalingon at nakita si Britney at Dylan. Malakas naman na kumabog ang dibdib ni Anna nang makita niya si Dylan. “Anong nagtatrabaho sa company? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba alam na katulong siya ni Dylan? Naghihirap na sila.” Natatawang wika ni Britney kaya nailing si Anna at na-patakbo. Hindi niya kasi akalain na ipapahiya siya ni Britney sa harap ng classmate niya noon.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 133RD POV "Mukhang maayos na ang buhay mo ngayong may asawa kana." Nag-angat siya sa kanyang mukha at napatingin sa kapatid niyang si Clyde. "Kung alam mo lang kung gaano kasaya Kuya." Iling na wika niya, habang hindi maiwasan ni Clyde ang matawa. "Akalain mo 'yon, nagkamali lang siya, dahil lasing tapos naging asawa mo na." Ngiting wika nito, habang umupo sa tapat niya. Tanging ngiti lang din ang iginanti niya rito, dahil ayaw niyang malaman nito ang problema niya. "Ang sabi ni Mommy, wala na kayo sa bahay." Muli siyang napatingin sa kapatid niya, dahil sa narinig niya mula rito. "May binili akong bahay sa probinsya, roon ko siya dinala." Balewala na sagot niya, habang napa-kunot ang noo ni Clyde. "Probinsya? Bakit don?" Taka na tanong nito sa kanya, habang nagkibit balikat lang siya. "Gusto ko sanang mag-pasama sa 'yo, pero 'wag nalang pala." Wika nito habang tumayo. "Saan?" Tanong niya habang tiningnan ito. "Sa ibang bansa, balak kun
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 123RD POV "Kumusta ang tulog ninyong mag-asawa?" Ngiting wika sa kanila ng kanyang ina, habang umupo sila sa tapat nito. "Ayos lang po Tita..." Napatingin ang kanyang ina kay Isla, dahil sa sagot nito. "Hija, hindi ba sinabi ko na sa 'yo na mommy ang itawag mo sa akin." Napangiti si Isla, habang lumingon ito sa kanya. "S-sige po Mommy.." Ngiting wika nito, habang nilagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. "Ang bait mo naman Hija, ang swerte talaga ng Anak ko, dahil ikaw ang naging asawa niya." Hindi napigilan ni Charles na ibagsak ang kutsara na hawak niya, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. Gusto niya sana na sabihin dito na hindi mabait si Isla, dahil ubod ito ng sinungaling. "Akin na palitan ko nalang 'yan." Wika nito, habang nakatingin sa hawak niyang kutsara. "'Wag na." Balewala niyang wika habang nag-umpisa nang kumain."Anak, gusto kung dalhin mo ang asawa mo sa isa sa resort mo," wika sa kanya ng kanyang ina, kaya natigilan
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 113RD POV “Akala ko ba nakalimutan mo ng may asawa kang tao.” Napalingon siya kay Isla, habang nasa sofa ito at galit na tumingin sa kanya. “Asawa?” Ismid na wika niya, habang nailing dito. “Asawa lang kita sa papel, kaya ‘wag kang umasta na asawa kita.” Muling wika niya, habang napansin niyang napahiya ito. “Hindi ko ginusto na maikasal tayo.” Hindi niya napigilan na mapangiti, dahil sa narinig niya ula rito. “Hindi? Pero pumayag ka?” “Alam mong sadyang makapangyarihan kayo Charles! Wala kaming laban sa pamilya mo, lalo na si Daddy!” Natigilan siya, habang napa-kunot ang kanyang noo. "Daddy?" Ulit niyang wika, habang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Hali kana, ipaghain na kita ng pagkain." Wika nito at hahawakan sana siya. Pero mabilis niyang winaksi ang kamay nito. "'Wag mo akong hawakan." Galit na wika niya habang tinalikuran ito. Nang makapasok siya sa silid niya, ay lalo siyang nakaramdam nang inis matapos niyang makita ang mga gami
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 103RD POV "Isla!" Muling tawag ni Charles, habang tiningnan niya ang lahat ng sulok sa bahay. Pero hindi niya pa rin ito makita. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang mga tauhan niya. "Nakita n'yo bang lumabas si Isla?" Tanong niya, matapos sagutin nito ang kanyang tawag. "Hindi po Sir." Sagot ng kanyang tauhan, kaya mabilis nitong binaba ang kanyang phone. Napa-kuyom din ang kamao niya habang lalo pang nakaramdam nang galit kay Isla. 'Kaya mo ba sinabi kagabi na mawawala ka Isla?' Mabilis siyang pumasok sa kotse niya, matapos niyang tawagan ang kanyang tauhan. Binilin niya rito na tawagan siya sa oras na bumalik si Isla. Habang nasa kotse ay napatingin siya sa kanyang phone, nang tumunog ito. "Mom.." Sambit niya, matapos niyang sagutin ang tawag ng kanyang ina. "Nasa'n kana ba Anak? Akala ko ba uuwi ka ngayon?" tanong nito sa kanya. "Pauwi na ako Mommy," balewala na sagot niya, dahil ayaw niya sana na umuwi, dahil gusto niy
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 9WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Hindi na nagawang buksan pa ni Charles ang ilaw, dahil kahit ano pang pag-iwas na kanyang gawin ay tinatangay pa rin siya sa init na nararamdaman. "Fvck!" Napapamura siya, habang bumaba ang labi ni Isla, papunta sa kanyang leeg. Mahigpit din siyang napahawak sa bewang nito, habang inumpisahan nitong dila*n ang leeg niya. "Bakla kaba Calvin?" Napa-kunot ang noo ni Charles, dahil sa tanong nito sa kanya. "Hindi ako bakla." Galit na sagot niya, habang hindi niya maiwasan na manggigil dito. Hinawakan niya ang pangga nito at siya na mismo ang sumibasib sa labi nito. Habang patuloy niya itong hinalikan ay narinig niya ang mga ungol ni Isla. Ipinasok niya naman ang dila niya sa loob ng bibig ni Isla, ay bawat sulok ng kanyang labi ay ginalugad ito ng dila niya. Nang mapansin niyang napakapit ito ng husto sa kanyang likod, ay lihim siyang napangiti. "Ngayon patutunayan ko sa 'yo na hindi ako bakla." Ngiting w
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 83RD POV "Calvin.." Napatingin siya kay Isla, habang nakatayo ito sa gilid. "Anong ginagawa mo r'yan?" Kunot-noo na tanong niya, habang nilapitan ito. "Inayos ko ang mga gamit, at nilinisan ko ang bahay." Sagot nito, habang malawak na ngumiti sa kanya. "May problema kaba?" Tanong nito, habang umiling siya. "Kumain kana ba? Akala ko mamaya ka pa uuwi, kaya hindi pa ako nagluto." "'Wag mo na akong intindihin, busog pa naman ako." Sagot niya habang tinugo ang hagdan."Magpapahinga lang ako." Muli niyang wika, habang hindi ito tiningnan, dahil sa galit na nararamdaman niya rito. "Magluluto ako! Gigisingin nalang kita kapag tapos na!" Sigaw nito, habang hindi na siya nag-abala pang sumagot dito. Matapos siyang makapasok sa kanyang silid, ay agad siyang humiga sa kama. Nang makahiga ay na-patingin siya sa pinto at naalala ang mukha ni Isla. Aaminin niyang kanina niya pa pinipigilan ang sarili niya na 'wag makapagsalita rito ng masakit. 'Kung da







