3363RD POV “Tama na Marie!” Napalingon si Dell, at nakita niya si Noah, na papalapit sa kanila. Napakunot ang noo niya, nang pamansin na parang hindi siya kilala nito. “Papa, laruan ko ‘yon.” Wika ng bata sa kanya habang umiiyak. “Hayaan muna. Bibili nalang tayo ng iba.” Sagot nito at binuhat ang bata. Ni hindi man lang siya tiningnan nito habang dumaan ito sa harap niya. “Wow! Thank you Tita!” Tuwang wika ni Keana, habang kunuha ang laruan na hawak niya. Napakuyom naman ang kamao ni Dell, habang nakatingin sa pinto, kung saan lumabas si Noah, at ang bata na karga niya. “Beth, alamin mo kung sino ang ina ng batang ‘yon.” Utos niya kay Beth. “Opo Ma’am Dell.” Sagot nito sa kanya. “Tita, ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya ni Keana, kaya tumango siya rito at tumango. Napatingin din siya sa laruan na hawak ni Keana. “Bakit ‘yan ang gusto mo? Marami namang iba ro’n?” Tanong niya rito, kaya napatingin ito sa kanya. “Ang ganda kasi nito.” Tuwang wika nito, habang niyakap ang laruan
3373RD POV “Dell, tingnan mo oh!” Parang bata na wika nito, habang pinakita nito ang kanyang ipininta. “Bakit ako lahat ang pininta mo?” Taka na tanong niya rito. “Para makita kita.” Ngiting wika ni Lester, habang niyakap siya. “Dell, dito ka nalang lagi ha, ‘wag ka nang umalis. ‘Wag ka nang sumama sa Noah, na ‘yon.” Napatitig si Dell, dahil sa sinabi niya. “Bakit galit na galit ka sa kanya?” Tanong niya rito, dahil noon paman ay napansin na niya na parang malayo ang loob nila sa isa’t-isa.“Bakit galit ka rin?” Balik na tanong nito sa kanya, kaya hindi siya naka-sagot dito. “Gamitin mo ‘to.” Wika nitong muling habang inabot sa kanya ang isang brush. “Hindi ako marunong nito.” Wika niya, at napansin na naging malungkot ang mukha nito. “Pero susubukan ko.” Ngiting wika niya, kaya malawak itong napangiti sa kanya. NANG makatulog si Lester, ay agad niya itong iniwan sa silid niya. kailangan niyang bumalik sa kanyang opisina, dahil ayaw niya na malaman ng kanyang pamilya ang gin
3383RD POV “Mauna na ako Dell, nasa labas na kasi ang sundo ko.” Paalam nito kay Dell. “Sige.” Ngiting sagot niya rito, at muling napatingin kay Noah. “Tanga ka kasi.” Wika niya at lumabas. Nang makalabas si Dell, ay napatingin siya sa daan at nakita ang anak ni Noah. Nailing siya habang nakatingin dito. ‘Hayaan mo na ang batang ‘yan Dell.’ Napapikit si Dell, habang hinitay si Beth. Pero hindi niya maintindihan ang sarili niya, kung bakit gusto niya pa rin na makita ang bata. Napasinghap si Dell, nang makita na muntik na itong masagasaan. ‘Ano ba Dell! Mas mabuti kung may masamang mangyayari sa batang ‘yon! Dahil maipag-higanti mo na ang anak mo!’ “Ma’am Dell.” Untag ni Beth, sa kanya.“Puntahan mo si Mommy, sabihin mo na uuwi na kami.” Utos niya rito, habang ang kanyang mga mata ay nasa bata pa rin. “Sige po Ma’am Dell.” Sagot nito at agad na umalis. “Sino ba ang magulang ng batang ‘yon? Pinabayaan lang, baka masagasaan.” Narinig niyang wika ng isang babae, kaya agad niyan
3393RD POV Hindi mapakali si Dell, habang nasa labas siya ng hospital. Wala siyang lakas na loob, para pumasok sa loob. Guong-gulo rin ang isip niya, dahil sa sinabi ni Anna. Hindi niya alam kung maniniwala siya rito, dahil ang alam niya ay matagal nang wala ang anak niya, isa pa ang pinag-tataka niya, kung anak niya talaga ang bata. Paano ito napunta kay Noah. “Dell!” Napalingon si Dell, at nakita ang mommy Aira niya at ang kanyang amang si Dylan. “Dad..” Iyak na wika ni Dell, habang yumakap dito. “Anong ginawa mo?” Galit na tanong ni Aira, kaya bumitaw siya sa kanyang ama. ‘Mom, hindi ko sinadya, n-nabitawan ko siya, a-at basta nalang siya tumawid. ‘Y-yong kotse ko, h-hindi ko alam na paparating na ito.” Iyak na wika niya sa kanyang ina. “Wife, pwede bang ‘wag mong sisihin ang Anak natin.” Wika ni Dylan, habang humagulgol ng iyak si Dell. “Bakit hindi ka pumasok sa loob?” Tanong sa kanya ni Aira, kaya napatingin siya sa pinto ng hospital. “H-hindi ko kayang pumasok Mom, nat
3403RD POV “Papa..” Mahina na sambit ni Marie, kaya agad na lumapit sa kanya si Noah. “Papa, masakit ‘yong paa ko.” Wika nito, kaya hinaplos niya ang paa nito, na kanyang tinuro. Mabuti nalang at mabilis na nahila ni Beth, si Marie, kaya hindi ito nasagasaan. “Hindi na ba masakit?” Tanong niya rito, habang ngumiti ito sa kanya. “Gusto mo bang kumain?” Tanong niyang muli, habang ngumito ito. “Papa, bakit ayaw sa atin ni Mama? Bakit lagi niya tayong ina-away? Bakit hindi niya tayo mahal?” Tanong nito, habang nagyuko si Noah, sa ulo niya.“Mahal ka ng mama mo, Marie.” Sagot niya rito, habang hinaplos niya ang pisngi nito. “Patawad Anak, sana mapatawad mo si Papa.” Taka itong napatingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Bakit po Papa? Wala naman po kayong ginawang kasalanan.” Wika nito, habang sumandal, kaya agad siyang tinulungan ni Noah. “Kasi kasalanan ni papa ang lahat.” Sagot niya rito. “Papa, gusto kung mamasyal do’n.” Turo nito sa labas, kaya napahinga nang malalim si N
341 3RD POV Hindi napigilan ni Dell, na makaramdam ng kaba, habang nakatingin kay Noah at sa anak nila. Nang makita niya ang pagsakay nila ng barko, ay naaalala niya ang lugar, kung saan siya dinala noon ni Noah, at tama nga siya. Rito sa lugar na ‘to sila pupunta. Mabuti nalang at hindi pa rin nito pinalitan ang lock ng bahay, kaya nabuksan niya ito sa pamamagitan ng susi na tinago niya sa gilid ng gate. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Noah, sa kanya. Habang napatingin siya sa noo nito. Hindi niya napigilan na sisihin ang kanyang sarili, dahil sa ginawa niyang pananakit dito. “P-pinuntahan kayo.” Utal na wika niya, habang tinitigan ito. Napakunot naman ang noo ni Noah. “B-Baby..” Sambit ni Dell, habang yumakap ng mahigpit ang bata, sa leeg ng kanyang amang si Noah. Agad na nag-landas ang mga luha sa mga mata ni Dell, dahil sa nakita niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na buhay ang anak niya. “Sorry...” Hikbing wika niya, habang hinaplos niya ang likuran nito. “Hindi ko s
3423RD POV “Anong kasal ang pinagsasabi mo?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah. “Hindi ka bingi, kaya alam ko na naririnig mo ‘yong sinabi ko.” Wika niya at tumayo. Wala rin siyang gana na kumain. “Hindi kaba kakain?” Tanong nito, kaya natigilan siya. “Wala akong gana.” Wika niya, at pumasok sa silid. Nang mapakapasok siya sa kanyang silid ay napasandal siya sa pinto. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi nila marinig ang kanyang hikbi. KINABUKASAN ay nagising si Dell, dahil sa ingay sa labas, kaya tumayo siya. “Sa’n kayo pupunta?” Kunot-noo na wika niya, habang tumingin sa kanya si Marie. “Papasok sa trabaho si Papa, Mama.” Ngiting wika nito sa kanya. “Dadalhin mo siya?” Tanong niya kay Noah. “Hindi ko siya pwedeng iwan. Walang magbabantay sa kanya.” Sagot nito, habang sinuotan ng sapatos si Marie. “Bakit hindi ka nalang kumuha ng yaya? Alam mo bang ilang beses na siyang, muntik na napahamak, dahil sa pagdadala mo sa kanya, kung saan?” Wika niya, kaya napatingin sa
343 3RD POV “Damn it! Ano ba ‘tong ginagawa mo?” Galit na wika sa kanya ni Noah, kaya masama niya itong tiningnan. “Nakita mo kung ano ang ginawa ko ‘di ba? Bakit nagtatanong ka pa?” Maldita na sagot niya, habang nilapitan ang pinto at binuksan ito. “Halika.” Ngiting wika niya sa kanyang anak at kinuha ito kay Beth. “Bakit mo kinuha ang gamit niya?” Kunot-noo na tanong sa kanya ni Noah. “Uuwi na kami.” “Nagpapatawa kaba? Hindi kayo pwedeng umuwi!” Nilingon niya si Noah, dahil sa ginawang pag-sigaw nito. “At bakit hindi?” “Pwede ba Dell, tumigil ka!” Inirapan niya ito ng mata, habang umupo, at kalong ang anak niya. “Tanggalin mo ang babaeng ‘yon.” Madiin na wika niya rito. “Hindi pwede, dahil siya lang ang maasahan ko.” “Ako ang papalit sa kanya, kaya tanggalin mo siya! At higit na mas magaling at matalino ako, sa babaeng ‘yon!” Sigaw niya rito. “’Wag kayo away Mama.” Hikbi na wika ni Marie, kaya napatingin siya rito. “S-sorry Anak.” Hinging tawad niya at pinaupo ito sa s
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady
CHAPTER 253RD POV Habang nasa loob na sila sa kotse, ay agad na suminyas sa kanya si Hazel, at agad na nilambingan ang boses niya habang kausap niya ito. Nang makarating sila sa condo ni Hazel, ay roon lang nakahinga si Daisy nang maluwag. “Bakit hindi mo kinuha ang camera na nilagay niya sa kotse?” Tanong niya rito. “Kapag ginawa ko ‘yon Ma’am. Maghi-hinala po siya.” Sagot nito, kaya napatitig siya rito. “At malalaman niya na alam natin ang ginagawa niya.” Muling wika sa kanya ni Hazel. “Tama ka, pero sigurado kaba na safe talaga rito?” Tanong niya habang umupo. “Opo Ma’am Daisy, marami po akong nilagay sa condo ko, para walang ibang makakapasok dito basta-basta.” Sagot nito habang napatango siya. Bigla niya naman naisip ang sinabi nito sa kanya kanina. ‘Hindi alam kung hindi siya si Dan, dahil napatunayan ko na ‘yon.’Napatingin siya kay Hazel, nang marinig niya ito. “Ano po ang sinasabi ng lalaking ‘yon, kanina Ma’am Daisy?” Tanong nito sa kanya. “Pinapagulo niya lang an
CHAPTER 24 3RD POV “Ano ‘yong ingay sa taas?’ Tanong ng kanyang ina, sa katulong nila nang makita itong bumaba. “May pusa po na nakapasok Ma’am Daina.” Sagot nito, habang napakunot ang noo ng kanyang ina. “Pusa? Paano nagkakaroon ng pusa sa taas?” Taka na tanong nito, habang naalala niya na mahilig sa pusa si June. Nakikita niya ito na laging nagpapakain ng mga pusa roon sa bahay na pinag-dalhan nito sa kanya. “Hayaan niyo na Mommy. Itapon mo nalang ang pusa.” Wika niya sa katulong habang hinawakan ang kamay ni Hazel. “Mahal ko, pwede mo ba akong samahan sa taas?” Wika niya, habang tumango ito. Nang makarinig sila ng malakas na nabasag sa loob ng kanyang silid ay agad siyang napatingin kay Hazel. “Kami nalang ang titingin sa taas Mom.” Wika niya, habang inalalayan siya ni Hazel, na maglakad. “Ito pala ang kwarto ko Mahal ko.” Ngiting wika niya, habang kumindat dito. Mabuti nalang at naisipan niyang pasuotin si Hazel, nang isang damit, na nag-mukhang malaki ang katawan niya.
CHAPTER 23 3RD POV “Mukhang malaki talaga ang problema mo, dahil lumapit ka talaga sa akin.” Ngiting wika ng kanyang lola Aira, habang giniya siya sa upuan. “Alam kung nakakahiya, pero Lola, hindi ko na kaya na ilihim sa ‘yo ang problema ko. Lalo na at napagkamalan na nila akong bal*w. Pero maniwala kayo, totoo ang sinasabi ko.” Wika niya rito. “Alam ko, Apo. ‘Wag kang mag-alala tutulungan kita.” “Gusto kung malaman ang tunay na pagkatao ni Dan, Lola. Alam ko na siya ang sagot sa lahat ng tanong ko.”“Dan?” Wika nito. “Dan Fico. Lola.” Wika niya, habang napangiti si Aira. “Sila pala ang nagpa-pasakit sa ulo mo.” Wika nito, habang napakunot ang kanyang noo, na tumingin dito. “Kilala niyo po ba siya?” Tanong niya, habang tumango ito. “Kilalang-kilala ko silang magkapatid.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Magkapatid?” Wika niya rito. “Oo Apo.” ‘I-ibig bang sabihin, kapatid niya ang matandang ‘yon?’ “Ako na ang bahala Apo, ‘wag kang mag-alala. Dadalhi
CHAPTER 223RD POV “Hindi ko alam, kung bakit mo gina-gawa ‘to.” Wika nito, habang tumayo at nilapitan siya. “A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya. “Ako pa rin ba ang pinaghihinalaan mo?” Tanong nito sa kanya, habang napakunot ang noo niya. “Paano mo nalaman?” Sinabi ko sa ‘yo, mas matalino ako.” Wika nito, kaya gulat siyang napatingin dito. “I-ikaw nga.. Ikaw nga si June!” Malakas na sigaw niya, habang tumayo. Napatingin siya sa paligid at hinhanap ang mga tauhan niya. “Mali ka, hindi ako.” Ngising wika nito. “Akala ko ba, matalino ka?” Muling wika nito habang nailing. “Kuya! Akala ko ba, matalino itong princesa mo?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya rito. “K-kuya?” “Kumusta kana Mahal ko?” Namilog ang kanyang mga mata, matapos makita ang isang lalaki na pumasok. “I-ikaw..” Utal na wika niya, habang napatingin sa matanda. “Bakit mo siya kasama?!” Galit na sigaw niya kay Dan. “Dan! Sumagot ka!!” Galit na sigaw niya rito. “Ako ang pinagh
CHAPTER 213RD POV “Makakalabas kana.” Wika niya sa kanyang tauhan. Nang malabas ito, ay agad niyang tiningnan ang lahat ng sulok sa opisina niya, naalala niya na mahilig si June, sa mga cctv camera. Iniisip niya na baka nilagyan nito ng cctv camera ang loob ng kanyang opisina, para makita nito ang lahat ng ginagawa niya.Halos mahalughog na niya ang lahat ng mga gamit niya, pero wala pa rin siyang nakita. Naisipan niyang umupo, dahil pagod na siya kakahanap at wala siyang ibang nagawa sa opisina niya. Tambak na rin ang mga document na kailangan niyang i-review.Kukunin na sana niya ito, pero natigilan siya nang makita ang lamisa niya. Hindi niya kasi nasilip ang ilalim. Nang sisilipin na sana niya ito, ay napa-igtad siya ng bigla niyang narinig ang malakas na halakhak mula sa speaker na nasa ilalim ng kanyang lamesa. “Ang galing mo pa lang maghanap Mahal ko..” Wika nito, kaya dali-dali niyang kinuha ang speaker. “Kung totoong matapang ka, bakit hindi ka magpakita sa akin?!” Siga