C4
3RD POV “Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol!” Malakas na sigaw ni Anna kay Dylan ng maka-uwi dito. Hilaw na napangiti si Dylan sa kanya at tinitingnan siya, mula ulo Hanggang paa. “At bakit ko naman ‘yon gagawin?” “Dylan, asawa mo ako!” “Asawa? Baka nakalimutan mo na asawa lang kita sa papel! Isa pa, ito ang tandaan mo Anna, ayokong saktan si Britney, kaya ‘wag na ‘wag mong sabihin sa kanya na pinakasalan kita.” Muling napa-iyak si Anna, dahil sa narinig niya mula kay Dylan. Ni wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya. Napatingin si Anna kay Luz ng abutan siya nito ng tubig. Mabilis din na tumabi si Luz nang makitang muling lumabas si Dylan. “S-saan ka pupunta?” Takang tanong ni Anna, habang nakita niya ang dalang maleta ni Dylan. Mabilis na lumapit sa kanya si Anna at hinawakan ang kanyang maleta. “Saan ka ba pupunta? Pwede bang ‘wag kang umalis..” Iyak nitong pagmamakaawa sa kanya. Pero parang bingi si Dylan at walang narinig. Muling hinawakan ni Anna ang maleta kaya napatingin sa kanya si Dylan. “Bitawan mo ‘yan, kung ayaw mong ibalibag ko sa ‘yo ‘tong maleta.” Namilog ang mga mata ni Anna habang nailing kay Dylan. Naglakas loob naman si Luz na hawakan si Anna, at kunin ang mga kamay niya na nakahawak sa maleta ni Dylan. Ito kasi ang natakot sa sinabi ng kanyang lalaking amo. “Bumitiw ka na po Ma’am Anna, baka po ano pa ang mangyari sa ‘yo..” Hindi nito napigilan ang mapaluha, habang nakatingin kay Anna na patuloy na umiiyak at nagmamakaawa kay Dylan. Mabilis niya naman na naiwas si Anna, nang tangka itong hampasin ni Dylan sa hawak niya. “P-pigilan mo siya Manang…” Iyak na pagmamakaawa ni Anna, habang nakita nitong palabas na si Dylan sa pinto. “M-mas mabuti po siguro na hayaan niyo po muna si Sir Ma’am Anna, baka Po masaktan lang kayo, kung pipigilan mo siya.” Luhaang nag-angat ng mukha si Anna sa kanya. “P-paano na ako? A-anong sasabihin ko sa kanila kung hahanapin nila si Dylan sa akin Manang?” Hindi napigilan ni Luz ang sarili at niyakap si Anna. Gusto man nitong tulungan ang kanyang amo ay wala itong magawa. Lumipas ang mga araw at hindi mapigilan ni Luz ang mag-alala kay Anna. Simula kasi noong umalis si Dylan ay lagi nalang itong nagmumukmok at hindi kumakain. Sinubukan na niyang tawagan si Dylan, pero hindi ito sumasagot, kahit ang pamilya ni Anna ay hindi rin nito makontak. “Ma’am Anna..” Mahina niyang sambit habang binuksan ang kwarto ni Anna, kahit alam niya na hindi nito kakainin ang mga pagkain na dala niya, ay sinusubukan niya, pa rin na dalhan ito. “‘Wag!” Malakas nitong sigaw, nang tangka niyang buksan ang ilaw. “Pero paano ka kakain, kung hindi mo bubuksan ang ilaw?” Tanong niya, rito, habang pilit na ina-aninag ang mukha ni Anna. “Wala akong gana na kumain Manang,” “Ma’am Anna, kailangan n’yo pong kumain at magpalakas. Paano nalang po kung uuwi na si Sir? Paano mo siya ma-ipagluluto?” Kumbinsi nitong wika, habang naririnig na naman niya ang hikbi ni Anna. “Sa tingin mo ba Manang, uuwi pa ba?” Iyak nitong wika, habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. “Ikaw ang asawa niya, kaya alam ko na babalikan ka niya.” “Pero hindi niya ako mahal?” Natigilan si Luz, dahil wala rin itong makuhang sagot. “Iwan n’yo na muna ako Manang,” “Pero Ma’am Anna?” “‘Wag po kayong mag-alala sa akin Manang, ayos lang po ako.” Wika nito sa kanya. Gusto man niyang manatili muna sa silid ni Anna, pero wala itong magagawa kun’di sundin ang amo. Naisipan ni Luz a puntahan si Dylan sa office nito. Kinapalan na nito ang kanyang mukha para paki-usapan ang lalaking amo. Hindi niya kasi mapigilan na mag-alala, kay Anna. Dahil sa ilang araw na itong hindi kumakain. “Anong kailangan niyo?” Napatingin si Luz sa guard na lumapit sa kanya. “Itatanong ko lang po sana, kung nand’yan si Sir Dylan?” Napatitig sa kanya ang guard at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “K-katulong niya ako.” Muling wika niya habang napatango ang guard sa kanya. “Anong kailangan mo kay Sir? Hindi mo ba alam na wala siya rito?” “W-wala? Anong wala?” Hindi napigilan ni Luz ang mapalakas ang kanyang boses. “Nasa out of town kasama ang girlfriend niya.” Napatakip sa kanyang bibig si Luz, dahil sa kanyang narinig. Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng galit sa kay Dylan, dahil nagawa pa nitong umalis at sumama sa babae nito, habang nagdurusa si Anna. Babalik na sana si Luz sa condo ni Anna at Dylan pero natigilan siya ng tumawag ang kanyang anak. Gustuhin man niya na balikan agad si Anna, pero hindi niya ito magawa, dahil mas kailangan siya ng kanyang anak. “Nasa’n ba ‘yong asawa mo?” Tanong ni Luz nang makarating sa hospital. “Nasa trabaho Nay, wala po kasi akong ibang matawagan.” Napahinga ng malalim si Luz, habang nakatingin sa anak niya na namimilipit sa sakit. Ngayon kasi ang kabuwanan nito at hindi man lang nag-leave ang asawa nito. Hindi niya tuloy mapigilan na maisip si Anna, dahil paano nalang kung ganito ang sitwasyon nang kanyang babaeng amo, sino ang tatawagan nito? “Nay! Bayaran na po muna ninyo ‘yong deposit! Para maipasok na nila ako sa emergency room.” Nailing si Luz sa narinig niya. “Akala ko ba nag-iipon kayo ng asawa mo?” “Nay! Naman, alam mo naman na sobrang hirap ng buhay ngayon, kaya nagalaw namin ‘yong inipon namin, para sa panganganak ko.” “Alam mo naman pala, na mahirap ang buhay? Bakit panay ‘yang pagbubuntis mo?” “Nay naman, paulit-ulit nalang ba tayo? Hindi naman pwede na ipalaglag ko ‘tong mga anak ko!” “Tumigil ka na nga! Nag-papalusot ka pa.” Inis na wika ni Luz at iniwan ang anak. Ilang beses na kasi nitong sinabihan ang anak niya na gumamit ng family planning pero hindi talaga nakikinig. “Mano po Nay!” Kinuha ang kamay ni Luz sa kanyang manugang. “Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na nanganganak ang asawa mo?” Galit nitong tanong, kaya napakamot ito sa kanyang ulo. “Pasensya na po kayo Inay, pinuntahan ko pa po kasi ‘yong mga bata at pinakain.” Napahinga ng malalim si Luz, dahil sa sinabi nito sa kanya. Alam din kasi niya, na walang mapag-iwanan sa kanyang mga apo. Isa pa, iniisip niya, paano nalang kung hindi siya namamasukan? Sino nalang ang tutulong sa kanyang anak? “Oh! S’ya, Sige, ikaw na muna ang bahala sa asawa mo, dahil kailangan ko pang balikan ang amo ko.” Paalam niya rito. “T-teka lang po Inay, baka po may kailangan pa po akong bayaran?” “Wala na, nabayaran ko na, at kung may kailangan kayo tawagan mo lang ako.” “Opo Inay.” Nagmamadaling umalis si Luz, para balikan si Anna. Mas lalo pa siyang nag-alala dahil umaga pa nito iniwanan ang amo niya.CHAPTER 38 WARNING MATURED CNTEXT!!! SPG 3RD POV Banayad lang ang ginawa niyang halik kay Ariel, habang dahan-dahan niyang hinubad ang suot nitong gown. Bawat galaw niya ay may pag-iingat, dahil takot na siyang makasakit kay Ariel. Gusto rin niyang mawala sa isip nito ang nangyari noong gabing marahas niya sana itong angkinin. Nang tuluyan niyang nahubad ang gown ni Ariel ay sunod niyang tinanggal ang panloob nitong saplot. Matapos niya itong mahubad ay bumaba ang halik niya sa leeg nito, patungo sa dibdib ni Ariel, habang nanatili lang itong nakatayo. Nang dumako ang kanyang labi sa malusog nitong dibdib ay agad niyang sinips*p ang isang ut*ng nito, habang nilalaro ng isa niyang kamay ang kabila nitong dibdib. Nang marinig niya ang mahina nitong ungol ay lihim siyang napangiti. Habang nanatili na nakatayo si Ariel. Nang bumaba pa ang kanyang labi ay agad niyang hinalikan ang p********e nito. Nang hawakan ni Ariel ang kanyang ulo ay nag-angat siya ng kanyang mukha at tumingin
CHAPTER 37 3RD POV Habang nakita niyang naglalakad si Ariel, paputa sa kanya ay mas lalong lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, dahil naghahalo ang emosyon na kanyang nararamdaman. Nang makalapit ito sa kanya, ay malawak itong napangiti. “Kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin, nagkakamali ka.” Ngiting wika sa kanya ni Ariel, habang pinulupot nito sa kanyang braso ang isang braso nito. “P-paano mo nagawa ‘to?” Tanong niya rito sa mahina na boses. “Hindi kaba nagagalit sa akin?” Muling tanong niya. “Kahit kailan, hinding-hindi ako makakaramdam ng galit sa ‘yo Edward, dahil mahal na mahal kita.” Sagot nito sa kanya, habang muli na naman siyang nakaramdam ng guilt. “Kaya sana ‘wag mo nang sisihin ang sarili mo sa nangyari. Ginusto ko ‘yon Edward, kaya ‘wag mo nang sisihin ang sarili mo at sana ‘wag mo nang saktan pa ang sarili mo.” Muling wika nito sa kanya. “Ayoko rin na tumanggi ka sa kasalang ito, dahil tiyak na magsisi ka,
CHAPTER 36 3RD POV Matapos niyang bihisan si Ariel ay agad na niya itong dinala sa kotse. Hindi niya pa rin ito kinaki-usap, dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya rito. Nahihiya siya sa kanyang ginawa, at hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya, dahil sa kanyang ginawa. Nang makarating sa mansion ay hindi na siya sumama kay Ariel na pumasok sa silid nito. Pinili niyang sa guest room na muna manatili. Habang nasa loob ng bayo, ay hindi niya na iwasan na saktan ang kanyang sarili, dahil sa naalala niya. Hindi pa rin nawala sa isip niya ang ginawa niyang pambababoy kay Ariel. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit at tinungo ang parking lot. Agad niyang kinuha ang kanyang kotse, habang pinapakuha ang kanyang tauhan ng ticket niya sa eroplano. Wala na kasi siyang mukhang iharap kay Ariel, kaya mas pinili niya nalang ang umalis. Nang makarating sa Pilipinas ay agad niyang tinungo ang mansion ng lola nito na si Aira, dahil handa na siyang pagbayaran ang ginawa niya
CHAPTER 35 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG 3RD POV Hindi niya na pigilan ang sarili niya, na gumanti ng halik kay Ariel, habang mahigpit niyang hinawakan ang bewang nito, Dahil sa paraan nang pag-halik niya kay Ariel, ay naramdaman niyang mas humigpit ang ginawa nitong pagyakap sa kanyang likod, kaya lihim siyang napangiti. Nang bitawan niya ang labi nito ay agad niya itong binuhat. Kita niya ang pag-tataka sa mukha ni Ariel. “Sandali, saan mo ako dadalhin?” Tanong nito sa kanya, habang kumapit ito sa kanyang leeg. “Sa langit.” Ngising wika niya rito. Hindi na alam kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng excitement, habang buhat niya si Ariel. Hindi na rin niya mapigilan pa ang sarili niya sa balak niyang gawin dito. Nang makapasok sila sa isang private room ay bigla niya nalang hinagis si Ariel sa kama, at mabilis niyang hinubad ang kanyang damit. Ang akala niya ay pipigilan siya nito, pero wala itong ginawa, kahit ang pigilan siya sa kanyang gagawin ay hindi rin ito gina
CHAPTER 34 3RD POV Muling napa-kunot ang kanyang noo, nang makita itong pinagtawanan niya. “Alam mo, para ka talagang si Daddy. Kung ako sa ‘yo, ‘wag mong masyadong ipahalata na matanda kana.” Iling na wika nito, habang lihim na napa-kuyom ang kanyang kamao. “Matanda nga ako, pero ipapakita ko sa ‘yo kung paano mabaliw ang mga babaeng katulad mo sa akin.” Ngiting wika niya rito. Unti-unti naman na nawala ang ngiti nito sa labi, dahil sa ginawa niya. “Saan ka pupunta?” Taka na tanong niya, nang makita itong tumayo. “Sa banyo, ‘wag mong sabihin na pati ro’n ay sasamahan mo ako.” Taas kilay na sagot nito. Matapos niyang makita na patungo ito sa banyo ay agad na niyang itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang pagkain. Nang bumalik si Ariel at agad din nitong inubos ang pagkain nito. Nang matapos silang kumain ay napa-kunot ang kanyang noo, nang marinig ito. “Tama ba ‘yong narinig ko?” Tanong niya, habang napatingin ito sa kanya. “Ano bang paki mo?” Sagot nito sa kanya, habang hi
CHAPTER 33 3RD POV “Tara na.” Wika nito habang mabilis na pumasok sa kotse. “’Wag mong sabihin na uuwi na tayo?” Taka na tanong niya, dahil alam niyang hindi pa tapos ang klase nito. “Hindi, mamasyal lang tayo.” Napa-kunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya mula rito. “Anong mamasyal? Oras ng pasok mamasyal ka?” Galit na wika niya. “Ayos lang kung hindi ako papasok. Mayaman naman kami.” Ngiting wika niya. “Bumaba ka.” Wika niya, kay Ariel. Habang bakas sa mukha nito ang gulat. “’Wag niyo siyang sundin.” Wika nito, habang napatingin siya rito. Inis siyang bumaba ng kotse at mabilis na binuhat si Ariel. “Ano ba! Ibaba mo ako!!” Malakas na sigaw nito sa kanya. Pero hindi niya ito pinakinggan at dinala sa loob ng building.Nang marating niya ang classroom nito ay mabilis niya itong binaba sa upuan nito. Taka itong napatingin sa kanya, dahil sa ginawa niya. “Sandali, paano mo nalaman ang upuan ko? Pati na rin ang classroom ko?” Hindi niya maiwasan na mapakamot sa kanyang ul