Share

Chapter 5

Author: Darkshin0415
last update Last Updated: 2024-09-15 11:53:46

C5 

3RD POV

“Manang!” Napahinto si Luz at napatitig kay Anna. Ibang-iba kasi ito ngayon at ang sigla ng mukha niya. Hindi na rin nito nakikita sa mga mata ni Anna ang lungkot. 

“A-ayos na po ba kayo?” Taka niyang wika habang nilapitan ang amo. Dumako ang kanyang mga mata nang makita ang baso na may laman na alak. 

“Umiinom po kayo Ma’am Anna?” Tanong nito habang bakas sa kanyang mga mata ang pagtataka. Ngayon lang kasi niya nakitang umiinom ito. 

“Oo naman Manang, Minsan kailangan talaga natin uminom. Teka, bakit ba masyado kayong seryoso r’yan? Halika, uminom ka rin.” Ngiting wika nito habang inabot sa kanya ang baso. Kinuha naman ito ni Luz, habang hindi niya maiwasan na titigan ang mukha ni Anna. 

Sabay silang napalingon ng bigla nalang bumukas ang pinto. Kunot-noo na napatingin sa kanila si Dylan at dumilim pa lalo ang mukha nito ng makita ang bote ng alak sa harapan nila. 

“Mukhang nag-eenjoy ka ng husto?” Wika nito habang nilapitan sila. 

“Anong enjoy? Paano naman ako ma-enjoy, eh nandito lang ako sa bahay. Alam mo ang nag-eenjoy ‘yong nasa bar.” Balewalang wika ni Anna at muling uminom. Napatitig si Dylan sa kanya, dahil naninibago siya kay Anna. Hindi niya rin maiwasan na magtaka, dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang asawa, ay agad siya nitong lalapitan, kukunin ang mga gamit at magtatanong kung kumain na siya. 

Lalo pa itong nagtaka nang makita ang suot ng kanyang asawa. Dati kasi ay laging dress ang suot nito at napaka-pormal, pero ngayon ay isang maikli na maong short at crop top. Hindi niya rin maiwasan na titigan ang harapan nito dahil nakabukaka ito habang nakaupo sa sofa. Hindi niya tuloy maiwasan na napalunok, dahil nakikita na ang maputi nitong singit. 

“Ano ba ‘yang suot mo?” Tanong ni Dylan, habang napa-yuko si Anna at tiningnan ang kanyang sarili. 

“Maiwan ko po muna kayo Sir, Ma’am, ilalagay ko lang ‘to.” Wika ni Luz, at iniwan ang dalawa. Hindi niya rin maiwasan na magtaka, dahil kinakausap ng matagal ni Dylan si Anna. Simula kasi noon ay napapansin nito na laging iniwasan ni Dylan si Anna.

“Bakit? Anong masama sa suot ko?” Inis na wika ni Anna at tumayo. Ayaw na ayaw kasi nito na pakialaman ang susuotin niya. 

“Kinakausap pa kita.” Galit na wika ni Dylan ng makitang tinatalikuran siya ni Anna. 

“Ayaw kitang kausap.” Nakataas ang isang kilay na wika ni Anna. Napakuyom naman si Dylan sa kanyang kamao, dahil sa inasta ni Anna. Hindi niya akalain na babastusin siya nito. 

Napamaang si Luz nang marinig niya ang sinabi ni Anna sa asawa nito. Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng saya dahil sa ginawa ni Anna, napansin kasi nito na parang palaban na ito at hindi na sunod-sunuran kay Dylan. 

Tanghali na nagising si Dylan dahil wala itong  pasok sa opisina. 

“Good morning po Sir, kumain na po kayo.” Bati ni Luz sa kanya, habang hindi siya umimik. Inililibot niya rin ang kanyang paningin sa loob ng bahay, dahil hindi niya nakita si Anna. Naninibago kasi ito sa kilos ng kanyang asawa, dahil simula noong nagsama sila ay maaga itong nagigising at naghahanda ng pagkain niya. 

“Where is she?” Hindi na nito napigilan ang sarili na tanungin si Luz. Hindi kasi siya sanay na Wala ito. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili, dahil dati naman ay ayaw niya na makita ang mukha nito. 

“Tulog pa po.” Natigilan siya ng marinig ang sinabi ni Luz. 

“Tulog? Ganitong oras?” Inis nitong wika at tumayo. Tinungo ni Dylan ang silid ni Anna at malakas na kinatok. 

“Ano ba?! Bakit ba ang ingay?!” Lalong nakaramdam ng inis si Dylan ng marinig ang galit na boses ni Anna sa loob. 

“Open this fvcking door!!!” Malakas niyang sigaw at para na nitong sisirain ang pinto. 

“Bakit ba? Ano bang kailangan mo?” Gulat na dumako ang tingin ni Dylan sa katawan ni Anna nang lumabas ito na hindi nagsuot ng damit. 

Mabilis nitong iniwas ang kanyang tingin kay Anna, dahil naka-panty at bra lamang ito. 

“Magdamit ka nga!” Inis nitong sigaw, habang malakas na napa-halakhak si Anna. 

“Ang O.A mo naman! Akala mo naman, virgin.” Gulat na napatingin si Dylan sa kanya, dahil sa sinabi nito. 

“Ano?” Taas kilay na tanong muli ni Anna kay Dylan. 

“Bakit, ba hindi ka na umimik? Ano bang kailangan mo? Alam mo, ang himbing sana ng tulog ko. Tapos ang ganda ng panaginip ko, pero sinira mo lang. Kung wala kang kailangan, pwede ba umalis ka na.” Inis na wika ni Anna at sinara ang pinto. 

Napa-awang ang mga labi ni Dylan dahil sa ginawa ni Anna. Hindi niya akalain na ang dating mahinhin at takot na asawa niya noon, ay magbabago ng ganito. Pero ano bang paki-alam niya? ‘Diba dapat masaya siya, dahil hindi na siya ginugulo ni Anna? 

“Fvck! ‘Di ba ito ang gusto mo?” Inis at mahina niyang wika sa kanyang sarili.

“Sino ‘yan?” Tanong ni Dylan kay Luz nang makitang may kausap ito sa pinto. 

“Sir, naghahanap po kay Ma’am.” Napatingin si Dylan sa pinto at nakita ang isang lalaki. 

“Bakit? Ano raw ang  kailangan?” 

“Nasa parking area na po kasi ‘yong kotse ni Ma’am.”

“Kotse?” Gulat nitong tanong habang lumabas si Anna. 

Hindi muli maiwasan ni Dylan na mapatingin sa katawan ng kanyang asawa, dahil sa suot nito. 

“Here.” Narinig nitong wika habang may inabot na papel ang lalaki kay Anna.

“Kumuha ka ng kotse?” Tanong ni Dylan habang dumaan si Anna sa kanya. 

“Hindi ko kinuha, binili.” Madiin nitong wika at iniwan siya. 

“Wala akong paki-alam kung kinuha o binili mo.” Inis na wika ni Dylan, kaya natigilan si Anna at nilingon niya si Dylan. 

“Then? Bakit ka nagtatanong?” Inis na nilapitan ni Dylan si Anna, dahil hindi na nito matiis ang kamalditahan na pinapakita ni Anna sa kanya. 

“Sagutin mo ng maayos ang Tanong ko.” Umigting ang kanyang panga habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Anna. 

“Magtanong ka rin ng maayos, kung gusto mong sasagutin kita ng maayos. Isa pa, bitawan mo ‘yang braso ko kung ayaw mong maging bugok ‘yang itl*g mo.” Napangisi si Dylan, dahil sa narinig nito kay Anna. Hindi niya akalain na maging palaban ito sa kanya. 

“‘Wag mo akong subukan.” Wika ni Anna, sabay angat ng kanyang tuhod at tumama ito sa harapan ni Dylan. Malakas naman na napasigaw si Dylan, dahil sa sakit. 

“Binalaan na kita.” Balewalang wika ni Anna. 

“Isa pa, ‘wag kang mag-alala, dahil hindi mo naman pera ang ginagamit ko. Kahit sa sahod ni Luz ay bayad ko na.” Wika nito at muling pumasok sa kanyang kwarto. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (19)
goodnovel comment avatar
Ronalyn Abellar
hahaha nga nga ka ngayun dylan
goodnovel comment avatar
Vhelie Capeñanes
nice story. palaban si girl.
goodnovel comment avatar
Grace Dela Torre
ganyan nga ana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   BOOK23 C13

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 133RD POV "Mukhang maayos na ang buhay mo ngayong may asawa kana." Nag-angat siya sa kanyang mukha at napatingin sa kapatid niyang si Clyde. "Kung alam mo lang kung gaano kasaya Kuya." Iling na wika niya, habang hindi maiwasan ni Clyde ang matawa. "Akalain mo 'yon, nagkamali lang siya, dahil lasing tapos naging asawa mo na." Ngiting wika nito, habang umupo sa tapat niya. Tanging ngiti lang din ang iginanti niya rito, dahil ayaw niyang malaman nito ang problema niya. "Ang sabi ni Mommy, wala na kayo sa bahay." Muli siyang napatingin sa kapatid niya, dahil sa narinig niya mula rito. "May binili akong bahay sa probinsya, roon ko siya dinala." Balewala na sagot niya, habang napa-kunot ang noo ni Clyde. "Probinsya? Bakit don?" Taka na tanong nito sa kanya, habang nagkibit balikat lang siya. "Gusto ko sanang mag-pasama sa 'yo, pero 'wag nalang pala." Wika nito habang tumayo. "Saan?" Tanong niya habang tiningnan ito. "Sa ibang bansa, balak kun

  • My Mysterious Wife   BOOK23 C12

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 123RD POV "Kumusta ang tulog ninyong mag-asawa?" Ngiting wika sa kanila ng kanyang ina, habang umupo sila sa tapat nito. "Ayos lang po Tita..." Napatingin ang kanyang ina kay Isla, dahil sa sagot nito. "Hija, hindi ba sinabi ko na sa 'yo na mommy ang itawag mo sa akin." Napangiti si Isla, habang lumingon ito sa kanya. "S-sige po Mommy.." Ngiting wika nito, habang nilagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. "Ang bait mo naman Hija, ang swerte talaga ng Anak ko, dahil ikaw ang naging asawa niya." Hindi napigilan ni Charles na ibagsak ang kutsara na hawak niya, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. Gusto niya sana na sabihin dito na hindi mabait si Isla, dahil ubod ito ng sinungaling. "Akin na palitan ko nalang 'yan." Wika nito, habang nakatingin sa hawak niyang kutsara. "'Wag na." Balewala niyang wika habang nag-umpisa nang kumain."Anak, gusto kung dalhin mo ang asawa mo sa isa sa resort mo," wika sa kanya ng kanyang ina, kaya natigilan

  • My Mysterious Wife   BOOK23 C11

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 113RD POV “Akala ko ba nakalimutan mo ng may asawa kang tao.” Napalingon siya kay Isla, habang nasa sofa ito at galit na tumingin sa kanya. “Asawa?” Ismid na wika niya, habang nailing dito. “Asawa lang kita sa papel, kaya ‘wag kang umasta na asawa kita.” Muling wika niya, habang napansin niyang napahiya ito. “Hindi ko ginusto na maikasal tayo.” Hindi niya napigilan na mapangiti, dahil sa narinig niya ula rito. “Hindi? Pero pumayag ka?” “Alam mong sadyang makapangyarihan kayo Charles! Wala kaming laban sa pamilya mo, lalo na si Daddy!” Natigilan siya, habang napa-kunot ang kanyang noo. "Daddy?" Ulit niyang wika, habang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Hali kana, ipaghain na kita ng pagkain." Wika nito at hahawakan sana siya. Pero mabilis niyang winaksi ang kamay nito. "'Wag mo akong hawakan." Galit na wika niya habang tinalikuran ito. Nang makapasok siya sa silid niya, ay lalo siyang nakaramdam nang inis matapos niyang makita ang mga gami

  • My Mysterious Wife   BOOK23 C10

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 103RD POV "Isla!" Muling tawag ni Charles, habang tiningnan niya ang lahat ng sulok sa bahay. Pero hindi niya pa rin ito makita. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang mga tauhan niya. "Nakita n'yo bang lumabas si Isla?" Tanong niya, matapos sagutin nito ang kanyang tawag. "Hindi po Sir." Sagot ng kanyang tauhan, kaya mabilis nitong binaba ang kanyang phone. Napa-kuyom din ang kamao niya habang lalo pang nakaramdam nang galit kay Isla. 'Kaya mo ba sinabi kagabi na mawawala ka Isla?' Mabilis siyang pumasok sa kotse niya, matapos niyang tawagan ang kanyang tauhan. Binilin niya rito na tawagan siya sa oras na bumalik si Isla. Habang nasa kotse ay napatingin siya sa kanyang phone, nang tumunog ito. "Mom.." Sambit niya, matapos niyang sagutin ang tawag ng kanyang ina. "Nasa'n kana ba Anak? Akala ko ba uuwi ka ngayon?" tanong nito sa kanya. "Pauwi na ako Mommy," balewala na sagot niya, dahil ayaw niya sana na umuwi, dahil gusto niy

  • My Mysterious Wife   BOOK23 C9

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 9WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV Hindi na nagawang buksan pa ni Charles ang ilaw, dahil kahit ano pang pag-iwas na kanyang gawin ay tinatangay pa rin siya sa init na nararamdaman. "Fvck!" Napapamura siya, habang bumaba ang labi ni Isla, papunta sa kanyang leeg. Mahigpit din siyang napahawak sa bewang nito, habang inumpisahan nitong dila*n ang leeg niya. "Bakla kaba Calvin?" Napa-kunot ang noo ni Charles, dahil sa tanong nito sa kanya. "Hindi ako bakla." Galit na sagot niya, habang hindi niya maiwasan na manggigil dito. Hinawakan niya ang pangga nito at siya na mismo ang sumibasib sa labi nito. Habang patuloy niya itong hinalikan ay narinig niya ang mga ungol ni Isla. Ipinasok niya naman ang dila niya sa loob ng bibig ni Isla, ay bawat sulok ng kanyang labi ay ginalugad ito ng dila niya. Nang mapansin niyang napakapit ito ng husto sa kanyang likod, ay lihim siyang napangiti. "Ngayon patutunayan ko sa 'yo na hindi ako bakla." Ngiting w

  • My Mysterious Wife   BOOK23 C8

    MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 83RD POV "Calvin.." Napatingin siya kay Isla, habang nakatayo ito sa gilid. "Anong ginagawa mo r'yan?" Kunot-noo na tanong niya, habang nilapitan ito. "Inayos ko ang mga gamit, at nilinisan ko ang bahay." Sagot nito, habang malawak na ngumiti sa kanya. "May problema kaba?" Tanong nito, habang umiling siya. "Kumain kana ba? Akala ko mamaya ka pa uuwi, kaya hindi pa ako nagluto." "'Wag mo na akong intindihin, busog pa naman ako." Sagot niya habang tinugo ang hagdan."Magpapahinga lang ako." Muli niyang wika, habang hindi ito tiningnan, dahil sa galit na nararamdaman niya rito. "Magluluto ako! Gigisingin nalang kita kapag tapos na!" Sigaw nito, habang hindi na siya nag-abala pang sumagot dito. Matapos siyang makapasok sa kanyang silid, ay agad siyang humiga sa kama. Nang makahiga ay na-patingin siya sa pinto at naalala ang mukha ni Isla. Aaminin niyang kanina niya pa pinipigilan ang sarili niya na 'wag makapagsalita rito ng masakit. 'Kung da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status