6
3RD POV Hindi pa rin mawala ang isip ni Dylan ang ginawa ni Anna sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang gawin ‘yon sa kanya ni Anna. Isa pang pinagtataka niya ay parang may iba sa asawa niya. Pati ang kasuotan nito ay nag-iba narin. “May problema ba?” Napatingin siya sa pinto at nakita ang kaibigan niyang si Recca na nakatayo. Mabilis naman siyang umiling dito. “I though nag-aaway na naman kayo ng girlfriend mo.” Wika nito habang umupo sa harapan ng mesa niya. “We’re fine.” “Then? Bakit parang ang lalim yata ng problema mo? ‘Wag mong sabihin pinapahirapan ka ng asawa mo?” Natatawa niyang wika. “Parang ganun na nga.” Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Recca, dahil sa sagot sa kanya ni Dylan. “What do you mean Dude?” “Iwan, napansin ko lang na bigla siyang nagbago.” “Baka nauntog na at gusto nang makipag-divorce sa ‘yo.” “Mabuti sana kung ganun. Alam mo naman na wala talaga akong gusto sa kanya.” “Kung ganun, bakit hindi mo nalang siya unahan?” “Alam mo naman na mawawalan ako ng mana, kung gagawin ko ‘yon.” “Sa bagay. Pero Dude, paano kung malaman ni Britney?” Napahinga ng malalim si Dylan dahil sa tanong ni Recca sa kanya, dahil hindi niya alam, paano sasabihin sa girlfriend niya ang kanyang sitwasyon. Wala pa rin gana si Dylan na umuwi sa condo dahil ayaw niyang makita si Anna. Iniwasan niya rin ito, dahil inis na inis siya sa asawa niya. Ito kasi ang sinisisi niya, kung bakit naikasal sila. Malakas ang kutob niya na ito ang pumilit sa mga magulang niya para maikasal sila. “Love!” Ngiting wika ni Britney at agad humalik sa kanyang labi. Naisip niya na yayain itong kumain sa labas dahil mas gusto niya na ito ang makasalo niya sa pagkain. Mas-ganado rin siya kapag si Britney ang kanyang kasama. Sa isang mamahalin na restaurant sila kumain at pina-order niya kay Britney ang lahat ng gusto nito. Pero natigilan si Dylan ng makita niya sa kabilang table si Anna. ‘Ano bang ginagawa niya rito?’ Gusto niya man itong lapitan ay hindi niya magawa dahil kasama niya s Britney. Ayaw niyang maghinala ito sa kanya, kaya hinayaan nalang si Anna at lihim itong binabantayan. “Love, ‘di ba si Anna ‘yon?” Tanong sa kanya ni Britney habang tinuro ang kinaroroonan ni Anna. Tumango naman siya rito at hindi na nag-abala pa na tingnan si Anna. “Malaki ba ang pinapasahod mo sa kanya?” “Bakit mo naitanong?” “Wala lang, nagawa niya kasing makapasok dito. Alam naman natin na mahal ang restaurant na ‘to.” Wika ni Britney sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na lingunin si Anna. Isa rin sa ipinagtataka niya, dahil napansin niya na hindi ginalaw ni Anna ang cash card na binigay niya rito. Napansin ni Dylan na na-unang lumabas si Anna sa kanila kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. Matapos niyang ihatid si Britney ay agad na siyang umuwi. Napansin niya na tahimik na ang bahay. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto pero naisip niya na tingnan muna si Anna sa kanyang silid. “S-Sir.” Gulat na wika ni Luz ng mapansin si Dylan. “Nandito na po pala kayo? Kakain po ba kayo Sir? Ipag-hahanda ko po kayo.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sinabi ni Luz sa kanya. Alam niya kasi na si Anna ang naghahanda ng pagkain niya at hindi si Luz. “Bakit Ikaw ang mag-hahanda? Nasa’n si Anna?” Kunot-noo niyang tanong dito. “Umalis po Sir.” “Umalis? ‘Wag mong sabihin hindi pa siya umuwi?” “H-hindi pa nga po Sir. Ang sabi kasi ni Ma’am, sa labas siya kakain at ‘wag ko na raw po siyang hintayin dahil hindi po siya uuwi.” “Hindi uuwi? Bakit? Saan ba siya pupunta?” “Ang sabi niya po magba-bar.” Mabilis na nakaramdam ng inis ni Dylan dahil sa sinabi ni Luz sa kanya. Hindi niya inakala na may tinatagong ugali si Anna. Ang akala niya ay mahinhin ito pero hindi pala. Hindi nakatulog si Dylan, dahil sa kaiisip niya kay Anna. Dahil hindi nawawala ang galit na nararamdaman niya. Nang bumukas ang pinto ay agad siyang tumayo. “Bakit ngayon ka lang?” Galit niyang tanong dito at napansin na hindi man lang nagulat si Anna nang makita siya. Ni hindi niya ito nakitaan ng takot sa mukha. “Bakit ba? Isa pa, ano pang pakialam mo?” Lalong kumunot ang noo niya dahil sa sagot ni Anna sa kanya. “Tinatanong mo kung anong pakialam ko? Baka nakalimutan mong may asawa kang tao?!” Malakas na sigaw niya na siyang ikina-halakhak ni Anna. “Hmm, mukhang nakalimutan mo yata.” Wika nito habang tinapik ang kanyang balikat. “Nakalimutan mo ba na kasal lang tayo sa papel?” Wika nito at pinisil-pisil ang kanyang braso. “Tsk, bakit ang lambot ng braso mo? Bakit Wala ka man lang muscle?” Mabilis na napahawak si Dylan sa braso niya, dahil sa sinabi sa kanya ni Anna. “Anong wala? Hindi mo ba ‘to nakikita?” Wika niya habang tinaas ang kanyang damit at pinakita ang namumukol na abs niya. Hinawakan naman ‘to ni Anna at hinaplos. Nang mata-uhan si Dylan sa ginawa ni Anna ay mabilis niyang winaksi ang kamay nito. “Ang damot mo naman! Akala mo naman malaki!” Napa-awang ang labi ni Dylan dahil sa narinig niya mula kay Anna. Pipigilan pa sana niya ito, pero mabilis na itong pumasok sa kanyang kwarto. Kina-umagahan ay hinintay ni Dylan si Anna na lumabas. Hindi rin muna siya pumasok sa opisina para lang maka-usap si Anna. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, kung bakit niya ito ginawa. Kung tutuusin, dapat maging masaya pa dapat siya sa ginawa ni Anna. “Manang!” Agad siyang napatingin kay Anna na lumabas sa silid nito. Hindi niya rin maiwasan na mapatitig sa asawa niya, dahil sa maikiling short na suot nito at halos makita na ang dibdib nito sa suot na pantulog. “Oh! Bakit nandito kapa?” Balewalang wika nito at tumabi sa kanya. Napalunok naman ng laway si Dylan dahil sa ginawang pagtabi ni Anna sa kanya sa sofa. “Bakit? Hindi ba ako manatili sa sarili kung bahay?” Sagot niya rito habang tumayo. Kailangan niya kasing umiwas kay Anna, dahil hindi niya maiwasan na makaramdam ng init sa kanyang katawan. “Ano naman ‘to?” Napatalon si Dylan ng biglang hinawakan ni Anna ang gitnang bahagi ng kanyang pantalon. “Damn it! What do you think you doin?” Galit niyang sigaw dito. “Bakit? Hinawakan ko lang naman ‘yan ah! Akala mo naman malaki maliit naman!” Agad namula ang buong mukha ni Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya.73RD POV“Where are you going?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makitang bihis na bihis si Anna. “Bakit mo tinatanong?” Masungit na sagot niya.“Tsk, sabihin mo sa akin kung sa’n ka pupunta.” “Paano kung ayaw ko?” Napakuyom ang kamao ni Dylan habang malakas na binagsak ni Anna ang pinto ng condo unit nila. Akmang susunod na sana siya sa kanyang asawa, pero biglang tumunog ang kanyang phone.Ayaw sana ni Dylan na pumunta sa office, pero kailangan dahil may importante silang meeting, kaya agad niyang tinawagan si Recca.“Ano? Gagawin mo pa talaga akong bodyguard sa asawa mo.” Natatawang wika ni Recca sa kabilang linya.”“Don’t worry I pay you.” Muling natawa si Recca, dahil alam niya na hindi siya mananalo kay Dylan.Samantala nagpunta si Anna sa isang sikat na boutique para bumili ng damit. Pagpasok niya pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob. Hindi rin siya pinansin ng mga sales lady roon. “Hey!” Napatingin si Anna kay Britney at hilaw na ngumiti.“Why are you here?” Na
83RD POV“Lumabas ka muna.” Gulat na napatingin sa kanya si Britney dahil sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na siya ang palayasin nito at hindi si Anna.“Are you kidding me, Love?” Galit na wika nito“Pwede ba, ‘wag mo nang painitin pa ang ulo ko.” “Bakit ba ako ang pinapalabas mo? Bakit ba hindi siya?” Turo niya kay Anna.“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi sa ‘yo ni Dylan?” Galit na nilingon ni Britney si Anna, at susungurin na naman sana. Pero pinigilan siya muli ni Dylan.“Lumabas ka na.” Muling wika ni Dylan sa kanya, kaya winaksi niya ang kamay ni Dylan at mabilis na lumabas.“Bakit ka nandito?” Inis na tanong niya kay Anna.“Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?” Ngiting tanong niya. Narinig naman nila ang pagbubukas ng pinto kaya sabay silang napatingin dito.Bakas sa mukha ni Recca ang gulat ng makita si Anna na naka-upo sa swivel chair ni Dylan. Hindi niya inakala na pupunta rito si Anna, at sanay rin siya na basta nalang pumasok sa office ni Dylan. “Hi pogi!”
93RD POVNaisip ni Luz na tama lang ang ginawa ni Anna kay Fely, dahil noong pumunta si Luz sa kanila ay pinagtabuyan lamang siya nito.“Manang!” Tawag ni Anna sa kanya, kaya dali-dali siyang lumapit dito. “Bakit po Ma’am? “Pwede mo ba akong ibili ng chocolate cake Manang? Gusto ko kasing kumain ng cake tapos tinatamad naman akong lumabas. Please Manang,” parang bata na wika ni Anna sa kanya. Hindi maiwasan ni Luz na mapatitig kay Anna, dahil noong unang pasok niya bilang katulong sa kanya, ay napansin niya na nagbi-bake ito ng cake.“Sige po Ma’am.” Wika niya habang kinuha ang pera na binigay ni Anna sa kanya. Bigla niya naman naalala ang sinabi sa kanya noon, na mas gusto nito na siya ang gumawa ng cake na kakainin niya.“Hmm, siguro pagod lang siya.” Wika ni Luz habang lumabas.Napalingon si Anna nang biglang bumukas ang pinto ng condo unit nila.Nang makita niya si Dylan ay muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa TV.“Nagugutom ako.” Wika ni Dylan habang huminto sa harapan
103RD POV “Masyado naman boring dito sa bahay Manang.” Wika ni Anna, matapos umupo sa sofa. “Naku! Ma'am Anna, kabilin-bilinan pa naman ni Sir Dylan na ‘wag ko kayong pa-alisin.” Kumunot ang noo ni Anna ng tingnan niya si Luz. “Anong pakialam niya kung aalis ako? Ang boring nga rito eh! Alam mo Manang, mas maganda sana kung mag-outing tayo.” Ngiti niyang wika kay Luz. “Kapag dumating nalang si Sir, Ma’am Anna.” Kinakabahan na wika ni Luz, dahil kapag umalis si Anna ay malalagot siya kay Dylan.“Bakit hindi ka nalang mag-swimming sa rooftop Ma’am Anna.” Wika ni Luz, dahil noon ay lagi siyang dinadala ni Anna sa rooftop para samahan siya mag-swimming. Malawak na napangiti si Anna, dahil sa sinabi sa kanya ni Luz. “Oo nga pala no? Bakit hindi ko ‘yan naalala.” Ngiting wika nito at dali-daling pumasok sa kanyang kwarto. Nakahinga naman ng maluwag si Luz, dahil hindi umalis si Anna. Minsan naisip niya, na kaya nagbago si Anna, dahil sa lamig ng pakikitungo ni Dylan sa kanya at sa mga
113RD POV“Ano po bang ginagawa niyo rito?” Tanong ni Dylan, para maiba ang usapan, dahil hindi na siya komportable sa mga pinagsasabi ni Anna sa mga magulang niya. “Gusto kasi namin na lumipat na kayo sa bago niyong bahay. Masyado na kasi itong masikip sa Inyong dalawa.” Ngiting wika ni Kim kay Dylan.“Wala naman problema sa akin, kung ayaw ni Dylan na umalis dito Mom, Dad. Ang totoo nga, mas nag-i-enjoy ako rito dahil maraming pog-.” Mabilis na tinakpan ni Dylan ang bibig ni Anna, kaya masama siyang tiningnan ni Anna.“Fine Mom, lilipat agad kami.” Gulat na napatingin si Kim kay Dylan dahil sa sinabi nito. Ilang beses na kasi niyang sinabihan si Dylan na lumipat na, pero sadyang nag-matigas ito, kaya hindi niya maiwasan na magtaka dahil mabilis lang itong sumang-ayon sa kanya.“Sinabi ko naman sa ‘yo na mas mabuti nga at pinuntahan natin sila rito.” Ngiting wika ni Kim kay Sandro, habang nasa elevator na sila.Samantala, galit na galit si Anna kay Dylan, dahil sa pagsang-ayon nito
123RD POV “Why?” Takang tanong ni Britney nang biglang tumayo si Dylan.“Love, anong problema?” Muli niyang tanong habang napahawak si Dylan sa noo niya, dahil bigla niyang naisip si Anna, at ang ikina-iinis pa nito sa kanyang sarili ay mukha ni Anna ang kanyang nakikita kay Britney.“I’m sorry, but I need to go.” Wika niya at dali-daling tumayo. Taka na napatingin si Britney sa kanya at susundan sana ito, pero hindi na niya ito naabutan sa labas. Panay ang ginawang paghampas ni Dylan sa manibela ng kanyang kotse dahil naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na gumugulo sa isip niya si Anna. “Manang!” Tawag niya nang makapasok siya sa loob ng condo. Binuhay niya ‘yong ilaw dahil madilim ito. “Fvck!” Malakas niyang sigaw ng makita si Anna sa harapan niya. Malawak naman itong napangiti sa kanya.“What are you doing?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinintay ka.” Balewalang sagot nito at umupo sa kama.“Himala yata na hinintay mo ako.” Matamis na
13 3RD POV “Alam mo bang gusto ko ‘yon.” Napapikit si Dylan sa kanyang mga mata dahil nahihiya siya kay Luz. “Stop it Anna.” Nagbabanta niyang wika, pero hindi ito pinansin ni Anna. “Sige na kasi bihisan mo na ako.” Malawak na napangiti si Anna nang buhati siya ni Dylan. Ang akala niya ay sa kwarto siya dadalhin ng kanyang asawa pero nawala ang ngiti sa labi niya ng lumabas sila sa condo.“Bakit tayo lumabas?” Galit na tanong niya habang hindi pa rin siya binaba ni Dylan. “Bakit hindi?” “Teke nga lang! Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong niya, habang buhat pa rin siya ni Dylan. “Sa office.”“Office? Ano naman ang gagawin ko ro’n?” Inis na tanong niya habang binaba na siya ni Dylan.“Sasama sa akin malamang.” “My God Dylan! Bakit mo ba ako isasama ro’n? Ang boring kaya ro’n. Isa pa, hindi mo ba alam na aalis kami ni Manang Luz.” Napatingin sa kanya si Dylan dahil sa kanyang sinabi. “Aalis? At Saan naman kayo pupunta?” “Sa Mall! Bibilhan ko siya ng mga damit, kasi magba-bar kami.
143RD POV“Hoy!” Gulat na napatingin si Dylan kay Anna. Habang nag-bubulung-bulungan ang mga tao na nasa paligid niya.“Fvck! Ano bang ginagawa niya?” Inis na wika niya at mabilis na nilapitan si Anna.“Ano ba? Ano ba ‘tong ginagawa mo?” Masama siyang tiningnan ni Anna at piningot ang kanyang tainga.Gulat na napahawak si Dylan sa tainga niya, dahil sa ginawa sa kanya ni Anna.“Stop it!” Mabilis niyang binuhat si Anna, kaya nagsisigawan ang mga tao na nasa paligid nila at tinutukso sila.“Ano bang pumasok sa utak mo, at nagwawala ka rito?” Tanong ni Dylan nang makapasok sila sa loob ng kanyang office.“Hindi ako nagwawala! Tinawag lang kita.” “Fvck! Ganun ba ang pagtawag Anna?” “Ano bang gusto mo? Dahan-dahan?”“Dapat naghintay ka nalang dito!”“Sa tingin mo makapaghintay pa ako sa ‘yo?”“Hindi mo ba alam na may meeting kami?”“Wala akong pakialam!” Irap na wika ni Anna at nilahad ang kamay niya sa harap ni Dylan. Napakunot ang noo ni Dylan habang nakatingin sa kanyang kamay.Naili
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady
CHAPTER 253RD POV Habang nasa loob na sila sa kotse, ay agad na suminyas sa kanya si Hazel, at agad na nilambingan ang boses niya habang kausap niya ito. Nang makarating sila sa condo ni Hazel, ay roon lang nakahinga si Daisy nang maluwag. “Bakit hindi mo kinuha ang camera na nilagay niya sa kotse?” Tanong niya rito. “Kapag ginawa ko ‘yon Ma’am. Maghi-hinala po siya.” Sagot nito, kaya napatitig siya rito. “At malalaman niya na alam natin ang ginagawa niya.” Muling wika sa kanya ni Hazel. “Tama ka, pero sigurado kaba na safe talaga rito?” Tanong niya habang umupo. “Opo Ma’am Daisy, marami po akong nilagay sa condo ko, para walang ibang makakapasok dito basta-basta.” Sagot nito habang napatango siya. Bigla niya naman naisip ang sinabi nito sa kanya kanina. ‘Hindi alam kung hindi siya si Dan, dahil napatunayan ko na ‘yon.’Napatingin siya kay Hazel, nang marinig niya ito. “Ano po ang sinasabi ng lalaking ‘yon, kanina Ma’am Daisy?” Tanong nito sa kanya. “Pinapagulo niya lang an
CHAPTER 24 3RD POV “Ano ‘yong ingay sa taas?’ Tanong ng kanyang ina, sa katulong nila nang makita itong bumaba. “May pusa po na nakapasok Ma’am Daina.” Sagot nito, habang napakunot ang noo ng kanyang ina. “Pusa? Paano nagkakaroon ng pusa sa taas?” Taka na tanong nito, habang naalala niya na mahilig sa pusa si June. Nakikita niya ito na laging nagpapakain ng mga pusa roon sa bahay na pinag-dalhan nito sa kanya. “Hayaan niyo na Mommy. Itapon mo nalang ang pusa.” Wika niya sa katulong habang hinawakan ang kamay ni Hazel. “Mahal ko, pwede mo ba akong samahan sa taas?” Wika niya, habang tumango ito. Nang makarinig sila ng malakas na nabasag sa loob ng kanyang silid ay agad siyang napatingin kay Hazel. “Kami nalang ang titingin sa taas Mom.” Wika niya, habang inalalayan siya ni Hazel, na maglakad. “Ito pala ang kwarto ko Mahal ko.” Ngiting wika niya, habang kumindat dito. Mabuti nalang at naisipan niyang pasuotin si Hazel, nang isang damit, na nag-mukhang malaki ang katawan niya.
CHAPTER 23 3RD POV “Mukhang malaki talaga ang problema mo, dahil lumapit ka talaga sa akin.” Ngiting wika ng kanyang lola Aira, habang giniya siya sa upuan. “Alam kung nakakahiya, pero Lola, hindi ko na kaya na ilihim sa ‘yo ang problema ko. Lalo na at napagkamalan na nila akong bal*w. Pero maniwala kayo, totoo ang sinasabi ko.” Wika niya rito. “Alam ko, Apo. ‘Wag kang mag-alala tutulungan kita.” “Gusto kung malaman ang tunay na pagkatao ni Dan, Lola. Alam ko na siya ang sagot sa lahat ng tanong ko.”“Dan?” Wika nito. “Dan Fico. Lola.” Wika niya, habang napangiti si Aira. “Sila pala ang nagpa-pasakit sa ulo mo.” Wika nito, habang napakunot ang kanyang noo, na tumingin dito. “Kilala niyo po ba siya?” Tanong niya, habang tumango ito. “Kilalang-kilala ko silang magkapatid.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Magkapatid?” Wika niya rito. “Oo Apo.” ‘I-ibig bang sabihin, kapatid niya ang matandang ‘yon?’ “Ako na ang bahala Apo, ‘wag kang mag-alala. Dadalhi
CHAPTER 223RD POV “Hindi ko alam, kung bakit mo gina-gawa ‘to.” Wika nito, habang tumayo at nilapitan siya. “A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya. “Ako pa rin ba ang pinaghihinalaan mo?” Tanong nito sa kanya, habang napakunot ang noo niya. “Paano mo nalaman?” Sinabi ko sa ‘yo, mas matalino ako.” Wika nito, kaya gulat siyang napatingin dito. “I-ikaw nga.. Ikaw nga si June!” Malakas na sigaw niya, habang tumayo. Napatingin siya sa paligid at hinhanap ang mga tauhan niya. “Mali ka, hindi ako.” Ngising wika nito. “Akala ko ba, matalino ka?” Muling wika nito habang nailing. “Kuya! Akala ko ba, matalino itong princesa mo?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya rito. “K-kuya?” “Kumusta kana Mahal ko?” Namilog ang kanyang mga mata, matapos makita ang isang lalaki na pumasok. “I-ikaw..” Utal na wika niya, habang napatingin sa matanda. “Bakit mo siya kasama?!” Galit na sigaw niya kay Dan. “Dan! Sumagot ka!!” Galit na sigaw niya rito. “Ako ang pinagh
CHAPTER 213RD POV “Makakalabas kana.” Wika niya sa kanyang tauhan. Nang malabas ito, ay agad niyang tiningnan ang lahat ng sulok sa opisina niya, naalala niya na mahilig si June, sa mga cctv camera. Iniisip niya na baka nilagyan nito ng cctv camera ang loob ng kanyang opisina, para makita nito ang lahat ng ginagawa niya.Halos mahalughog na niya ang lahat ng mga gamit niya, pero wala pa rin siyang nakita. Naisipan niyang umupo, dahil pagod na siya kakahanap at wala siyang ibang nagawa sa opisina niya. Tambak na rin ang mga document na kailangan niyang i-review.Kukunin na sana niya ito, pero natigilan siya nang makita ang lamisa niya. Hindi niya kasi nasilip ang ilalim. Nang sisilipin na sana niya ito, ay napa-igtad siya ng bigla niyang narinig ang malakas na halakhak mula sa speaker na nasa ilalim ng kanyang lamesa. “Ang galing mo pa lang maghanap Mahal ko..” Wika nito, kaya dali-dali niyang kinuha ang speaker. “Kung totoong matapang ka, bakit hindi ka magpakita sa akin?!” Siga