Beranda / Romance / My Mysterious Wife / MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XVI CONTINUATION C1

Share

MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XVI CONTINUATION C1

Penulis: Darkshin0415
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-05 14:51:53

My Mysterious Wife Book XVI

CONTINUATION CHAPTER 1

3RD POV

Hinaplos niya ang mukha ni Asuka, habang mahimbing itong natutulog. Hindi niya na pigilan na masaktan habang nakatingin sa mga paa at kamay nito na may kadena. Ayaw niya sana itong gawin pero hindi na siya papayag na mawala muli sa kanya si Asuka.

‘Bakit kasama mo si River? At bakit hindi mo na ako binalikan Asuka…’ Hahalikan na sana niya ang pisngi nito, pero napalingon siya sa pinto ng bigla itong bumukas.

“Sir, kanina pa po tumatawag si Ma'am Zelda.” Wika sa kanya ng kanyang tauhan.

“Sabihin mo kasama ko si River.” Sagot niya rito.

Umupo siya sa sofa at pinagmamasdan pa rin si Asuka, ayaw niyang umalis sa tabi nito, dahil natatakot siya na baka pagbalik niya ay wala na ito.

Nang makita itong gumalaw ay agad niya itong nilapitan. Bakas sa mukha nito ang gulat habang nakatingin sa kanya.

“Ano ang ginagawa mo?” Galit na tanong nito sa kanya, habang napatingin sa mga kamay nito.

“Sabihin mo sa akin kung nasaan si Rive
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Gretchen Chavez
nakakaiyak nman Po next po ulit
goodnovel comment avatar
Alexis Mapalad Venzon
nakakaawa nman c geeeg. ayaw pa kceng aminin ni asuka.na mahal din nya c greeg. para d na magdusa c greeg.
goodnovel comment avatar
Darin Aguilar
kawawa nmn c greeg cnu kaya mahal n asuka
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Mysterious Wife   BOOK22 C14

    BOOK22 C14 3RD POV "Yana!" Malakas na sigaw niya, matapos niyang buksan ang pinto. Nang mapatingin siya rito, ay agad siyang natigilan, lalo na nang mapatingin siya sa suot ni Yana. "Ano po ang nangyari Sir?" Tanong nito, habang nilapitan siya, kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito. "W-wala naman, tinitingnan ko lang kung nandito kaba." Sagot niya habang umupo sa sofa. "Hindi na po ako aalis Sir." Sagot nito, kaya napatingin siya rito. "Mabuti at naisip mo 'yan." "Wala rin naman akong pupuntahan kung tatakas ako, alam ko kasi na galit na sa akin si Idan, si Mommy at ang mga kapatid ko naman ay hindi ko alam kung nasaan." Yukong wika nito. Gusto niya sana na sabihin dito ang totoo, pero nagdadalawang isip siya, dahil baka tatakas itong muli, sa oras na malaman nitong wala sa kanya ang pamilya nito. "Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag mo na silang isipin pa. Ako ang kasama mo, kaya ako ang isipin mo." Wika niya rito, habang nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. "Matul

  • My Mysterious Wife   BOOK22 C13

    BOOK22 C13 3RD POV Pumasok siya sa kanyang silid, habang kinuha ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang ina. "Bakit Anak? May problema ba?" Tanong nito, matapos nitong sagutin ang tawag niya. "Bakit mo tinuruan si Yana, na lutuin ang paborito kung ulam Mommy?" Tanong niya rito sa naiinis na boses, dahil gusto niyang ang kanyang ina, lang ang magluluto nito. Isa pa, lalo siyang nakaramdam nang inis, dahil masyadong malapit ang kanyang ina kay Yana. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Alam mo bang hindi ko ginawa 'yon!" Wika nito, kaya napa-kunot ang kanyang noo. "Ano ang ibig n'yong sabihin Mommy?" Taka na tanong niya rito. "Anak, wala akong itinuro sa kanya, siya nga ang magaling magluto." "Niloloko n'yo ba ako Mommy?" Tanong niyang muli. "Mukha ba akong nagloloko Clyde?" Natigilan siya dahil sa sagot sa kanya ng kanyang ina. "Sige na Mommy tawagan nalang kita ulit." Paalam niya at mabilis na pinutol ang tawag. 'Kung hindi si Mommy ang nagturo sa kanya? Ibig sabihin, totoo ang

  • My Mysterious Wife   BOOK22 C12

    BOOK22 C123RD POV "M-maghiwalay na tayo." Hikbing wika nito, habang mabilis na binigay sa kanya ang phone niya. Hindi niya agad ito pinatay at pinakinggan pa ang sasabihin ng kausap nito sa kabilang linya. "'Wag mo akong biruin ng ganyan Yana.." Wika sa kabilang linya ng isang lalaki. "Hindi ka niya binibiro, dahil may asawa na siya at ako 'yon." Wika niya, habang mabilis na pinatay ang tawag. Nang makita niyang umiiyak pa rin si Yana, ay inis niya itong tiningnan. "Wala kabang balak na tumigil?" Tanong niya, habang mabilis na pinunasan nito ang mga luha nito sa mga mata. "Hindi mo siya dapat iyakan." Ngiting wika niya, habang patuloy itong humihikbi."Kapag hindi ka tumigil, papatayin ko ang taong 'yon." Mabilis nitong pinunasan ang mga luha nito sa mga mata, dahil sa kanyang sinabi. "Wag na 'wag mo nang isipin pa ang taong 'yon, kumain kana." Muling wika niya, habang lihim na natuwa. Iniisip niya na ito na ang simula sa paghihiganti niya kay Yana. Nang matapos itong kumain

  • My Mysterious Wife   BOOK22 C11

    BOOK22 C11 3RD POV Malakas na napasigaw si Yana, dahil sa ginawa niyang pag-tadyak dito. Hindi kasi mapigilan ni Clyde, ang galit na nararamdaman niya sa dalaga, lalo na at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita ang ina at mga kapatid nito. Dagdag din sa iisipin niya ang babaeng sumugod sa kanya. "Tama na po Sir.. Hindi na po ako uulit.." Iyak na wika nito, habang lumuhod ito sa kanyang harapan. "Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Hindi ako tanga!!" Sigaw niya, habang muli na naman sana itong tadyakan, pero mabilis itong sumiksik sa ilalim ng kama. "Ano bang ginagawa mo ryan? Lumabas kana Yana..." Tuwang wika niya, habang sinilip ito sa ilalim. "Ayaw mong lumabas?" Tanong niya rito, habang nakikita itong nanginginig. "Bibilangan kita, dahil kapag hindi ka pa rin lalabas d'yan, papatayi-." Malakas itong sumigaw, habang takot na lumabas. "'Wag mo pong gawin 'yon Sir, parang-awa mo na..." Hikbi nitong wika, habang muli na namang lumuhod sa kanyang harapan. "Tama na po Si

  • My Mysterious Wife   BOOK22 C10

    BOOK22 C10 3RD POV "Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" Natatawang wika sa kanya ni Greeg. "Nasa'n ang asawa mo?" Tanong niya rito, kaya mabilis itong tumingin sa likuran nito at tinawag si Asuka. "Bakit?" Tanong nito, matapos itong makalapit sa kanila. Inalalayan naman ito ni Greeg na umupo sa sofa, sa tapat ni Clyde. "May kakilala kabang babae na mas magaling pa sa akin na makipag-laban?" Tanong niya rito, habang napa-kunot ang noo nito na tumingin sa asawa nito. "Wala kabang kuha sa cctv footage mo? Para malaman natin kung paano siya nakipaglaban?" Tanong sa kanya ni Greeg, habang umiling siya rito, dahil kahit ang kuha mula sa kanyang kotse, ay kusa rin na nawala. "Lihim ko ngang imbestigahan, ang ibang tauhan ko, dahil pakiramdam ko ay may kasabwat ang babaeng 'yon sa kanila." Napa-kunot ang noo ni Greeg, dahil sa narinig niya mula rito. "Ibig mong sabihin, babae ang nakalaban mo?" Tanong nito, habang nahihiya siyang tumango. Malakas naman itong humalakhak, dahil sa na

  • My Mysterious Wife   BOOK22 C9

    BOOK 22 C9 3RD POV "'Yan ba ang binili sa 'yo ng tauhan ko?" Galit na tanong niya, habang tumango ito sa kanya. "Baka may iba pa r'yan?" Wika niyang muli habang umiling sa kanya si Yana. Hindi niya naman maiwasan na muling mapa-mura, at makaramdam nang inis sa kanyang sarili, dahil habang tumatagal, ay pakiramdam niya, ay naakit na siya ni Yana. "Mauna ka nang umuwi, may pupuntahan lang ako." Wika niya kay Yana. "At saan ka naman pupunta?" Gulat siyang napalingon sa pinto, habang papasok ang kanyang ina. Hindi niya kasi napansin na bumukas ang pinto ng kanyang silid. Biglang nakaramdam nang kaba si Clyde, dahil iniisip niya na baka narinig ng kanyang ina, ang usapan nila kanina ni Yana. "Pupunta lang sana ako kila Greeg, Mom." Sagot niya, habang napa-kunot ang noo nito na tumingin sa kanya. "At ano ang gagawin mo ro'n?" "May pag-uusapan lang kami, tungkol sa business namin." Pagsisinungaling niya, habang tumingin kay Yana. "Bakit? Mas mahalaga pa ba 'yan sa asawa mo?" Tanong

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status