Share

Kabanata:104

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-09-21 16:59:10

Felicie P.O.V

"Ezzekiel, please… pakawalan mo na ’ko," pakiusap niya habang umiiyak. Halos manginig ang kalamnan niya dala ng labis na takot sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya dinukot nito. Laking pagsisisi niya nang makatulog siya sa sasakyan nito kanina. Sana pala ay pinilit na lang niyang manatiling gising. Baka siguro may nagawa pa siya. Baka wala siya sa sitwasyon niya ngayon. Hindi na niya makilala ang lalaking kaharap niya dahil sa ipinakikita nitong kasamaan. Hindi ganito ang Ezzekiel na nakilala niya. Ibang-iba ito sa Ezzekiel na inaakala niya noon.

Ngumisi sa kanya si Ezzekiel. Nahintakutan siya nang lumapit ito at hinimas-himas ang kanyang braso. Halos manlamig ang kamay niya nang samyuin-samyuin pa siya nito at muling ngumisi sa kanya.

"Hmmm… at bakit ko naman gagawin ’yun, aber? Matagal kong pinagplanuhan ’to, Felicie."

"P-parang awa mo na. Huwag mo nang gawin kung ano man yang binabalak mo. Please, maawa ka sa’kin."

"Bigyan mo ako ng rason para maawa sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:104

    Felicie P.O.V "Ezzekiel, please… pakawalan mo na ’ko," pakiusap niya habang umiiyak. Halos manginig ang kalamnan niya dala ng labis na takot sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya dinukot nito. Laking pagsisisi niya nang makatulog siya sa sasakyan nito kanina. Sana pala ay pinilit na lang niyang manatiling gising. Baka siguro may nagawa pa siya. Baka wala siya sa sitwasyon niya ngayon. Hindi na niya makilala ang lalaking kaharap niya dahil sa ipinakikita nitong kasamaan. Hindi ganito ang Ezzekiel na nakilala niya. Ibang-iba ito sa Ezzekiel na inaakala niya noon. Ngumisi sa kanya si Ezzekiel. Nahintakutan siya nang lumapit ito at hinimas-himas ang kanyang braso. Halos manlamig ang kamay niya nang samyuin-samyuin pa siya nito at muling ngumisi sa kanya. "Hmmm… at bakit ko naman gagawin ’yun, aber? Matagal kong pinagplanuhan ’to, Felicie." "P-parang awa mo na. Huwag mo nang gawin kung ano man yang binabalak mo. Please, maawa ka sa’kin." "Bigyan mo ako ng rason para maawa sa

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:103

    “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, ah!? Sinira mo kami ng asawa ko!” “Because I love you.” “Putangina ang pagmamahal ‘yan! Alam mong may asawa na ako!” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang magmura. “Tell me — ni minsan ba sa mga nangyari sa atin, wala ka man lang ba naramdaman para sa akin?” Mas lalo pang tumalim ang tingin niya sa babae. Bakit ba umaasa ito sa kanya? Simula’t sapol naman ay maliwanag sa babaeng ’to na hanggang kama lang talaga silang dalawa. At sa kabila nga ng mga nangyari nila ni Stacey, wala siyang naramdaman para sa babae. “Just sex, Stacey! Bago pa man dumating sa buhay ko si Felicie, alam mo kung ano ang meron tayo. Alam mo kung hanggang saan ka lang! And this is too much — para sirain niyo kami ng asawa ko!” ani niya. Bago pa makasagot ang babae na ngayon ay tila maiiyak na sa harapan niya, mabilis siyang lumabas ng opisina. Tinungo agad ang Megaplex — baka naroroon ang asawa niya. Alam niyang sa cosmetics section nagtatrabaho ang asawa, kaya

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:102

    Tila sasabog ang kaniyang dibdib sa galit. Hindi siya makapaniwala sa narinig kanina mula sa family doctor nila nang magpa-check up siya. Hindi na kasi niya kinaya pa ang pananakit ng kanyang ulo at ang nararamdamang panlalamig ng katawan. Kaya naman nagpasya na siyang ipatawag si Doc Daniel Miller—ang doctor na halos kasing-edad lang din niya. "Gumagamit ka ba, Mr. Saavedra?" seryosong tanong sa kaniya ni Doc Miller na labis na ikinakunot ng noo niya. No’ng una ay hindi niya agad nakuha ang ibig nitong ipahiwatig. Pero agad din naman siyang naliwanagan nang luminaw ang pag-iisip niya. "No. Ni minsan ay hindi ako natuksong gumamit ng drugs. At never na sumagi sa isip ko ‘yon. Siguro, playboy ako noon… but I’m not a drug addict," katwiran niya sa doctor. Napatango-tango si Doc Miller at inilapag sa kanyang harapan ang resulta ng check-up niya. Marahas siyang napabuntong-hininga. Bigla niyang naalala ang pagpunta niya sa condo unit ni Stacey. May pinainom ito sa kanya na juice. And af

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:101

    Felicie P.O.V “Aalis ka na ba?” tanong nito sa kanya. Ngumiti siya sa kaibigan at marahan na tumango. “Hoy, balitaan mo ako ah, kapag nakauwi ka na. May mga stocks naman ako doon. Luto ka na lang if magutom ka.” Muli siyang tumango sa kaibigan. Matapos makapagpaalam ay tuluyan na siyang lumabas ng building. Sumabay na sa kanya si Ezzekiel sa paglabas. “Hatid na kita,” saad nito nang makalabas sila ng building. Tatanggi sana siya ngunit wala na siyang nagawa pa nang hawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hinila siya sa bandang kaliwa ng parking area. Nagulat pa nga siya sa pagkakahawak nito—medyo may kahigpitan iyon. Gusto sana niyang magreklamo pero di na niya nagawa pa. Ang bilis din kasi nitong maglakad kaya kung babagal-bagal siya ay baka makaladkad lang siya ng lalaki. Sa front seat siya nito pinaupo. Napatingin siya sa kabilang parking at nangunot ang kanyang noo nang makita ang isang kulay itim na jeep Wrangler na bagong park lang doon. Katulad iyon ng kay Calex na madalas

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:100

    (EZZEKIEL P.O.V) Malapad siyang nakangiti habang inililibot ang tingin sa paligid ng kaniyang bahay-bakasyunan. Handang-handa na ang lahat. At iisa na lang ang kulang—walang iba kundi si Felicie. Dito niya dadalhin ang babaeng pinakamamahal ng matalik niyang kaaway. Dito sa bahay na ’to niya isasakatuparan lahat ng paghihiganting gagawin niya laban sa Saavedra na ’yon. "Humanda ka sa gagawin ko, Saavedra. Ipapatikim ko sa’yo ang paghihiganti ko!" gigil niyang ani sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato ni Felicie na nakadikit sa pader. "Kaunting tiis na lang, at makakapag-higanti na ako sa’yo! Ipapatikim ko sa’yo ang hirap at sakit na ginawa mo sa’kin! Doble pa ang gagawin ko," muli niyang saad sa sarili at humithit ng sigarilyo. Mas lalo pa siyang napangisi nang makita ang kumikintab na talim ng kutsilyo na nasa lamesa. Hinimas-himas niya iyon at itinusok-tusok sa larawan ni Felicie na nakadikit sa pader. "Sorry, my dear friend. But I have to do it. Kung hindi ka ba nama

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:99

    (CALEX P.O.V) “Bakit hindi ninyo ako ginising!?” galit na sita ni Calex sa mga kasama sa bahay nang malaman na umalis si Felicie nang hindi niya nalalaman. Makailang ulit na niyang tinatawagan ang asawa ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. “Wala bang nasabi sa inyo kung saan siya pupunta?” yamot pa rin niyang tanong sa mga kasama sa bahay. Hindi pa rin niya tinitigilan ang pagtawag sa asawa kahit pa puro pag-ring lang ang cellphone nito sa kabilang linya. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ng mga bodyguard niya. Maging si Lester at Mang Jun ay tanging pag-iling lang din ang naisagot sa kaniya. Sapu-sapo niya ang ulo. Sumasakit na naman iyon, at bigla-bigla din siyang nilalamig. Nang walang makuhang sagot mula sa kaniyang mga bodyguards at driver, muli siyang pumasok sa loob ng bahay. Tinawag niya ang kasambahay na si Elisa na kasalukuyang nagluluto ng dinner. Agad naman itong lumapit sa kaniya nang marinig ang malakas na pagtawag niya. “K-kuya, bakit po?” inosenteng ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status