Share

Kabanata 11

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-07-31 09:42:11

"Kuya, anong nangyari sa'yo?"

Nagpipigil na pagtawang tanong sa kanya ng kapatid na si Ahlily nang makita ang kanyang hitsura. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa nakababatang kapatid. Alam niyang kanina pa nito gustong bumunghalit ng tawa, ngunit 'di nito magawa.

"You know what, this is all your fault!"

Asik niya sa kapatid na pigil pa rin ang pagtawa. Napanaguso ito sa kanya.

"At ano namang kinalaman ko d'yan, kuya? Hindi ko naman alam na sa tubigan mo pala gustong mag-swimming."

Anang kanyang kapatid na hindi na napigilan pa ang matawa dahil sa hitsura niya. Napailing na lang siya. Sino nga ba naman ang 'di matatawa sa hitsura niya? Nagngingitngit siya nang maalala ang babaeng nerd na may kagagawan noon sa kanya. Sa inis na nararamdaman ay inihagis niya ang maputik na sapatos kay Ahlily.

"Kuya naman, eh!"

Asik nito sa kanya nang malagyan ito ng putik. Taas ang kanyang kilay na tumingin sa kapatid, saka dumiretso ng bathroom.

Habang naliligo, ay 'di niya maiwasang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:14

    “Take a seat, iha,” anang Don nang nasa loob na sila ng mansyon. Nang makaupo, ay wala siyang sinayang na oras. Agad niyang kinausap ang Don. “Don Elias, tungkol po doon sa iniaalok n’yo—?” Aniya rito. Agad na napangiti ang Don sa kanyang sinabi. “Tinatanggap mo na ba, iha?” “K-Kung available pa po sana, Don Elias,” aniya, nahihiya pa. Ang totoo, ay kinakabahan at natatakot siya sa magiging kahihinatnan ng kanyang desisyon. “Pumapayag ka na bang magpakasal sa anak ko?” Muli, tanong nito habang nakangiti. Alanganing pagtango ang kanyang itinugon. Gagawin niya ito, hindi dahil sa pera o kung ano pa man. Gagawin niya ang pagpapakasal para mabawi ang lupa ng kanyang Itay—at higit sa lahat, para sa kanyang pamilya. “Tinatanggap ko na po, Don Elias. Wala naman po akong ibang mapagpipilian, eh. Ginigipit n’yo po ang pamilya ko,” aniya sa matandang Don, na malakas na tumawa sa kanyang huling sinabi. “I’m a businessman, iha. Nasa mundo ako ng negosyo. Kaya sana, maintindiha

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:13

    Malalim na ang gabi, ngunit gising pa rin siya. Hindi siya dalawin ng antok. Matamang pinagmamasdan niya ang mga kapatid na kapwa mahimbing na ang pagtulog. Iniisip pa rin niya ang tungkol sa kanilang lupa. Alam niya kung gaano iyon kahalaga sa kanyang mga magulang—lalo na sa kanyang Itay. Dahil pamana pa ang lupang iyon ng kanyang mga namayapang Lolo at Lola. Isang mabigat na desisyon ang kanyang gagawin. Kailangang bukas na bukas ay makausap niyang muli si Don Elias. Labag man sa kanyang kalooban, ay kailangan niyang gawin. Alang-alang sa kanyang mahal na pamilya. Kinabukasan ay sinadya niyang maging maaga ang paggising. Tulad ng kanyang plano, kailangan niyang makausap si Don Elias tungkol sa lupa. Dumiretso siya sa kusina at naabutan niya roon ang kanyang inang nagluluto ng kanilang almusal. Ang kanyang tatlo pang kapatid ay mga kapwa nagsisipag-gayak sa pagpasok. "Magandang umaga po, Nay." "Magandang umaga naman, anak. Ang aga mo naman yatang gumising." Ani ng ka

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:12

    Napatigil sa paglalakad si Felicie patungo ng kanilang bahay nang makita ang isang magarang sasakyan sa tapat ng kanilang bakuran. Mula sa di-kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang kanyang Itay Sergio at si Don Elias. Habang kausap ng kanyang itay si Don Elias ay kita niya ang paglukot ng mukha ng kanyang ama. At alam niya kung ano ang dahilan niyon—ang lupa nilang nakasanla kay Don Elias. Isang linggo na ang nakakalipas nang magpunta siya sa mansyon ng mga Saavedra at kausapin si Don Elias tungkol sa lupa. Ngunit hindi niya gusto ang alok nito—kapalit ang kanilang lupang nakasanla rito. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama at hindi nakaligtas sa kanya ang sobra-sobrang lungkot na nasa mukha nito. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Paano ba niya tatanggapin ang alok ni Don Elias kung ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan at kalayaan? Ngunit matitiis ba niya ang kalagayan ng kanyang magulang kung alam naman niyang may magagawa siya para sa mga ito? Ang unf

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata 11

    "Kuya, anong nangyari sa'yo?" Nagpipigil na pagtawang tanong sa kanya ng kapatid na si Ahlily nang makita ang kanyang hitsura. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa nakababatang kapatid. Alam niyang kanina pa nito gustong bumunghalit ng tawa, ngunit 'di nito magawa. "You know what, this is all your fault!" Asik niya sa kapatid na pigil pa rin ang pagtawa. Napanaguso ito sa kanya. "At ano namang kinalaman ko d'yan, kuya? Hindi ko naman alam na sa tubigan mo pala gustong mag-swimming." Anang kanyang kapatid na hindi na napigilan pa ang matawa dahil sa hitsura niya. Napailing na lang siya. Sino nga ba naman ang 'di matatawa sa hitsura niya? Nagngingitngit siya nang maalala ang babaeng nerd na may kagagawan noon sa kanya. Sa inis na nararamdaman ay inihagis niya ang maputik na sapatos kay Ahlily. "Kuya naman, eh!" Asik nito sa kanya nang malagyan ito ng putik. Taas ang kanyang kilay na tumingin sa kapatid, saka dumiretso ng bathroom. Habang naliligo, ay 'di niya maiwasang

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata 10

    Tinamaan ka na naman ng magaling, kuya oh! Naku, may kasamaan at pagka maarte yata itong kaanak ni Tarzan..."ani niya sa isip."Eh, sir, pasuyo na po ako. Hindi naman puwedeng ako pa ang bumalik doon sa kabilang pangpang. Kita mo naman po, malayo na, oh. Ikaw na lang malapit, at pwe—""Hey, Miss Nerdy. I don't have so much time for this, okay? So ikaw na lang ang magbigay ng daan. Bumalik ka kung kinakailangan. Nagmamadali ako! Kapag umulan, mababasa at mapuputikan itong mga suot ko. So it's better na ikaw na lang ang umatras para matapos na 'to."Putol nito sa kanya na hindi naitago ang pagka-irita. Abay, ang mukhang na ito! Hindi lang pala suplado, kundi may pagka antipatiko at ubod sama ng ugali. Higit sa lahat, ubod arte—akala mo babae."Ay sir, hindi naman po pwede 'yun. Kita mo naman, oh, ang layu-layo ko na doon sa kabilang pangpang. Tapos papabalikin mo pa ako? Pwedeng ikaw na lang muna ang tumabi nang makadaan na ako. Kaya pakiusap na ho. Ikaw na ang umatras. Nagmamadali din

  • My Nerd Wife Felicie   Chapter 9:Unang pagtatagpo

    Hapon at nagmamadali na sa pag-uwi si Felicie. Galing sa bukid nina Aling Yolanda. Katatapos lang nila mag-harvest ng mga talong doon ni Ernesto. Mukhang uulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Napatalon pa ang dalaga nang biglang kumidlat nang pagkakalakas-lakas. "Naku naman o! Mamaya ka na umulan. Wala akong dalang payong. Parang awa mo na. Maghapon ako sa initan, e! Hindi ako pwedeng mabasa," ani niya sa sarili habang nagmamadaling binabagtas ang baybayin ng tubigan. Ilang hakbang na lang para makarating siya sa kabilang pangpang nang may masalubong siyang isang lalaki na tila nagmamadali ding makalampas sa pilapilang kanyang daraanan. Napatingin siya sa pinanggalingang pangpang. Malayo na siya para siya pa ang umatras at magbigay-daan sa lalaki. Ang lalaki ay hindi pa naman ganoon nakakalayo sa pinanggalingan nito, kaya puwedeng ito na ang umatras para makadaan siya. Sa tingin niya ay dayo ang lalaki, base na rin sa suot nito. Muntik pa siyang bumunghalit ng tawa nang makit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status