Sobra-sobra ang panlalambot ng kanyang naramdaman dahil sa biglang ginawang pag-angkin ng binata sa kanyang labi. Ang labi niyang inosente sa gano'ng bagay. Pilit siyang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Calex, ngunit bigo siya. Ni hindi nito iniinda ang ginagawa niyang pagtulak. Tila isa siyang bata dahil sa laki nito. Akma niya itong sisipain, ngunit naging mabilis ito sa pag-iwas. Agad nitong inapakan ang dalawa niyang paa, dahilan upang tuluyan na siyang hindi makagalaw.Napangiwi siya nang maramdaman ang bigat ng paa nitong nakapatong sa maliit niyang mga paa. Pakiramdam niya ay nangangapal na ang kanyang labi dahil sa walang humpay na paghalik na ginagawa ng binata roon.Kapwa habol nila ang paghinga nang pakawalan ng binata ang kanyang mga labi. Kahit hindi niya tinugon ang mga halik nito, may kakaiba siyang naramdaman doon. Pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. Hindi niya maintindihan ang sarili.Nakangisi ang binata nang pakawalan nit
Itong lalaking ito na ubod ng sama ng ugali?! Ito ang lalaking ipapakasal sa kanya?! No way! “What? Itong nerd na ito? Seriously, Dad? Ang babaeng ito ang ipapakasal mo sa akin? No. I don’t like her. Ano na lang ang sasabihin ng mga kai—” “Hoy! Kung ayaw mo, mas lalong ayaw ko! Ayaw kong pakasalan ang kagaya mong punô ng yabang sa katawan!” putol at nanggagalaiti niyang sabi. Bwiset na lalaking ito. Kung makaayaw sa kanya, daig pa na may nakakahawa siyang sakit. Natahimik ang binata, pero naroroon pa rin ang matalim nitong pagtitig sa kanya. At wala siyang pakialam. “Don Elias… siya po ba?” Hindi na siya nakatiis. “Yes, iha. Siya nga. Siya ang papakasalan mo.” “Naku, Don Elias… hindi na po. Kung ‘yan lang din ang ipapakasal n’yo, baka po magliparan pa ang kaldero sa bahay.” Natawa si Don Elias sa kanyang sinabi. Tila aliw na aliw pa ito. “Mabuti kung gano’n, iha. At may balak ka pang sirain ang mga gamit ko sa bahay?” anang binata, hindi tumitingin sa kanya habang sinasabi iy
“Take a seat, iha,” anang Don nang nasa loob na sila ng mansyon. Nang makaupo, ay wala siyang sinayang na oras. Agad niyang kinausap ang Don. “Don Elias, tungkol po doon sa iniaalok n’yo—?” Aniya rito. Agad na napangiti ang Don sa kanyang sinabi. “Tinatanggap mo na ba, iha?” “K-Kung available pa po sana, Don Elias,” aniya, nahihiya pa. Ang totoo, ay kinakabahan at natatakot siya sa magiging kahihinatnan ng kanyang desisyon. “Pumapayag ka na bang magpakasal sa anak ko?” Muli, tanong nito habang nakangiti. Alanganing pagtango ang kanyang itinugon. Gagawin niya ito, hindi dahil sa pera o kung ano pa man. Gagawin niya ang pagpapakasal para mabawi ang lupa ng kanyang Itay—at higit sa lahat, para sa kanyang pamilya. “Tinatanggap ko na po, Don Elias. Wala naman po akong ibang mapagpipilian, eh. Ginigipit n’yo po ang pamilya ko,” aniya sa matandang Don, na malakas na tumawa sa kanyang huling sinabi. “I’m a businessman, iha. Nasa mundo ako ng negosyo. Kaya sana, maintindiha
Malalim na ang gabi, ngunit gising pa rin siya. Hindi siya dalawin ng antok. Matamang pinagmamasdan niya ang mga kapatid na kapwa mahimbing na ang pagtulog. Iniisip pa rin niya ang tungkol sa kanilang lupa. Alam niya kung gaano iyon kahalaga sa kanyang mga magulang—lalo na sa kanyang Itay. Dahil pamana pa ang lupang iyon ng kanyang mga namayapang Lolo at Lola. Isang mabigat na desisyon ang kanyang gagawin. Kailangang bukas na bukas ay makausap niyang muli si Don Elias. Labag man sa kanyang kalooban, ay kailangan niyang gawin. Alang-alang sa kanyang mahal na pamilya. Kinabukasan ay sinadya niyang maging maaga ang paggising. Tulad ng kanyang plano, kailangan niyang makausap si Don Elias tungkol sa lupa. Dumiretso siya sa kusina at naabutan niya roon ang kanyang inang nagluluto ng kanilang almusal. Ang kanyang tatlo pang kapatid ay mga kapwa nagsisipag-gayak sa pagpasok. "Magandang umaga po, Nay." "Magandang umaga naman, anak. Ang aga mo naman yatang gumising." Ani ng ka
Napatigil sa paglalakad si Felicie patungo ng kanilang bahay nang makita ang isang magarang sasakyan sa tapat ng kanilang bakuran. Mula sa di-kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang kanyang Itay Sergio at si Don Elias. Habang kausap ng kanyang itay si Don Elias ay kita niya ang paglukot ng mukha ng kanyang ama. At alam niya kung ano ang dahilan niyon—ang lupa nilang nakasanla kay Don Elias. Isang linggo na ang nakakalipas nang magpunta siya sa mansyon ng mga Saavedra at kausapin si Don Elias tungkol sa lupa. Ngunit hindi niya gusto ang alok nito—kapalit ang kanilang lupang nakasanla rito. Napatitig siya sa mukha ng kanyang ama at hindi nakaligtas sa kanya ang sobra-sobrang lungkot na nasa mukha nito. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Paano ba niya tatanggapin ang alok ni Don Elias kung ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan at kalayaan? Ngunit matitiis ba niya ang kalagayan ng kanyang magulang kung alam naman niyang may magagawa siya para sa mga ito? Ang unf
"Kuya, anong nangyari sa'yo?" Nagpipigil na pagtawang tanong sa kanya ng kapatid na si Ahlily nang makita ang kanyang hitsura. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa nakababatang kapatid. Alam niyang kanina pa nito gustong bumunghalit ng tawa, ngunit 'di nito magawa. "You know what, this is all your fault!" Asik niya sa kapatid na pigil pa rin ang pagtawa. Napanaguso ito sa kanya. "At ano namang kinalaman ko d'yan, kuya? Hindi ko naman alam na sa tubigan mo pala gustong mag-swimming." Anang kanyang kapatid na hindi na napigilan pa ang matawa dahil sa hitsura niya. Napailing na lang siya. Sino nga ba naman ang 'di matatawa sa hitsura niya? Nagngingitngit siya nang maalala ang babaeng nerd na may kagagawan noon sa kanya. Sa inis na nararamdaman ay inihagis niya ang maputik na sapatos kay Ahlily. "Kuya naman, eh!" Asik nito sa kanya nang malagyan ito ng putik. Taas ang kanyang kilay na tumingin sa kapatid, saka dumiretso ng bathroom. Habang naliligo, ay 'di niya maiwasang