"Feeling close ang hinayupak na 'to. Naku, kung alam lang ng Itay ko ang ginawa mo sa inosente kong labi… ewan ko na lang! Baka umuwi ka sa inyo na iisa na lang ang paa mo," ani niya sa sarili.Napatigil naman ang binata sa pagkukuwento nang makita siya. Lihim itong kumindat sa kanya at saka ngumiti ng nakakaloko. Napairap siya dahil sa ginawa nito.Kahit kailan talaga, walang alam gawin kundi ang mang-bwiset! sa isip-isip niya."Anak, naririto ka na pala. Mabuti at umuwi ka na. Aba'y itong kaibigan mo, kanina ka pa hinihintay," anang kanyang amang si Mang Sergio.Lihim na pagsimangot at pag-irap ang kanyang ginawa.Kailan pa ako nagkaroon ng kaibigang manyak?! Halos bulong niyang pagkakasabi sa sarili.Pilit siyang ngumiti kay Calex, kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang dagukan ang binata dahil sa nakakalokong ngiting ginagawa nito sa kanya. Kanya itong nilampasan at saka nilapitan ang ama't ina."Mano po, Tay, Nay," aniya sa kanyang ama't ina.Hindi niya pinansin ang binata
"Anak, naririyan ka na pala." Bati sa kanya ng kanyang ina. Nasa kanilang maliit na sala ito, kasama ang kanyang ama. Nakaupo ang mga ito sa mahabang upuang kawayan, nanunuod ng sinusubaybayan nilang telenobela sa gabi. Kinuha niya ang kamay ng ina't ama at saka nagmano sa mga ito. "Tay, Nay, mano po." "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Ginabi ka yata ngayon." Anang kanyang amang si Mang Sergio. Kahit pagod ay pilit na ngumiti siya sa mga magulang. Makita lang niyang nasa maayos ang mga ito, masaya at panatag na siya. "Marami po kasing namili ngayon, Tay. Magpi-peak season na po kasi. Ano po 'yang nasa envelope na iyan?" Pagtatakang tanong niya nang makita ang envelope na nasa pagitan ng kanyang ama't ina. "A, ito ba? Titulo ng lupa, anak. Iniabot sa akin kanina ni Isko. Pinabibigay daw ni Don Elias.Nagtataka nga ako,kung bakit ibinigay na sa akin ang titulo na ito. Nung tinanong ko si Isko,wala naman daw nasabi sa kanya si Don Elias." Ani ng kanyang ama na nakangiti at di ma
"Your name is Felicie, right?"Basag nito sa kanilang katahimikan habang ang mga mata nito ay nanatiling nakatutok sa daan. Bahagyang pagsulyap ang kaniyang ginawa rito. Pambira, ibang klase din ang lalaking ito. Nahalikan na nga lahat-lahat ang kanyang inosenteng labi, ni pangalan niya ay hindi man lang alam."Oo."Tipid niyang sagot dito. Napatingin na ito nang tuluyan sa kanya. Noon lang niya napagmasdan nang matagal-tagal ang mukha nito. Oo, nakita na niya ito sa may pilapilan at sa mansyon ng mga ito. At masasabi niyang gwapo ito. Ngunit 'di niya akalain na mas gwapo pala ito sa malapitan. Hindi niya iyon napansin kahapon, dahil sa inis at galit na nararamdaman para sa binata. Baka marami-rami na rin itong nadali. Sa gwapo at ubod ng pilosopo nito, ay di malayong mangyari 'yon.Sino ba namang babae ang mangangahas tumanggi dito?Maliban sa’yo, anang bahagi ng kanyang utak.Mabilis niyang iniwas ang tingin sa binata.Ngunit huli na. "Masyado ba akong gwapo, para titigan mo ako? Ba
“Hoy, Felicie! Ano bang balak mo diyan sa hotdog? Kaloka ka, walang kalaban-laban kung tusukin mo. Jutay na 'yan, oh! Kakainin mo ba o tutusukin mo na lang 'yan?” Saad sa kanya ni Ernest habang lunch break nila. Napanguso siya sa tinuran ng kaibigan. Naiinis siya sa tuwing naaalala ang ginawa sa kanya ng Tarzan na 'yon. At ang traydor niyang utak ay ayaw pang makisama sa kanya. Bakit ba kasi hindi na mawala-wala sa isip niya ang bastos na lalaking iyon? Bakit ba sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, ang gwapo nitong mukha ang lumilitaw sa balintataw niya? Hindi na niya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang kanyang nararamdaman—gayong hindi naman siya dating gano'n. Napabuntong-hininga siya. “Uy, ang lalim n’un, ah! Anong problema mo, bruha ka?” “Wala,” tipid niyang sagot kay Ernesto. Dalawang linggo na lang bago ang kanyang pagpapakasal kay Calex. Bigla siyang napaisip. Paano kapag kasal na sila ni Calex? Ibig bang sabihin no’n, magsasama sila sa iisang
Ipinagpatuloy niya ang trabahong ginagawa."Three thousand, five hundred eighty-five po,"aniya habang inaabot ang bill ng isang customer. Ni hindi na niya ito pinag-aksayahan pang tingnan man lang. Iniabot naman nito ang isang card. Akma na niya iyong isuswipe nang mahagip ng kanyang mata ang pangalang nakasulat doon.Archer Calex Saavedra!Sa 'di malamang dahilan, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pakiramdam pa nga niya ay nanlamig ang kanyang mga kamay. Napalunok muna siya bago nag-angat ng tingin sa may-ari ng credit card na iyon. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makumpirma niyang ang lalaking nagnakaw sa kanya ng halik kahapon ang may-ari niyon. Mas nailang pa siya nang makita ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya—animo'y pinag-aaralan nito ang bawat sulok ng kanyang mukha.Bigla siyang napakurap at naipilig ang sariling ulo nang makita ang unti-unti nitong pagngiti. Ngiting may kasamang pang-aasar iyon sa kanya. May kung anong inis ang bumangon sa kanyang dibd
“Pesteng yawa ka! Ambot sa imo! Pumutok sana at makagat ng mga pulang langgam yang nguso mo!”Muli ay nanggigil niyang sigaw dito, saka nagmamadaling tinalikuran ang binatang kunot na ang noo dahil hindi nito maintindihan ang kanyang mga sinabi.Nang marating niya ang kanilang bahay, ay saglit siyang huminto sa maliit nilang bakuran. Inis niyang sinipa ang isang paso ng bulaklak doon, dala ng galit na nararamdaman niya para sa binata.“Ah! Hinayupak na Tarzan na 'yon! Kulang na lang, kainin ng buo ang aking labi!”Aniya sa sarili. Dala ng init ng kanyang damdamin, hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang kanyang ina.“Hoy, Felicie! Ano bang nangyayari sa 'yo, bata ka?”Anang kanyang inang si Aling Emma na may pagtataka sa mukha. Bigla siyang napatingin sa ina. Paano ba niya sasabihin kay Inay Emma na ninakawan siya ng halik ng anak ni Don Elias?Anak ni Don Elias na magiging asawa niya... dahil pumayag siyang makasal rito. Hindi pwedeng malaman 'yon ng kanyang mga magulan