Share

Kabanata:98

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2025-09-20 10:58:27

(FELICIE P.O.V.)

Malakas niyang ibinalibag ang pinto. Galit na galit siya. Hindi niya alam kung paano nagagawang itanggi ni Calex ang kataksilan nito sa kanya, gayong huli na niya itong nahuli. Ubod ng sinungaling ang magaling niyang asawa. Wala na talaga itong pag-asa na magbago pa.

Kinuha niya ang kanyang nakatagong bag at isa-isa nang inilagay ang kanyang mga damit doon. Buo na ang kanyang pasya—iiwanan na niya si Calex. Uuwi na siya sa probinsya.

Habang nag-iimpake, walang patid ang pagdaloy ng kanyang luha. Dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon. Una, ang masakit na katotohanan na niloko siya ng kanyang asawa. Pangalawa, ang pag-iwan na gagawin niya rito. Wala e, ginawa na niya ang lahat, ngunit hanggang dito na lang yata talaga sila ng asawa niya.

Nang matapos siya sa paglalagay ng mga damit, isinunod naman niya ang iba pang gamit na nabili niya. Ang iba naman ay iniwan na niya—lalo na ‘yung mga gamit na galing kay Calex. Hindi na niya iyon kailangan.

Naligo siya nang mabili
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:100

    (EZZEKIEL P.O.V) Malapad siyang nakangiti habang inililibot ang tingin sa paligid ng kaniyang bahay-bakasyunan. Handang-handa na ang lahat. At iisa na lang ang kulang—walang iba kundi si Felicie. Dito niya dadalhin ang babaeng pinakamamahal ng matalik niyang kaaway. Dito sa bahay na ’to niya isasakatuparan lahat ng paghihiganting gagawin niya laban sa Saavedra na ’yon. "Humanda ka sa gagawin ko, Saavedra. Ipapatikim ko sa’yo ang paghihiganti ko!" gigil niyang ani sa sarili habang pinagmamasdan ang litrato ni Felicie na nakadikit sa pader. "Kaunting tiis na lang, at makakapag-higanti na ako sa’yo! Ipapatikim ko sa’yo ang hirap at sakit na ginawa mo sa’kin! Doble pa ang gagawin ko," muli niyang saad sa sarili at humithit ng sigarilyo. Mas lalo pa siyang napangisi nang makita ang kumikintab na talim ng kutsilyo na nasa lamesa. Hinimas-himas niya iyon at itinusok-tusok sa larawan ni Felicie na nakadikit sa pader. "Sorry, my dear friend. But I have to do it. Kung hindi ka ba nama

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:99

    (CALEX P.O.V) “Bakit hindi ninyo ako ginising!?” galit na sita ni Calex sa mga kasama sa bahay nang malaman na umalis si Felicie nang hindi niya nalalaman. Makailang ulit na niyang tinatawagan ang asawa ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. “Wala bang nasabi sa inyo kung saan siya pupunta?” yamot pa rin niyang tanong sa mga kasama sa bahay. Hindi pa rin niya tinitigilan ang pagtawag sa asawa kahit pa puro pag-ring lang ang cellphone nito sa kabilang linya. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ng mga bodyguard niya. Maging si Lester at Mang Jun ay tanging pag-iling lang din ang naisagot sa kaniya. Sapu-sapo niya ang ulo. Sumasakit na naman iyon, at bigla-bigla din siyang nilalamig. Nang walang makuhang sagot mula sa kaniyang mga bodyguards at driver, muli siyang pumasok sa loob ng bahay. Tinawag niya ang kasambahay na si Elisa na kasalukuyang nagluluto ng dinner. Agad naman itong lumapit sa kaniya nang marinig ang malakas na pagtawag niya. “K-kuya, bakit po?” inosenteng ta

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:98

    (FELICIE P.O.V.)Malakas niyang ibinalibag ang pinto. Galit na galit siya. Hindi niya alam kung paano nagagawang itanggi ni Calex ang kataksilan nito sa kanya, gayong huli na niya itong nahuli. Ubod ng sinungaling ang magaling niyang asawa. Wala na talaga itong pag-asa na magbago pa.Kinuha niya ang kanyang nakatagong bag at isa-isa nang inilagay ang kanyang mga damit doon. Buo na ang kanyang pasya—iiwanan na niya si Calex. Uuwi na siya sa probinsya.Habang nag-iimpake, walang patid ang pagdaloy ng kanyang luha. Dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon. Una, ang masakit na katotohanan na niloko siya ng kanyang asawa. Pangalawa, ang pag-iwan na gagawin niya rito. Wala e, ginawa na niya ang lahat, ngunit hanggang dito na lang yata talaga sila ng asawa niya.Nang matapos siya sa paglalagay ng mga damit, isinunod naman niya ang iba pang gamit na nabili niya. Ang iba naman ay iniwan na niya—lalo na ‘yung mga gamit na galing kay Calex. Hindi na niya iyon kailangan.Naligo siya nang mabili

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:97

    (CALEX P.O.V) Nagulat siya nang salubungin siya ng magkasunod na sampal ni Felicie. Naguguluhan siyang tiningnan ang asawa—bakás sa mukha nito ang labis na galit sa kanya, sa hindi niya malamang dahilan. Almost three days din siyang nawala, pero sa pag-uwi niya ay dalawang magkasunod na sampal ang natikman niya mula kay Felicie. Na-miss niya ang asawa at tangka sana niyang hahalikan ito, ngunit umiwas si Felicie at agad siyang sinampal. Nahawakan niya ang sariling panga. Pakiramdam pa nga niya ay tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na ginawa nito. Maging ang palad ng asawa, ramdam niyang bumakat pa sa kanyang pisngi. "What's wrong? Bakit mo ako sinampal? It’s just a kiss. Na-miss kita, almost three days din akong nawala, Felicie. Then ito ang isasalubong mo sa akin?" saad niya sa asawang nanlilisik ang mga mata dala ng sobrang galit. Matigas itong umiling at akma namang susuntukin siya, ngunit mabilis niyang naiwasan iyon. Naguguluhan niyang tiningnan ang asawa. Hindi niya

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:96

    (FELICIE P.O.V) "Apaka-sinungaling mo! Kung kailan nagawa kitang mahalin, doon mo pa ako sinaktan! Kung kailan naibigay ko na sa’yo ang lahat-lahat, lolokohin mo lang pala ako!" ani niya na nagsimula nang magsipag-unahan ang mga luha sa mga mata niya. Paulit-ulit na sakit ang nararamdaman niya kapag naaalala niya ang mga kagaguhan na ginawa sa kanya ni Calex. "Ang tanga-tanga ko, dahil naniwala ako sa mga matatamis na pananalita mo! Sino nga ba ang magmamahal at magse-seryoso sa katulad ko? Ano pa nga ba ang panama ko sa malanding Stacey na ‘yon! Isang probinsyanang nerd lang naman ako! Isang hamak na mahirap! Pero bakit kailangan mo pang paglaruan at saktan ang damdamin ko," ani niya na umiiyak at animo’y kaharap ang asawa. Nakailang beses ding tumawag sa kanya si Calex ngunit hindi niya iyon sinagot. Wala na siyang lakas pa para pakinggan ang mga kasinungalingan na sasabihin nito sa kanya. Huling-huli na niya ito. Tinarantado siya ni Calex, at pinapangako niya na hinding-hindi na

  • My Nerd Wife Felicie   Kabanata:95

    (FELICIE P.O.V) Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit ang malalim na pagbuga ng hangin na ginagawa niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa bigat ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang iniisip buong maghapon kundi ang kataksilang ginawa sa kanya ni Calex. Marahil nga ay hindi na magtitino ang kanyang asawa. Masakit lang isipin na ginawa na niya ang lahat para maging maayos ang pagsasama nila—pero wala rin palang saysay lahat ng iyon. Kahit pa ibinigay na niya ang lahat, maging ang iniingatan niyang dangal, ay isinuko rin niya sa pag-aakalang totoong nagbago na si Calex. Ngunit mali pala siya. Napasinghot siya. Naiinis na siya sa sarili niya. Kanina pa walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha kahit anong pigil ang gawin niya. Dinampot niya ang cellphone nang mag-vibrate iyon. Kunot-noo niyang tiningnan ang isang message request. Isang link iyon. Kunot na kunot ang kanyang noo habang binubuksan iyon. Ngun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status