Share

Chapter 34

Penulis: MysterRyght
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-11 09:45:06
Ximena

Sobrang nag-enjoy ako sa gabing ‘yon, tipong hindi ko na namalayan ang oras. Para bang lumulutang ako sa sarili kong mundo habang pinapanood ang banda, nalulunod sa bawat tugtog at kanta. Nagulat na lang ako na tapos na pala ang set nila Adrian, at maya-maya lang ay bumalik na siya sa mesa ko.

“Grabe, may fans ka na pala dito,” biro ko, habang parang batang nahuli sa kalokohan na nagkamot pa ito ng ulo. Kita ko sa mukha niya ang konting hiya na hindi ko mawari kung dahil sa akin o dahil sa sinabi ko.

Natawa ako at umiling. “May page na rin kasi ang banda namin at kahit papaano aymay konting followers na rin.”

“Talaga? Sabihin mo nga sa’kin para ma-follow ko agad. Hindi ko alam na big time ka na pala!” Excited akong malaman para naman masuportahan ko rin siya, pero ramdam ko rin ang genuine niyang pasasalamat.

“Uy, grabe. Hindi naman,” sagot niya, kunwari pa ay nahiya kahit may kilig sa loob.

“Wag ka nang mahiya. Magaling ka talaga. Lalo na kanina habang kumakanta ka, tinitignan
MysterRyght

Lagot ka, Ximena...

| 4
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 50

    XimenaPagbukas ng pinto, agad kaming sinalubong ng malamig na simoy mula sa centralized aircon ng penthouse. Tahimik sa loob, maliban sa mahinang ugong ng air filtration system at ang tunog ng aming mga hakbang sa makintab na sahig na gawa sa itim na marmol. Para akong pumasok sa ibang mundo kahit na nakapunta naman na ako dito.Naramdaman ko na agad ang kamay ni Azael sa ibabang bahagi ng likod ko. Hindi ito yung tipong magalang na alalay; ito yung mahigpit na hawak na parang inaangkin ang bawat galaw ko.Pagkasara ng pinto ng penthouse, halos hindi na ako nakapag-react nang bahagya niya akong itulak papasok. Hindi marahas, pero sapat para mapaatras ako. Naamoy ko na naman ang pinaghalong mamahaling pabango niya at matapang na alak.Napakagat ako sa labi, sinusubukang huwag ipahalata na medyo kinakabahan ako. Ang penthouse niya ay open space na may mataas na kisame at floor-to-ceiling na dingding tanaw ang city lights. Naka-dim lang ang ilaw, kaya mas lalo itong nagbigay ng intimate

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 49

    XimenaNatapos ang inuman nila at kinailangan na naming magpaalam sa mga kaibigan ni Azael. Wala naman akong masasabi sa kanila dahil mababait naman at mabuti ang pakitungo sa akin. Pakiramdam ko ay tanggap nila ako bilang girlfriend ng kanilang kaibigan at masaya ako don.Mainit pa rin ang hangin sa labas kahit dis-oras na ng gabi. Tahimik ang lobby ng Roccaforte Empire Building, tanging yapak lang namin at tunog ng hangin mula sa aircon ang maririnig.“Magpagaan ka naman ng konti, Azael…” mahina pero may halong inis ang sabi ko habang mahigpit ko siyang inalalayan.Si Azael? Nakakaloka. Parang wala sa hulog. Amoy na amoy ang alak sa hininga niya at parang tuwing hakbang ay mas lalo siyang bumibigat sa balikat ko.Kakapasok lang namin sa elevator ng Roccaforte Empire Building at paakyat na kami sa penthouse. Sobrang late na kaya wala nang ibang empleyado at puro guard na lang ang natira, at lahat sila ay tahimik na lang na nakatingin sa amin, na para bang may iniisip pero hindi kayan

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 48

    XimenaPagkatapos ng halos isang oras na seryosong usapan tungkol sa negosyo, mga terms na minsan feeling ko ay para lang sa mga taong may PhD sa business ay unti-unti kong napansin na lumuluwag na ang atmosphere sa mesa. Ang mga tawa nila, mas malalakas na ngayon; ang mga birong minsan ay wala akong ka-clue pero nakakabitin at nakakahawa pa rin. Kahit hindi ako actively kasali sa lahat ng topic, nadadala ako ng energy ng grupo. Para akong nakasakay sa alon ng tawanan nila.“Ximena, tikman mo ‘to,” biglang sabi ni Devin, may kasamang ngiting parang alam niyang magugustuhan ko. Iniabot niya sa akin ang isang plato ng putahe na kasama sa in-order niya. Apat kasi na menu at dalawa pa lang ang natikman ko.Agad ko sanang aabutin, pero bago pa dumikit ang daliri ko sa plato, may mas mabilis na kamay na sumingit, matikas, sigurado.“I’ll get it for her,” malamig pero mabigat ang boses ni Sir Roccaforte. Walang halong biro, parang utos pero may kakaibang protective tone na hindi ko maipaliwa

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 47

    Ximena“Hi, Ximena…” nakangiting bati ni Devin, isa sa dalawang kaibigan ni Sir Roccaforte na kaharap ko ngayon. Yung ngiti niya? Tipong boy-next-door pero halatang may kasamang biro. Abot-batok din ang pagkakangisi ng isa pa, si Ronnel, na parang may balak mang-asar mula umpisa pa lang.“Hi,” simpleng sagot ko habang pilit pinapakalma ang sarili. Nasa condo kami ni Ronnel at dito pala ako dinala ng amo ko. Ito pala yung ‘lakad’ na sinasabi niyang gusto niya akong kasama. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o kabahan, kasi kahit mukha namang mababait ang dalawang lalaki, halata sa mata nila na mahilig sila sa pang-aalaska“Akalain mo at nagka-girlfriend ka!” biglang bulalas ni Ronnel, sabay tawa na parang nanalo sa pustahan. Halatang hindi makapaniwala. “Sa sungit mong ‘yan, may nakapagtyaga sayo! Miracle ‘to, bro!”Natawa rin si Devin, pailing-iling pa habang sumusulyap sa akin na para bang binabasa kung paano ko natitiis si Sir Roccaforte. Halata sa kilos nila na parang k

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 46

    XimenaNakakabaliw at nalilito ako, alam kong parang apoy na dumidikit sa balat ang makipagpalitan ng salita kay Sir Roccaforte. Bwisit na lalaking ‘yon, pa-“Sir, Sir” pa ako pero deep inside, kinikilig na parang nakita ang high school crush.At ang mas nakakainis? Hindi ko inaasahan na makakabitaw ako ng mga salitang never ko in-imagine na sasabihin ko sa kanya. As in—hello? I literally flirted with him! What the hell, Ximena?“Okay ka lang, Ximena?” Bigla akong napapitlag sa boses ni Isay, parang binuhusan ng malamig na tubig ang init na nararamdaman ko. “Para kang nakakita ng multo diyan. Anong nangyayari sayo at nanlalaki ang mga mata mo?”“Nagulat ako sa’yo, eh!” mabilis kong depensa, sabay yuko at tingin sa tinapay na kanina pa nilalapag ko sa isang platito na parang napakaimportanteng mission ng buhay ko ngayon.“Para kay Sir ba ‘yan?” tanong niya, may halong malanding ngisi na parang nang-aasar.“Oo,” maikli kong sagot, pero halos ngumiti pa rin ako nang konti dahil sariwa pa

  • My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!   Chapter 45

    XimenaHanggang doon lang pala ang nangyari sa amin ni boss, bitin pero sapat para patuloy akong mag-isip kung ano bang trip ng taong ‘to. Bigla na lang siyang tumayo, parang wala lang ‘yong tensyon sa pagitan namin kanina, at may commanding pero malambing na tono na nagsabi, “Mag-ready ka na. May meeting tayo with the ad agencies na pinadalhan mo ng invitation to present.”Parang saka lang tumama sa akin, oo nga pala, ngayon iyon! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil sa kung paano niya sinabi. Bago pa ako tuluyang makaalis, pinisil pa niya ang pisngi ko, tapos mahinang pinitik ang tungki ng ilong ko na para bang bata lang ako sa paningin niya. Grabe ka, Sir… ano bang pinapainom mo sakin at ganito ako kakilig?Napangiti ako, kahit pilit kong pinipigilan. Maloloka talaga ako sa amo kong ito. Pero sige na nga, hindi ko itatanggi, kinikilig ako, at kinikilig ako nang sobra.Bago bumalik sa desk ko, dumaan muna ako sa pantry para magtimpla ng kape

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status