XimenaPara akong gustong lamunin ng sofa na kinauupuan ko. Kung pwede lang akong matunaw sa sobrang hiya, baka nagawa ko na.“Dapat sinabi mo agad na nahihirapan ka,” sabi niya, kalmado pero matigas ang boses. “Hindi ‘yung tiniis mo nang ganyan.”Napalunok ako. Seryoso ba siya? Sinasabihan niya ako ng ganito ngayon? Eh... ano ba naman ang karapatan ko para tumanggi? Magrereklamo ako, eh ako nga ‘tong umaasa lang sa awa niya?“Natiis naman po, S-Sir...” bulong ko, halos ‘di lumalabas ang boses ko. Tinignan niya ako nang diretso, matagal. At sa titig niyang ‘yon, parang may init na gumapang sa mukha ko. Para akong sinusuri, hinuhubaran gamit lang ang mga mata niya.‘Ximena, ano ba?!’ sigaw ng utak ko. ‘Tumigil ka nga diyan. Wag kang assuming, girl!’“Kung masakit, sabihin mo,” dagdag pa niya. “Hindi mo kailangang magtiis nang mag-isa.”Hinawakan niya uli ang paa ko, tapos marahan niya itong ibinaba sa sofa na parang sinasadyang dahan-dahan, parang ayaw niyang masaktan pa lalo. “Wait he
Last Updated : 2025-07-31 Read more