Naku lagot.
XimenaAng sarap talaga sa pakiramdam tuwing kasama ko si Azael. Sobrang lambing niya, hindi pwedeng hindi siya nanakaw ng haplos at halik sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na kami ay magkatabi. Minsan nga naiisip ko, baka wala nang ibang lalaki na kasing-sweet niya. Hindi ko akalaing magiging ganito kasaya ang maging girlfriend ng isang kagaya niya. Ang layo, as in, sobrang layo kumpara noong kami pa ni Julius. Noon ay madalas ang tampuhan at ako pa ang manunuyo. Ngayon, punô ng kilig at ngiti.Lumipas pa ang dalawang linggo, at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi nagtatanong si Mama kung saan talaga ako tumutuloy. Palagi lang siyang nagrere-remind sa akin, “Mag-ingat ka, anak, ha. Maraming loko sa panahon ngayon.” Sagot ko naman palagi, “Wala kayong dapat alalahanin, Ma. Ayos lang ako.” Kahit sa tono pa lang ng boses niya, ramdam kong may kaba siya, pero pinipilit kong ipakita na kaya ko ang sarili ko.Tuwing weekend, umuuwi ako sa bahay. Doon ko nakikita kung gaano kasaya si
Ximena“Geez, Azael… Seriously, sa harap ko pa mo ginagawa ‘yan?” reklamo ni Annie sabay irap na parang gusto niya na lang mag-roll eyes hanggang batok.“Ikaw ang may gustong sumabit sa amin, so deal with it,” sagot ni Azael na may kasamang pilyong ngisi. Napatitig ako sa kanya habang nakakandong pa rin ako sa mga hita niya. Ramdam ko ang init ng palad niyang nakapatong sa bewang ko, at halos mawalan ako ng hininga nang mapansin niyang nakatitig ako.Bago pa ako makaiwas, bigla niyang idinikit ang mga labi niya sa akin—mabilis lang, pero sapat para mag-init ang pisngi ko. Para akong natulala.“Alam na niya, baby,” bulong niya na may kasamang bahagyang ngisi. Para bang proud pa siya na binuyangyang niya ang lahat sa harap ng babaeng pinagseselosan ko.“Oh come on!” sigaw ni Annie sabay tapon ng kamay sa ere. “Baby talaga? Like, seryoso? Hindi bagay sayo!”“Pero bagay kay Ximena…” sagot agad ni Azael, nakatitig kay Annie na parang gusto siyang asarin pa lalo. May ngiti sa labi niya, ‘yu
Ximena“Aakyat na ako sa taas para magluto ng lunch sana. Pero kung aalis ka, huwag na lang,” malamig kong sambit kahit pakiramdam ko ay sasabog na ako sa inis. Hindi ko rin alam kung saan ko hinugot ‘yung kakalmado kong boses, kasi deep inside, nagwawala na talaga ako. Syempre, hindi ko siya pwedeng sigawan o komprontahin dahil baka magtaka si Annie.“No. Hindi ako lalabas. Sa taas ako kakain,” mabilis niyang sagot habang binibitawan si Annie.“Ako din!” singit pa ng babae, na may pa-cute pang tono. Wow, ang bilis maka-volunteer ah? Ano ‘to, feeding program? Napataas agad ang kilay ko nang wala sa oras, at oo, alam kong napansin nila ‘yon. Napatingin ako kay Azael, umaasang sasabihin niyang “Hindi na, Annie, wag ka nang mag-abala” o kahit anong pagtutol, pero wala. Tahimik lang siya, parang masaya pa yata na may kahati ako sa atensyon.“Okay,” pilit kong sagot na may ngiti sa labi. Pero naku, kung makikita lang nila kung gaano na nagpuputok ang butse ko sa loob! Wow ha, Ximena the Co
AzaelWala pa ring nangyari sa amin ni Ximena ng gabing ‘yon. Hindi ko siya minadali, kahit na umaapaw ang pagnanasa ko sa kanya. Gusto ko munang maramdaman niya na ligtas siya sa akin, na hindi lang katawan niya ang habol ko. Alam kong puwede kong kunin ‘yon kung gugustuhin ko, pero hindi iyon ang point.Gusto kong dumating sa oras na siya mismo ang lalapit sa akin, kusang-loob. Gusto kong maging natural ang lahat.Oo, gusto ko siyang angkinin ulit, pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay higit pa sa pisikal na atraksyon.Love?Hindi ko pa sigurado. Pero ngayon, sapat na na nakikita ko siya, nakakausap siya, nakakasama siya. Iba ang impact ng simpleng ngiti niya, para bang biglang nagiging magaan ang mundo.Nasa gitna ako ng pagtitig sa laptop screen nang kumatok si Simon. Agad siyang pumasok, dala ang makapal na folder.“Sir, may problema tayo sa banko sa isa sa mga branch natin sa Bicol.”Napatigil ako sa pagta-type at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. “Anong klaseng pro
AzaelWala na talaga akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya. Ayaw ko sanang hayaan na mag-isa siyang umuwi, pero dahil sa pagkakakunot ng noo niya at sa paraan ng pagtaas ng baba niya, para bang sinasabi niyang, “Huwag mo akong kontestahin, Azael.” ay napilitan akong magbaba ng armas. Hinayaan ko na lang siya.Kung pwede lang talaga na isama ko pati nanay at kapatid niya rito sa penthouse, ginawa ko na sana. Para mas panatag ako. Pero alam ko na hindi siya papayag. At malama, lalo na ang Mama niya, hinding-hindi iyon papayag. Kaya’t heto ako, nagtitiis, pilit na binabalot sa katahimikan ang pagkabahala ko.Isang linggo lang ang lumipas, pero tingnan mo, nasa penthouse ko na siya ngayon. At habang nakaupo kami sa couch ng sala, pareho naming hawak ang makakapal na papeles, hindi ko mapigilang ngumiti. Ang eksenang ito na magkatabi, nagbabasa ng kontrata matapos ang dinner ay parang simpleng bonding lang. Pero para sa akin, ito na yata ang pinakamasarap na parte ng gabi.Nag-angat ako
XimenaLumapit ako sa kanya, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na parang may hinahanda akong lakas ng loob. Huminga ako nang malalim bago sinalubong ang matalim pero malambing niyang tingin. “Gusto ko na uuwi pa rin ako kila Mama kapag weekend,” mahina ngunit matatag kong sabi, halos nanginginig pa ang boses ko.Mahalaga sa akin ang nanay at kapatid ko, sila ang mundo ko bago pa man ako pumasok sa kakaibang mundong ito kasama niya. Hindi ko sila kayang pabayaan kahit anong mangyari. Oo, gusto ni Sir Roccaforte na lagi na kaming magkatabi sa iisang kama, pero parte pa rin ng pagkatao ko ang makasama ang pamilya ko. Kung tatanggalin niya iyon, para na rin niyang tinanggal ang kalahati ng buhay ko.Sandali siyang natigilan, para bang pinag-iisipan ang bawat salitang binitiwan ko. At nang tumango siya at ngumiti, gumaan ang dibdib ko sa ginhawa. “No problem,” banayad niyang sagot. “Alam ko naman kung gaano mo kamahal ang Mama at kapatid mo. Hindi ko hahadlangan ’yon.”Nakahinga ako ng m