Ayan, natuluyan na!
XimenaWe spent our first day na magkasama lang sa hotel kung saan kami nag-stay. As in wala kaming ginawa kundi kumain, matulog, at manood ng kung anu-anong palabas sa TV. Sobra kasi ang pagkangarag ko sa biyahe, jetlag to the highest level! Ewan ko ba kung dahil ba sa excitement o sa kabog ng puso ko knowing na kasama ko siya sa trip na ‘to.Kaya heto, two days later, nasa office na kami ng Roccaforte Empire dito sa Poland. Pagpasok pa lang namin sa building, napa-“Wow” talaga ako. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda dito, modern ang design pero may classy vibe. Simple, clean, pero talagang may dating.“Grabe, Azael… parang hindi totoo na Pinoy ang nagmamay-ari nito,” bulong ko habang nililibot ng mata ko ang buong lobby. Ang taas ng ceiling, may chandelier na parang galing pa sa isang fairy-tale castle, at ang marble flooring? Nakaka-starstruck.Napangiti siya at hinawakan ang kamay ko. “See? Sabi ko naman sa’yo, you’ll be proud. This is home for a lot of us.”At mas nakakatuwa
AzaelHindi ko maiwasan ang mapangiti habang nakatitig kay Ximena. Tulog na tulog pa rin siya, parang isang batang walang iniintinding problema. May isang oras na rin mula nang makarating kami rito sa hotel, kung saan kami dumiretso pagkababa ng eroplano dito sa Poland.Honestly, kating-kati na akong gisingin siya para makakain kami ng dinner, pero paano ko naman gagawin ‘yon kung ganito kapayapa at angelic ang itsura niya? Nakakawala ng pagod.Hinaplos ko nang marahan ang kanyang pisngi, ramdam ko ang lambot ng balat niya. Medyo naalimpungatan siya dahil bigla itong gumalaw, bago dahan-dahan na iminulat ang kanyang mga mata.“Hi, baby…” nakangiti kong bati nang tuluyan na siyang dumilat. Ang ganda pa rin kahit bagong gising, kahit disoriented ang itsura niya, parang confused kung nasaan siya. Napalingon pa siya sa paligid na para bang sinusuri ang kwarto. “Nandito na tayo sa hotel sa Poland, in case nakalimutan mo na,” dagdag ko pa habang pinipigilang matawa.Tila doon lang niya naal
Ximena “Scared?” tanong ni Azael habang nakatingin sa akin. Nasa eroplano na kami at hindi ko talaga maiwasan ang matinding kaba. First time kong sumakay ng plane, at kung hindi lang kami magkatabi ngayon, malamang ay nag hyperventilate na ako dahil sa 100 over acting ko na blood pressure. Charowt, pero seryoso, parang anytime pwede akong himatayin! “Medyo…” sagot ko na may kasamang awkward na ngiti. Feeling ko obvious na obvious na nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang seatbelt. Bigla niyang pinisil nang marahan ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. “Don’t be. Nandito lang ako sa tabi mo,” bulong niya, mababa at calm ang boses. Very reassuring, as in parang instant stress reliever. Ramdam ko talaga na safe ako hangga’t kasama ko siya. Pero hindi ko pa rin mapigilan, iba pa rin ang bigat sa dibdib knowing na ito ang very first time ko lumipad palabas ng bansa, tapos ang haba pa ng biyahe. “Palibhasa kasi sanay kang lumipad kaya mo nasasabi ‘yan,” biro ko habang nakanguso, t
Ximena “Ate, sana marami kang pictures ha! Para naman feel ko rin na parang nakarating ako ng Poland kahit dito lang ako sa bahay,” natatawang sabi ni Nicolas habang nakasandal pa sa sofa na parang siya ang turistang aalis. Natawa ako sa kakulitan ng kapatid ko. Syempre, hindi puwedeng hindi ko ikwento sa kanila ang tungkol sa trip ko with Azael. Kahit na work-related siya, hindi ko rin mapigilan ma-excite. Alam mo ‘yong tipong half-work, half-pleasure? Ganun. Hindi lang pleasure sa kama dahil kasama ko si Azael kundi yung pleasure na makapaglakwatsa at ma-explore ang ibang bansa. “Gusto mo pasalubungan pa kita?” biro ko, sabay taas ng kilay. Agad naman na kumislap ang mga mata niya. “As in legit? Promise yan ha, Ate!” Ang bilis magbago ng mood, mukha tuloy siyang nakakuha ng golden ticket. “Hoy, Nicolas,” singit ni Mama na nasa dining table at nagkakape. “Tigilan mo yang kakulitan mo. Trabaho ang pupuntahan ng Ate mo doon, hindi shopping spree.” “Eh si Ate na rin naman ang may s
Mature ContentXimena“Hinding-hindi kita paalisin sa buhay ko, baby.”Pagkasabi niya no’n, agad na naglapat ang labi niya sa labi ko. Mainit at punong-puno ng emosyon. Para akong natutunaw habang pumulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg, hinila ko siya palapit na para bang kahit anong kabig pa niya sa akin ay kulang pa. Ramdam ko ang tigas ng kanyang batok sa ilalim ng mga daliri ko habang hinahagod ko iyon, sabay tugon sa bawat halik niya.Mga ganitong pagkakataon ang paborito ko. Yung tipong nakakalimutan ko ang lahat. Problema, takot, kahit anong duda. Kapag nakadikit siya sa akin at nahuhulog kami sa ganitong init ng sitwasyon, pakiramdam ko… ako ang sentro ng mundo niya.Nakakaadik. As in, sobra.Masama ba ‘yon? Na mas hinahanap-hanap ko ang halik niya, ang haplos niya, at pati ang pag-angkin niya sa akin? Kasi bukod sa sarap na dulot niya, iba ang nararamdaman ko, mas malalim, mas makabuluhan. Parang doon niya naipapahatid kung ano talaga ang lugar ko sa buhay niya. At lalo na
XimenaHawak niya ang aking pisngi, ramdam ko ang init ng palad niya sa balat ko habang magkahinang ang aming mga mata. Parang biglang tumigil ang oras, at ang tanging mundo lang ay ako at si Azael.Nasa penthouse na kami, katatapos lang ng dinner. Akala ko simpleng gabi lang ito. You know, couch, TV, konting kwentuhan. Pero hindi ko in-expect na mauuwi kami sa ganito kaseryosong usapan.Nasa tabi ko siya, nakasandal, habang ako naman ay nakapulupot ng throw blanket sa binti ko. Nakakatawa kasi, kanina lang nag-aagawan pa kami sa remote kung N*****x ba o cable, tapos ngayon… ang bigat ng atmosphere.Pagkasabi niya tungkol sa pag-alis namin papuntang Poland, halos mapatalon ako sa tuwa. Excited ako, syempre. As in sobra. Poland ba naman ang pupuntahan namin eh—yung tipong sa travel vlogs at P*******t boards ko lang dati nakikita. Tapos ngayon, kasama ko pa siya.Sinikap kong hindi ipahalata ang nararamdaman ko dahil baka mamaya ay kung ano pang isipin niya, nakakahiya. Although need kon