Share

K-137

Penulis: LonelyPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-25 23:56:46

MARIO

"Ano? Girlfriend mo ang babaeng iyan? Alam mo bang cheater iyan? Niloko niya si Carlos para sa akin! At hindi imposibleng gawin niya rin sa iyo ang ginawa niyang panloloko kay Carlos noon!" wika ni Jake sabay tawa.

Kinuyom ni Mario ang kanyang kamao at muling sinuntok sa mukha si Jake. Muntik pa itong matumba sa lakas ng suntok niya. Matinding galit ang bumabalot sa kanya ngayon.

"Itikom mo iyang bibig mo kung ayaw mong pasabugin ko iyan! Kapal ng pagmumukha mong magpakita pa dito! Ano? Nakikipagbalikan ka? Akala ko naman babalikan ka ni Kate? Huwag kang hangal! Tangina mo!" galit na sigaw niya.

Malakas na tumawa si Jake at saka pinahid ang dugo niya sa gilid ng labi. "At naniniwala ka namang mahal ka ng babaeng iyan? Baka magulat ka na lang isang araw, ako na ang kasama ng babaeng iyan sa kama. Hindi siya marunong makontento sa iisang lalaki. Kaya huwag kang pakakampante. Hindi pa tayo tapos. Humanda ka sa akin."

Malalaki ang hakbang ni Jake na umalis at nagtungo sa k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Ninong's Contract Wife   K-143

    KATE ISANG TAON ANG LUMIPAS naghilom na kahit papaano ang sugat ni Mario. Ngunit sariwa pa rin sa loob ng dibdib nito kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kanilang ginagawa. Limang buwan na rin ang lumipas simula ng ikasal sila. At isang buwan na siyang buntis ngayon. Biniyayaan silang dalawa ng kambal na anak. Sobrang saya nilang mag-asawa. "Ang galing mo talaga, love! Nakadalawa ka agad! Kinakabahan ako nito kapag manganganak na ako. Sana kayanin ko. Pero maigi na itong kambal ang anak natin para dalawa agad," nakangiting sabi ni Kate. Kagagaling lang kasi nila sa ospital upang kumpirmahin kung buntis ba talaga siya. At ngayon lang nila nalaman na buntis nga siya at kambal pa. "Huwag kang matakot, love dahil nandito ako para alagaan ka at magbigay ng lakas ng loob sa iyo. Salamat dahil matutupad na ang pangarap kong bumuo ng pamilya," nakangiti sabi ni Mario. "Pupunta ka ba mamaya sa bahay ninyo?" tanong ni Kate sa asawa. "Hindi na. Kapupunta lang natin doon nakaraan. Sa s

  • My Ninong's Contract Wife   K-142

    MARIO Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon, nagiging maayos na ang lagay ni Mario. Hindi pa man tuluyang gumagaling ang sugat sa niya sa kanang dibdib, nakakakilos na siya ng ayos."Love, ano iyang niluluto mo?" tanong niya kay Kate nang maamoy niya ang mabangong lutuin sa kusina."Nagluluto ako ng chicken curry tapos may pritong isda rin. Sandali lang, ha? Pinalalambot ko lang ng husto ang manok para masarap ang kain natin," tugon niya kay Kate.Nilapitan niya ang kanyang nobya at saka niyakap sa likod. Nilayo ni Kate ang likod niya kaya bahagya siyang nakatuwàd kay Mario."Hindi pa magaling ang sugat mo kaya huwag mong idikit-dikit muna iyan. Baka mapasigaw ka na lang sa sakit kapag nasanggi ko iyan," saad ni Kate."Ang tagal ngaang gumaling. Naiinis na ako."Humarap sa kanya si Kate. "At bakit ka naman naiinis?" Ngumisi siya ng naloloko. "Kasi hindi kita mabayo. Gustong-gusto na kitang angkinin, love. Gigil na gigil na ako sa iyo."Pagkasabi niyan

  • My Ninong's Contract Wife   K-141

    Kate Umikot ang paningin ni Kate kasabay ng pag-agos ng dugo sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang pagkakahampas ng baril ni Jake sa kanyang mukha. Napapikit siya ngunit narinig niya ang malakas na sigaw ni Mario. Nawalan siya ng balanse at inaasahang babagsak na lang sa lupa pero sinalo siya ni Jake. "Tangina mo umayos ka ng tayo!" malakas na sigaw ni Jake sa kanya. Sinusubukan niyang tumayo pero nanghihina talaga ang katawan niya. Pagmulat ng kanyang mata, nakita na lang niya si Jake na may tama ng bala sa balikat. "Kate!" sigaw ni Mario at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan niya. "Mario!" malakas na sigaw ni Carlos. "Putangina niyong lahat!" sigaw naman ni Jake bago itinutok ang baril sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kate at inasahan na ang kanyang katapusan. Ngunit hindi iyon nangyari dahil humarang si Mario. Natamaan si Mario sa kanang dibdib. Napanganga siya at malakas na sumigaw. "Mario!!!" Pinaulanan naman ng bala si Jake ng mga pulis dahilan para bawian ito kagaa

  • My Ninong's Contract Wife   K-140

    KATE Mabilis na lumipas ang ilang araw, payapa ang araw ni Kate na naglalakad patungo sa parking lot. May binili siyang damit at sapatos para kay Mario. Hindi niya nga napansin ang mga araw. First monthsary na kaagad nila. Kaya naisipan niyang bumili ng regalo sa kanyang nobyo. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kanyang sasakyan, bigla na lang may humila sa kanya. Hindi kaagad siya nakasigaw dahil tinakpan ng panyo ang kanyang bibig At saka siya tinurukan ng pampatulog sa leeg. "Sa wakas, makakasama na ulit kita," rinig niyang sabi ng pamilyar na boses bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang siya sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang huling nangyari kanina. "Tulong! Tulong!" malakas niyang sigaw. Nakatali ang kamay niya at paa habang nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy. Panay ang agos ng kanyang luha. Iniisip niya si Mario. Kung kailan magse-celebrate sila ng kanilang monthsary, saka pa iyo nangyari.

  • My Ninong's Contract Wife   K-139

    KATE "Sigurado ka ba talaga na ikaw na lang ang mamalengke mag-isa?" tanong sa kanya ni Mario. Ngumiti siya ng matamis. "Yes, love. Mag-asikaso ka na. Ang dami mong dapat lakarin ngayon na permit. Hayaan mo na ako. Para matuto ako. Syempre, hindi naman puwedeng palagi lang akong nakadepende sa iyo. Parang wala na akong natutunan niyan." Bumuntong hininga si Mario sabay ngiti. "Hindi naman sa wala kang natutunan, gusto ko lang din na magbuhat prinsesa ka sa piling ko. Gusto kong ipakita sa iyo kung ano ang magiging buhay mo kapag naging mag-asawa na tayo." Kinilig naman si Kate at saka niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo. "Excited na akong dumating ang araw na iyon. Gustong-gusto ko ng maging asawa mo. Tapos bubuo tayo ng anim na anak!" Nanlaki ang mga mata ni Mario. "Anim talaga ang gusto mo? Hindi ba iyon masyadong marami? At saka ikaw ang mahihirapan kapag nanganak ka ng maraming beses." Ngumiti si Kate. "Mas marami, mas masaya! Gusto ko talaga ng maraming anak dahil

  • My Ninong's Contract Wife   K-138

    KATE Isang linggo ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon, naging maayos na ulit ang buhay ni Kate. Naging masipag na ulit siya sa kanyang negosyo. Palagi siyang sinusundo ni Marko. At kapag walang ginagawa ang nobyo niya, dumidiretso ito sa restaurant niya. "Ano? Kumusta ka naman? Pasensya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Naging busy lang ako. Ginugulo ka pa rin ba ng gagóng Jake na iyon?" tanong ni Erra sa kanya. Bakas sa tinig nito ang pag-aalala. "Ayos lang naman ako. Pinipilit kong maging maayos ulit. Grabe, bumali iyong trauma ko. Iyong pananakit sa akin ni Jake, sobra akong na-trauma doon. Mabaliw-baliw ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iniisip ko na ang susunod na magiging boyfriend ko, baka saktan din ako. Kaya natakot akong magmahal ng iba at si Carlos sagad ang hinahanap ko. Kasi si Carlos, never niya akong sinaktan. At kapag galit na galit lang siya, doon niya ako magagawang sigawan. Pero bihirang-bihira," salaysay niya. "Kaya nga dapat magdoble inga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status