Share

Chapter 4

Author: Lady
last update publish date: 2026-04-14 07:42:21

Zara POV___

“Diba sabi ko sayo na hindi ka lalabas ng bahay hanggat hindi ko alam kung saan ka pupunta!” inis na aniya ni Daylen habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga braso.

“Ano ba Daylen, bitawan mo nga ako!” sigaw ko habang pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. “Ano bang kinagagalit mo ha? Kasal lang naman tayu sa papel Daylen! Kaya wala kang karapatang pake-alaman kung saan ako magpupunta!” irit kong dagdag.

Iimik na sana ako ng bigla niya akong sampalin. na labis kong kinagulat, kaya ako'y napapikit ng mariin sa lakas ng kaniyang pagsampal.

“Don't you ever dare to talk to me like that!” mariin niyang ani. Kaya dahan-dahan ko siyang nilingon, mas lalo akong nagulat ng bigla siyang yumuko at sinakal ako kaya ako'y napahawak sa kaniyang kamay.

“Hangga’t kasal tayo sa papel ay wala kang magagawa kundi ang sundin kung ano ang gusto ko, Zara. Kahit na nagpatira ka sa ibang lalaki nung gabing yun , sakin ka pa rin at sisiguraduhin kong hindi ka niya makukuha mula sakin!” dagdag niya habang pahigpit ng pahigpit ang kaniyang pagkakasal sa aking leeg.

Napapikit ako ng mariin ng pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Tinapik ko na rin siya sa kaniyang braso upang paluwagin ang kaniyang mga kamay.

nahihirapan kong saway sa kaniya. Ngunit para siyang walang nakikinig at manhid. Madilim ang kaniyang mga mata na nakatingin sakin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.

“Daylen, anak! nandito na uncle mo! hinahanap na kana at Si Zara gusto niya daw makita ang iyong asawa,” ani mula sa pintoan kaya unti-unting lumuwag ang mga kamay ni Daylen mula sa aking leeg.

Nang tuluyan ng nabitawan ni Daylen ang aking leeg ay agad kong hinawakan ang aking leeg at tuluyan ng umiyak

“Ayusin mo ang sarili mo,” malamig niyang aniya. “dalian mo at ayaw kong pinag iintay si uncle.”

“siguradohin mong maayus ka ayaw ko ng gulo,” dagdag pa niya at tuluya ng lumabas ng kwarto.

Nang tuluyan siyang makaalis ay doon na ako humagulhol. Simula ng mangyari ang lahat, simula noong araw na yun ay hindi niya ako tiningnan na parang asawa niya Tiningnan niya akong isang bagay na kaniyang pag-aari. Ikinulong at ayaw niyang may titingin sakin na iba, Nalaman niya din na may ibang akong nakasama noong gabing yun pero hindi niya ito nakilala.

kaya simula non ay wala nang araw na hindi kami nag away ni daylen kada tatakas ako para lumabas o makipag kita man lang sa aking mga kaibigan ay sinasaktan niya ako

FLASHBACK___

Nang magising ako ay sobrang sakit ng aking katawan at hindi ko ito maigalaw kaya dahan-dahan lang minulat ang aking mata at ganoon na lang ang gulat ko ng may katabi akong ibang lalaki.

“Oh fuck Zara! Ano bang ginawa mo at may iba kang lalaki na katabi at hindi mo ito kilala na kasama mo ngayon sa kama!” sigaw kong ani sa aking sarili at mas lalong napapikit nang mariin ng mag flashback sa akin ang gabing nag-sex kami.

“Arrrgh!” tila mahina bang sigaw at dahan-daha kong inalis ang brasong nakapulupot sa aking katawan.

Nang tuluyan ko ng natanggal ang kaniyang braso ay agad akong nagbihis at umalis ng hindi nagpakilala o nagpaalam man lang sa kaniya.

Pag dating ko sa bahay ay ang galit na Daylen ang agad a

kong nakita. Iinis siyang lumapit sakin at agad na hinawakan ang aking braso saka ako kinaladkad papasok.

“Ano ba Daylen! Nasasaktan ako!” pag pupumiglas ko pero nanatili parin siya sa kaniyang ginagawang pangangaladkad sakin hanggang sa makarating kami sa kwarto, saka niya lang ako binitiwan.

“Ano masarap ba ha!” gigil na aniya.

“What the hell are you talking about Daylen pwad--” agad niyang pinutol ang aking sinasabi.

“Akala mo ba hindi ko alam na may kasex ka ha!” Muli niya akong hinawakan ng mahigpit sa aking braso.

“Napaka landi mo! May asawa ka na lahat nakisiping kapa sa iba! Nakita ko na may kasama ka sa ibang hotel zara!” dagdag niya kaya agad nag pantig ang aking tenga at sinampal siya.

“Kung ako malandi anong tawag sa kagaya mo? Ikaw lang ba ang pw--”

“Normal lang sa aming mga lalaki ang magloko o makipag-sex sa iba, Zara,” walang hiya-hiyang saad niya habang nakatitig sa akin na parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. Sa isang iglap, naramdaman ko ang matinding init ng galit na dumaloy sa buong sistema ko. Kumuyom ang mga palad ko hanggang sa maputol ang kuko ko sa sarili kong palad dahil sa sobrang higpit.

“O! Ang kapal ng mukha mong sabihin na normal lang 'yan?! Tang inang palusot yan!” sigaw ko sabay hampas sa dibdib niya gamit ang pareho kong kamay. “Ano ako? Laruan lang na pwede mong saktan at lokohin kahit kailan mo gusto.!”

Tinulak ko siya palayo sa akin pero hindi siya natitinag. Sa halip, mas lalo lang lumalim ang pagkunot ng noo niya at mas naging madilim ang anyo ng mukha niya.

“Wag mo akong sigawan, Zara!” banta niya at hinawakan akong muli sa braso, mas mahigpit pa kaysa kanina. “At huwag mong ipagmalaki ang sarili mo na parang ang dalisay mo. Alam ko ang ginawa mo noong isang gabi. Alam kong may kasama kang ibang lalaki at alam kong ginawa niyo ang bagay na 'yan sa loob ng hotel room!”

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam niya talaga. Pero ano ngayon? Wala siyang karapatang magalit gayong siya naman itong unang nanloko!

“At kung meron man? Ano ngayon?! Eh ikaw nga naman oh! Araw-araw may iba kang babae! Nakikita ko! Naririnig ko! Pero tinatago mo sa akala mo hindi ko alam?!” bulyaw ko pabalik sa kaniya. “Kasal tayo sa papel, Daylen! Pero hindi ibig sabihin nun ay pag-aari mo na ako ng buo! Pwede tayong maghiwalay anytime! Wala namang pag-ibig na namamagitan sa atin eh!”

Sa sinabi kong iyon, parang nawala sa sarili si Daylen. Muntik na naman niya akong sampalin kung hindi ko lang mabilis na nahawakan ang kamay niya bago pa ito dumapo sa mukha ko. Nagkatitigan kami. Ako, puno ng galit at hinanakit. Siya, puno ng matinding poot at... possessiveness?

“Huwag na huwag mong babanggitin ang paghihiwalay, Zara. Narinig mo ba ako?!” mariin niyang bulong pero sadyang nakakakilabot ang tono. “Ikaw ang asawa ko. Sa papel man o sa realidad, akin ka. At habang ako ang asawa mo, wala kang karapatang pumunta sa iba. Wala kang karapatang mahalin ang iba. At lalong wala kang karapatang ibigay ang sarili mo sa iba!”

“Bakit?! Dahil ba ayaw mo lang na may kumuha sa kung anong sa'yo? Dahil ba ego mo lang ang nasasaktan?!” hamon ko sa kaniya. “Hindi mo ako mahal, Daylen! Kaya huwag kang umasta na parang nasasaktan ka! Dahil alam kong masaya ka pa nga siguro kung mawala ako!”

Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at umatras palayo sa kaniya. Pinunasan ko ang luhang kusang tumulo mula sa mga mata ko. Bakit ba ako umiiyak? Dahil ba sa sakit ng ginagawa niya o dahil sa sakit na realisasyon na kahit kailan, hinding-hindi niya ako kayang mahalin?

“Umalis ka na dito. Ayaw kitang makita,” malamig kong saad habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko.

Tinitigan niya ako ng matagal. Para siyang nagdadalawang-isip kung susunod ba siya o hindi. Pero sa huli, tumalikod din siya at padabog na isinara ang pinto ng kwarto.

Nang makasiguro akong wala na siya, doon na ako tuluyang napaluhod sa sahig. Hinagpis kong iyakan ang lahat ng sakit at pang-aabuso na natatanggap ko mula sa kaniya. Bakit ba napunta ako sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangan kong magpakasal sa isang taong ni katiting na respeto ay wala sa akin?

LUMIPAS ang ilang araw at nanatiling malamig at mabigat ang atmosphere sa pagitan namin ni Daylen. Hindi kami nagpapansinan. Kung magkasalubong man kami sa bahay, dededmahin lang niya ako na parang hangin lang ako. At sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang ganito na lang kaysa makita siyang galit at nananakit.

Pero alam kong hindi ito magtatagal. Alam kong anumang oras, sasabog na naman ang galit niya.

Isang gabi, umuwi siyang lasing. Narinig ko ang mga yabag niya paakyat ng hagdan hanggang sa dumiretso siya sa kwarto namin. Pagkabukas niya ng pinto, naamoy ko agad ang matapang na amoy ng alak at sigarilyo.

Dahan-dahan akong umupo sa kama at tiningnan siya. Nakayuko siya habang inaalis ang necktie at coat niya. Mukhang pagod at problemado.

“Kailan ka pa uuwi?” basag ko sa katahimikan.

Tumingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay nanlilisik at tila may dalang apoy. “Bakit? May hinihintay ka bang iba?” sarkastiko niyang tanong.

Napabuntong-hininga na lang ako at humiga ulit, tinalikuran siya. “Wala akong oras makipagbiruan sayo, Daylen. Pagod ako.”

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko. Sumunod ang init ng katawan niya na dumikit sa likuran ko. Nanigas ang buong katawan ko sa gulat at kaba.

“Zara...” bulong niya malapit sa tenga ko. Ang boses niya ay paos at mababa. “Huwag mo akong talikuran.”

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Sa dilim ng kwarto, kitang-kita ko pa rin ang itsura niya. Ang gwapo niya talaga... pero napakasama ng ugali.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko nang mahina.

Hindi siya sumagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa labi ko.

“Sabihin mo sa akin... sino siya? Sino yung lalaking kasama mo noong gabing yun?” bigla niyang tanong na ikinagulat ko.

“Wala! Wala akong kasama! Pinag-iisipan mo lang ako ng masama!” tanggi ko.

Biglang humigpit ang hawak niya sa bewang ko. “Huwag kang magsinungaling sa akin! Nakita kita! Nakita ko yung kotse niya! Nakita ko kung paano ka niya ngitian at hawakan!”

Napapikit ako nang mariin. “Wala tayong karapatan sa isa't isa, Daylen! Kaya huwag kang mag-asta na parang asawa na tayo talaga! Dahil kung titingnan natin, ikaw itong laging may kasamang iba! Ikaw itong bumababaeng araw-araw!”

Sa isang iglap, naipit niya ang pareho kong kamay sa ibabaw ng ulo ko gamit ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nasa bewang ko pa rin.

“Pero iba ako sa'yo, Zara. Ako lalaki. Ikaw babae. At higit sa lahat... ikaw ang asawa ko,” mariin niyang diin. “At bilang asawa mo, tungkulin kong siguraduhin na sa akin ka lang babalik. Sa akin ka lang titingin. At sa akin ka lang hihingi ng atensyon.”

“Ewan ko sayo! Baliw ka talaga!” pilit kong kumawala pero masyado siyang malakas.

Bigla niyang idinikit ang labi niya sa labi ko. Marahas, mapusok, at puno ng pagnanasa. Hindi ako makahinga. Hindi ako makakilos. Para akong na-paralyze sa ginawa niya.

Gusto ko siyang itulak. Gusto ko siyang sigawan. Pero bakit... bakit may parte ng pagkatao ko na gustong-gusto rin ang nangyayari? Bakit may parte ng puso ko na tumitibok nang mabilis dahil sa kaniya?

Napabuntong-hininga siya at dahan-dahang kumalas sa halik pero nanatili pa ring malapit ang mukha niya sa akin.

“Aminin mo na... gusto mo rin ako, 'di ba?” bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. “Amimin mo na Zara... na kahit anong mangyari, akin ka pa rin.”

Umiling-iling ako. “H-hindi... hindi totoo yan. Galit ako sayo. Galit na galit!”

Tumawa siya ng mahina pero walang halong saya. “Galit... o selos?”

Napakagat ako sa labi ko at iniwas ang tingin. “Wala akong oras sa kalokohan mo.”

Bigla niya akong binaliktad kaya ngayon ay nasa ibabaw ko na siya. Tinitigan niya ako sa mata.

“Gagawin ko ang lahat para manatili ka sa tabi ko, Zara. Kahit pa ikulong kita dito sa bahay na 'to. Kahit pa tanggalin ko lahat ng taong lumalapit sayo. Dahil akin ka... at hinding-hindi ko hahayaang may kumuha sayo mula sa akin.”

 END_____

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang hinahaplos ang namamagang leeg at pisngi ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi at takot. Pagkarating ko sa baba, agad akong sinalubong ng mainit at matalim na tingin ni Daylen.

“Bakit ang tagal mo? Diba sabi ko sayo na ayaw kong pag-intayin si Uncle?” seryoso at may halong pangaral na saad niya.

Nanatili akong nakayuko at hindi siya sinagot o pinansin man lang. Ayaw ko siyang tingnan. Ayaw kong makita ang mukha ng taong walang awang nanakit sa akin kanina lang.

Dahil sa katahimikan ko, napabuntong-hininga na lang siya at marahang hinawakan ang braso ko—hindi para saktan, kundi para igiya papunta sa dining area kung saan naroon ang hinihintay niya.

Doon, nakita ko ang likod ng isang lalaki. Malapad ang balikat, matangkad, at tila nagpapahangin habang nakatingin sa labas ng bintana. May kakaibang aura ito na parang dominante at puno ng kapangyarihan.

“Bro, nandito na sila,” tawag ni Papa sa lalaki.

Dahan-dahan itong humarap.

At sa isang iglap... parang tumigil ang mundo ko. Nanigas ang buong katawan ko at halos mabitawan ko ang hininga ko.

Siya... siya yung lalaki!

Yung lalaking nakasama ko sa hotel noong gabing lasing ako! Yung lalaking naka-one night stand ko! Yung lalaking hinahanap-hanap ko sa isip ko kahit hindi ko alam ang pangalan niya!

Kumabog nang napakalakas ang dibdib ko. Hinalo ng takot, gulat, at kung ano-ano pang emosyon na hindi ko maintindihan. Pero higit sa lahat... hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

“Zara, halika rito. Ipresenta ko sayo ang Ninong mo. Si Xavier Montenegro. Matagal na siyang nasa abroad at ngayon lang umuwi,” masayang pakilala ni Papa. “Ninong mo siya, anak. Kaya batiin mo.”

Ninong?

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang siya nakita at nakilala. At ngayon lang nalaman na Ninong ko pala siya?!

Nahihiya at nanginginig pa rin ang tuhod ko, dahan-dahan akong lumapit. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil sa sobrang hiya at kaba.

“N-Ninong...” mahina at nauutal kong tawag.

Ngumiti siya—isang ngiting nakakapanindig balahibo. Isang ngiting alam na alam ko ang ibig sabihin. Sa halip na kamay lang ang abutin niya, bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap nang mahigpit. Isang yakap na pamilyar... isang yakap na nagpaalala sa akin ng init ng katawan niya noong gabing iyon.

Nanginginig ako sa takot habang yakap niya ako. Akala ng lahat ay simpleng pagbati lang ito ng isang Ninong sa inaanak niya. Pero alam ko... iba ito.

At sa pagdidikit ng labi niya sa tenga ko, may binulong siya nang napakalambing pero nakakatakot na boses.

“Baby... hindi yan ang tawag mo sakin nung gabing yun...”

Nanigas ako lalo.

“Tandaan mo... dati, 'Daddy' ang tawag mo sakin habang ginagawa natin ang mga bagay na bawal... hindi Ninong.”

Napasinghap ako at mabilis na kumawala sa yakap niya. Tiningnan ko siya nang gulat na gulat. Nakangiti lang siya sa akin na parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya habang ang lahat ng dugo ko ay tila nanigas sa ugat.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Takot? O kakaibang kilabot na dulot ng presensya niya? Bakit ganito? Bakit siya ang Ninong ko? At bakit parang mas lalong gumulo ang mundo ko ngayong nalaman ko na siya 'yon?

Habang kumakain kami sa hapag-kainan, pilit akong umiiwas sa tingin ni Ninong Xavier at ni Daylen. Ramdam ko ang bigat ng atmosphere. Si Daylen, galit at possessive. Si Ninong Xavier naman... may kung anong dilim at intensyon sa mga mata niya na hindi ko mabasa.

Nag-uusap sila ni Papa tungkol sa negosyo at buhay sa ibang bansa hanggang sa napunta ang usapan sa kung gaano katagal na siya dito.

“Pare, isang linggo ka na pala dito ah? Bakit hindi ka agad nagpakita? Nagtampo naman ako sayo oh,” pabirong saad ni Papa sabay inom ng wine.

Tumawa nang mahina si Ninong Xavier. Isang tawa na malalim at nakaka-apekto sa sistema ko, sinabi niya ang dahilan kong bakit siya hindi agad nag pakita na aking ikinagulat

“I actually went to a bar the moment I arrived. And unexpectedly... I met someone. We spent the whole night together, it was... unforgettable. But when I woke up the next morning, she was gone. She didn't even introduce herself, didn't say goodbye, and left me hanging. So I was busy... looking for her.”

Sa bawat salitang binibitawan niya, ramdam ko ang pagtigas ng mukha ko. Tinitigan niya ako habang sinasabi 'yon. Diretso sa mga mata ko

TO BE CONTINUE

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ninong's Obsession   Chapter 4

    Zara POV___“Diba sabi ko sayo na hindi ka lalabas ng bahay hanggat hindi ko alam kung saan ka pupunta!” inis na aniya ni Daylen habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga braso.“Ano ba Daylen, bitawan mo nga ako!” sigaw ko habang pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. “Ano bang kinagagalit mo ha? Kasal lang naman tayu sa papel Daylen! Kaya wala kang karapatang pake-alaman kung saan ako magpupunta!” irit kong dagdag.Iimik na sana ako ng bigla niya akong sampalin. na labis kong kinagulat, kaya ako'y napapikit ng mariin sa lakas ng kaniyang pagsampal.“Don't you ever dare to talk to me like that!” mariin niyang ani. Kaya dahan-dahan ko siyang nilingon, mas lalo akong nagulat ng bigla siyang yumuko at sinakal ako kaya ako'y napahawak sa kaniyang kamay.“Hangga’t kasal tayo sa papel ay wala kang magagawa kundi ang sundin kung ano ang gusto ko, Zara. Kahit na nagpatira ka sa ibang lalaki nung gabing yun , sakin ka pa rin at sisiguraduhin kong hindi ka niya makukuha mula sak

  • My Ninong's Obsession   Chapter 3

    ZARA POV____Pagdating namin sa ikatlong palapag na puno ng mga kwarto, agad siyang nagpunta sa dulo ng bahagi ng silid. Nang hindi pa man niya nabubuksan ang pinto, hinalikan na niya ako. Sa galing ng kanyang halik, lalo akong nakaramdam ng init sa aking katawan. Hindi ko namamalayan na nasa loob na kami ng kwarto, at karga-karga na niya ako habang ang mga hita ko ay nakapulupot sa kanyang bewang.Agad akong lumiyad ng dahan-dahan ng maramdaman kong nabungo niya ang kama, nang maibaba na niya ako sa higaan ay isa-isa niyang tinanggal ang butones ng aking polo habang ginagawa niya yun ay nasaking mga mata ang kaniyang mapupungay at malagkit niyang tinginNang tuloyan na niyang nahubad ang aming mga damet ay agad akong nanabik ng masilayan ko ang kaniyang 8packs na abs "Ugh~..hmmm.. " wala sa sareli kong ungol ng lagyan niya ng marka ang aking leeg kaya nakagat ko ang sareli kong labi"S*xk my d1ck baby" nakangisi niyang aniya at umupo siya sa aking tabi kaya agad kong tiningnan a

  • My Ninong's Obsession   Chapter 2

    zara (author pov) “Daylen…” Mahina ang kaniyang boses, at halos hindi na marinig.Agad na napahiwalay ang dalawa sa isa't-isa. Napatingin si Daylen sa kaniya—at sa unang pagkakataon, nakita niya ang gulat sa mukha nito.“Zara—”Ngunit hindi na niya ito pinatapos, hindi niya kayang pakinggan ang paliwanag ni daylen gayon at kitang kita na niya ang nangyari, Unti-unting napaatras si Zara nang biglang humakbang si daylen papalapit sa kaniyaAng mga mata niya ay puno ng sakit—isang sakit na hindi kayang ilarawan ng salita.“Ito pala…” bulong niya at bigla niyang naalala ang lahat, ang mga gabing mag-isa siya, ang mga pagkakataong hindi umuuwi si Daylen.“Ito pala yung dahilan…”nanginginig niyang pag uulit at napangiti ng mapait.“Busy ka…”dagdag pa niya at tuloyan nangang Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata, ngunit hindi niya ito pinunasan.“busy ka ha!!" Muli niyang pag uulit "Busy ka sa babaeng putang ina!!. Ano mas masarap ba ang puk3 niyang hayup ka!!! .... "“kaya pala hindi ka na

  • My Ninong's Obsession   Chapter 1

    Victoria Zara Jane Cruz (AUTHOR POV) POV___Masayang tinatahak ni Zara ang opisina ng kaniyang asawa. Magaang ang kaniyang mga hakbang, hindi rin niya mapigilan ang kaniyang sareli na mapangiti. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa dala-dala niyang paper bag at sa loob nito ay may lamang pagkain na buong pagmamahal niyang niluto kaninang umaga. Pinag-isipan niya pa kung ano ang paboritong ulam ni Daylen na siguradong magugustuhan niya, peru may kunting kaba at pag aalala siyang nararamdaman at iniisip niya na kung sapat ba ang timpla, kung magugustuhan ba ito ng kaniyang asawa kahit abala ito sa trabaho.“Siguro pag nakita niya ’to, matutuwa siya,” pag papagaan niyang bulong sa sarili, at bahagyang napangiti.Pag hinto ng elevator ay agad siyang natigilan. Huminga muna siya ng malalim at lumabas, agad siyang sinalubong ng malamig na hangin mula sa air conditioning. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng mga keyboard at mahihinang usapan ng mga empleyado ang maririnig. Dire-diretso siyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status