Share

13

Penulis: Anoushka
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-06 23:21:25

“A-ano?” Gulat na tanong ni Elira. Mabilis siyang lumingon sa paligid pero nakalayo na sila. “Nakausap mo si Mama?” dagdag niyang tanong sabay baling kay Galvin.

“Yes, we’re old friends, Elira. Of course, we’ll talk,” sagot ni Galvin na parang wala lang. Tila ba hindi niya ginulat si Elira sa sinabi niya tungkol sa mama nito.

Napaismid si Elira sa narinig. “Of course, nagkausap nga kayo ng magaling kong ama para pagkaisahan ako. Ano pa nga bang aasahan ko,” mahina niyang sabi.

Ngunit hindi iyon nakaligtas kay Galvin, narinig niya ito kaya sumagot siya. “Yes, your father and I met. We’ve talked about you, pero iyon na lang din ang huli naming pagkikita, noong araw na umalis ka sa kumpanya. Pagkatapos no’n, hindi na kami nagkita at nagkausap pa,” paliwanag niya.

Biglang natahimik si Elira. Naalala niya ang araw na iyon. Bago niya sinugod si Gavin sa opisina nito, tumawag muna si Enrico at pagkatapos ay pumunta siya sa bahay ng ama para balaan ito. Hindi niya inasahan na totoo nga an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Ninong’s Secret Desire   41

    Pagkatapos ng palabas, muling napuno ng ingay at sigawan ang buong teatro. Tumayo ang mga tao habang pumapalakpak, at maririnig ang mga salitang “Bravo!”, “Ang galing ni Elira!”, at “Ang chemistry nila ni Marco, totoo!”Ngumiti si Elira, bagaman halatang pagod na. Sa likod ng bawat papuri ay naroon pa rin ang bigat ng emosyon na hindi niya mailarawan, isang halo ng saya, kaba, at isang uri ng sakit na hindi niya maintindihan.“Congratulations, Elira!” sabi ng director nila habang niyakap siya. “You did amazing! The critics are going to love you.”“Salamat po,” sagot niya, mahina ngunit may halong taos-pusong pasasalamat.Katabi niyang tumayo si Marco, todo ngiti habang binabati rin ng mga tao. Sanay na sanay ito sa mga ganitong sandali, kaya’t walang pag-aalinlangan nitong hinawakan muli ang kamay ni Elira, nagpose sa harap ng mga camera, sabay bulong, “Smile. This is our moment.”Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mga mata ang ngiting iyon. Habang nakikipagkamay siya sa mga bisita, m

  • My Ninong’s Secret Desire   40

    Dumating ang araw ng pinakahihintay na premiere night ng unang pelikula ni Elira bilang pangunahing bida. Ilang linggo siyang halos walang tulog, photoshoots, guestings, rehearsals, ngayon ay narito na siya, nakasuot ng isang eleganteng silver gown na kumikislap sa bawat hakbang. Habang naglalakad papasok sa venue, ramdam niya ang bigat ng bawat tingin, bawat flash ng kamera, at bawat sigaw ng kanyang pangalan.Sa gitna ng lahat ng iyon, pinipilit niyang maging kalmado. Pero sa loob, kumakabog ang dibdib niya, hindi lang dahil sa kaba, kundi sa kakaibang pakiramdam na may mga matang hindi lang basta nanonood, kundi nagmamasid.“Ang ganda mo, anak,” mahinang wika ni Josephine habang ayos-ayos nitong pinapahiran ng foundation ang pisngi ni Elira bago sila lumabas ng sasakyan. “Siguradong magugustuhan nila ang pelikula mo.”Ngumiti si Elira, pilit ngunit totoo. “Sana nga, Ma.”Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ng mga staff ng kumpanya at ilang matataas na opisyal. Sa gitna ng magara

  • My Ninong’s Secret Desire   39

    Matapos ang araw na iyon, muling iniwasan ni Elira si Gavin. Wala siyang mensaheng sinagot, wala ring tawag na tinanggap. At sa mga sumunod na araw, hindi na rin siya muling pinadalhan ng kahit anong mensahe o dinalaw ni Gavin sa set. Noong una ay nagtaka siya, lalo na’t sanay siyang kahit papaano ay nagbibigay ito ng update o simpleng “good luck” bago siya mag-shoot. Pero habang tumatagal, natutunan niyang tanggapin na marahil iyon ang tamang nangyayari, na siguro, pareho nilang piniling manahimik upang hindi na muling masundan ang pagkakamaling ayaw na nilang alalahanin.Subalit kahit anong pilit niyang itanggi, sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Gavin sa bibig ng mga staff o sa usapan ng mga reporter, may kung anong kirot na bumabalik sa dibdib niya. Parang alaala ng apoy na pilit niyang tinatapakan pero hindi tuluyang namamatay.****Mainit ang araw nang dumating si Elira sa set ng shooting. Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng isang teleserye na pinagbibidahan niya. Kahit pa

  • My Ninong’s Secret Desire   38

    Sa labas ng pinto ng penthouse, nakasandal si Elira, halos hindi makagalaw. Ramdam niya ang mabilis at magulong tibok ng dibdib niya, parang gusto nitong kumawala, parang may gustong isigaw pero walang lakas ang kanyang tinig.Mainit pa ang kanyang mga pisngi, at ang labi niyang bahagyang nanginginig ay tila may bigat ng lahat ng hindi dapat nangyari.“Diyos ko…” mahina niyang bulong, hawak ang dibdib. “Anong ginawa ko?”Bumalik sa isip niya ang eksena, ang mga mata ni Gavin, ang bigat ng tingin, ang katahimikan bago ang halik, at ang init ng labi nito sa kanya. Hindi iyon dapat mangyari. Hindi iyon kailanman dapat mangyari.“Bakit ko siya hinayaang lumapit?” mariin niyang sabi sa sarili. “Bakit hindi ako umatras?”Bumagsak ang kanyang balikat, at tumingin siya sa kisame ng hallway ng gusali, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. Sa isip niya, paulit-ulit na gumuguhit ang mga salitang ayaw niyang marinig. “Ninong mo siya, Elira. Ninong mo. Boss mo. Kaibigan ng mga magula

  • My Ninong’s Secret Desire   37

    Simula noong mall show, tila may malaking pagbabagong naganap sa pagitan nina Gavin at Elira. Hindi na tulad ng dati na madalang lang itong magpakita sa mga set, ngayon ay parang anino na niya ang presensiya nito. Tahimik, ngunit laging naroon—sa bawat shooting, sa bawat interview, o kahit sa simpleng rehearsal.Ang mga tauhan ng production ay nagsimula nang mapansin ang kakaibang pag-aalala ni Gavin. Kahit ang PA ni Elira na si Amelie ay hindi na rin maitago ang pagtataka.“Sir Gavin, okay naman po si Elira. Kakauwi lang niya. Nag-text din siya sa akin na magpapahinga,” ulat ni Amelie isang gabi.Ngumiti si Gavin, ngunit halata ang pagod sa mga mata. “Good. Make sure she eats dinner, ha? Sabihin mo kay Mang Jose, huwag na siyang paabutin ng dis-oras sa set bukas. I’ll handle it.”Tumango si Amelie, bagaman naguguluhan. Bakit ganito ka-protective si Sir? tanong niya sa isip, ngunit hindi na siya nagtanong pa.Maging ang driver ni Elira, si Mang Jose, ay madalas tanungin ni Gavin sa tu

  • My Ninong’s Secret Desire   36

    Natapos ang tensyonadong sandali sa set nang magsimula silang mag-usap sa isang sulok, malayo sa mga matang nakamasid. Nanginginig ang kamay ni Elira.“Sir…” halos hindi marinig ang boses niya, pinipilit gawing normal kahit kumakabog ang dibdib. “Ayokong magkaroon ng maling iniisip ang ibang tao tungkol sa atin. Hindi lang ako ang maaaring madamay… ikaw rin. Ikaw ang tumulong sa akin mula simula, ikaw ang nagbukas ng pinto. Ayokong biglang masira ang lahat dahil lang sa maling tingin ng iba.”Parang may humila sa puso ni Gavin sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga, yong pag-aalangan sa mga mata, yong pilit na lakas ng loob na tinatabunan ng takot. Malamig ang hangin sa paligid, pero ramdam niya ang init ng bawat salitang binitawan nito.“I understand,” maikli ngunit mabigat na tugon niya, halos may pag-atras na rin sa damdaming pilit niyang itinatago. “Hindi ko na ipipilit ngayon. Pero sana…” Napahinto siya, saka lumunok. “Sana huwag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status