Share

14

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-08-09 22:28:09

“Elira! Mabuti naman nakarating ka, akala namin ay hindi ka pupunta. I was about to call you regarding this, iyon pala ay natawagan ka na ng Mama mo,” masayang sabi ni Lorelyn.

Bumaling si Elira kay Gavin, nag-aantay na may sasabihin ngunit hindi niya inasahan na ang Mama niya ang nagsalita para itama ang sinabi ni Lorelyn.

Hindi ako ang tumawag sa kanya, ang akala ko nga ay ikaw dahil nagulat na lang ako narito na siya.”

Hindi makasagot si Elira, hindi niya alam kung pwede bang banggitin na si Gavin mismo ang nagsabi sa kanya. Ngunit mayamaya, napatigil silang tatlo nang si Gavin na ang nagsalita.

“Tapos na ba ang check-up?”

“Check up?” tanong ni Elira, nagtataka. Bumaling siya kay Josephine at nagtanong. “Ma, iyong totoo po? May nangyari ba sainyo? Ninang?” Bumaling siya kay Lorelyn, “bakit po kayo nandito sa ospital?” dagdag na tanong niya. Bakas na sa boses at mukha niya ang pag-aalala.

Agad namang lumapit sa kanya si Josephine para pakalmahin. “Anak, walang nangyari. Tumulong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Ninong’s Secret Desire   15

    Palihim lang na nagmamasid si Elira kay Gavin at kay Lorelyn, hindi niya alam na pasimple rin siyang tinitignan ni Gavin at napansin iyon ni Josephine. “Gavin?” tawag niya na agad naman siyang nilingon ni Gavin. “Hmm?” tanong ni Gavin. Hindi alam ni Josephine kung ano ang sasabihin niya, kung itatanong niya ba kung bakit nakatitig ito sa kanyang anak o hayaan na lang. Matagal siyang natahimik habang nakatingin kay Gavin hanggang sa si Lorelyn ang nagsalita. “Phine, may itatanong ka ba kay Gavin?”Kaagad nabalik si Josephine sa diwa niya, tumingin siya kay Lorelyn sabay iling. “Wala naman, naalala ko lang noong kabataan natin. Ang saya natin noon. Wala na nga rin akong balita sa iba pa nating mga kaibigan, mabuti na lang ay dinalaw ninyo ako.” Nakangiti niyang sabi. Nakikinig lang si Elira sa kwentuhan nila, ayaw niya rin naman magtanong dahil bumabagabag parin sa isipan niya si Gavin kung bakit hindi nito sinabi ang tungkol sa sabay silang pumunta sa ospital. Para kay Elira, wala

  • My Ninong’s Secret Desire   14

    “Elira! Mabuti naman nakarating ka, akala namin ay hindi ka pupunta. I was about to call you regarding this, iyon pala ay natawagan ka na ng Mama mo,” masayang sabi ni Lorelyn.Bumaling si Elira kay Gavin, nag-aantay na may sasabihin ngunit hindi niya inasahan na ang Mama niya ang nagsalita para itama ang sinabi ni Lorelyn. Hindi ako ang tumawag sa kanya, ang akala ko nga ay ikaw dahil nagulat na lang ako narito na siya.”Hindi makasagot si Elira, hindi niya alam kung pwede bang banggitin na si Gavin mismo ang nagsabi sa kanya. Ngunit mayamaya, napatigil silang tatlo nang si Gavin na ang nagsalita. “Tapos na ba ang check-up?” “Check up?” tanong ni Elira, nagtataka. Bumaling siya kay Josephine at nagtanong. “Ma, iyong totoo po? May nangyari ba sainyo? Ninang?” Bumaling siya kay Lorelyn, “bakit po kayo nandito sa ospital?” dagdag na tanong niya. Bakas na sa boses at mukha niya ang pag-aalala. Agad namang lumapit sa kanya si Josephine para pakalmahin. “Anak, walang nangyari. Tumulong

  • My Ninong’s Secret Desire   13

    “A-ano?” Gulat na tanong ni Elira. Mabilis siyang lumingon sa paligid pero nakalayo na sila. “Nakausap mo si Mama?” dagdag niyang tanong sabay baling kay Galvin. “Yes, we’re old friends, Elira. Of course, we’ll talk,” sagot ni Galvin na parang wala lang. Tila ba hindi niya ginulat si Elira sa sinabi niya tungkol sa mama nito. Napaismid si Elira sa narinig. “Of course, nagkausap nga kayo ng magaling kong ama para pagkaisahan ako. Ano pa nga bang aasahan ko,” mahina niyang sabi. Ngunit hindi iyon nakaligtas kay Galvin, narinig niya ito kaya sumagot siya. “Yes, your father and I met. We’ve talked about you, pero iyon na lang din ang huli naming pagkikita, noong araw na umalis ka sa kumpanya. Pagkatapos no’n, hindi na kami nagkita at nagkausap pa,” paliwanag niya. Biglang natahimik si Elira. Naalala niya ang araw na iyon. Bago niya sinugod si Gavin sa opisina nito, tumawag muna si Enrico at pagkatapos ay pumunta siya sa bahay ng ama para balaan ito. Hindi niya inasahan na totoo nga an

  • My Ninong’s Secret Desire   12

    Agad na lumayo si Elira dahil sa gulat niya sa ginawa ni Gavin, tumingin siya rito. Nanlaki ang mga mata niya, mabilis niyang hinawakan ang balikat niya na para bang may mainit na hangin ang dumampi sa kanya. “Pirmahan ko na po,” mabilis niya sabi sabay kuha ng itim na ballpen sa lamesa ni Gavin. Agad niyang pinirmahan ang kontrata. ‘Bahala ka na, Lord.’ Bulong niya sa kanyang isipan. Mayamaya, may kumatok kaya napatingin siya sa pintuan at kay Gavin. “Baka sundo ko na ‘yan pabalik sa set—““Pinaalam na kita sa set, hindi ka muna babalik doon. May pupuntahan tayo,” putol ni Gavin sa kanya. Napakunot noo naman si Elira, nagtataka. Bakit biglang nagbago ang plano niya sa araw na ito. Ang sabi sa kanya ni Jonas ay buong araw sila sa set dahil marami siyang hahabulin, pero ngayon na isang sabi lang ni Gavin na aalis siya ay pumapayag agad sila. Alam niya naman na boss ng lahat si Gavin, pero ang pinagtataka lang ni Elira ay kung bakit papahintuin muna siya sa set at saan sila pupunta

  • My Ninong’s Secret Desire   11

    Tahimik na nakatayo si Elira sa gilid ng pinto habang pinapakinggan ang usapan nina Josephine at Lorelyn. Hindi siya makagalaw. Para bang may pumipigil sa kanya para lumapit. Ang narinig niya ay sapat na para bumilis ang tibok ng puso niya—hindi sa kilig, kundi sa gulo ng emosyon.“Plano sa kasal?” umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Lorelyn.Mabilis ang mga tanong sa isipan ni Elira. Si Ninong Gavin? Magpapakasal kay Ninang Lorelyn? Alam ba ni Ninong Gavin ito? Bakit parang ni minsan ay hindi niya nabanggit iyon sa mga tao sa kumpanya? Parang wala naman akong narinig na chismis tungkol dito?Napalunok siya at unti-unting umatras palayo sa sala. Ayaw niyang mahalata ng ina at ninang niya na kanina pa siya nakikinig. Tahimik siyang bumalik sa kanyang kwarto, isinara ang pinto at naupo sa gilid ng kama.Hawak ang cellphone, tinitigan niya ang litrato ni Gavin sa FB. “We need to talk,” ulit niya sa sarili ang huling sinabi nito kanina. Ngayon ay mas lalo siyang naintriga kung ano b

  • My Ninong’s Secret Desire   10

    “Elira!” sigaw ni Gavin. Napahinto naman si Elira, hawak niya ang dalawag trashbag na itatapon niya. Nang mapinsin iyon ni Gavin, mabilis siyang lumapit kay Elira at kukunin na sana ang mga bitbit nito ngunit agad ding iniwas ni Elira. “Sir Gavin, ano po bang ginagawa ninyo rito? Nakausap ko naman na po si Director Jonas,” sabi agad nito. Nagulat si Gavin sa narinig. “Nakausap mo na siya? Kailan?” tanong niya. “Kanina. Bumalik ako sa GSE para makausap siya, at napag-usapan namin na isang linggo akong nasa-set. Siya na lang po ang tanungin ninyo,” paliwanag ni Elira. Nakaramdam ng ginhawa si Gavin. Natuwa siya sa kanyang loob na ang mga empleyado niya ang nakagawa ng paraan na maibalik si Elira, hindi si Enrico. “Okay. Anong oras ka ba matatapos dito? We need to talk.”Napaawang ang bibig ni Elira, hindi niya maitindihann kung bakit kailangan pa nilang mag-usap dalawa. Huminga siya nang malalim bago siya magtanong. “Ganito po ba talaga kayo sa mga talents ninyo? Kakausapin sila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status