Share

21

Penulis: Anoushka
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-01 22:38:28

Nagsimula na ang shooting ng mga scenes na kasama si Elira, at bawat pag-arte niya, wala siyang ibang iniisip kundi ang mga nangyayaring masasakit sa buhay niya upang madala sa takbo ng emosyon.

Nang matapos ang ilang take at scenes, nagpahinga muna siya sa tent niya kasama si Amelie. Hindi pa lang nakaka-upo si Elira ay rinig niya na ang mga reklamo na lumalabas sa bibig ni Amelie.

“Akala mo kigagaling ng mga alaga nila, kaya nga matagal umangat kasi hindi sila magagaling,” giit nito.

Nang maka-upo na si Elira sa upuan niya, tumingin siya kay Amelie. “Ano bang nangyari? Sino ba ang kaaway mo?” tanong niya.

Mabilis namang umupo si Amelie sa katabing upuan sa pwesto ni Elira. “Iyang mga PA rito, kung maka-husga sa’yo wagas. Palibhasa hindi kaya ng mga alaga nila ang kung anong naabot mo ngayon. Akalain mo iyon, bago ka palang pero nasa’yo ang lead role,” pagkukuwento nito.

Natahimik si Elira. Hindi niya inasahan na ipagtatanggol agad siya ni Amelie kahit na ngayong araw pa lang tal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Steven B. Bongay
tagal pa po ba next ????
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Ninong’s Secret Desire   23

    “Bilisan n’yo, huwag kayong tatamad-tamad.’Sa shooting set, malakas ang boses ni Jonas, ang direktor ng pelikula. Ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa loob ng malaking studio habang nakatingin siya sa ilang artista at production staff na abala sa paghahanda.Si Jonas ay nasa mid-forties na, halata sa kanyang mukha ang puyat at pagod sa trabaho, at kahit anong ayos ay hindi na natatakpan ang guhit ng stress. Pero ang tingin ng lahat sa kanya ay hindi sa itsura, kundi sa reputasyon niyang istrikto at perfectionist pagdating sa pelikula.Sa gitna ng lahat, isang dalaga ang tila naiwan sa gilid, si Elira. Katabi niya si Amelie at ang iilang make-up artist na inaayusan siya. Suot niya ang hapit na dress para sa kanyang role: elegante pero nakaka-pressure isuot, dahil bawat kurba ng katawan niya ay lantad sa ilaw ng set. Kahit hindi siya komportable, litaw ang kanyang presence, ang maamo pero matapang na mukha, ang mahahabang binti, at ang matatag na tindig na parang kayang sumalo ng spo

  • My Ninong’s Secret Desire   22

    Tahimik lang si Josephine matapos marinig ang pag-amin ni Elira. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot para sa anak. Ang puso niya’y may halong kaba at saya. Kaba dahil alam niyang hindi madali ang mundong pinasok ng anak niya, ngunit saya dahil nakikita niyang natutupad nito ang pangarap na minsan ay siya ring pinangarap noon.“Anak…” mahinahong tawag ni Josephine, halos pabulong. “Alam mo ba, noong bata pa ako, pangarap ko rin sanang maging artista. Pangarap kong umawit, sumayaw, at tumayo sa entablado. Pero hindi iyon nangyari dahil nagkapamilya ako nang maaga.” Napangiti siya habang pinapahid ang tumulong luha. “At ngayong nakikita kitang unti-unting nararating ang mga hindi ko narating, pakiramdam ko, natutupad din ang pangarap ko sa pamamagitan mo.”Napalunok si Elira, ramdam niya ang init sa dibdib. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng kanyang ina at pinisil nang marahan. “Ma… lahat ng ito para sa atin. Para hindi mo na maranasan ulit ang hirap. Gusto kong maramdama

  • My Ninong’s Secret Desire   21

    Nagsimula na ang shooting ng mga scenes na kasama si Elira, at bawat pag-arte niya, wala siyang ibang iniisip kundi ang mga nangyayaring masasakit sa buhay niya upang madala sa takbo ng emosyon. Nang matapos ang ilang take at scenes, nagpahinga muna siya sa tent niya kasama si Amelie. Hindi pa lang nakaka-upo si Elira ay rinig niya na ang mga reklamo na lumalabas sa bibig ni Amelie.“Akala mo kigagaling ng mga alaga nila, kaya nga matagal umangat kasi hindi sila magagaling,” giit nito. Nang maka-upo na si Elira sa upuan niya, tumingin siya kay Amelie. “Ano bang nangyari? Sino ba ang kaaway mo?” tanong niya. Mabilis namang umupo si Amelie sa katabing upuan sa pwesto ni Elira. “Iyang mga PA rito, kung maka-husga sa’yo wagas. Palibhasa hindi kaya ng mga alaga nila ang kung anong naabot mo ngayon. Akalain mo iyon, bago ka palang pero nasa’yo ang lead role,” pagkukuwento nito. Natahimik si Elira. Hindi niya inasahan na ipagtatanggol agad siya ni Amelie kahit na ngayong araw pa lang tal

  • My Ninong’s Secret Desire   20

    “P-po?” iyon na lang ang nasabi ni Elira habang nakatingin sa mukha ni Jonas na nakangiti na parang may ibig ipahiwatig.“You’re still innocent, how old are you again?” tanong nito, halatang sinusubukan siyang kilatisin.“Twenty-one years old pa lang po ako, Direk,” magalang niyang sagot, ngunit halatang may kaba sa boses.Tumango-tango si Jonas, saka bahagyang ngumisi. “Magkamag-anak ba kayo ni Gavin? Don’t worry, hindi ko naman sasabihin sa iba kung gusto ninyong hindi ilabas ang relasyon ninyong dalawa. Gano’n naman talaga sa showbiz, hindi na bago na iyong bagong artista ay may koneksyon sa itaas.”Nanlaki ang mata ni Elira. Tila may ibang bigat ang mga salitang iyon, at biglang bumigat ang dibdib niya. Ayaw niyang madungisan ang pangalan niya, lalo na’t hindi naman totoo. Hindi siya komportableng pinag-uusapan ang tungkol kay Gavin. Para sa kanya, Ninong niya si Gavin, pero hindi niya kayang ipaliwanag iyon dahil baka lalo lang siyang husgahan ng mga tao.Gusto ni Elira na ipakit

  • My Ninong’s Secret Desire   19

    Hindi alam ni Elira kung bakit iba ang pakiramdam niya sa sinabi ni Gavin. Napalunok siya sabay iwas ng tingin, kunyari ay tinignan din ang tent niya kahit na na-inspect niya na ito kanina. “Maayos naman ang tent ko, malaki, at mukhang hindi masisira kung lalakas ang ulan at hangin,” saad niya. “Hmmm…” Dinig niyang sagot ni Gavin. Tumingin siya rito na hindi pa rin tapos sa paglilibot. “How’s the three people I assigned for you? The personal assistant, the guard and the driver?” Nanlaki ang mga mata ni Elira sa nakinig. ‘Siya mismo ang nag-assign sa tatlo?’ tanong niya sa kanyang isipan. Ang buong akala niya ay isa lang sa department ng kumpanya ang nag-assign, hindi siya mismo. “Ah..ayos lang naman po sila…” mahina niyang sagot sabay tingin sa pintuan ng tent niya dahil baka may nakarinig sa sinabi ni Gavin. Ayaw niyang isipan ng iba na iba ang dahilan kung bakit siya binigyan ng special treatment. Mayamaya pumasok si Amelie na may dalang styro na may lamang breakfast. "Elira, ki

  • My Ninong’s Secret Desire   18

    Napatigil si Elira, ganoon din si Josephine na nasa likod niya. Gulat at nagtataka. “Personal Assistant? Para saan, anak?” Tumingin siya kay Elira na hindi rin alam kung ano ang isasagot dahil iyon din ang katanungan niya. “Ah…baka nagkamali lang po siya, Ma. Kausapin ko lang po,” sabi niya at tumingin kay Amelie na nakangiti pa rin. Simple lang ang suot nito, plain T-shirt, at highwaist pants, may dala siyang sling bag na katamtaman lang ang laki, habang hawak niya sa kanang braso niya ang iPad. “Pwede ba tayong mag-usap saglit?” mahinang tanong ni Elira sa kanya. Magalang namang ngumiti si Amelie. “Oo naman po, Miss Elira. Ano po bang iuutos ninyo—”Hindi natapos ang sinasabi niya nang bigla siyang marahang hinila ni Elira palayo kay Josephine. “Amelie, tama?’ bulong na tanong niya. Tumango naman si Amelie. “Sino ang nagpadala sa’yo rito? At bakit ka nandito? Anong nangyayari?” sunod-sunod na tanong ni Elira. “Huminga ka po muna, Miss Elira. Isa-isa lang po.” Hinawakan ni A

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status