Share

04

I checked myself in the mirror before I picked my bag and went out of my room. I wore my red dress since we’re planning to go to Blue’s Haven now. Walang pasok kinabukasan kaya naman napag-usapan namin na magpupunta na lang doon ngayon. I am pretty sure that a lot of people are there right now. Madalas naman kasi na maraming tao roon kapag Biyernes ng gabi dahil marami ring mga young professionals ang gustong mag-relax at uminom. 

And to be honest, Blue’s Haven is one of the best bars in the Metro. Hindi naman kasi cheap ang lugar na iyon at hindi naman din hahayaan ni Tito Blue na maging ganoon ang bar nito. After all, he named it after him. 

“Ganyan na suot mo?” tanong ni Cherinna sa akin. Sa aming dalawa talaga, mukhang laging ako ang kinukulang sa tela dahil laging nakabalot ang kakambal ko. 

But to be fair, Cherinna is beautiful nonetheless. Hindi naman ito magkakaroon ng manliligaw ngayon kung wala and I actually like him for him. He’s cute and he looks serious. Ilang beses ko na ngang tinanong si Cherinna tungkol kay Ian pero lagi akong sinasaway nito. 

I just think she needs to have a boyfriend! Laging si Jahann na lang ang kasama nito, isa pa, sa palagay ko ay nililigawan ni Jahann si Iris, isang model din sa Ai’s. 

Since wala naman akong magustuhan sa mga nanliligaw sa akin at wala pa rin naman akong balak na mag-boyfriend, sina Cherinna at Lean na lang ang tinutudyo ko sa mga nanliligaw at inililink ko sa mga ito. 

“We’re going to Blue’s Haven, twin,” I frowned at her. She’s wearing a black pants and a white blouse. Tinernuhan lang ito ng black maong jacket. Bagay naman kay Cherinna pero hindi ko rin alam kung bakit ba hindi talaga ito naglalabas ng konting balat man lang!

Napailing na lang ito sa akin dahil alam naman nito na wala itong magagawa. Hindi ko naman balak na magpalit ng damit pa. I know I look good already. 

Hinintay lang namin si Jahann dahil kasama namin siya ngayon. Sa tuwing pupunta naman talaga kami ng Blue’s Haven, kailangan na kasama si Jahann dahil kailangan namin ng magmamaneho pauwi. He’s never been drunk. Laging kontrolado ang pag-inom nito at ni Kol at Enzo. Para bang lagi na nilang inaanticipate na magiging wasted kami kaya kailangan ay matino pa sila para maiuwi kaming lahat. 

Nauna na akong lumabas nang bumaba na si Jahann. Sumakay na rin ako sa loob ng sasakyan nito at hinintay na lang silang dalawa ni Cherinna. I took my phone from my bag and messaged Lean that we’re on our way to the bar. Nagreply lang ito sa akin na maging sila ni Enzo ay papunta na roon. 

Sigurado naman ako na ang mga pinsan ko rin ay hindi magpapahuli at pupunta na rin ang mga ito roon. 

“Did you say yes to Ian na, Cherinna?” I asked her again while smiling. Natatawa akong naiinis na si Cherinna sa akin sa kakatanong ko sa kanya tungkol kay Ian. I just want her to get a life, too. Alam ko na we all grew up together and we’re sticking with each other, but I think Cherinna needs to meet new people. At least I get to meet models at Ai’s, so I am okay. Cherinna on the other hand loves to just stay inside the house. Kung minsan ay kahit pagsama sa akin ay ayaw pa nitong gawin. 

“Alyanna!” muli akong inirapan nito. Natawa naman ako bago sumandal at tinignan si Jahann sa may rearview mirror. As usual, hindi na naman maganda ang mood ng lalaking ito. 

Mga pinaglihi yata sa sama ng loob, eh. 

Napailing na lang ako at muling nagtingin sa cellphone ko. I also checked the clothes I ordered. It’s a good thing that Daddy’s not that strict with us when it comes to buying what we want. Kahit naman si Mommy ay hinahayaan lang kami, isa pa ay kumikita naman ako sa pagmomodel ko sa Ai’s kaya kahit papaano ay sarili kong pera na ang pinambibili ko ng gamit ko. 

Except when it’s almost a hundred thousand, of course. 

Nang makarating kami sa Blue’s Haven ay agad naman na akong lumabas ng sasakyan ni Jahann. Sabay kaming pumasok ni Cherinna dahil na rin mukhang may buwanang dalaw si Jahann at hindi pa rin nawawala ang kasungitan nito. 

“Hi, Aly!” bati sa akin ng ilang lalaki na nakasalubong namin. Alanganin akong ngumiti sa mga ito dahil hindi ko naman sila kilala talaga. Some of them are regulars here and because we usually hang here, they knew my name. Kahit naman si Lean at Ate Caryl ay kilala ng mga ito. 

Nakita ko naman agad si Enzo na nakatayo sa gilid at kausap ang isa sa mga servers nila na naroon. 

“Enzo!” I called him and smiled at him. He turned his head on me and looked at me. Inayos nito ang suot na salamin bago nag-angat ng tingin sa mukha ko. 

Mas lumawak naman ang ngiti ko sa kanya. “I know, I’m beautiful,” I chuckled and looked around. “Nasa taas na si Lean?” I asked him when I looked at him again. 

“What?” bahagyang bumaba ang ulo ni Enzo sa akin. May kalakasan naman na rin talaga ang music kaya naman hindi nakakapagtaka na hindi niya ako narinig. Tumingkayad naman ako upang mailapit ang labi ko sa tainga nito. 

“Is Lean upstairs already?” I asked him. “Oh, shit,” napadampi ang labi ko sa tainga nito dahil nabangga ako ng isang lalaki na animo ay lasing na sa dami ng nainom na alak. 

Mabilis namang hinawakan ni Enzo ang bewang ko upang hilahin ako palapit dito at mailayo ako sa lalaking akay-akay ng mga kaibigan nito. 

I scoffed and shook my head. It’s just 8:30 pm and he’s already drunk? Anong oras ba nagsimulang uminom ang lalaking iyon, alas dose ng tanghali?

Nilingon ko naman si Enzo na nakayuko pa rin sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya. “Why…?” 

Umiling siya sa akin. I saw Enzo’s Adam’s apple move before he withdrew his hand from my waist. He also stepped back to create a space between us. 

I opted to just smile at him. “Akyat na ako, sunod ka na lang, ha?” paalam ko naman dito. Tumango siya sa akin kaya nauna na akong umakyat sa second floor kung saan naroon ang VIP room na lagi naming ginagamit. Nauna na sa akin sina Jahann at Cherinna dahil nilapitan ko pa si Enzo. 

Naabutan ko naman na ang mga pinsan ko na naroon at mukhang binubwisit na naman ni Theon si Lean. Naupo na lang ako sa tabi ni Cherinna na pinagmamasdan ang malaking yelo na nasa baso nito. 

“Are you going to drink?” I asked her as I poured liquor on the glass. 

Umiling naman ito kaagad sa akin. Napailing na lang ako rito bago ininom ang isinalin kong alak. Jahann just looked at me so I smiled at him. He’s used to it. Simula noong naging legal sa amin na uminom ng alak ay hindi na ito masyadong nagagalit sa akin.

“I looked outside the window and saw more people coming in. Gaya nga inasahan ko, marami ang tao ngayon dito. I smiled when I saw some of them started to dance on the dancefloor. Napalingon ako sa may stage sa harap at nakita kong may naka-set up doon na kung ano. 

“Lean, what’s that?” I asked her, pointing at the equipment I saw. 

“Ah, Daddy said it’s good if we will also invite some DJs here,” sabi naman nito sa akin habang nakatingin din doon. “Actually, one week na yata na mayroon niyan, hindi lang tayo nakakapunta masyado,” sagot naman nito sa akin. 

Kaya naman pala mas gumanda ang mga pinapatugtog ngayon dito. 

Nakasandal lang siya sa glass wall habang nakatingin sa ibaba. Sina Keij at Theon naman ay nagkayayaan ng bumaba habang naiwan naman kami nila Cherinna sa itaas. 

I looked at them. “Hindi tayo bababa?” tanong ko sa mga ito. Nakababa na at lahat sina Keij, ang mga kasama ko parang dito lang sa taas gustong manatili. 

“Let’s go,” aya ni Lean sa akin. I nodded while smiling and we both went down. Dahil magkasama naman kami ni Lean, nagpunta na rin kami sa gitna at sumasayaw base sa saliw ng tugtog ngayon. 

Napatingin ako kina Keij nang lumapit sila sa amin. “Wala kaming makitang maganda,” reklamo nito. Hinampas ko naman agad ang braso nito. 

“Alam mo, napaka babaero mo talaga!” napapailing na lang ako. Tila hindi naman ininda ni Keij ang ginawa ko. Sa halip, hinawakan na lang nito ang kamay ko at isinayaw-sayaw ako kahit na wala na sa beat ng kanta ang galaw namin. 

Hindi ko naman mapigilan na matawa dahil hindi talaga biniyayaan si Keij ng dunong sa pagsasayaw. 

When I turned around, I saw Enzo behind me. I smiled at him and reached for his hand. “Good thing you are here!” sabi ko naman kay Enzo at inaya na rin itong sumayaw. 

I was dancing in front of him but he’s just standing still. I stopped and looked at him. “And KJ, Enzo,” I frowned at him. “I will just call Keij again,” I rolled my eyes but to my surprise, Enzo pulled me closer to him by my hips.

“Oh!” napaangat ng tingin ko sa kanya kaya naman nagtama ang mga mata naming dalawa. Dahil malapit ang mukha ko sa kanya, mas nakikita ko ang ganda ng mga mata ni Enzo na itinatago nito sa likod ng salamin na suot nito. 

He held my waist and started to move in sync with the music the DJ was playing. I chuckled softly while staring at him before I wrapped my arms around his neck and danced with him. 

Dancing with them was quite normal for us. Noong 18th birthday naman namin ni Cherinna ay ang mga ito naman din ang nakasayaw namin. Sila rin ang madalas na kasama namin kapag may pinupuntahan kaming ball o kaya ay company parties. 

“You know what, why don’t you try to remove your glasses? Mas gwapo ka kapag ganon…” I commented while looking at Enzo. Bahagya namang kumunot ang noo niya sa akin. 

“Hmm?” 

“Hmm… on second thought, keep it. I like it better when you’re wearing one,” I smiled at him and he chuckled. 

It was a good thing that he didn’t bring up what happened at their house. Buti na lang at hindi ito katulad ng mga pinsan ko na pinaglihi sa mga chismoso at hindi mapigilan ang mga sarili na magkwento sa iba. 

I saw his body, yes, he said I blushed, yes, but that was it. Hindi naman na pinalaki ni Enzo ang bagay na iyon. Hindi niya na rin inulit iyon na sabihin sa akin. 

“Your dress is too short,” he commented and looked at the hem of my dress. Tinignan ko rin iyon. Nasa gitna iyon ng hita ko kaya naman alam ko na sakto lang iyon sa akin. 

“I have nice legs, that’s why,” I shrugged. My fingers were busy playing with his hair on his back while we’re dancing. Marami rin naman ang nasa dance floor at nakita ko si Lean na kasayaw ni Theon. 

“Yeah,” sang-ayon naman ni Enzo sa akin. 

Nang matapos ang kanta ay inaya ko na si Enzo na maupo na muna. Hindi naman ito tumanggi sa akin at inalalayan pa ako. 

Ang kamay niya ay nanatili sa bewang ko marahil ay dahil na rin may mga nakakasabay kaming maglalakad at baka mabuwal ako ng mga ito. Sa may bartender kami nagpuntang dalawa. Inalalayan naman niya akong makaupo sa may stool na naroon bago ito naupo. 

He ordered drinks for us while I was looking at the crowd. I smiled and looked at him. “You’ll manage the bar soon, no?” sabi ko sa kanya matapos magpasalamat nang iabot sa akin ang alak na inorder. 

He shrugged and put his arm on the counter. “Depends if I am good enough to handle it,” sagot ni Enzo sa akin na ikinakunot ng noo ko. 

“If you are good enough? Hello! You’re enough na kaya! Ang galing-galing mo na, eh,” sabi ko naman sa kanya. Hindi pa nga ito graduate pinagkakatiwalaan na ito ni Tito Enzo, what more kung matapos si Enzo, diba?

He smiled a little while looking at me. “You think I am that good?” he asked while still staring at me. 

Tumango naman ako sa kanya. “I know you are, Enzo.”

Napalingon naman ako kay Lean nang lumapit ito sa amin ni Enzo at inaya akong muling sumayaw. Napailing na lang ako at matapos inumin ang nasa baso ko ay agad na sumama sa babae upang muling bumalik sa gitna at sumayaw. 

Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa ko nang isinama nila Keij at Theon si Cherinna sa amin kaya wala na rin itong nagawa kundi sumayaw kasama namin. 

We’re dancing and drinking. That's why Enzo told Kol and Jahann to just stay downstairs. May inokupa ang mga ito na lamesa para mas madali kaming makaupo kung sakali. 

Nang mas lumalim pa ang gabi ay mas pinili na naming maupo na lang habang nanunuod pa rin sa iba na sumasayaw. 

Nakasandal ako kay Cherinna habang nakatingin sa kanila. “My feet are killing me,” reklamo ko rito. Hinubad ko na ang suot kong heels dahil masakit na ang mga paa ko. Natawa naman si Cherinna sa akin at sinermunan pa ako dahil nagsuot pa raw ako ng heels. 

Palibhasa ay naka-sneakers siya kaya hindi niya ako naiintindihan!

Nilingon ko naman si Enzo na nakatingin sa akin. “Have you ever had a girlfriend?” I asked him. 

Natawa naman si Lean sa tanong ko sa kakambal nito. “Alyanna, Enzo love books! Iyon ang malamang na girlfriend niya,” pang-aasar nito sa kakambal nito. 

Enzo just glanced at her and looked back at me. 

“Lasing ka na ba?” tanong ni Cherinna sa akin. Napanguso naman ako dahil hindi pa naman ako lasing. I just got curious. Theon and Keij definitely had girlfriends. Si Jahann, Enzo at Kol? Hindi ko alam. 

“Since he doesn’t want to answer, ikaw, snob?” I looked at Jahann. He just looked at me and drank his beer. Mas napasimangot naman ako rito. It’s not like we will hate the girl they like, duh? I just want to know!

“How about you? Have you ever had a boyfriend?” Enzo asked me. 

I looked at her and rolled my eyes. “I have never been kissed, Enzo, what made you think I had a boyfriend?” I answered sarcastically. “Besides, I don’t like anyone romantically. Wala akong mahanap na katulad ni Daddy. Cherinna and I both want someone like our dad and how he loves mom. Pure love.” 

He stared at me and was about to say something when Keij called my name. 

“Pasok ka na lang sa kumbento, Alyanna. Wala ng katulad si Tito Kerko na magpapasenysa sa iyo,” pang-aasar na naman nito sa akin kaya binato ko ng tissue na nasa lamesa. 

But that was true, though. I mean, if I’ll have someone with me, I want him to be like my dad. How he takes care of mommy, how he makes sure she’s well loved… 

Gusto ko rin ng ganoon. 

It was almost 2 am when Cherinna asked Jahann if we can go home already because she’s already sleepy. Nagkasundo naman na rin kaming lahat na umuwi na dahil nakainom na rin kami at inaantok na. 

I picked up my heels and just held them. Wala na akong balak parusahan pa ang sarili ko sa pagsusuot ng mga ito papunta sa may sasakyan ni Jahann. 

“Wait, mag-CR lang ako,” paalam ko sa kanila kaya naman nauna na silang lumabas ng bar. I immediately went to the loo and pee. 

Lumabas na rin ako pagtapos at nabangga naman ako ng isang lalaki na naging maagap at hinawakan ako sa bewang. 

I looked at him and I don’t know why my damn heart beat erratically while he’s also looking at me. 

What the hell? Nagpapalpitate ba ako?

“Sorry, Miss,” he said. Even his voice sounds so good to my ears! 

“It’s… it’s okay…” sabi ko naman sa kanya. Nag-iwas na ako ng tingin dahil hindi ko malaman kung bakit tila hindi ko kayang makipagtitigan sa lalaking ito. 

“You’re Alyanna Anderson, right?” he asked me. I looked at him and I saw him smiling. Damn, even his smiles look so good! Bakit ganoon?

“Uhm, do I know you?” tanong ko sa kanya. Mas humigpit ang hawak ko sa strap ng heels ko habang nakatayo sa harap ng lalaki. 

Umiling naman ito sa akin. “Not yet. I am Leo Saavedra, by the way,” he offered his hand to me. I extended my hand and accepted it. I felt him squeezed it a little and he gave me a smile again. 

“Uhm… I have to go…” paalam ko sa lalaki bago binawi ang kamay ko. Tumango naman siya sa akin at muling ngumiti. “It was nice seeing you, Alyanna,” he said before walking away. 

Naiwan naman akong nakatayo roon hanggang sa marinig ko ang boses ni Enzo na tinatawag ako. I looked at him and I saw him walking towards me. 

May dala itong tsinelas na inilapag nito. 

Napayuko ako nang yumukod ito at isuot sa akin ang mga iyon dahil nakapaa lang ako. 

“Comfortable?” he asked and I nodded. 

Ngumiti naman si Enzo ng maliit bago ako inakaya papalabas ng bar. Ito na rin ang nagbitbit ng heels ko at hinatid ako sa sasakyan ni Jahann. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status