Hello, sorry sa matagal na update po. Napakalapit po ng update na ito sa puso ko. Ito po ang nararamdaman ko ngayon. Last June nawala po ang lolo ko, Kaya sariwa pa rin sa akin ang sakit. Nagpapasalamat po ako sa inyong matiyagang paghihintay. Kung nakaabot ka na sa part na ito, para po sa iyo ang THANK YOU NA ITO. "Mahalin ang mga taong malapit sa atin, bago mahuli ang lahat. Nang sa ganoon wala tayong regrets. Mahalaga ang oras at kalusugan. Spread love not hate." Good night po. Mwahh!
3rd Person POV Mula sa saksakyan nanggagalaiti na siyang makarating sa hotel para manumbat. Hindi niya sinasagot ang kanyang tawag at maging ang allowance na dapat nitong ibigay ay nawala na din. Ilan beses siyang nagtangkang kausapin ito sa telepono ngunit umiiwas siya. Wala din ito sa opisina niya. Kalat na ang nangyaring trahedya tungkol kila Fier at Lisa. Marami na ding espekulasyon na lumalabas sa media. Kaliwa’t kanan ang mga nadadawit. Ang problema sa kumpanya ng mga ito ay lumalala pa. Ang ibang mga kakilala niyang tumiwalag, ngayon ay bumalik sa kumpanyang pamamahala ni Fier. Niloko sila ng mga shareholders at ito— malapit nang mabunyag ang mga ginawa nilang kasamaan sa mga ito. “Why are you avoiding me? I’ve been calling you for a fucking forever and you’re just here, drinking and wasting?” padabog niyang binagsak ang pintuan ng kwarto. Nag-vibrate ito sa buong kwarto sa lakas ng impact. Binalibag niya ang kanyang hawak na Hermes bag sa sofa-ng nandoon. Naghihintay sa itu
Lisa POV Parang isang panaginip ang mga nangyari. Parang sa isang pelikula. Parang sa isang iglap lang, pwede na akong mawala sa mundong ito. Kung hindi dahil sa mahal kong asawa, wala na sana ako ngayon. Niligtas niya ako mula sa nasusunog naming kwarto. Ang alam ko lang bago ako mawalan ng ulirat noon, hinahanap ko siya. Gusto kong puntahan ang boses niyang pahina nang pahina. Wala na akong makita sa labis na usok sa loob ng kwarto. Ang init. Nakukulob kami sa nag-aapoy na paligid. Naramdaman kong nilagyan niya ako ng tuwalyang basa sa aking balikat. Inuna niya ako bago ang kanyang sarili. Hindi niya inisip na siya naman ang pwedeng mapahamak. Ang sakit sa pusong makita ang paso niya sa kanyang balikat. Sariwa pa ito at namumula. Nakita ko ito noong pinalitan ng nurse ang kanyang gasa. Ni ayaw pa nito noong una, pinilit ko lang. Sa laki nito, tiyak na mang-iiwan iyon ng malaking markang pang matagalan. Parang ako ang nasasaktan sa kanya. Ako itong nakaratay sa higaang ito, naka-sw
Lisa POV Hindi ako kuntento. Ramdam at alam kong kulang ang mga binibigay niya sa aking inpormasyon. May mga tinatago pa siya sa akin. Ayaw niya itong sabihin ng buo dahil ang akala niya mag-aalala lang ako. Well, I do! Sinong hindi? Hindi ba parte din ako dito? Ako itong muntikan mamatay. Luckily, prinotektahan lang naman niya ako pero hindi ibig sabihin noon habang buhay na lang ganito. Isa pa, asawa niya ako. Asawa. Dapat walang lihiman. Paulit-ulit na lang bang ganito? Ganito din ang ginawa niya sa akin noong nagsisimula pa lang kami. Nagkibit balikat ako nang lumapit siya sa aking tabi para bigyan ako ng isang halik sa aking noo. Gabi na at oras na para magpahinga ako. Alam kong any time e-epekto na sa akin ang gamot na pinadaan ng doctor sa swero ko at hindi nga ako nagkamali. Matapos niyang sabihin ang salitang nagpalambot sa puso ko, unti-unti na ako muling tinatawag ng kadiliman. “I love you too,” mahinang anas ko. Sana umabot sa kanyang pandinig. “Lisa! Please, don’t!”
Lisa POV Tinatanaw ko ang magandang city lights ng buong siyudad. Mula dito, kitang kita ko ang busy-ng daan. Mga kulay pulang mula sa mga iba’t ibang klase ng sasakyan. Patuloy ang pag-uusap ng mga taong kasama namin sa opisina ng asawa ko. Hawak ko sa isang kamay ko ang pendant na nakasabit sa gintong kwintas na nasa leeg ko. Ang sakit pa rin. Ang sakit. Sariwa pa rin ang sakit nito sa puso at isip ko. Huminga ako nang malalim, pinahid ang luhang pumatak sa aking pisngi. Isang linggo pa lang ang nakakaraan. Sa loob ng mga araw na iyon, wala akong maramdaman kung hindi sakit at galit. “Anong mga update sa galaw nila?” Si Fier iyon. Buong araw kaming nandito sa opisina niya. Sa building ng kumpanya nila. Isinasama niya ako rito araw-araw. Para daw malibang ako. But hindi, mas lalo akong nakakaramdam ng galit. “Still the same, ginagawa ang dating gawi. Walang latest na paggalaw or unsual maliban sa nagpunta si Ms. Sabrina na isang clinic.” “Clinic para saan?” Nangunot ang noo ko
Lisa POV Nagising akong masakit ang ulo ko mula sa magdamagang iyakan. Wala na akong katabi sa higaan, napalingon ako sa banyo nang marinig ang shower. Nahiga akong muli. Sa araw-araw wala akong lakas para gumising. Nakakapanghina. Another day of pain and longing. Mas tanggap ko pa kung nawala si Nanay sa itinakda ng Diyos sa kanya. Sabi ng doctor niya sa probinsya, 6 months. Then, dahil sa pera at galing ng mga doctor dito sa Manila, she’s blessed to extend hanggang sa isang taon. Alam ko naman na wala nang pag-asa dahil sa mga damage ng organs niya due sa sakit niya, pero umaasa pa rin ako sa himala. Ang sabi ng mga doctor, himala nga na tumagal pa siya ng isang taon, wala man buhok, nangalagas man ang mga ngipin, pumayat, ngunit may sign ng kanyang paggaling. Kaya hindi ko matanggap na sa isang iglap, nawala siya dahil sa kagagawan ng mga taong walang puso. Hindi dapat ganoon, e. Masaya dapat kami ngayon. Kasama pa dapat namin siya ngayon hanggang sa huling sandali niya. “Happy
Lisa POV “Mom, aalis po kayo?” “Ah, yes, hija. May kailangan ka ba?” “Wala naman po. A-akala ko po kasi hindi kayo aalis. Nagluto po ako ng meryenda. Aayain ko po sana kayo.” “Aww, sweetheart. Miss ko na luto mo, pero may lakad kasi kami. Mago-over all damage control kami ng Daddy mo at ni Fier sa Company. Aayusin ang dapat ayusin at i-let go ang dapat i-let go. Kung gusto mo sumama ka na lang sa akin sa office, dalhin na ‘tin ‘yang niluto mo.” “Ah, hindi na po. Makakaabala pa po ako doon. Uuwi naman po si Fier ng maaga ngayon.” “Kung ‘yon ang gusto mo, okay. Paano, I’ll go ahead na. Male-late na kasi ako. Manang, patawag naman ang driver. Bye, hija.” Tumango ako nang halikan niya ako sa pisngi ko. Pinagmasdan ko siyang sumakay ng kanyang magarang sasakyan. Naiwan ako sa bukana ng pintuan na nakatulala. Simula nang mawala ang Nanay, ito ang unang beses na iniwan ako ni Fier dito sa bahay. I sounded like a selfish, pero nakakalungkot. Nakakapanibago. Ang lungkot lang. “Manang, t
Lisa POV “Pang-ilang bago na ba tayo ng plano?” Irap ni Dad. Ibinaba ang eyeglasses niya sa lamesa. “Easy, tito. I just found this dog Philip, a clever one. Sa dami nang nahawakan kong case, sa kanya ako nagka-interesado kung hanggang saan ang kaya niya.” Ngumuso siyang inikot-ikot ang ballpen sa gitna nang kanyang mga daliri. “Gusto ko na siyang ibaon sa lupa.” Naiinis na saad ni Fier sa tabi ko. Hinawakan ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. “Sinaktan niya ang asawa ko. Ang nanay— naaksidente siya na plinano nila. For Goddamn sake, I want him to rot in jail! Habang nasa labas siya, hindi ako mapapanatag.” “Man, he will. I will sure you that.” Assurance ni Anton, sabay tingin sa akin. Alanganin siyang ngumiti. “Lisa, ilan beses na ako humingi ng sorry sa nangyari. Sa lahat sa atin, ako ang may kasalanan. I let my guard down and that’s the fruit of it. Minaliit ko ang kakayahan ng dog-tagged na iyon.” Hinging paumanhin niya. “I’m sorry.” Lumunok ako, tama siya, ilan beses na siyang
Lisa POV “Gising na mahal na prinsesa,” “Haah!” Mabilis akong napadilat ng mabuhusan ng tubig. Napapasinghap ako. Hinilamos ko ang mukha at nagulat sa ibinato niyang bidet. Tumama ito sa pader. Sa uluhan ko. “Sarap ng buhay! Hindi ka pwedeng matulog, mag-uusap pa tayo.” Hinila niyang muli ang hose ng bidet at pinusitsitan ako ng tubig sa mukha, sa katawan. Iniharang ko ang dalawang kamay ko. “A-anong ginagawa mo d-dito? Paa-no ka nakapasok?” Nalulunod sa tubig na tumatama sa akin. “I am welcome here, dear. Remember?” Sarkastiko niyang sagot. “I missed this place. Ang panget na nga lang dahil nandito ka. Nangangamoy tuloy isda kahit na naliligo ka na nang mga mamahaling shower gels. But still from the fishpond ka pa rin.” Maarteng turo niya sa mga toiletries na nakita niya. Hinawakan niya ang bagong bukas na Chanel6 na regalo sa akin ni Mommy. Tamad niya itong binitawan sa lababo, agad itong nangamoy sa loob ng banyo. “Walang fishpond sa amin, dagat lang.” Umusog ako sa kabilang s