Share

Chapter 6

Lisa POV

“Hayaan mo na si kuya, tara na sa loob.”

Tinulungan ako ni Lara bitbitin ang mga dala-dala ko. Isang beses kong sinulyapan si Liro na papalayo sa bahay nila, dala niya ang kanyang gitara, bagsak ang mga balikat.

“Ito na lahat ng mga sinulat namin. Wala naman quizzes.” Inginuso niya ang mga notebook na ku-kupyahin ko na lang mamaya.

Nasa apat na notebook ito na magkakapatong sa lamesa nila. Matagal ko matapos ang pag-aaral ko dahil sampung units lang ang kinuha ko ngayon taon. Nasa pangalawang taon ko na sa college. Nahuhuli na sa mga kasabayan ko na graduating na ngayong taon. Si Marie naman nag-shift ng kurso kaya pareho kaming nasa pangalawang taon pa lang. Dati kasi HRM ang kinuha niya, umayaw ang kanyang mga magulang dahil sa gastos ng kursong ito. Kaya pinili na lang niya ang kurso ko na education.

Gaya-gaya kahit na ayaw naman niya at walang tiyaga sa pagtuturo. Sungit kaya noon sa mga bata!

Noon pa man gusto-gusto ko na magturo. Kahit sa mga kalaro ko lang, feeling teacher ako sa kanila kahit na may kanya-kanya naman kaming trip gawin. Gusto ko magturo sa mga bata. Gusto ko ‘yung mga batang malalambing. ‘Yung ka-kulitan nila kahit na pagalitan mo ‘yan o paluin– malambing pa rin sila. Gusto ko may bata sa paligid ko, ewan ko ba! Parang nababawasan nila ang problema ko sa tuwing nakikita ko silang masayang naglalaro at nagtatawanan.

Minsan gusto ko rin magpaiyak ng bata, ang cute lang kasi nilang inisin tapos i-iyak sila, aaluin mo naman para lambingin tapos ayon– okay na kayo ulit. Walang samaan nang loob. 

Kaya nang sabihin ni Fier ang tungkol sa kapalit ng pagiging asawa niya, kinuha ko na agad. Matapos man agad o hindi ang kasunduan namin– may makukuha pa rin ako. May monthly allowance din na pwede kong ipunin. Sa pagpapagamot naman sa nanay, ko siya na daw ang bahala sa lahat. Ang kailangan ko lang gawin ay– galingan. 

Galingan sa pag-akto na totoo ang feelings namin para sa isa’t isa.

As long as wala naman ako maaapakang tao sa gagawin ko– ayos lang. Wala naman siyang asawa o girlfriend na pwedeng masaktan.

Iyon ang sabi niya.

Sana nga matapos na agad ang problema niya. Hindi ko alam ang buong istorya ng plano niya, basta tungkol daw ito sa makukuha niyang mana sa kanyang mga magulang. Kailangan ko makuha ang loob ng mga magulang niya para matanggap nila ang pagsasama namin at ipagkatiwala na sa kanya ang mana niya. Malaki ang makukuha ko dito bukod sa mga ibibigay niya sa akin na privilege ko daw as his wife.

Mukha mang pera— sige na, tanggap ko na! E, wala eh. Para sa pangarap ko at para sa ikakagaling ng nanay ko.  

Masama na ba ako kung mag-shortcut ako para maabot ko ang mga gusto ko? 

Matapos ipaliwanag ni Lara ang lahat, nagpasya na akong umuwi kahit na kitang-kita ko sa mga mata niya na may mga tanong ito ngunit nagpasya na lang na tumahimik dahil sa naging reaksyon ng kanyang kuya.

Si Liro ang matagal ko nang manliligaw mula pa noon high school kami. Hindi siya bumitaw sa mga sinabi niyang maghihintay siya sa akin. Wala akong nakitang kasama niya o ibang babaeng pino-pormahan niya. Lagi ko sinasabi sa kanya na hindi pa ako handa at walang balak magkanobyo hanggang hindi pa ako nakakatapos sa pag-aaral ko. 

Kahit ganoon man, hindi pa rin siya sumuko. Hindi siya bumitiw sa mga pangako niya sa akin. Kung hindi lang naging ganito ang sitwasyon ko o sa ibang sitwasyon siguro, wala na akong hihilingin pa sa kanya.

Mabait, maginoo at masipag pa. Nasa internship na ito sa kabilang bayan at malapit na rin makatapos sa kanyang pag-aaral. Pagka-graduate niya may trabaho na agad na naghihintay sa kanya sa ibang bansa kung nasaan ang mga magulang nila.

Hindi ko malaman kung paano ko siya kakaharapin sa sitwasyon ko ngayon, alam kong mali ako. Pero hindi ko naman siya pinaasa, wala akong sinabi sa kanya na maghintay siya sa akin. Ramdam din siguro ni Lara ito kaya hindi na siya nagtanong pa. Wala akong makitang galit sa kanyang mga mata, tanging lungkot lang. Boto kasi ito sa panliligaw ng kapatid niya sa akin.

***

Gulat ako nang may makitang pamilya na sasakyan sa ‘di kalayuan sa bahay namin. Ang mga kapitbahay namin ay nagu-umpukang nakatanaw sa aming bahay. 

“Uy, Lisa nandiyan ka na pala! Kanina pa naghihintay ang nobyo mo dito,” saad ni Aling Betty. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay namin nandoon nga si Fier kasama ang nanay. May pinag-uusapan sila base sa seryoso ng mga mukha nila pagpasok ko. Agad silang na palingon sa diretsyon ko nang makita ako sa pintuan namin.

“Anak, kanina pa si Fier.” matabang na saad ni nanay. Kinabahan ako.

“Hi, Lisa!” masayang bati naman niya na tumayo para salubungin ako at kunin ang mga dala-dala ko. “Ang bigat ng mga ito. Bakit hindi mo man lang ako hinintay?” Malambing na linyahan niya sa harap ng nanay ko.

Oo nga pala!

“Akala ko kasi busy ka na kaya hindi na kita inistorbo. Isa pa, kaya ko naman dalhin lahat ng mga ito. Easy!” pinasigla ko ang boses ko.

“Kahit na. Please, next time Babe ask for my help.” nakanguso niyang saad.

Gusto kong mapairap sa ginagawa niya. Hinawakan niya ang isang kamay ko.

Hinila ko ang kamay ko nang itataas niya na ‘to sa kanyang labi para halikan. “Ahm, kumain ka na ba?” Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.

Ano ba? Ang baho kaya ng kamay ko galing ako sa lakaran, oh! Bumili pa ako ng u-ulamin namin mamaya bago ako umuwi dito. Sama mo pa itong mga materyales na amoy kahoy.

“May binili pala akong tinapay b-baka g-gusto mo. Sandali a-ayusin ko lang sa kusina.” 

Bumitaw ako sa kanya. Naiilang sa harapan ni nanay na nakatingin lang sa amin na walang emosyon sa mukha. Nakikiramdam siya alam ko. 

Ang aga naman niya kasi! Kanila lang siya nandito, ah? Ang alam ko bukas pa siya babalik dito para sa step 2 ng pagpapanggap namin.

“May dala pala siya anak na mga pagkain sa kusina. Doon na tayo kumain sabay-sabay na tayo para makapagusap tayong tatlo.” aniya sabay tayo papunta sa kusina, iniwan kami doon na sabay bumuntong hininga.

“Bakit hindi mo sinasagot mga tawag at text ko sa ‘yo?” mahinang tanong niya.

“Sorry na po, boss. Bumili kasi ako ng mga ganito. Kinuha ko na rin mga lesson na na-missed ko kahapon at ngayon.” pagpapaliwanag ko na ikinairap niya sa akin.

Aba!? Ang hilig ng lalaking ito na umirap.

“Next time, answer my call and text and update me.” madiin niyang bilin sa akin, galit na naman. Yumuko na lang ako at tumango.

“Tara na, Babe. Baka gutom ka na.”

Nilakasan niya iyon at hinawakan niya ako sa sikong iginaya sa aming lamesa. Pinanghila niya rin ako ng upuan. Wala akong imik na umupo. Pasimpleng sinulyapan si nanay na tahimik rin na nakikiramdam sa kaliwa ko, at si Fier sungit naman sa kanan ko na naka-ngiting aso sa amin.

Sinimulan naming kumain ng normal lang. Tanong dito, sagot doon. Ramdam ko ang ilang sa katabi ko. Hindi siya sanay sa ganitong lugar. Kahit na masasarap naman ang dala niyang pagkain. Mayroon fried chicken, pancit sa bilao, barbecue at seafoods sa bilao din. Naka-kamay siya, pilit sumusubo habang masayang sinasagot ang mga tanong ni nanay.

But infairness, alam niya magkamay.

“Ano ba ang balak niyo, bakit gusto niyo na magpakasal agad?” 

Masakit man sa lalamunan, pinilit ko nilunok ang piraso ng barbecue sa bibig ko. Kumuha ng lakas sa hangin na sagutin ang tanong ni nanay nang si Fier ang unang sumagot.

“I wanted her badly, ma’am. I love her. And if she didn’t want to go home with me, I’d stay here and live with her. Leaving everything behind.” sagot niya na nakatitig lang sa nanay ko.

Wow, ah!? Pakunsensiya pa. Leaving everything behind daw. Sus!!!

“Hijo, hindi sa hadlang ako sa inyo pero parang ang bilis yata. Ngayon pa lang kita nakilala pero gusto mo nang kunin ang anak ko sa akin. Ano maipapangako mo sa akin para pumayag ako?”

Inabot ko ang baso ko na may lamang tubig at ininom iyon. Pinagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Kinakabahan sa ‘di ko malamang dahilan. Baka maudlot ang plano niya, hindi pwede iyon.

Paano ang sakit ni nanay?

“Mamahalin ko po siya ng totoo. Ibibigay ko po lahat ng mga gustuhin niya. Hihigitan ko pa. Para po sa akin, siya ang nag-iisang babae para sa buhay ko. Wala na po mas hihigit pa sa kanya.” 

Tumayo siya sa tabi ko. Sa bilis noon, kamuntikan pang matumba ang monoblock na inupuan niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya sa tabi ko. Napatakip ako ng bibig ko. May kinuha siyang isang pulang box sa kanyang suot na manong jacket.

***

Comments (2)
goodnovel comment avatar
KYLIEROSE
... ganda po
goodnovel comment avatar
avelyn1424
bakit ramdam kong tutuo mga linyahan nito siya pier......... secret n ainlove siguro siya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status