Share

Kabanata 7

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-03-09 11:32:44

Aia's POV.

Hating gabi na ng makabalik kami ni Dark sa Manila galing Tagaytay. Kumain pa kasi kami doon at nagpalipas pa ng ilang sandali para mag star gazing.

Tanghali na ng magising ako. Mabuti na lang talaga at linggo ngayon wala kaming pasok.

Habang nasa harap ako ng aking vanity mirror ay hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa nangyari kagabi.

Nasa ibabaw kami ng sasakyan ni Dark habang pinapanood ang mga bituin sa ilalim ng kalawakan. Wala sa sarili kong dinama ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko si Dark? Hindi naman ako ganito dati.

Dahil siguro ito sa mga pinagsasabi ni lola nung mga nakaraang araw kaya naco-concious ako bigla pag kasama ko sya.

Ayokong magkaroon ng kahit konting pagtingin sa Boss ko. Alam kong mabait lang si Dark saakin dahil secretary nya ako at parang kaibigan lang ang turing nya saakin. Si Dark ang taong hindi nag seseryoso sa pag-ibig. Puro pakikipag s*x lang ang alam nito. Kapag ang mga babaeng naka s*x nya ay nagpapakita ng motibo na gusto ng mga ito ng attachment sakanya ay iniiwasan na ito ni Dark at itinatapon na parang basura. Kapag natikman na nito ang isang babae ay hindi na ito umuulit pa na makipag talik ulit sa mga ito. Ako bilang sekretarya nya ang pinahaharap nya dito para mag taboy sa mga iyon.

Hindi ako pwedeng magka gusto sa boss ko dahil ayaw kong dumating sa punto na iwasan nya rin ako gaya kung paano nya iwasan ang mga babaeng nagkakandarapa sakanya. Masaya na ako sa kung anong relasyon meron kami ni Dark.

Sunday ngayon. Napag pasyahan kong tawagan ang kaibigan kong si Shane para ayaing lumabas. Gusto kong libangan ang sarili ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari saakin ng mga nagdaang araw.

Ayoko munang isipin si Dark dahil biglang nag iiba ang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing naiisip ko sya.

“Anong nakain mo at niyaya mo akong lumabas?”

Nasa bahay na namin si Shane. Malapit lang naman kasi ang bahay nito saamin kaya isang tawag ko lang ay mabilis pa sa alaskwatro itong dumadarating. Isang barangay lang ang pagitan namin. Classmate ko ito nung college siya ang aking best friend.

“Wala lang na miss lang kita.” umasim ang mukha nito mukhang hindi naniwala sa sinabi ko.

“Sus! Bolera!”

Matapos mag simba ay nag punta kami sa Mall ni Shane para mag shopping. Ilang buwan na rin naman akong hindi nakakabili ng bagong mga damit at ilang buwan na rin kaming hindi nakakapag bonding. Sa tuwing magyayaya kasi sya ay palagi akong busy.

“Tell me may problema ka ba?” mataman nya akong tinitigan. Ako naman ay nag patuloy lang sa pamimili ng damit.

“Bakit mo naman nasabi yan Shane?”

“Kanina ko pa napapansin na parang may malalim kang iniisip.”

Na buga naman ako ng hangin.

“Shane, na pe-pressure na kasi ako kay lola gusto nya na akong magka boyfriend.” sabi ko habang patuloy pa rin sa pagpili ng mga damit.

“Eh bakit nga ba kasi ayaw mo pang mag boyfriend? You're not getting younger Aia.”

“Wala pa kasi akong nakikita na Perfect para maging boyfriend ko.”

“Wala talagang perfect noh! Aamagin ka na nga lang kahihintay ng perfect man na yan!”

“What if makipag one night stand na lang ako? Ang gusto lang naman ni lola ay hindi ako tumandang mag isa. Wala pa talaga akong balak mag boyfriend Shane. Mas gusto ko pang magka anak na lang. Ayos na saakin yung walang ama ang bata para wala na rin akong maging sakit ng ulo in the future.”

Pumalatak naman si Shane sa mga sinabi ko.

“Baliw ka naba? Do you think hindi maghahanap ng tatay ang magiging anak mo kapag lumaki sya? So paano pag naghanap ng tatay ang anak mo ano ang sasabihin mo? Na anak pasensya ka na hindi kilala ng mommy ang Daddy mo kasi basta na lang ako tumuwad at nagpa t*ra para lang mabuo ka?” sermon nito saakin.

“Wala pa kasi sa isip ko ang pakikipag relasyon Shane. Eh halos lahat kayo ipinamumukha na saakin yung edad ko.”

“Umamin ka nga sakin Aia tomboy ka ba?” seryoso nyang tanong saakin na ikinatawa ko naman.

“Sira babae ako noh!”

“Weh? Never kita nakitang na attract sa lalaki Aia.”

“Eh pano naman di ko nga sila type!”

Inirapan lang ako ni Shane.

“Ang taas kasi ng standard mo sa lalaki! Mala character sa isang fantasy book yata ang hanap mo!”

“Hindi naman mataas ang standard ko Shane, ang gusto ko lang naman ay yung syempre may maayos na hitsura. May maayos na trabaho at responsable! eh kasi naman lahat ng lalaki ngayon eh maarte pa sa babae kung pumorma! Puro pagpapa cute at yung iba humaling pa sa mga Online games at kung ano-anong bisyo at barkada ang inuuna! Sasakit lang ang ulo ko kapag ganyan ang napangasawa ko.”

Napapailing iling lang si Shane sa sinabi ko.

“Hay naku Aia! Alam mo kapag ang lalaki nakita na ang babaeng gusto nila nagagawa naman nilang magbago. Naku! ikain mo na lang yan. Nagugutom na ako kanina pa tayo palakad lakad. Na stress lang din ako sa mga pinag sasabi mo.”

“Mabuti pa nga siguro. Tanghali na rin pala.” papunta na kami sa isang fast food chain ng mag ring ang cellphone ko.

Si Sir Dark ang naka rehistro sa scree ng cellphone ko. Nakita iyon ni Shane kaya naman tinapunan ako nito ng malisyosang tingin.

“Mukhang iba na yan huh! Kahit day off mo eh tinatawagan ka ng boss mo.“

Dumistansya naman ako kay Shane para sagutin ang tawag ng aking Boss.

“Sir Dark na patawag ka?”

“Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?” sahalip ay tanong din nito saakin.

“Sorry nasa mall kasi ako.” paliwanag ko dito.

“Sinong kasama mo?”

“Kaibigan ko. Teka ano bang kailangan mo bakit na patawag ka?”

“I need you to go to my office, kunin mo yung mga documents na ipi-present natin Kay Mr. Ruiz at dalahin mo dito sa condo unit ko.”

Utos nito.

“T-teka hindi ba pwedeng bukas na lang yan? Kakain pa kasi kami eh..”

“I need it now Aia dalahin mo na ngayon na.” utos nito saka ibinaba ang tawag. Naiinis kong ibinalik ang aking phone sa shoulder bag ko. Kung makapag utos akala mo kung sino na hindi mo pwede g salungatin! Apurado pa! Bumaling ako kay Shane na naka pamewang na saakin.

“Pasensya ka na Shane kailangan ko ng umalis pinapa punta ako ni Sir Dark sa condo unit nya.”

Napairap naman ito saakin.

“Kaya hindi ka magka jowa eh kahit linggo tinatawagan ka ng boss mo! Bakit hindi na lang kaya kayo?”

“Ano ka ba Shane imposible yang pinagsasabi mo. Sige na alis na ako. Bawi na lang ako sayo sa sunod."

“Oo na! Sa susunod ikaw ang taya!” yinakap ko si Shane bago tuluyang umalis at mag punta sa office.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sheryl Amisola
pa unlock pls ... thank you
goodnovel comment avatar
Sheryl Amisola
pa u block pls ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Playboy Boss   Kabanata 210

    “Nakikita ko sakanya si Knight, Lyn. Sana hayaan mo muna akong makasam sya.” lumuluha kong pakiusap sakanya. Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na humaharang saaking mukha at pinahid nya gamit ng mga kamay nya ang mga luha ko saaking pisngi. Tumango tango sya saakin. “Hush, fine Mira. I will le

  • My Playboy Boss   Kabanata 209

    MIRACLE'S POV “Wala ka bang balak na ireport ang nangyari sa mga police?” tanong ni Lyn saakin. Narito na kami sa loob ng kwarto ng ospital na pag aari namin. Sumailalim na sa medical examination ang lalaking tinulungan ko. Nagpapasalamat ako at walang internal bleeding o blood clot sakanyang ul

  • My Playboy Boss   Kabanata 208

    Isinakay namin sya sa back seat ng kotse ko. Si Lyn naman ay sakanyang kotse sumakay at sumunod saakin. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko. All I want is to save this man's life. I will do everything to bring him back to life. Huminto kami sa bahay ko. Lumabas ako ng kotse ko at ganon din

  • My Playboy Boss   Kabanata 207

    MIRACLE'S POV “Mira, hanggang kailan ka bang ganyan?” halika na sa shop.” sita saakin ng business partner/best friend ko. Sinundan nya na naman ako dito. “iwan mo na muna ako Lyn. Dito lang muna ako.” turan ko. Nandito ako Ngayon sa batis kung saan nangyari ang malagim na insidente saaking fianc

  • My Playboy Boss   Kabanata 206

    “Aira, apo lika na, kakain na muna tayo.” Ani Tyang Lena na pinaupo si Aira sa isang lamesa katabi ng inuupuan ko. Inasikaso nya ang anak ko para pakainin. “Susko, ako kaya ang nangyari kay Dark?” nag aalala na ring naiusal ni Lola Icay na napaantanda na. “Lola, nag aalala na po ako. Hindi ko na

  • My Playboy Boss   Kabanata 205

    AIA'S POV “Nagbibiro ka lang Shane diba? Prank ba to?” natatawa ngunit maluha luha kong turan. Paanong nawawala si Dark? Ano naligaw lang ganon? Pero may GPS naman ang kotse nya kaya paano syang maliligaw? Minsan na rin kaming nanggaling dito para icheck ang venue ng kasal namin, kaya imposibleng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status