Share

Chapter Four: Her

ARIA

“T*NG INA NAMAN OH!” inis kong sigaw nang bitawan niya na ang kamay ko. Masakit ang ginawa niyang paghila sa akin pero slight lang naman, sadyang naaasar lang ako dahil pinagod ako ng babaeng ito sa ginawa niyang paghila sa akin papunta rito.

Gaya ng sinabi niya sa text na natanggap ko kanina ay narito na nga kami sa garden. Dito niya gustong mag-away kami dahil sa nonsense niyang dahilan sa buhay. Ang corny talaga! Ang panget ng venue na pinili niya para sa away na gusto niya. Sa laki ng Easton University ay garden pa talaga ang ninais… Ano ba kami? Mga tipaklong? T*ng ina talaga ng babaeng ‘to.

“YOU’RE A WH*RE, ARIA! MALANDI KA! MALANDING-MALANDI KA!!” hesterikal niyang pagwawala habang nanggigigil sa pwesto niyang malayo sa kinaroroonan ko ngayon. 

“LAHAT NALANG NG LALAKI RITO AY NILALANDI MONG P*TA KA!” sigaw pa niyang muli na halatang galit na galit sa akin ngunit hindi magawang lumapit pa sa pwesto ko. Sa nakikita kong kabaliwan niya ay hindi ko maiwasang mapangisi habang pilit pinipigil ang pagtawa ko.

Wala ako sa mood makipagtalo sa isang ‘to. Parang quota na ako sa araw na ito, sayang naman kung babaragin ko ang kagandahan ng makeup sa mukha niyang aburido. 

Gawa ng pagod na ako sa f*cked up na araw na ‘to ay naupo na lang ako sa damuhan habang nakaloloko siyang pinagmamasdan. Kita ko ang asar sa kaniyang mukha nang makita niya ang ginagawa kong pag-upo habang siya ay parang timang nang galit na galit sa akin. Ang dami niya kasing alam sa buhay!

Hinila-hila pa ako rito kahit alam naman niyang hindi ang isang katulad niya ang makapapalag sa uri kong tao. Dapat nga ay magpasalamat siyang chill lang ako ngayon, e… Baka himatayin pa ang nanay niyang PTA president noong high school kapag sinapak ko ang pagmumukha ng anak niyang ‘to. Tsk!

“T-TUMAYO KA NGA RIYAN AT L-LAPITAN AKO!!” utal at halata namang kinakabahan siya nang isigaw iyon kaya mas lalo lamang akong natawa.

Bakas na bakas sa kaniyang mga mata na asar na talaga siya sa akin ngunit hindi niya lang ako maambahan dahil naubos na siguro ang tapang niya. Buti nga ay pinagbigyan ko pa siyang maitulak ako sa harap ng klase kanina, e. Nakahihiya mang natumba ako sa harapan ay wala na akong pakialam, maliban sa best friend kong si Brooklyn ay wala nang kwenta ang mga taong naroon kanina.

“Kailangan mo ba ako rito?” simpleng tanong ko na mas lalong kinaarko ng kilay niyang mukha nang sticker.

“Oo, dahil isa—”

“Edi ikaw ang lumapit sa akin, hindi ‘yung ako pa uutusan mo sa ka-sh*tan mo sa buhay!” asar kong pagputol sa sinasabi niya. Sa nakita kong pamumula niya sa galit at inis sa akin ay mas lalong gumanda ang ngiti ko.

Ang lakas ko ay nagmumula sa inis at galit ng mga taong may problema sa akin. Ang sarap nilang panoorin kung minsan habang nagagalit sa akin gawa ng walang katuturan na dahilan. Nakakatawa ang mga katulad niyang t*nga at duwag. Hanggang dito sa pwesto ko ay naaamoy ko na ang takot niya sa katawan habang sinasalo ang mga tingin ko.

Naaawa lang din ako sa babaeng ito— Kababaeng tao ay galit na galit sa akin na wala naman talagang kinalaman sa sinasabi niyang break up nila ng jowa niya. Imbes na ubusin niya ang oras sa akin ay bakit hindi siya roon magalit sa kung sino man ang jowa nya, diba?

Ang jowa niya ang nagloko sa relasyon nilang dalawa, bakit pa ako dinadamay? T*ng ina! Kung hindi ko nga siya naging schoolmate noong high school ay hindi ko na siya maaaala ngayon, e. Ano bang pakialam ko sa kanila ng jowa niyang hindi ko kilala, diba?

“Stop acting like you’re innocent, Aria! Pick me girl ka. Kunwari ay wala kang alam pero gustong-gusto mong pinagkakaguluhan—”

“I’m done listening to your sh*ts, Chloe…” umay kong salita at tumayo na rin sa kinauupuan kong damo nang makita kong lumalapit na siya sa akin. Baka bigla siyang umatake, hindi ko na hahayaang hindi ako makagaganti sa kaniya dahil sa nakaupo ako sa damuhan.

“No, Aria! I’m not done with you. Gusto kong itatak sa kukute mong malandi na makati kang babae! Wala kang pinalalagpas, pati ba naman ang boyfriend ko ay inahas mo!” dahil malapit na ang pwesto niya sa akin ay mas lumakas na ang bulyaw niyang kinairita ng tainga ko.

Mariin akong napapikit para pigilan ang nabubuo nang inis sa sistema ko, inuubos niya nang tunay ang pasensya ko ngayon. Hindi na nakatutuwa pa ang mga sinasabi niya sa akin na kap*tang inah*n na.

“I hate you!!” mabilis ang nangyari nang masalo ko ang kamay niyang tangka sanang sasampal sa akin. Humigpit ang nagawa kong paghawak sa pulsuhan niya dahil totoo nang naiinis na ako sa pinaggagawa niya, plano pa talaga niya akong sasampalin sa mga oras na ito, huh? T*ng ina! 

“Don’t you dare slap me, Chloe. Sa totoo lang ay masyado na akong mabait sa lagay na ito, kasi kung hindi ako nagtitimpi sa ka-sh*tan mo ay kanina ka pa nasa clinic… Huwag mo akong sasagarin.” kalmado pa ang boses ko nang magawa ko ‘yong sabihin sa kaniya, pero kung titignan sa loob ko ay punong-puno na ako sa babaeng ito. Ang sarap niya nang bigwasan kung hindi lang ako pagod sa mga sandaling ito.

“H-hindi ako natatakot sa ‘yo, Aria!” salita pa niya kahit taliwas sa kaniyang sinabi ang panginginig ng pulsuhan niyang hawak-hawak ko pa rin hanggang ngayon. 

“Wala akong sinabing matakot ka sa akin… Ang nais ko lang gawin mo ay tantanan mo na ako sa sira mong relasyon sa jowa mong ni hindi ko kilala.” nagtatangis ang ngipin nang idiin ko iyon sa kukute niya. Binitawan ko na siya at itinulak palayo sa akin habang ang inis kong mga mata ay nanatili lang nasa kaniya.

“Hindi ako interesado sa boyfriend mong supot at manloloko, okay? Just based on what you're accusing me of… your man is a cheater. So instead of losing yourself in front of me— be angry with your worthless ex-boyfriend!” dagdag ko pa. Puno na ako sa babaeng kausap ko pero mabait pa ako nito, nagawa ko pang bigyan siya ng advice na mukhang hindi naman niya gagawin dahil t*nga siyang babae.

“Kung wala ka nang matinong sasabihin ay aalis na ako. Mas mabuti pang aralin ang buhay ni Rizal kaysa pag-aksayahan ko ng oras ang relasyon niyong dalawa ng jowa mo. T*nga inang ‘yan!” salita kong muli nang ilang minuto siyang natameme. Iyon na sana ang huli kong sasabihin sa kaniya bago umalis sa lugar, ngunit sinusubukan niya talaga ang pasensya ko.

Isang malakas na paghila ang ginawa niya sa buhok kong pinaghirapan kong itirintas kanina sa banyo, sa ginawa niya ay mahina akong napa-aray na agad din namang nabawi nang magawa ko siyang harapin at pahintuin sa pananabunot sa akin gamit ang kamao kong kanina ko pa pinapakalma. 

Sa isang iglap ay napayuko na lang siya habang hawak ang labi niyang dumugo sa nagawa kong suntok. Magaan pa nga lang ang nagawa kong suntok ay pumutok na ang labi niya, papaano pa kaya kung tinodo ko pa? Sh*t talaga nga naman, oh!

“F-fuck! W-what have you done to my lips, ARIA!!!?” pagwawala niya habang mangiyak-ngiyak na siya nang makita ang mukha niya sa salamin na bigla na lamang niyang dinukot sa jacket na suot.

Wow! Girl scout pa nga ang ate mo girl, pati ba naman salamin ay dala-dala niya. Lakas ng amat, amp*ta!

“You asked for it, Chloe.” 

Hindi ko na kasalanan kung pati ang labi niya ay mahina. Siya ang nagsimula kaya wala siyang karapatan na kuwestiyunin ako. It's self defense, right? She attacked first, I just defended my face. Duh!

“HAYOP KA!!” muling umecho sa tainga ko ang malakas at nakaririnde niyang sigaw. 

Taenang babae ‘to! Lakas na nga ng trip, lakas pa ng tili. Badtrip amp*ta!

“What happened here!?” sa boses pa lang ay alam ko na agad kung sino ang kararating lang. Ang kaninang inis ko nang nararamdaman sa babaeng kasama ko ay mas lalo pang nadagdagan nang makita ko na naman ang nakababanas na pagmumukha ng propesor kong ‘to.

Si Sir Gray na naman…

Sh*t talagang buhay 'to!

“Wala naman po, Sir… Naglalaro lang.” ngiting aso kong sagot habang pinapagpag ang palda kong may ilang dumikit na dahon gawa ng kagagaling ko lang sa pagkakaupo sa damuhan.

Base sa nakikita kong pagbabago ng kaniyang ekspresyon nang marinig ang sinabi ko habang nakaloloko akong nakangiti ay alam kong hindi siya masaya. Nang makita kong nag-igting ang panga niya nang tignan ang babaeng nagdugo ang labi ay kumpirmado kong galit siya. Gayunpaman ay wala akong pakialam, self-defense ang ginawa ko.

“ANONG WALA!? S-SIR!! SI ARIA SINUNTOK AKO! L-LOOK OH!” halatang peke ang mga luha niya nang magsumbong ito sa propesor na nakikisawsaw. Hindi pa nakuntento ang magaling na si Chloe at ngumuso pa para ipakita ang labi niyang finished product ng suntok ko.

Deserve naman niya ‘yan. Gusto ko man siyang tawanan pero pinigil ko ang sarili dahil medyo tinatamad na ako kumilos pa.

“A-ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin, Professor Carter…” muling umikot ang mata ko sa ere nang marinig ko ang pabebe niyang salita. Kadiri amp! Kairita ang ipit niyang boses ngayon, parang kanina lang ay ang lakas ng boses niya tapos ngayon nagpapa-cute na. 

Ayan talaga dahilan kaya hindi ko ninanais na maging katulad ng tipikal na babae rito sa school, mga pabebe amp*ta! Mas gugustuhin ko na lang mabaliw kaysa maging ganiyan na katulad niya.

“Care to explain, Ms. Lindsei? Unang araw ko pa lang sa eskwelahan na ito ay puro gulo na lamang ang nababalitaan ko sa iyo! Hindi ka ba nagsasawa?” galit na salita ng baguhang propesor na ‘to sa akin na literal kong kinainis. Kung kanina ay siya ang napa-igting ang panga ay ako naman ngayon ang gumawa niyon dala ng labis na inis ko sa sinabi niyang iyon.

Sinusubukan talaga nilang lahat ang pasensya ko sa araw na ito, t*ng ina! Kapag ito talagang propesor na ito ay pinatulan ko ay literal na mapapatalsik na ako sa paaralan na ito. 

Kaasar naman kasi! Ako pa ngayon ang masama rito. Ako pa ang mali gayong ako ang pinagbibintangan sa bagay na wala naman akong kaalam-alam. Tang— sawa na ako magmura pero inuubos talaga nila ang pasensya ko.

Kitang self-defense lang ang ginawa ko dahil hindi naman ako ang naunang manakit dito. F*ck!

“Magbabayad ka talaga sa akin, malandi kang babae!” inis na salita na naman ng tipaklong na ito kaya sa kaniya muli napunta ang atensyon ko. “My Precious lips!!”

“Ayaw mo ‘yon? Parehas na kayo ng labi ng idol mong si Kylie Jenner? At least ‘yan ay libre lang…” pangangasar ko pang lalo habang hindi pinapansin ang nakakainis na presensya ni Sir Gray. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kaya tinignan ko rin siya, hindi ako magpapatalo.

Nang makita kong inalalayan na ni Sir Gray si Chloe sa paglalakad ay kunot-noo akong tumitig sa kanila. G*gue?

Sa pagkakatanda ko ay sinapak ko siya at hindi sinipa? Kaya bakit kailangan pa niya magpa-alalay sa nakaiinis na propesor na ‘yan?

Sige, magsama kayo!

“F*ck you, Aria!” sigaw nya pa na para bang kailangan niya nang dalhin sa asylum.

Nakita kong sinabihan siya ni Sir Gray na huminto na pero sira na talaga ang ulo niya kaya patuloy siyang naaasar sa akin na ngiting aso na naman habang ang daliri ay nakataas na. Gayunpaman ay biglang lumingon sa akin si Sir Gray kaya pati siya ay natanggap ang dirty finger kong ginagawa.

Double kill pa nga…

“IN MY OFFICE. NOW!” mabilis naglaho ang ngiti sa labi ko nang tumaas na ang boses ni Sir Gray dala ng inis sa mga nangyayari. Nagulat man ay hindi ko pinahalata— I will admit, medyo nakatatakot ang pagtaas ng kaniyang boses.

Gayunpaman ay hindi ako magpapatinag sa kayabangan niyang ito– He’s unfair. Si Chloe naman ang unang nagmura sa aming dalawa pero ako lang ang sinigawan. T*nga ina talagang buhay ‘to!

Mga letche!

***

GRAYSON

After I left the girl who had a fight with Aria at the clinic, I immediately went straight to my office to deal with Aria who is now in front of me. We have been here for a few minutes now but there is a deafening silence happening between us. Nanatiling nakayuko si Aria habang ako naman ay nanatiling nakatingin lang sa kaniya.

Kung titignan ay para itong sising-sisi na sa nagawang panununtok dahil nakayuko lang siya, gayunpaman ay halatang hindi naman siya nagsisisi sa ginawa. Kaya siya nakayuko dahil ginagamit niya ang kaniyang telepono sa ilalim ng lamesang nasa pagitan naming dalawa ngayon. Kasalukuyan akong nakaupo sa swivel chair ng aking lamesa habang siya naman ang nakaupo sa silya na nasa harap lang ng lamesa ko.

“Pwede na po bang umalis!?” basag niya sa katahimikan namin habang ang tono ay halatang buryong-buryo na.

“We are not even talking yet, Ms. Lindsei!” maikli kong sagot na kina-angat ng kaniyang tingin sa akin.

When our eyes met, I firmly suppressed whatever my heart was feeling. She's turning me on by just simply looking straight into my eyes— But this is not the time for that!

“Gusto ko na lang pong umuwi.” she said with no pleasure at all.

“Why did you do that to Ms. Nicholas? You are old enough to know that punching someone is not right.” pinilit ko maging kalmado ngunit kusang tumataas ang boses ko dala ng inis dahil halata naman sa kaniya na wala siyang pakialam sa nangyayari ngayon.

She's really a pain in the ass. She's stubborn, so I shouldn't be attracted to her. She is a student that clearly needs a teacher who will guide her with her uncontrollable bad actions. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip niya at ginagawa lamang niyang laro ang pakikipag-away sa ibang tao rito sa eskwelahan.

“She asked to be punched, Sir.” blanko ang mata nang isagot sa akin iyon ng diretsa. Hindi pa man ako nakasasagot ay tumayo na siya sa kinauupuan niya. 

“Seat down, Ms. Lindsei! We are not yet done.” puno ng awtoridad ang boses nang magawa kong sabihin iyon upang pagbantaan siya sa pinaplanong pagtakas. She needs guidance from someone who’s older, sa pinaggagawa niya ay mapapahamak lamang siya kalaunan.

“You know what, Sir Gray? Hindi mo na kailangan aksayahin pa ang oras mo para lang sermunan ako. Alam ko na ang lahat ng consequences ng ginagawa kong ‘to.” nanatili siyang nakatalikod sa akin habang siya'y nagsasalita. Hindi ko man nakikita ang kaniyang ekspresyon ay alam kong blanko na naman ang makikita roon.

“Stop acting like a child, Austra…”

“Stop calling me that, Sir.” bahagya niya akong nilingon subalit hindi na nagawang ituloy.

“I want you to learn how to act better– to act your age. Kung patuloy kang gagawa ng gulo rito sa eskwelahan habang estudyante kita ay hindi kita—”

“I don’t like you, Sir Gray! So stop controlling me…”  mahina lang ang pagkakasabi niya ng bagay na iyon na sapat lang para marinig ko. Nang magtama ang mga mata namin ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa harapan niya na.

“You have no choice but to like me… You are my student.” nanatili ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang idinidiin ang bawat salitang sinasabi ko. 

“Wala kang magagawa sa akin, Sir Gray—” hindi niya na nagawang matapos ang sinasabi nang mabilis kong hablutin ang kamay niya noong tangka niya na akong lalampasan papunta sa pinto ng opisina ko.

“Don’t challenge me, Ms. Lindsei. You don’t know what I’m capable of doing with my job…”

“If you are done threatening me, Sir Gray… I will take my leave.” marahas niyang binawi sa akin ang kamay niya nang sabihin iyon. Dahil sa nakitang epekto na nagawa ko sa kaniya ay hindi ko naiwasang nakalolokong mapangiti nang tuluyan na siyang makalabas ng opisina ko.

Tunay ngang matigas siya sa kahit sinong tao, pero hindi ako basta-basta katulad ng ibang tao sa paligid niya. I'll make sure that she will learn from me while she's still my student. She needs me— She will need me. I am the only person who will change her behavior, and I will never give up on her until she surrenders to my care. 

She's very different, and I like how different she is from all the girls I've known. 

“You will like me, Aria. I know you will…”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status