แชร์

Chapter Two: Hate

ผู้เขียน: RandomQueen
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-09-27 00:49:27

ARIA

Maingay na bunganga ng iba’t ibang tao ang pumupuno sa tainga ko habang hindi maipinta ang mukha ko sa kinauupuang bangko sa cafeteria ngayon. Katatapos lang ng pangalawa naming subject sa araw na ‘to, pero kahit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang pahiyain ako sa klase ng bago naming propesor ay badtrip na badtrip pa rin ako. 

Tama nga ako kanina noong una ko siyang makita, hindi ko magugustuhan ang pagdating niya sa eskwelahan na ito. Hindi naman sa mapanghusga akong tao, ngunit kanina nang pilitin niya akong magpakilala sa harapan ay sumama na talaga ang timpla ko sa kaniya. Tapos ang yabang pang mambanta— lakas ng loob na takutin ako gamit ng tingin niya… ARGH!

Sa kabilang banda naman, wala akong magagawa sa kaniya. Propesor siya kaya may karapatan siyang manakot na mambagsak ng estudyante niya—  Ah basta! Isa siya sa mga dahilan kung bakit ang sama-sama ng mood ko ngayong araw. Naiirita ako!

“Bessie okay ka lang? Kanina ka pa nakatunganga dyan, e. May problema ka ba?” Nang marinig ko ang boses ng kaibigan ay nakabusangot ko lang siyang tinignan at pinilit ibalik sa palabok na kinakain ko ang aking atensyon.

Hindi dapat ako ganito sa harap ng paborito kong palabok!! Nakaaasar lang talaga…

Hindi matahimik ang kaluluwa ko ngayon, ayoko namang sabihin kay Brooklyn ang opinyon ko sa propesor namin na hindi ko na matandaan ang pangalan. Alam ko naman kasing masasaktan lang ang kaibigan ko kapag sinabi ko ang tingin ko sa crush niyang professor namin. Baka ma-offend pa siya kapag nilait-lait ko sa harapan niya ang lalakeng iyon— Ako na naman ang masama sa buhay niya kapag ginawa ko iyon. Walang duda naman na kakampihan niya lamang ang professor namin kaya wala rin saysay kung sasabihin ko ang mga iniisip ko ngayon.

“Ang sungit mo naman, Bessie! May dalaw ka talaga siguro ngayon, no?” nang-aasar niyang tanong na kinauwang lamang ng labi ko.

Halatang pinipigilan niya ang pagtawa habang ang mga mata ay nasa akin lang. Wala namang nakatatawa pero tumatawa pa rin sya, lalo lang akong nababanas sa ginagawa niyang ‘yon.

Mga babae talaga— Well, babae rin naman ako pero hindi naman mababaw kaligayahan ko katulad ng kaibigan kong ‘to.

“Napaka-ingay mo, Brooklyn! Lalo lang akong naiinis.” pag-amin kong salita sa kaniya. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ngayon ay alam kong aburidong-aburido na ang pagmumukha ko sa kaniya. “Huwag mo na nga lang akong intindihin. Panget lang talaga ang araw na ito, hay naku!”

Hindi siya agad sumagot kaya muli ay tinapunan ko siya ng tingin, kita ko ang pagtaas ng perpekto niyang kilay habang ang mga mata ay naniningkit sa akin ngayon. Wala pa man akong sinasabing dahilan kung bakit ako badtrip ay mukhang may ideya na siya agad.

“Kung si Professor Grayson ang dahilan mo… Bessie naman! Malamang professor natin siya kaya gano’n na lang siya kung mainis sa ginawa mong pagtulog sa klase niya. Idagdag pa na para kang dragona kanina noong magising ka…” pagtatanggol niya sa kay Prof na Grayson pala ang pangalan. 

Sabi ko na, e. Ipagtatanggol niya talaga ang bagong salta na ‘yon kaysa sa best friend niya. Sa puntong ito ay ayaw ko na lamang makipagtalo… Pero si Aria ata ako— hindi ko mapigil ang sarili ko.

“Ayoko sa kanya, Brooklyn! Seryoso.” salita ko na siyang nagpaningkit ng mga mata niyang bilog. “Parang nasa bulkan pinapakulo ‘yung dugo ko kanina sa klase niya.”

Ayaw ko man sabihin iyon dahil alam ko naman sa sarili kong masama ang mag-talk sh*t sa ibang tao ay hindi ko talaga mapigil. Mahina lang naman ang pagkakasabi ko niyon kaya si Brooklyn lang ang makaririnig. “At saka nakita mo ba kung paano magpalandi ang Professor na iyon sa mga mahaharot nating kaklase? Brook, hindi tama ‘yon! Alam mo ‘yan.”

“Hindi naman siya nagpapalandi—”

“Huwag kang magbulag-bulagan, Brooklyn! Iba ang dating ng isang ‘yon kumpara sa iba nating propesor. Sa itsura pa lang niya ay halata nang babaero sa mga nightclub na napupuntahan natin... I can feel it.” pang-gagaslight ko sa kaibigan ko.

Natatawa ako sa mukha niyang invested na invested sa mga sinasabi ko, nagbibiro lang naman ako— pero totoo na hindi talaga ako masaya sa presensya ni Sir Gray na ‘yon.

Pakiramdam ko ay magiging distraction lang siya sa amin— sa akin— dito sa school. Ewan! Hindi ko rin naman maipaliwanag ng maayos kung bakit, pero hindi mapagkakatiwalaan ‘yung mga ganoong mukha. Mukha naman siyang mapera, hindi na niya kailangan pa magturo ritoat sumweldo ng hindi naman ganoon kataasang rate— ARGH!

Hay naku! Ayoko na nga siyang isipin. Mas lalo lang nasisira ang araw ko, e.

“You know naman na mahal kita, Bessie gurl, pero I think sobra ka nang jugdmental ngaayong araw. He’s good naman magturo, sadyang sobrang guwapo lang kaya sa tingin mo ay babaero.” muli niyang pagdepensa sa lalakeng ‘yon. Sa sinabi niyang iyon ay parang hindi ko na malunok ang kinakain kong palabok ngayon.

“He’s not that good-looking guy—”

“Mukhang alam ko na kung bakit mainit dugo mo kay Prof Grayson, Bessie! Inggit ka sa kaniya, no?” putol niya sa sinasabi ko na agad kong kinasamid.

“G*go!? Bakit naman ako maiinggit doon?” muli na namang umarko ang kilay ko dahil sa nonsense niyang sinabi.

“Best friend kita, Bessie! Kahit i-deny mo sa lahat na hindi ka lesbian, alam ko ang totoo—”

“Huwag mo akong sisimulan sa usaping gender identity ko, Brooklyn. Hindi nakatutuwa!” ako naman ang pumutol sa sinasabi niya. Nakita ko kung paano siya mapabuga ng hangin kaya napairap na lamang ako sa kawalan. 

“Kasi naman, e… Para kang insecure kay Prof. Just try to be nice to him na lang para hindi na siya mas magalit sa ‘yo sa next meeting.”

“Alam mo… Kumain nalang tayo at huwag nang pag-usapan ang isang ‘yon. Okay?” suhestiyon ko na agad naman niyang kinatango. Bumalik na kami sa pagkain ng kaniya-kaniyang kinakain, naging maayos naman ang dalawang subo ko sa palabok ko nang isang basa at malamig na bagay ang bigla na lamang nagpaligo sa akin ngayon sa kinauupuan ko.

Anak ng—

“What the f*ck!!!” mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa nangyari. Nakita ko agad ang babaeng may gawa ng bagay na iyon sa akin, sa mukha pa lang niyang nakangisi ay alam kong sinadya niya ang nangyaring pagbuho sa akin ng orange juice.

“Narinig ko ang pinag-uusapan nyo, b*tches! Ang kapal talaga ng mukha mo, no? Pati ba naman si Sir Grayson ay iniinsulto mo? Wala ka ba talagang manners?” maarteng kumpronta sa akin ng bebaeng palaka na ito sa harap ko.

So she's eavesdropping, huh? What an ugly girl!

“Excuse me? Wala akong pakialam kahit narinig mo pa ang usapan naming dalawa two weeks ago, babae. Gusto mo bang lunurin kita ng orange juice, huh?” hindi siya nakasagot nang marinig niya ang galit kong boses.

Kung kanina ay pigil na pigil pa ako sa inis ko sa araw na ito ay ngayon ay wala na akong pakialam kung panoorin pa kami ng lahat ng tao rito sa cafeteria— kahit kasama pa buong angkan ng palakang ‘to ay wala akong pakialam.

“T*ng ina! Lakas mong pagsabihan akong walang manners, bakit? Sa tingin mo ba ay tamang mambuhos ng juice sa tao, huh?” para na akong sasabog sa inis. Gustong-gusto ko nang ambahan ang pagmumukha niya sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kaniya at sa mga nangyayari sa buhay ko sa araw na ito— Pasalamat talaga ‘to dahil wala ako sa mood ma-guidance ngayong araw.

“I-isusumbong kita sa faculty—”

“Dapat kanina ka pa nagsumbong, hindi ‘yung bubuhusan mo pa ako ng juice. Bwesit!”

“D-deserve mo ‘yan!” sagot niya na talaga nga namang inilaban pa sa akin. Halata namang takot siya sa akin, kaya para magtanda siya ay marahas kong hinablot ang kamay niya at mariin itong hinawakan. Nagsisimula na ang pagdami ng tao sa paligid namin pero tila ba hindi ako natitinag gawa ng labis na inis at galit na nararamdaman ko sa babaeng ito.

“Next time na paliliguan mo ako ng juice ay siguraduhin mong hindi na ako makatatayo, huh? Kasi sa susunod na subukan mo ako ay babaragin ko na ‘yang pagmumukha mo. Nauunawaan mo ba, huh?” mahina lang ang pagkakasabi ko niyon dahil sa tainga niya ko lang talaga pinarinig. Hindi mawala sa labi ko ang ngisi nang maramdaman ko ang pangangatog ng katawan niya habang mahigpit pa rin ang hawak ko sa braso niya.

“O-00, sorry na, A-aria... B-bitawan mo na ko!” pagmamakaawa niya na kinangisi ko pang lalo.

“Bessie, tama na yan!” agad kong binitawan ang babae na hawak-hawak ko nang magsalita na si Brook para pigilan ako.

“Pasalamat ka at nandito ang best friend ko para pigilan ako, dahil kung hindi… Magpaparetoke ka talaga ng wala sa oras…” nakangisi ngunit punong-puno pa rin ng gigil kong wika sa kaniya. Nang makita ko ang pagtango niya sa sinabi ko ay binitawan ko na siya, para siyang kunehong nagmamadaling makalayo sa akin kaya natawa ako. 

Pero bago pa siya makalabas ng cafeteria ay hinabol ko siya ng isang sigaw. May nakalilimutan pa siyang gawin bago umalis dito…

“HOY! Sabi ko magpasalamat ka, diba!?” sigaw ko na automatikong nagpahinto sa kaniya at naluluhang tumingin sa akin. “Say thank you to my bessie right here…”

“T-thank you…” utal nitong banggit na mabilis kong kinatawa. Matapos niyon ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagtakbo palabas, nang mawala na ng tuluyan sa paningin ko ay ang mga tao namang nakatingin sa akin ngayon ang tinapunan ko ng atensyon.

“ANONG TINITINGIN-TINGIN NYO RIYAN!?” galit kong bulyaw sa mga ito nang hindi pa matigil ang pagtingin nila sa akin. Mga hindi maka-move on ang mga p*ta!

“Bessie… ‘yung t-shirt mo…” nang muling magsalita si Brooklyn ay nahinto ako. Mabilis napunta sa suot kong t-shirt ang atensyon ko.

Ay t*ng ina nga naman!

Alam kong basa ako, ngunit hindi ko alam na kita na halos ang panloob kong sports bra. Kaya naman pala nakatingin ang mga bastos na mga unggoy na ‘to sa akin. Mga manyak, amp*ta!

“Papalit lang ako…” Blanko kong banggit sa best friend ko kahit ang totoo ay galit na galit ako sa mga taong binibigyan ako ng tingin.

Mga bastos, pati ba naman babae manyak na. Kinuha ko na lang ang jacket ko sa bag at umalis na rin agad sa lugar na ‘yon. Labag man sa loob kong iwanan ang palabok kong paborito ay wala na akong magawa, mukha na rin naman siyang sotanghon dahil sa lintek na juice na ‘yan!

Dire-diretso lamang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko na ang locker room namin sa wash room ng main building. Doon ko iniiwan ang mga school uniform at PE ko dahil hindi ko naman sila sinusuot. 

“Lah! Nasaan na ‘yon!?” Hindi ko na naman maiwasang hindi mainis nang makita kong wala rito ang PE uniform kong inaasahan ko sa araw na ito. 

Hinubad ko ang suot kong jacket at tinignan sa salamin ang itsura ng damit kong suot. Lintek! Para nang naging orange ang puti kong t-shirt. Idagdag pa na ang lagkit-lagkit ko. Perwesyo talaga sa buhay ang ginawa ng babaeng ‘yon. Kainis!

Mukhang no choice pa ako ngayon kundi suotin ang uniform ko— for the first time. Nice! Taenang ‘yan.

Ilang minuto pa akong nag-isip na tumulala sa salamin bago makapag-desisyon na suotin na lamang ang uniform kong narito. Labag man sa loob ko ay dinampot ko na iyon at nagtungo na sa shower cubicle upang maligo ng slight. Oo, slight lang. Tatanggalin ko lang ang lagkit sa buo kong katawan. May trenta minutos pa ako na natitira bago magsimula ang next subject namin sa araw na ito. Hindi ko pa man suot ang uniform ko ay nandidiri na kaagad ako. Maliban sa iksi ng skirt ng uniform namin ay hindi talaga ako komportable na magsuot ng palda. 

Halata naman sigurong matigas akong babae. Iniisip ko pa lang na naka-palda ako ay parang nais ko na lamang magwala rito ngayon sa wash room at hindi na pumasok. Ano ba naman kasing araw na ‘to? Sinusubok na naman ang kabutihan kong tao… Hays!

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Six: You

    GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Five: Missed

    ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Four: Kissed

    ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Three: Lost In The Woods

    GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-Two: Conflicts

    GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang

  • My Possessive Professor   Chapter Thirty-One: Confession

    ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status