LOGINNANLALAMIG ang mga kamay ni Arisielle Dominguez sa kaba at sa halo- halong emosyon. Nakaupo siya sa pang isahang sofa at kaharap si mother superior Martha, abala ito sa pagpipirma ng mga dokumento.
Ngayon ang pag- alis ni Aris sa bahay- ampunan na naging tahanan niya ng sampung taon. Dala niya ang kakaramput na gamit niya. Pero mahalaga ito sa kanya. Ang lampin na may nakaburda na pangalan niya ang tanging alaala niya at pagkakakilanlan sa kanya, ito ang lampin na suot niya noong iniwan siya sa bahay ampunan na baby pa lang siya. Nakita naman niya ang mag- asawa na gustong umampon sa kanya. Nakamabutihan niya naman ng loob sina Don Arsenio Lagera Huangcho at Doña Catherina Del Quinco- Huangcho noong unang dalaw sa kanya ng mga ito. Ang sabi sa kanya magiging masaya siya dahil may mga kapatid siya. Una niyang nakilala sa mag kakapatid si Katana Hatchet Huangcho kasing edad niya lang ito at naging close agad sila. Walang boring moments kapagmagkasama sila. Saka parehas sila mahilig mag drawing. Ngayon narito ulit ang mag-asawa para isama na siya sa kanilang bahay. "Arisielle," tawag sa kanya ni Mother Martha matapos pirmahan ang mga papeles. "Sila na ang mga magulang mo, anak. Mula ngayon, doon ka na titira sa kanila. Magpasalamat ka kay Lord sa panibagong buhay mo." "Opo, mother." Tumayo si Arisielle, bahagyang nanginginig ang tuhod. Kita sa kanyang mga mata ang takot at pananabik. Nilapitan siya ni Doña Catherina, mabango, naka pearls, at may mga matang puno ng lambing. "Hello, hija. You’re very pretty," malumanay nitong sabi bago yumuko at haplusin ang buhok ni Arisielle. "Katana will be so happy to meet you. She’s been asking for a sister since… since her twin passed away." Ngumiti si Don Arsenio, tahimik ngunit may presensiyang nakaka-intimidate. "Welcome to our family, Arisielle. From now on, you are Huangcho." Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matutuwa. Sa loob-loob niya, umaasa siyang hindi ito panaginip. "Thank you po," mahina niyang sabi bago niya niyakap ang kanyang lampin. Tahimik lang siya sa buong biyahe at nakamasid lang sa may bintana ng mamahaling kotse. Lulan siya ng isang magarang SUV na ngayon lang siya nakasakay dito. Nakakasakay naman siya sa mga van, pero ibang- iba ito napakalamig ng aircondition at amoy mayaman ang loob. Puros van at mini bus service ng ampunan ang nasasakyan niya. Ayon kapag pinapakanta sila sa mga outreach program at mga charity event. Miyembro kasi din siya ng choir sa bahay- ampunan. Namangha si Arisielle sa dambuhalang gate sa tapat nila kung saan huminto ang SUV. Lalo pa nanlaki ang mga mata niya nang kusa itong bumukas na parang magic. Ngayon lang kasi siya nakakita nito. "Wow..." Tanging sambit niya. Napangiti naman sa kanya si Doña Catherina. Hinaplos nito ang buhok niya sa aliw niya sa batang si Arisielle. Pagpasok nila sa mansyon, para siyang naparalisa sa laki at kinang ng paligid. Nakauwang lang ang kanyang bibig dahil sa mangha at rangya ng mansyon, para siyang nasa isang palasyo na napapanood niya lang sa telebisyon ng bahay- ampunan. May malalaki at magarang chandelier na nakasabit sa mataas na kisame, mararangyang kurtina, at malamig na hangin mula sa aircon na parang humahaplos sa balat niya. Maging sa mga gamit halatang mayaman ang mag-asawa. Halos mabali ang leeg ni Arisielle sa palinga- linga sa paligid ng mansyon. Hindi kasi makakaila na sobrang ganda at laki ng mansyon ng mga Huangcho. Dinala siya sa isang malawak na living room ng mansyon. At doon, nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng isang bata. Isang babaeng kasing edad niya, nakaputing bestida ito at may hawak na sketchpad, nakaupo sa harap ng malaking bintana. Pagkakita sa kanya ni Katana, agad itong ngumiti—isang ngiting parang matagal na silang magkakilala. "Hi Arisielle. You're home." Bati ni Katana sa kanya at lumapit ito. "Hello, Katana." Halos maluha siya sa sinabi ni Katana sa kanya na 'You're home.' dahil sa galak. "Yes! Finally, may sister na ako!" Masayang wika nito at niyakap si Arisielle. Yumakap din siya pabalik. "Thank you mommy and daddy for granting my wish to have a sister again. "Anything for you our princess." Sabi ni Doña Catherina sa anak. May isang taon na rin noong inatake ng mga pirata ang kanilang yate na sinasakyan nila. Gabi noon nang kinuha ang walang kamalay- malay na si Kalis. Umaga na nila nang malaman na nawawala ang kanilang anak na si Kalis. Ang mga crew na bantay sa gabi ay pinaslang. Ang pinagtataka nila, hindi sila nagising at sobrang himbing ng mga tulog nila. Ngayon, nagluluksa pa rin sila at ang pinaka naapektuhan ay si Katana. Kaya naisipan ng mag- asawa na mag- ampon para sa mental health ng anak. Hindi alam ni Arisielle kung bakit pero parang unti-unting lumuwag ang dibdib niya. Sobrang gaan ng pakiramdam niya at may galak sa puso niya. "Halika, ipapakilala kita sa mga kuya ko," sabi ni Katana na abot pa rin sa tainga ang ngiti nito. Paglabas nila sa malawak na hallway, agad tumambad sa kanila ang isang grupo ng mga batang lalaki—may kanya-kanyang trip, may nag-aasaran, may nagkakagulo sa gitna ng malaking sala. Parang may sariling mundo bawat isa, pero lahat sila, halatang may kakaibang karisma. “Mga kuya!” sigaw ni Katana, dahilan para mag-angat ng tingin ang mga ito. Unang lumapit ang isa, matangkad-tangkad na kahit bata pa lang, may maamong mukha pero may halong tikas na parang sanay mag-utos. Maayos ang suot nitong polo at nakaayos ang buhok, parang laging handa sa picture. “This is Kuya Kris,” pakilala ni Katana, in her up beat tone. “Siya ‘yung masyadong seryoso sa amin pero mabait ‘yan, promise!” Ngumiti si Kris at tumango nang magalang. “Welcome to the family, Arisielle. Huwag kang mag-alala, safe ka dito.” Ang boses nito ay kalmado pero may bigat—parang kahit bata pa, may leadership na sa tono. “Ehem.” Sumabat ang katabi niyang halos kasing tangkad, pero may kasamang malokong ngisi sa labi. “Ako naman si Krig! Huwag mo siyang pakinggan, ako ang mas mabait. At mas pogi.” Umirap si Kris at tinapik ito sa batok. “Sira ulo.” Natawa si Arisielle, unang beses niya yatang tumawa nang ganito sa harap ng bagong mga kakilala at pamilya. “Eto naman,” sabay lingon ni Katana sa may bandang gilid ng sofa, “si Kuya Knife.” Tahimik lang si Knife, nakasandal, may hawak na sketchpad at lapis. Hindi man lang tumingin agad sa kanila, parang abala sa iginuguhit. Pero nang sa wakas ay tumingin siya, parang biglang huminto ang paligid. Malalim ang mga mata nito—parang may bahid ng lungkot, pero sabay din ng misteryo. Isang tingin lang at mararamdaman mong may mga bagay siyang hindi sinasabi. “Hi…” mahina lang na bati ni Arisielle. Tumango lang siya, walang salita, pero ngumiti nang bahagya—‘yung tipong ngiting parang sikreto nilang dalawa lang ang nakakaintindi. “Hay naku, ganyan talaga ‘yan,” bulong ni Katana. “Akala mo suplado, pero ‘pag nagustuhan ka, ayaw ka nang pakawalan.” “Katana,” malamig pero may halong babala ang tono ni Knife, dahilan para mapatawa sina Kris at Krig. “Okay, okay! Next!” sabi ni Katana, sabay turo sa batang nakasampa sa armrest ng sofa at naglalaro ng laruan. “Siya naman si Kunai!” “Hi Ate Arisielle!” masigla nitong bati, sabay pakita ng laruan niyang helicopter. “Tingnan mo! Lipad oh!” Nagpanggap pa itong pinapatakbo ang helicopter sa ere, tapos nabangga sa ulo ni Krig. “Aray! Kunai!” sigaw ni Krig, pero nagtawanan lang ang lahat. At sa likod ng sofa, may maliit pang batang sumisilip—bilog ang mata, may hawak na plush toy na parang espada. “Siya naman si Kleaver,” sabi ni Katana, sabay lapit sa bunso. “Huwag kang mahiya—this is our new sister.” Tahimik si Kleaver saglit, tapos marahang lumapit at iniabot ang laruan niyang espada kay Arisielle. “Sa’yo na,” sabi nito, inosenteng nakangiti. “Para may panlaban ka kung may mang-away sa’yo.” Naramdaman ni Arisielle ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya. “Salamat, Kleaver.” Hinaplos niya ang buhok ng bata, sabay ngiting may halong lungkot at saya. “Welcome home, Arisielle!” sabay-sabay na sabi ng magkakapatid, habang si Katana ay mahigpit na yumakap sa kanya. At sa sandaling iyon, sa gitna ng tawanan at kakulitan ng mga Huangcho siblings, unang beses sa buhay ni Arisielle na naramdaman niya… ang kumpletong pamilya. She's home.LUMIPAS ang ilang kanta, tawanan, at masasayang pag kuha ng mga pictures para sa memories. May sumigaw mula sa gilid. “POOL!” sigaw ni Krig iyon na parang may rally. “Night swim tayo!”“YES!” sabay-sabay na sigaw nina Rico, Ken at Bella.Nagtinginan ang magkakapatid. Ngumiti si Katana kay Arisielle. “Game ka ba, birthday girl?”Nag-atubili sandali si Arisielle bago tumango ng, “game.” Ngumiti siyang malapad.Mabilis na naglipatan ang ilan sa pool area sa likod ng mansion. Ang mga ilaw sa paligid ng pool ay naka-warm white, kumikislap sa tubig na parang maliliit na bituin. Ang kaninang tahimik na gabi ay napalitan ng mga binata at dalaga na naghaharutan. Malamig ang hangin pero may heater naman ang pool ng mga Huangcho. Tumugtog ulit ang portable speaker ng party club mix.Nagpalit na sila ng pang-swimming. Simple lang ang suot ni Arisielle. Isang pink na one-piece na may manipis na cover-up. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kapatid niyang la
NANDOON siya. Naka- black strapless balloon mini skirt dress pa ito. Lumakad siya suot ang high heels gladiator shoes. Nang makita niya si Knife pumunta siya doon at pumulupot agad siya sa braso nito.May kirot na naramdam si Arisielle nang makita niya si Agatha na nakayakap sa isang braso ni Knife. Parang gusto niya mag- walk out, pero party niya iyon. Siya dapat ang bida. At siya dapat ang prinsesa ng araw na iyon. Hindi naman nakatiis si Katana at kinompronta si Agatha."Who invited you here?" Naka crossed arms pa ito."Kat, okay lang." Sabi ni Arisielle. Para hindi na lumaki ang gulo. Sa isip ni Arisielle, para makapag- start na rin sila."No Arisielle." Masungit na tiningnan niya ang kapatid, sabay baling ng tinging nakamamatay kay Agatha. "Hindi ka invited dito and get away from my brother!" Bulyaw ni Katana sa uninvited guest.Inikutan niya ng mata si Katana at nakangisi pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula. "Tit
DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang birthday ni Arisielle. She's now turning 18. Mauuna si Arisielle mag- birthday bago si Katana. Ilang buwan lang naman ay mag- birthday na rin si Katana. Malakas naman ang speaker na naka- connect doon ang iPod ni Arisielle gamit ang jack. Tumutugtog sa background ang paborito nilang K-pop group na sikat ng panahon na 'yon. Isang all girl group na may walong miyembro. Kasalukuyang naroon sila sa kuwarto ni Katana."I can't believe it that you turn down Mom's offer for a cotillon." Sabi ni Katana habang ni- braid ang buhok ni Arisielle. "It's a debut sis, once in a lifetime ka lang mag- eighteen."Bahagyang natawa si Arisielle habang naglalagay ng cherry flavored liptint. "Madami nang binigay ang family niyo sa akin, Kat- kat, kaya okay na sa akin ang simpleng celebration. Close family and friends lang ang invited."Ngumiti si Katana sa tapat ng repleksyon nila at matapos ayusin ang buhok ni Arisielle ay niyakap ang kapatid mula sa liko
NASA living room ang Huangcho siblings nang humahangos si Knife na dumaan sa kanila. Walang 'hi' o 'hello, I'm home' na usual na bati ng magkakapatid tuwing umuuwi ng bahay. Tumigil si Kleaver na nag- practice mag- piano. Sinara naman ni Kris ang librong binabasa niya. Maging si Katana ay napatigil sa pagpipinta niya. Si Krig at Kunai ay tumigil sa paghaharutan nila na wrestling. Takang- taka ang lahat sa kilos ng kapatid nila, nagkatinginan pa silang magkakapatid na naroon sa salas. Dumeretso si Knife sa kitchen, binuksan niya ang fridge at kumuha ng bottled water saka tinungga iyon. Sobrang inis na inis sa pangyayari kanina sa cafè. Nang maubos ang bottled water, inis niyang piniga at nilapirot iyon gamit lamang ang isang kamay niya saka itinapon iyon ng pabalibag sa basurahan. "Damn it!" Bulalas niya at umigtig ang mga panga niya. Ilang minuto lang ay sumunod naman si Arisielle na parang wala sa sarili pero parang may h
ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat ng ulo niya si Knife at matalim na tiningn
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic







