Se connecterPAGKATAPOS niyang makilala ang mga kapatid ni Katana, agad siyang hinila nito papunta sa itaas.
“Come on! I’ll show you your room!” excited na sabi ni Katana habang halos tumatakbo paakyat sa grand staircase. Napakapit si Arisielle sa railings — bawat hakbang niya, parang nasa panaginip siya. Mula sa marmol na sahig hanggang sa mga painting sa hallway, lahat ay mukhang mamahalin. Hindi niya alam kung saan siya titingin. “Dito!” Itinulak ni Katana ang isang pinto at binuksan iyon. Pagpasok nila, muntik nang maluha si Arisielle. Ang silid ay parang galing sa fairytale — kulay soft cream ang mga dingding, may kurtinang kulay champagne gold na sinasayawan ng hangin, at may malaking kama na may canopy at lace. May mga stuffed animal toys din ang maayos na nakahilera sa may ulohan ng kama. Sa gilid, may study table, bookshelf na punô ng art books, at isang malaking salamin na may nakapatong na mga ribbon at hair clip. “Ngustohan mo ba?” tanong ni Katana, nangingislap ang mga mata. “Ang ganda…” halos bulong lang ni Arisielle, sabay ikot sa loob ng kwarto. Hinaplos niya ang bedsheet — sobrang lambot. Ang ilaw, mainit at maginhawa. Parang hindi totoo. “May wardrobe ka rin diyan,” sabay turo ni Katana sa malaking aparador sa gilid. Binuksan iyon ni Arisielle at nanlaki ang mga mata niya. Puno iyon ng mga damit — mga bestida, pajama sets, uniform, at kahit mga sapatos. Pero ang mas nakapagtataka, lahat iyon ay parang sinukat talaga para sa kanya. Kinuha niya ang isang bestida, pinagmasdan sa salamin, at… kasyang-kasya. “Katana, paano—” hindi niya natapos ang tanong. Ngumiti lang si Katana, parang alam ang iniisip niya. “Mommy said they just guessed your size. Maybe you’re really meant to be my sister.” Tumawa si Arisielle, at hinaplos pa ang ibang mga damit na nakalagay sa may magarang wardrobe. Binalik niya muli ang bestida. “May mga gamit ka rin diyan sa drawer,” dagdag ni Katana. “Art supplies, sketchpad, pencils — sabi ni Mommy, pareho daw tayong mahilig mag-drawing. You can share my art corner.” Agad niyang napansin ang maliit na mesa sa tabi ng bintana, may mga bagong colored pencils at blank sketchpad. Para bang alam na alam ng mga Huangcho kung ano ang mga hilig niya. “Salamat, Katana,” mahina niyang sabi, punô ng pasasalamat at pagkamangha. “No need to thank me, silly!” sagot ni Katana, sabay akbay sa kanya. “You’re my sister now. Everything here is also yours.” Kumatok si Doña Catherina sa pinto. “Girls, dinner is ready.” “Coming, Mommy!” masiglang sagot ni Katana. Bago sila lumabas, tumingin ulit si Arisielle sa paligid ng kwarto — sa mga damit, laruan, at art set na parang matagal nang naghihintay sa kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan, naramdaman niya ang kakaibang init sa dibdib… Ang init ng na pagtanggap sa kanya ng pamilya. Init na nakagiginhawa at natupad na rin ang pangarap niya na magkapamilya. Bumaba na sila at nang makarating sa dining hall, bumungad sa kanila ang mabangong amoy. Amoy steak at garlic butter. Napakalawak ng mesa — may mahigit labing-limang upuan kahit siyam lang sila sa bahay. Sa gitna, may plato ng pang appetizer na fruits and cheese, roasted beef steak, mashed potatoes, broccoli, at sparkling juice sa bawat baso. Naupo siya sa tabi ni Katana habang ang mga kuya ay abala sa kanya-kanyang trip. Si Kris, gaya ng inaasahan, maayos at tahimik. Si Krig, ay inaayos ang steak niya parang chef sa TV. Si Knife naman, tahimik na naghihiwa ng karne — bawat galaw, eksaktong-eksakto, parang sanay sa disiplina. “Arisielle, anak,” tawag ni Doña Catherina habang hinihiwaaan ng mga piraso ng karne si Kleaver. “Feel at home, ha? Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa amin.” “Opo, salamat po.” Mahina ngunit taos-puso ang sagot ni Arisielle. Katahimikan muna sa umpisa — tanging kaluskos ng kubyertos ang maririnig. Hanggang sa marinig ni Arisielle ang isang mahinang “Eww…” Napalingon siya kay Kleaver. Nakakunot ang noo ng bata habang nakatitig sa berdeng gulay sa plato niya. “Ayoko nito,” sabi niya habang itinuturo ang broccoli. “Mukhang maliit na puno.” Halos ma- uyam ito. “Tama siya,” sabat ni Kunai, sabay tulak din ng broccoli sa kanyang plato. “Para tayong rabbit nito.” “Tsk. Eat your veggies,” si Kris na agad ang sumita, seryosong seryoso habang nagsasalin ng juice. “Kailangan niyo ‘yan para tumangkad kayo.” “Ayoko tumangkad kung broccoli ang kapalit!” reklamo ni Kleaver, sabay pamewang pa. Napatawa si Katana. “Kunai, ikaw rin. Huwag kang pumapapel.” Pero nang sandaling lumingon si Kleaver para tumingin sa mommy niyang may kausap sa phone, napansin ni Arisielle ang mabilis na galaw ni Kunai — siniksik nito ang kalahati ng broccoli niya sa plato ni Kleaver! Paglingon muli ni Kleaver, napasinghap siya. “Ha?! Bakit dumami ‘to?! Mommyyyy!” halos mangiyak-ngiyak niyang sigaw habang itinuturo ang plato. Nagpigil ng tawa ang lahat. Si Krig halos malaglag sa upuan kakatawa, habang si Knife tahimik lang pero bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Baka may magic ang broccoli mo, Kleaver,” kunot-noong sabi ni Katana habang pinipigil ang tawa. “Hindi ‘yan magic! Nilipat ni Kuya Kunai!” singhal ni Kleaver, ngayon ay talagang mangiyak- ngiyak na. “Ayoko ng broccoli, pati broccoli ng iba ayaw ko rin!” Natawa na si Doña Catherina, sabay haplos sa buhok ng anak. “Okay, okay. Mommy will take the broccoli away.” Sabay kuha niya ng plato ni Kleaver at pinunasan ang luha nito. “See? Problem solved,” sabi ni Don Arsenio habang tahimik na sinusubo ang steak niya. “But next time, maybe the broccoli just wanted a friend.” Napatawa lahat — pati si Arisielle. Sa unang beses sa matagal na panahon, natawa siya nang walang takot, nang walang bigat sa dibdib. Pag-angat niya ng tingin, sinalubong siya ng mata ni Knife — tahimik, malamlam, pero may kakaibang init. Bahagya siyang ngumiti, at tumango ito bilang tugon, bago muling bumalik sa kanyang plato. Sa gitna ng tawanan at ingay ng mga pinggan, naisip ni Arisielle... Siguro, ito nga talaga ang simula ng bago niyang buhay. Isang masayang gulo na gusto niyang gumising sa ganitong masayang pamilya araw-araw. Pagkatapos ng hapunan, sabay-sabay silang naglakad papunta sa living room mas malaki ito at mas malawak, at gaya ng lahat ng nasa bahay na iyon — engrande rin ito. Ang sahig ay gawa sa marmol, at sa gitna, may malaking grand piano na kulay itim, kumikintab sa ilalim ng mga ilaw ng chandelier. “Ang ganda…” hindi napigilang sambitin ni Arisielle sa mahinang tinig. “This is the main living hall, where we gather and use this place for events and parties,” sabi ni Katana, habang humihila sa kanya paupo sa malambot na sofa. “Dito rin nag- play ng piano ni Kuya Knife.” Lumapit si Doña Catherina, may hawak pang wine glass at nakangiti ng malambing. “Knife, hijo… could you play something for us?” Nag-angat ng tingin si Knife mula sa librong hawak niya — tahimik, kalmado, at parang lagi siyang nag-iisip ng malalim. “Now?” tanong niya, mababa ang boses, halos malamig pero may lambing kapag kausap ang ina. “Yes, darling. Your siblings missed your music.” Nakangitng paglalambing ng ina nila. Pilyang ngumiti si Katana. “And our new sister hasn’t heard you play yet!” Bahagyang tumaas ang kilay ni Knife, pero hindi na tumutol. Binaba nito ang librong hawak at tumayo siya, tahimik na lumapit sa piano. Bago siya umupo, marahan niyang hinaplos ang ibabaw ng instrumentong para bang ito’y lumang kaibigan. Tahimik ang lahat. Pati si Kleaver na kanina’y umiiyak dahil sa broccoli, ngayon ay nakaupo sa sulok katabi at nakayakap sa ama nila na si Arsenio. Pagdampi ng daliri ni Knife sa mga piano keys, agad napuno ng musika ang buong sala. Hindi iyon simpleng tugtugin lang — bawat nota ay parang may kwento. Minsan ay malambing, minsan ay mabigat. Para bang ang tunog ay galing sa lugar na hindi basta mararating ng ordinaryong tao. Si Arisielle ay napatigil, napalunok, at hindi maalis ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat galaw ng daliri ni Knife, may nararamdaman siyang kakaiba — parang pinipisil ng musika ang puso niya, at sabay pinapalaya. Nakatingin siya sa gilid ng mukha ni Knife — tahimik, seryoso, at parang laging may tinatago sa likod ng mga mata. Bakit parang ang lungkot ng mga mata niya kahit maganda ang tugtugin? tanong niya sa sarili. “Ang galing mo, Kuya Knife!” sigaw ni Kunai nang matapos ang tugtog, sabay palakpak nang masigla. Sumunod din ang lahat. “Beautiful as always,” sabi ni Doña Catherina, puno ng pagmamahal ang tinig. Ngumiti lang si Knife nang bahagya at tumango. “Thank you, Mom.” Napatingin si Knife kay Arisielle — saglit lang, pero sapat para magpatigil ng tibok ng puso niya. Ngumiti siya nang mahina, pero agad ding umiwas ng tingin. Ayaw niyang mahalata ng iba. “Next time, turuan mo rin ako niyan,” ani Katana habang tumabi kay Knife. “Matuto ka munang makinig,” natatawang sagot ni Knife, na siyang unang beses niya At habang nagkukulitan ang magkakapatid, si Arisielle ay nakaupo lang at tahimik na pinapanuod ang magkapatid. Sa gabing iyon, habang pinapanood niya ang masayang pamilya na ngayon ay kanya na ring tahanan, isang tahimik na pagnanais ang tumubo sa puso niya:bSalamat, Diyos ko, dinala mo ako sa masaya at mababait na pamilya.LUMIPAS ang ilang kanta, tawanan, at masasayang pag kuha ng mga pictures para sa memories. May sumigaw mula sa gilid. “POOL!” sigaw ni Krig iyon na parang may rally. “Night swim tayo!”“YES!” sabay-sabay na sigaw nina Rico, Ken at Bella.Nagtinginan ang magkakapatid. Ngumiti si Katana kay Arisielle. “Game ka ba, birthday girl?”Nag-atubili sandali si Arisielle bago tumango ng, “game.” Ngumiti siyang malapad.Mabilis na naglipatan ang ilan sa pool area sa likod ng mansion. Ang mga ilaw sa paligid ng pool ay naka-warm white, kumikislap sa tubig na parang maliliit na bituin. Ang kaninang tahimik na gabi ay napalitan ng mga binata at dalaga na naghaharutan. Malamig ang hangin pero may heater naman ang pool ng mga Huangcho. Tumugtog ulit ang portable speaker ng party club mix.Nagpalit na sila ng pang-swimming. Simple lang ang suot ni Arisielle. Isang pink na one-piece na may manipis na cover-up. Nagtinginan naman sa kanya ang mga kapatid niyang la
NANDOON siya. Naka- black strapless balloon mini skirt dress pa ito. Lumakad siya suot ang high heels gladiator shoes. Nang makita niya si Knife pumunta siya doon at pumulupot agad siya sa braso nito.May kirot na naramdam si Arisielle nang makita niya si Agatha na nakayakap sa isang braso ni Knife. Parang gusto niya mag- walk out, pero party niya iyon. Siya dapat ang bida. At siya dapat ang prinsesa ng araw na iyon. Hindi naman nakatiis si Katana at kinompronta si Agatha."Who invited you here?" Naka crossed arms pa ito."Kat, okay lang." Sabi ni Arisielle. Para hindi na lumaki ang gulo. Sa isip ni Arisielle, para makapag- start na rin sila."No Arisielle." Masungit na tiningnan niya ang kapatid, sabay baling ng tinging nakamamatay kay Agatha. "Hindi ka invited dito and get away from my brother!" Bulyaw ni Katana sa uninvited guest.Inikutan niya ng mata si Katana at nakangisi pa ito na parang isang kontrabida sa pelikula. "Tit
DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang birthday ni Arisielle. She's now turning 18. Mauuna si Arisielle mag- birthday bago si Katana. Ilang buwan lang naman ay mag- birthday na rin si Katana. Malakas naman ang speaker na naka- connect doon ang iPod ni Arisielle gamit ang jack. Tumutugtog sa background ang paborito nilang K-pop group na sikat ng panahon na 'yon. Isang all girl group na may walong miyembro. Kasalukuyang naroon sila sa kuwarto ni Katana."I can't believe it that you turn down Mom's offer for a cotillon." Sabi ni Katana habang ni- braid ang buhok ni Arisielle. "It's a debut sis, once in a lifetime ka lang mag- eighteen."Bahagyang natawa si Arisielle habang naglalagay ng cherry flavored liptint. "Madami nang binigay ang family niyo sa akin, Kat- kat, kaya okay na sa akin ang simpleng celebration. Close family and friends lang ang invited."Ngumiti si Katana sa tapat ng repleksyon nila at matapos ayusin ang buhok ni Arisielle ay niyakap ang kapatid mula sa liko
NASA living room ang Huangcho siblings nang humahangos si Knife na dumaan sa kanila. Walang 'hi' o 'hello, I'm home' na usual na bati ng magkakapatid tuwing umuuwi ng bahay. Tumigil si Kleaver na nag- practice mag- piano. Sinara naman ni Kris ang librong binabasa niya. Maging si Katana ay napatigil sa pagpipinta niya. Si Krig at Kunai ay tumigil sa paghaharutan nila na wrestling. Takang- taka ang lahat sa kilos ng kapatid nila, nagkatinginan pa silang magkakapatid na naroon sa salas. Dumeretso si Knife sa kitchen, binuksan niya ang fridge at kumuha ng bottled water saka tinungga iyon. Sobrang inis na inis sa pangyayari kanina sa cafè. Nang maubos ang bottled water, inis niyang piniga at nilapirot iyon gamit lamang ang isang kamay niya saka itinapon iyon ng pabalibag sa basurahan. "Damn it!" Bulalas niya at umigtig ang mga panga niya. Ilang minuto lang ay sumunod naman si Arisielle na parang wala sa sarili pero parang may h
ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat ng ulo niya si Knife at matalim na tiningn
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic







