LOGINPAGDATING nila sa cafeteria, si Ken agad ang kumilos. Inilabas ang tablet niya, kinonek sa school security system, at binuksan ang CCTV feed.
“Okay, eto yung dessert bay cam,” sabi ni Ken habang pinapaikot ang footage. Lumapit si Knife sa likod niya, nakatayo, braso naka-fold, at nagmamasid. Sa gilid naman, tahimik si Arisielle pero nakatingin din. Pinili ni Ken ang timestamp ng latest report — yung five minutes lang ang nakalipas. Sa video, makikita ang tray ng carrot cake na kakalagay lang… pero ilang segundo lang, may lilim na sumulpot mula sa kanang kuha ng camera. Isang lalaking naka-uniform ng maintenance staff. Mabagal ang kilos. Pero sigurado. Dahan-dahan niyang kinukuha ang carrot cake isa-isa, nilalagay sa isang faded eco bag… at umalis na parang walang nangyari. Napatakip ng bibig si Katana. “Si… Mang Pedring?” “Hindi siya mukhang masamang tao,” bulong ni Bella habang nakakunot ang noo. “Hindi rin niya nilingon ang paligid. Parang… sanay na siya.” “Sabagay,” sabi ni Rico, “hindi rin siya nagtatago. Parang normal routine.” Naglakad si Knife papalayo, diretso sa exit. “Let’s go. Alam ko kung saan siya pupunta.” Sumunod silang lahat—si Katana, si Arisielle, Rico, Ken, Bella. Tahimik. Wala nang ingay na pambubully or biro kanina lahat ay seryoso na malutas ang kaso ng pagnanakaw ng carrot cake. Dinala sila ni Knife sa west wing, ang lumang bahagi ng RHIS na hindi na ginagamit. Basa ang sahig, luma ang mga ilaw, at may amoy ng alikabok. Pero may maririnig silang mga boses. Mahihinang tawa ng mga bata. Nang sumilip sila sa nakaawang na pinto, nakita nila: Si Mang Pedring, nakaluhod, pinapaghati-hati ang carrot cake sa paper plates. Nasa harap niya ang mga mahigit sa sampu na street children — payat, puno alikabok at putik ang mga paa, marurungis, pero mga nakangiti sa mga labi nila dahil sa dala sa kanilang pagkain ng mahabaging matandang janitor. “Dahan-dahan lang ha,” sabi ni Mang Pedring, hinahaplos ang buhok ng isa. “May dadalhin pa akong tinapay mamaya pag break time. Kapag nagutom pa kayo, sabihin n’yo lang sa akin.” Napakapit sa dibdib si Katana. “Oh my God…” Si Arisielle, napalunok, ramdam ang init sa mata niya.Parang may kumurot sa dibdib ni Arisielle. Ilang beses na rin siyang naki-share ng isang pirasong tinapay noon sa orphanage. Alam niya ang itsura ng batang gutom… alam niya ang pakiramdam. Si Knife… nakatingin lang. Tahimik. Pero may nabasag na lamig sa mga mata niya. Lumabas si Mang Pedring para itapon ang basyo ng juice box sa tabi—at doon niya napansin sila. Nanlaki ang mata niya. “Ah— mga… mga sir, mga ma’am… patawad po… pasensya na po… hindi ko naman ginagawang masama—” Hindi nakapagsalita si Mang Pedring. Nakatayo siya, nanginginig ang kamay. Lumapit si Knife, mabagal, walang galit sa boses. “Since kailan, Mang Pedring?” Napayuko ang matanda. “Simula po no'ng nakaraang buwan. May mga batang tumatakas sa shelter dahil gutom. Eh ako lang po… ako lang po ang may access sa kitchen kapag umaga…” Tumingin ang matanda, namumula ang mata. “Pasensya na po, Dapat pinaalam ko na lang. Pero… kung ipagpaalam ko po, baka ‘di sila pumayag. E… hindi po ako makatanggi kapag bata ang usapan at nagugutom.” Paliwanag nito na puno ng pagsusumamo. Tahimik ang buong grupo. At doon, iniyuko ni Katana ang ulo niya, sabay bulong kay Arisielle, “He reminds me of… Daddy. He helps kids quietly.” Tumikhim si Knife, kinuha niya ang malaking eco bag ni Mang Pedring. Naglakad siya sa hindi kalayuan na building. Bukod sa pagiging club leader ng TSB, miyembro rin si Knife ng chess club, orchestra club at pistol shooting club. Malapit lang ang gym ng pistol shooting club nila rito at may susi siya dito. Nang bumalik siya… inilapag iyon sa mesa. Puno ito ng mga tinapay, sports drinks, granola bar at mga oatmeals. Nagtaka ang lahat. Sabay nagsalita si Rico. "Hala baka magalit si coach, sa mga players yan." Turo niya sa eco bag na maraming laman na pagkain. Hindi niya pinansin si Rico. At marahan na nagsalita si Knife. “Mang Pedring… from now on, everyday, kami na magdadala ng pagkain para sa kanila.” Diretsahan niyang sabi. “Hindi mo na kailangang magtago.” Lumapit si Knife at napansin ni Arisielle na mas mahigpit ang hawak ni Knife sa eco bag bago niya iyon ibigay kay Mang Pedring — halos parang ayaw niyang ipakita na natatamaan din siya. Saka nagpatuloy na magsalita. "Our club will raise funds para sa mga bata na 'to. Para sa kanilang food and clothing. And as for the shelter, I will tell my mom and dad about this. Para mabigyan sila ng tahanan." Napatulala ang matanda. “Sir… hindi ko po alam anong sasabihin…” “Huwag na kayo mag-sorry,” sagot ni Knife. “Kailangan lang natin ng discretion. At bawal ang food theft sa records. So… keep it between us.” Sumunod si Katana, sabay abot ng sariling sandwich sa bata. “Eat more. Para tumaba kayo naman kayo kahit konti.” Si Rico nagtago pa kunware ng luha. “Guys… bakit ganito? Wednesday pa lang, pero season finale vibes na.” Binigwasan naman si Katana si Rico. Pasimple at mahina lang yun pero hindi inaasahan ni Rico yun na lumanding sa sikmura niya kaya ininda niya ang sakit. Si Ken umiling pero tumango rin. “Fine. I’ll arrange a donation drop. Anonymous.” Si Bella, naglista agad. “Tawagin natin itong Project Carrot.” At sa gilid… Nagkatinginan naman sina Arisielle at Knife. Hindi nag-usap — pero nagkaintindihan. Minsan, ang coldest people… sila rin yung may pinakamalambot na puso. +++ Bumalik na silang lahat ng klase. Nakasuot na sila ng pang P.E. uniform nila. Magkakahalo na ang grade 7 at grade 8 na star section. Ang section nila Arisielle at Knife. Pati si Katana na grade 7. Naghahanda sila sa kanilang palaro na 'dodge ball.' Alphabetical arrange ang mga hanay at dahil parehas na ng apelido sina Arisielle at Knife ay sila ang magkatabi sa hanay. Pero hindi nagtagal iyon nang may sumingit sa gitna nila. Si Agatha Coreo. “Knife darling, you didn’t tell me that she's your stepsister, balita ko pa she's also a member of TSB?” sabi ni Agatha. Habang nakapalupot na ang braso nito sa braso ni Knife. Ngunit hindi pinansin ni Knife si Agatha.Tumingin si Agatha kay Arisielle. “Cute. Pero sana lang, hindi mo rin i-drag pababa ang reputation ng RHIS. Dito, kailangan brilliant ka. Hindi lang pretty face na kinuha ni tita Catherina para lang may playmate si Katana.” Bago pa man makasagot si Arisielle, gumalaw si Knife. Ang kanyang sing tamis ng pulot na kulay ng mga mata ay tumama kay Arisielle, ngunit ang bibig niya ay walang preno. “Agatha,” malamig niyang tawag. “Ibinigay ko ang recommendation kay Arisielle dahil nakakuha siya ng 98 sa Logic Analysis. Mas mataas sa’yo noong placement exam mo.” Ngunit hindi siya tumigil doon. “At huwag kang mag-alala, Agatha,” sabi ni Knife, "sa huli naman tayo pa rin. Because of that stupid family business." Wala pa rin itong reaksyon at malamig pa rin ang mga galaw, parang tanggap na ni Knife ang magiging future niya. Tumawa si Agatha ng mahinhin pero para kay Knife ito ang pinakanakakainis na tawa sa lahat. "At the end, my Knife is still mine." Sinamaan ng tingin ni Agatha si Arisielle. Ang tingin niya rito walang awa. Nagsalita naman si Knife. Isang pananalita na mag papamulat kay Arisielle sa realisasyon na kahit kailan hindi siya magiging ganap na Huangcho. Isang katotohan na kathang- isip pa rin sa mata ng iba. At isang pananalita na pabor na marinig ni Agatha. "Ang totoo, she's my substitute sister, a replacement for my sister Kalis. Kaya kailangan mo mag ayos ng performance mo dito sa RHIS, dahil ayaw kong makita ni Mommy na may defect ang pinili niya. Huwag mong sirain ang reputasyon ng pamilya namin.” Parang may malamig na humaplos sa batok ni Arisielle. Alam naman niyang totoo iyon… pero iba palang marinig nang diretso, sa harap ng mismong kapatid niya, ang stepbrother niya na si Kuya Knife niya. "Yeah... Alis ka na dito girl. Doon ka sa kabilang grade level kay, Katana. Doon ka sa mga mahihina ang utak." Pagtataboy sa kanya ni Agatha at sumisenyas pa ito sa kamay niya na pinapaalis siya. Pero bago pa man makapagsalita sana si Arisielle. Si Knife na ang nagsalita muli. Matalim at sing talim ng pangalan niya. "Agatha... Kung magsasabi ka ng walang utak sa ibang tao. Ano ang tingin sa'yo ngayon? Hindi mo nga alam ang kapasidad ng isang tao na sinasabihan mong walang utak." Ipiniksi ni Knife ang pagkakapalupot sa kanya ni Agatha at naglakad palayo saka sumama sa hanay nila Rico at Ken. Ngumiti lang ng tipid si Arisielle kay Agatha para asarin dahil kanina pa siya nagtitimpi, gusto niyang sumagot pero hindi siya makasingit. Gusto niyang makita ang reaksyon ni Agatha na nanaiinis at tagumpay siya. Minsan kasi ang pagiging tahimik lang at kalmado ang magpapatalo sa kalaban mo. Umalis na rin siya at humalo sa iba pang babae na kaklase niya. Ngumiti naman siya kay Bella at inakbayan siya nito. Pumito na ang coach at nagsimula na ang mga estudyante na mag handa para sa palaro na dodge ball. *** Author's note: Teenfic muna may seperate book kasi sila and puros deduction and mystery. Kinukuha ko lang yung mahahalaga doon kaya natatagalan update nito. Don't worry i release ko din 'yong teenfic version nito baka sa ibang platform ko na ipublish. And iba yung title. The TSB Chronicles.ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat ng ulo niya si Knife at matalim na tiningn
PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic
NAGTUNGO sa gawi nila si Agatha. Taas- noong nakatingin sa kanila ng masama at parang siya ang tunay na reyna ng Foundation Day. Sa likod niya, naroon nakaabang ang mga minions niya na sina Missy at Portia. Nagbubulungan na ang ibang students na nakasaksi ng halik. Hindi lahat malinaw ang nakita, pero sapat na ang ingay para may umalingawngaw na tsismis. Si Arisielle, namutla. Parang naipit sa gitna ng dalawang mundo na hindi dapat nagtatagpo. “Isasakripisyo mo talaga ang pangalan mo at ang Huangcho para lang sa babaeng ito?” Walang preno nitong sabi. Sapat na iparating na isang eskandalo ang inuumpisahang silaban. Hindi agad sumagot si Knife.Pero ang panga niya ay umigting. Ang kamay niyang kanina ay nakahawak pa sa braso ni Arisielle, ay binaba niya at unti-unting kumuyom. Si Agatha, mas lalo pang ngumisi. “See? You can’t even deny it properly. Alam ko knife… you want her. Halata sa paraan mong tumingin. Halata sa paraan mong—” “Agatha.” Mababa ang boses ni Knife. Malamig n
KAHIT anong pilit niyang ipinaalala sa sarili kung ano ang tama, isang bagay ang hindi niya kayang itanggi: Na habang nakatingin si Knife sa kanya, parang buong mundo naglalagablab. At siya lang ang tanging taong gusto nitong iligtas mula sa apoy. Dahan-dahang humakbang paatras si Arisielle at para buoin muli ang pagitan sa kanila, bitbit pa rin ang panda plushie, pilit pinapakalma ang sarili. Pero hindi umiwas si Knife. Hindi rin siya umatras. Nakatayo lang siya sa dating pwesto. Ang mga balikat ay tense, his jaw clenched, at ang mga kamay na parang ayaw bitawan ang hangin na iniwan ni Arisielle. “Arisielle…” tawag niya, mababa, halos punit ang boses. “Sabihin mo sa’kin. Do you want me to stay away?” Nanigas si Arisielle sa kinatatayuan niya. Hindi siya agad nakakibo. Para siyang nalunod sa dalawang mata ng kuya KB niya... ang mga mata na parang may hawak na bagyo. Hi
PARANG may sumabog na dinamita sa dibdib ni Arisielle.Nakatayo lang siya roon at napayakap siya sa ng mahigpit sa panda plushie, nakapako ang tingin sa kuya KB niya… na hinahalikan ni Agatha. Hindi mabilis. Hindi rin mabagal. Pero sapat para bumiyak ang puso niya.Hindi siya makahinga.Hindi siya makagalaw.Hindi niya alam kung bakit pero parang biglang lumiliit ang paligid. Naririnig niya ang tawa ng mga estudyante sa paligid, naririnig niya ang mga sigawan sa booths, may nag- video pa gamit ang camrecorder na para i-upload sa social media. Parang nasa ilalim siya ng tubig na handa nang malunod.At ang pinaka-masakit?Hindi man lang umatras ang kuya KB niya. At hindi rin gumanti ito ng halik kay Agatha. Nakatayo lang ito na parang nag-freeze pero hindi niya itinulak ang babae.At iyon ang napagtanto ni Arisielle. Para siyang sinapak ng realidad. So, ganito pala ang feeling… kapag wala kang karapatan magselos.
GUSTONG manatili ni Knife sa ganoon posisyon. Ayaw niyang pakawalan si Arisielle, ang kaso baka makahalata na ang mga kapatid nila, kaya pumasok na sila. Doon ay nakita ni Arisielle ang iba pa niyang mga kaibigan.Sina Rico, Ken and Bella. Mga kasama nila sa Student Bureau Club. "Ano ba 'yan, Rico. Asintahin mo naman duleng ka yata eh. Iyan ba ang lumalaban sa pistol firing club?" Reklamo ni Katana kay Rico habang sinusubukan barilin ng air gun pellete ang pato na laruan para makakuha siya ng stuffed animal panda para sana kay Katana."Hindi ako duleng! Natamaan ko nga yung tatlo. Dalawa na lang makukuha ko na yung stuffed animal na gusto mo." Medyo may pagsusungit kay Katana dahil nag- ko- concentrate siya."Kuya Knife... Ikaw na nga lang kumuha ng plushie na gusto ko. Wala kasi tong kwenta si Rico.""Asintahin mo kasi muna Rico bago mo i- release nagsasayang ka ng pellete eh." Payo ni Ken sa kanya."Edi ikaw na dito." May inis sa tono ng boses ni Rico. "Akin na." "Hey!" Iniwas ni







