Share

Chapter 3 - Good news

Penulis: Gelnat14
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-01 17:56:49

Narinig kong tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako patungo sa canteen. Kaya saglit akong huminto at kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko. Nakita ko naman na si Bea ang tumatawag kaya kaagad ko na itong sinagot.

 "Hello, Beshie!"  bungad ko sa kan'ya.

 "Beshie, tapos na ba ang klase mo?" tanong niya.

"Oo, papunta ako ngayon sa canteen nagugutom na kasi ako, ikaw?"

 "Sakto, Beshie. Nandito ako ngayon sa canteen."

"Ahh, Okey! sige papunta na ako riyan." Ibinaba ko na ang tawag at nagmadali na sa paglalakad.

  Pagpasok ko ng canteen ay kaagad kong hinanap si Bea. Kaagad ko rin naman siyang nakita sa dulong bahagi. Lumapit na muna ako sa counter at nag-order dahil gutom na talaga ako.

  Pagkakuha ko ng in-order ko ay kaagad na akong lumapit sa mesa kung saan naroon si Bea.

"Beshie, kanina ka pa ba rito? Nag-order na ako ng food, gutom na talaga ako. Kumain kana ba?" tanong ko kaagad sa kan'ya pagkalapit ko.

 "Oo, tapos na ako, Beshie. Sasamahan na lang kitang kumain." Inayos niya ang mga gamit niya sa mesa para makapwesto ako. Parang masaya siya ngayon a.

Natanaw ko naman sa 'di kalayuang mesa ang mga campus heartthrob na sina Mark, Anton, Dave, James at ang crush ni Bea na si Ken. Kaya siguro s'ya narito at gusto pa ako samahan kumain dahil narito ang crush niya na hindi naman siya napapansin.

Sila ang mga nagguguwapuhang mga lalaki dito sa University. Mga pinapangarap ng karamihan sa mga babae. Hindi lang kasi sila guwapo kundi mayayaman pa. Pero wala naman akong natitipuhan sa kanila kahit pa ba mga guwapo sila at mayaman dahil guwapo nga, mga chick boy naman. Kaliwat kanan ang mga girlfriend.

"Magkuwento ka naman, Beshie," sabi niya na animo'y excited.

 "Tungkol saan?" maang ko. Alam ko naman kung ano ang pinapakuwento niya, pero tinanong ko pa rin.

"Kumusta 'yong bago ninyong Professor?" Ngiting-ngiti siya na animo'y kinikilig sa gustong malaman tungkol sa masungit kong Professor.

 "Ah, iyon ba? Okey naman," malamya kong sagot habang sumusubo na ng pagkain. Parang ngayon lang ako nagutom ng ganito.

 "Beshie, iyon lang?! Okey lang?! Wala man lang kuwento diyan?" Sumimangot ang kaniyang mukha na waring nagtatampo. Nangalumbaba pa siya sa harapan ko.

 Kinulit niya ako ng kinulit na magkuwento kaya naman wala na akong nagawa pa. Kinuwento ko na sa kan'ya ang mga nangyari simula kanina sa Coffee Shop, at iyong nagulat ako na siya ang bagong Professor.

Ikinuwento ko rin ang tungkol sa sketch at sa pagpapahiya niya sa akin. Pero imbis na mainis ay parang kinikilig pa siya sa kuwento ko.

 "Parang gusto ko pumasok sa klase niya, Beshie. I want to learn more from him." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nakapangalumbaba siya at nakataas ang mga mata na animo'y nangangarap.

"Learn more?! Tumigil ka nga. Napakasungit niya at ipinahiya pa niya ako sa buong klase. Anong matutunan mo sa kan'ya?" inis na sabi ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.

 "Okey! So, hindi pala ako dapat na matuwa sa kan'ya , pero siya pa rin ang Professor mo," may panghihinayang niyang sabi.

 "Yes, but it's okey. I can manage," ani ko sa kan'ya. A-attend pa rin naman ako ng class niya dahil wala naman akong pagpipilian. Titiisin ko na lang siguro ang kasungitan niya tutal malapit naman na ang graduation.

"Nga pala, Beshie. May job interview ako next week, baka naman p'wede mo ako pahiramin ng pormal na damit."

"Oo naman, ikaw pa ba. Teka, nag-apply kana? Bakit ang aga naman yata?" may pagtataka niyang tanong, bakas din ang bahagyang pagkagulat sa mga mata niya.

"Gusto ko na magka-work 'agad pagka-graduate. Nahihiya na ako sa kapatid ko nuh. Ayaw ko na umasa sa kaniya. Ang dami na niyang hirap sa akin."

  Simula nang ma-ulila kami sa mga magulang ay ang nakatatandang kapatid kong babae na lang ang pamilya ko. Siya ang tumayong mga magulang ko, sinuportahan niya ang pag-aaral ko at mga kailangan ko sa araw-araw. Nagtatrabaho siya sa isang kompanya sa ibang bansa. Kaya naman pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para makakuha ng magandang trabaho.

LUMIPAS ang mga araw na naging maayos naman ang mga klase ko kay, Mr. Ford. Gano'n pa rin siya, masungit at perfectionist sa lahat ng bagay. Pero parang mas gumaguwapo pa siya araw-araw kahit napakasungit niya. Pinilit ko na lang makinig sa mga lesson niya kahit wala naman akong naiintindihan dahil naka-focus lang ako sa kaguwapuhan niya.

Ngayon ang araw ng job interview ko sa isang kompanya. Nagmadali akong nagtungo sa building nang inaplayan ko at kaagad hinanap ang HR department para sa interview. Suot ko ang puting long sleeve at pensil cut skirt na ipinahiram sa akin ni Bea. Nagsuot din ako ng 2 inch black shoes.

Abot-abot ang kaba ko nang sumalang na ako sa interview. Nagdasal muna ako na sana ay makapasa ako..

Nagtanong ang interviewer nang about my self, skills at kung ano ang ma-contribute ko sa kompanya. Sinagot ko lang ng naaayon sa alam ko. 

Pagkatapos ng interview ay naghintay muna ako para sa result. May mga kasama rin ako rito na mangilan-ngilan na applicant na pawang mga naghihintay din sa resulta ng interview.

Lumabas ang HR personel at tinawag ang mga nakapasa. Laking pasasalamat ko ng tawagin ang pangalan ko.

Binigyan kami ng list of requirements. Kukumpletuhin ko na ito kaagad, para graduation certificate na lang ang kulang. May trabaho na agad ako pagka-graduate ko.

Masayang-masaya ako, kaya naman tinawagan ko kaagad ang kapatid ko para ibalita na magkakatrabaho na ako. Masaya naman ang kapatid ko para sa akin. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na niya akong alalahanin, dahil kaya ko na ang sarili ko. Nagpasalamat din ako sa kaniya sa lahat ng sakripisyo niya sa akin. Ako naman ang babawi sa kaniya.

Habang papalabas na ako ng building ay nagulat ako ng bigla nalang akong sumalpok sa isang matigas na— dibdib?

Omg! dibdib nga. Ang tigas at mukhang ma-muscle na batak sa gym.

Napatunghay ako sa mukha ng taong nagmamay-ari noon. Nanlaki ang mga mata ko ng matunghayan ko siya. Sh*t! ang guwapo niya talaga, makalaglag panty.

 "Mr. Ford?"

"Ms. Collins, Are you alright?”

 "I-I'm sorry, Sir."

 "I'm sorry also, hindi kita napansin kaagad." Nagulat ako sa inasal niya dahil parang ang bait niya ngayon. Parang walang regla. Mahinahon ang pagsasalita niya at masuyo rin ang mga mata niya. Parang lalo pa siyang gumaguwapo sa paningin ko habang tumatagal. Sh*t! 'wag ka naman masyado pa-fall.

 "Why are you here?" tanong niya sa akin at mukhang nagtataka.

 "A-ah, a-no." Nagulat naman ako ng bigla siyang nagtanong. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Sasabihin ko ba sa kan'ya na nag-apply ako? Bakit ko naman sasabihin sa kan'ya? Pero 'di ba dapat ako ang magtaka kung bakit siya nandito?

Sabay naman kami napalingon nang may tumawag sa pangalan niya. Agad niya naman itong kinawayan.

 "I'll go ahead," paalam niya at kaagad naman akong ngumiti bilang tugon.

  KINABUKASAN pagkatapos nang klase ko ay kaagad akong nakipagkita kay Bea. Upang ibalita na magkakatrabaho na ako. Excited na akong sabihin sa kanila.

Nagmamadali akong nagtungo sa tambayan namin sa likod ng University, sa ilalim ng mga puno. Doon ang tambayan namin after class dahil bukod sa malilim ay malapit din sa basket ball court. At laging naroon ang crush si Bea na si Ken.

 "Beshie!" agad kong nakita si Bea doon. Lagi na lang siyang nauuna, nagmamadali lagi para makasilay sa crush niya.

 "Beshie, I have a good news!" Tumayo siya sa pagkakaupo niya na waring excited sa sasabihin niya.

 "Ako din may good news," masayang pagkakasabi ko rin sa kan'ya.

 "Opss! Teka sandali, ako rin mayroon." Nagulat kami nang biglang sumulpot si Avin. Si Avin ay kaibigan din namin ni  Bea. Minsan lang namin siya nakakasama dahil bukod sa school ay nagtatrabaho siya sa isang ospital bilang nurs.

"Me first," sabi ni Bea, na mukhang hindi na makapaghintay pa na sabihin sa amin ang good news niya.

"I got a scholarship for the next school year."

"Wow!" sabay naming sambit ni Avin. Talagang gusto niya ulit mag-aral next year ng ibang kurso. Nakakatuwa naman dahil masipag talaga siyang mag-aral. Sa aming tatlo ay siya ang pinakamatalino.

”Masaya kami para saiyo, Beshie,” nakangiting ani ko na bakas ang kasiyahan sa mukha ko.

"Thank you.”

 "Ikaw naman, Avin," ani ko.

 "Look!" Ipinakita niya ang isang Certificate. "Magiging regular worker na ako sa ospital at p'wede na rin ako mag-apply abroad."

 "yehey!" masayang-masaya kami at nagpalakpakan. Pangarap kasi ni Avin ang makapag-abroad. Hindi lang para magtrabaho pati na rin ang mag-tour.

 "Ikaw naman, Beshie," ani naman ni Bea, na halatang excited na rin sa sasabihin ko.

 "I got a job! At p'wede na ako mag-start kaagad, kapag nakuha ko na ang Graduation Certificate ko,” masiglang pagkakasabi ko.

"Wow, ang galing mo!" masayang sabi ng dalawa.

 "Group hug!" sigaw ni Avin. At nagyakap kaming tatlo. Walang kapantay na kaligayahan ang nararamdaman namin para sa isat-isa sa mga oras na ito.

 "Mag-celebrate tayo. G?" mungkahi ko na may napakalaking mga ngiti at bakas sa mukha ang subrang kaligayahan.

"Sure, my treat," pagsang-ayon naman ni Avin.

  "Saglit, hindi p'wede ngayon," pigil ni Bea. "Bukas ang final defense mo, Beshie."

  "Matagal ko na natapos ang thesis ko. A-attend na lang ako ng defense bukas. Minsan lang naman ito, Beshie," sabi ko sa kan'ya at binigyan ko siya ng isang kindat na may kasamang napakagandang mga ngiti sa mga labi.

 "Mag-bar tayo," sabi ko pa sa excited na tono.

"Hindi tayo p'wede magtagal doon baka ma-late ka ng gising bukas," paniniguro pa rin ni Bea.

"Magse-set ako ng alarm."

"Well, lets go." Pag-aya na ni Bea. Dahil sa pagpupumilit ko ay wala na siyang nagawa pa.

Masaya kaming nag bar, uminom ng alak at nagsayaw sa dance floor. En-enjoy namin ang ingay at crowded ng buong lugar. Marami rin kaming nainom at halos mag-uumaga na kami nakauwi.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Professor's Contract Agreement    Special Chapter - Family

    Lumipas pa ang ilang taon. Mas lalo pa kaming naging matatag na dalawa ni Albrey. Minsan sinusubukan kami ng mga pagkakataon sa buhay na alam kong pangkaraniwan na lang sa buhay mag-asawa.May mga babae kasi na talagang hindi mo maiaalis sa kanila na humanga sa asawa ko dahil sa taglay na kaguwapuhan nito, kakisigan at katalinuhan.Nauunawaan ko naman iyon, hindi ko lang din talaga maiwasan na magselos kung minsan. Syempre dahil mahal ko siya at 'di ako papayag na harutin siya ng iba. Masaya naman ako dahil hindi nagkaka-interest sa kanila ang asawa ko.Ang sabi niya ay ako lang ang kailangan niya at ako lang ang gusto niyang makasama hangang sa pagtanda namin. Talagang nagdiriwang ang puso ko noong sabihin niya iyon. Gusto ko ngang mag pa-fiesta. Pero 'wag na lang baka magtaka siya.Nadagdagan pa ang mga anak namin. Lima na sila ngayon. Oh, diba ang dami na nila. Si Sevy ang panganay namin ay 12 years old na. Nasa grade seven na siya ngayon at siya ang nangunguna sa klase nila.Nakak

  • My Professor's Contract Agreement    Special Chapter - Warning! Rated SPG!

    FIVE YEARS LATERSavannah"Ooohh, A-Albrey..!" malakas na ungol ang kumawala sa bibig ko dahil sa tindi ng sarap na ipinalalasap niya sa akin. Walang habas niyang sinisibasib ang p********e ko. Paulit ulit niyang dinidilaan at sinisipsip ang maselang parte niyon na nagpapatindi ng kiliti at sarap na nararamdaman ko.Napapaliyad ako kasabay ng sunod sunod at malalakas kung pag ungol lalo na kapag pinaglalaruan ng dila niya ang cl*t ko. Pinaikot-ikot niya hinahagod ang dila niya doon. May mga kuryenteng nagsisipagdaloy sa mga ugat ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko naman ang pagpasok ng ilang daliri niya sa loob ko at dahandahang inilabas masok iyon. "Ooh, sh*t," napamura ako sa sarap. Hindi ko alam kung saan ako hahawak. Naghanap ang nga kamay ko ng kakapitan. Nahagip ko ang kan'yang buhok at bahagyang napasabunot doon. Dahil sa sarap na nararamdaman ko ay mas idiniin ko pa siya sa aking p********e. "Feels good, baby?" tanong niya ngumangat ang ulo n'ya. Umangat ang tingin niy

  • My Professor's Contract Agreement    Epilogue

    THREE MONTHS LATER "Hindi ko inakala na darating ang araw na ito. Na muli akong haharap sa dambanang ito at magpapakasal muli sa lalaking kinaiinisan ko noon dahil sa pagiging ubod ng sungit at istrikto." Natawa si Albrey pagkatapos kong sabihin iyon sa hawak kong mikropono. "Napahiya ako sa buong klase dahil ipinamukha n'ya sa akin na pangit akong mag-drawing. Tapos ibinagsak niya pa ako sa oral defense ko dahil sa late lang ako ng ilang sigundo sa palugit na oras. Gusto pa niyang makilala ko lahat ng guro sa buong mundo bago ko sabihin na siya ang pinakawalang pusong guro na nakilala ko. Talagang napaka imposible niya." Lalo naman siyang natawa. Maging ang mga taong naririto. "Sa kabila ng lahat, pumayag akong magpakasal sa kan'ya dahil unang beses ko pa lang siyang nakita, alam kong perfect guy na siya para sa akin. Kahit na kontrata lang iyon ay umasa pa rin ako sa totoong relasyon." Nakita ko ang biglang pagningning ng kanyang mga mata. Ngumiti din ito ng pagkatamis-tamis.

  • My Professor's Contract Agreement    Chapter 65 - Albrey's POV3

    Albrey Our wedding day came. Talagang napakaganda niyang bride. Namangha ako sa kagandahan niya. Napaka-amo ng kan'yang mukha at napakatamis ng kan'yang mga ngiti.I thought then as she walk closer to me in front of the altar, that hopefully everything was just true, that it wasn't just a pretense or a show.Tanging Pamilya at mga kaibigan lang ang imbitado sa kasal namin gaya ng napagplanuhan namin bago ang kasal. Kailangan lang ay mapaniwala namin si Grandpa na totoo ang relasyon naming dalawa ni Sav.I was happy to see the happiness on Grandpa's face. I will do everything just for him. Alam kong masayang-masaya siya na ikinakasal na ako at magkakaroon na ng pamilya. My own family that he wanted for me.Nagulat ako sa pagsunggab ni Sav sa mga labi ko, na sa kabilang banda ay ikinalukso naman ng puso ko. Dahil hindi ko alam kong paano ko siya hahalikan gayo'ng nagpapanggap lang kami, pero siya na ang humalik sa akin.Her lips were so soft.Pagkatapos ng kasal naming iyon ay gusto ko

  • My Professor's Contract Agreement    Chapter 64 - Albrey's POV2

    Albrey I did not expect na pupuntahan niya ako kinabukasan. She wanted to talk to me and maybe it was about her thesis. I am busy and my schedule is full. Sumabay pa na kailangan kong magtungo sa hospital dahil kay Grandpa.I didn't know to myself why I couldn't ignore her so I just took her to the hospital. Hindi rin naman namin napag-usapan ang tungkol sa pakay niya.Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin kaming pinagtatagpo sa iba't ibang pagkakataon.Dumating ang araw na kinailangan ng operahan ni Grandpa. Ngunit mayroon siyang huling kahilingan na kailangan kong gawin para sa kan'ya. I had to bring and introduce my girlfriend to him.I don't have a girlfriend and I haven't had one before. I also have no plan to have a girlfriend. Kaya hindi ko alam kong paano ko gagawin ang kahilingan niya.Naisipan kong magbayad na lang ng isang babae na magpapanggap na girlfriend ko. Ngunit saan naman ako hahanap noon?Ilang minuto na lang at ooperahan na si Grandpa ngunit wala pa rin akong na

  • My Professor's Contract Agreement    Chapter 63 - Albrey's POV

    AlbreyBata pa lang ako ay kinahiligan ko na ang matimatika. Si Grandpa pa ang naging una kong guro. Isa siyang professor at hilig din niya ang matimatika.I have taken home a lot of medals and trophies because I always win Mathematical contests at school.Dahil abala ang aking ama at ina sa negosyo ng pamilya ay si Grandpa lang palagi ang aking nakakasama. Lalo na sa mga event sa school.Sampong taong gulang naman ako noong maghiwalay ang mga magulang ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang gabing iyon. Nag-away ang mga magulang ko dahil may ibang babae daw ang aking ama.Nang gabing iyon ay nauwi sa hiwalayan ang pag-aaway nila, and my father left us to join his alleged other woman.Kitang-kita ko noon kung paano na-depress ang aking ina dahil sa pag-iwan sa amin ng aking ama. Walang araw at gabi ang hindi ko siya nakitang umiyak. Hangang sa nagkasakit noon si Mama sa sobrang pangungulila niya kay papa.Hindi naglaon ay namatay si mama dahil sa matinding depression. Galit na galit ako

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status