Share

Chapter 2 - sketch

Author: Gelnat14
last update Last Updated: 2023-03-01 17:54:02

"Again, class. Good morning!" muling pagbati niya, pagkatapos niyang isulat ang pangalan niya sa white board.

Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase kong babae na waring kilig na kilig at nagsipagtilian pa nang mahihina. Ang lalandi nila.

"Ang guwapo naman ni, Sir."

"My Girlfriend na kaya siya?" mga bulong nila pero dinig naman.

"Available ako," sabi naman ng isang babae sa malanding tinig.

"I'm Albrey Ford," pagpapakilala niya sa buong klase. Napakaseryoso ng mukha niya.

"Ah, 'yon pala ang pangalan niya, akala ko Mr. Sungit," naibulong ko at bahagyang natawa nang maalala ko ang nangyari kanina sa Coffee Shop.

"From today on, I will be your new Professor and I'm responsible for two classes which are Statistics and Mathematics," pagsisimula niya. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kan'ya.

"I hope all of you will be punctual for my class. The time in the class is really valuable. So, I won't introduce myself in detail."

Napakaseryoso talaga ng mga mukha niya habang nagsasalita at halatang istrikto siya lalo na sa pananalita niya. Pero hindi naman iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Parang lalo pa nga siyang gumaguwapo dahil doon.

Bumagay din sa kan'ya ang suot niyang salamin na kulay itim ang frame. Napakapormal niyang tingnan doon.

Kung hindi lang siya masungit ay napakaperpekto na niya. Nangiti ako, ano ba itong iniisip ko. Bakit ba kasi ang guwapo n'ya kahit nagsusungit siya?

"Today, I'm going to discuss the feature of Complex Variables," pagpapatuloy pa niya sa pagsasalita.

Naririnig ko pa rin ang mga bulungan at mahihinang tilian ng mga babae sa gawi ko. Napakahaharot naman ng mga ito. Nag-uumpisa na nga ang klase 'di pa rin matapos ang mga tilian.

"Hey! Girls, Alam n'yo ba ang tsismis tungkol kay Sir?"

"Nagmarites ka na naman ba?"

"Hindi, a. May mga narinig lang ako." Na-curious naman ako sa pinag-uusapan ng mga babae kong kaklase na nasa unahan ko lang naman, kaya bahagya akong nakinig sa kanila.

"Mr. Ford is so amazing!"

"Really? Why?" tanong nang katabi niya.

"He won the international Mathematical Olympic Gold Award. Not just once but twice."

"Wow! His really awesome!" Sabay-sabay silang nagtilian. Habang may mga malalawak na pagkakangiti.

"Nag-aral din pala s'ya abroad at naging Associate Professor siya roon."

"But why did he choose to become a teacher in our University rather than working abroad?" tanong naman ng isa na bakas ang kyuryosidad sa mukha niya.

"Yo'n ang hindi ko alam, basta ang alam ko he is still single at the Age of 28. Baka mas gusto niya siguro dito dahil maraming magaganda,"

"Like us!"

"Tama!" sabay-sabay nilang sabi at kanya-kanya ng pa-cute sa harap ni Sir. Kinikilig na animo'y ngayon lang nakakita ng guwapong lalaki. Nakikinig lamang ako at hindi ko magawang makisali.

Single pa pala siya base sa narinig ko at 28 years old. Malamang dahil sa kasungitan niya walang magtatagal na babae sa kan'ya kahit pa napakaguwapo n'ya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang may dumating na mensahe. Galing ito sa kaibigan kong si Bea. Dito rin siya nag-aaral sa University sa ibang kurso. Ano naman kaya ang kailangan nito?

Agad ko naman itong binuksan at binasa.

"Beshie, Balita ko guwapo raw ang bagong Professor n'yo. Totoo ba?"

Bigla naman akong napatingin sa bagong Professor. Binawi ko rin naman kaagad ang paningin ko nang tumingin din siya sa akin. Natatandaan niya kaya ako? Siguro hindi na.

Nagtipa na ako ng mensahe bilang reply.

"Hindi siya guwapo, Beshie. Mukha na nga siyang may edad na. Napakasungit at akala mo ay mayroong regla," pagkaka-ila ko sa kan'ya. Totoo naman ang sinabi ko na napakasungit nito. Maya-maya pa ay nag-reply siya.

  "Huwag mo ako lokohin, Beshie. Maraming marites dito kaya kalat  na sa buong University." Pangungulit pa niya, kaya nag-reply akong muli.

"Huwag ka maniwala d'yan, fake news lang 'yang mga marites na 'yan, Beshie. I-drawing ko na lang siya para sa iyo." Agad naman akong kumuha ng lapis at papel sa bag ko at inumpisahan ang pag-do-drawing ko.

Hindi ako magaling sa drawing kaya nag-sketch lang ako ng tao pero walang mukha, parang stick nga lang ito. Basta ko lang ginuhit na parang siya. Wala kasi talaga akong talent doon. Ano nga ba ang talent ko? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang maganda ako. Napangiti pa ako.

"What are you doing?"

Napapitlag naman ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa harapan ko. Muntik ko pang maihagis ang lapis na hawak ko.

Dahil abala ako sa ginagawa ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Napatingin ako sa buong paligid at tahimik na rin ang buong klase at ang lahat nang paningin nila ay na sa akin na ngayon.

Dahil sa gulat ko ay 'agad kong ikinubli ang ginagawa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung para saan ang kaba na nararamdaman ko. Dahil ba sa takot na mapagalitan o dahil sa prisensiya niya.

Bakit ba hindi ko siya namalayan? Saka bakit napansin n'ya pa ako kaagad? Tinitingnan n'ya ba ako? Siguro ay naaalala niya ako.

Tumunghay ako sa kan'ya at nginitian siya ng pilit.

Hindi siya nagsalita pero mariin ang pagkakatitig niya sa akin. Para naman siyang kakain ng magandang babae sa mga titig n'ya.

Inilahad niya ang kan'yang kamay waring hinihingi ang bagay na ikinubli ko. Mas lalo ko naman iyong ikinubli.

Nang hindi ko pa rin ibigay ay siya na ang kumuha nito sa akin. Wala na akong nagawa pa nang sapilitan n'ya itong kinuha.

Sinuri niya ng mabuti ang larawan bago nagsalita. Wala naman akong mabasang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin doon. Nakakahiya iyong drawing ko.

"What is this? Is this me?" Tanong niya sa masungit na tinig. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga kaklase ko. Napayuko ako dahil doon. Nakaramdam na ako ng matinding hiya.

"A human skeleton. What kind of sketch is this?" Lalo namang lumakas ang mga tawanan.

"Even maybe in grade school it doesn't pass. Wala man lang mukha." Hindi nga ako marunong mag-drawing kaya walang mukha, kung may mukha iyan baka mas lalong hindi mo ikatuwa. Saka teka, pakialam ba niya sa drawing ko? Isip-isip ko.

"What is your name?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Parang kinilig naman ako sa klase nang pagtitig at pagtatanong niya sa pangalan ko.

Napakalapit na ng kan'yang mukha at amoy na amoy ko ang kan'yang pabango. Pasimple kong sininghot ang amoy niya.

  "I'm Savannah Collins, Sir.," mahinahon kong pagkakasambit habang nakatitig sa kan'ya na may mapupungay na mga mata. Parang gusto ko na talagang kiligin. Mahigpit kong pinigilan ang sarili ko.

"Ms. Collins, even if you want to sketch or being absent minded in the class. I hope you can make it accurate, not like this."    Napanganga naman ako sa mga sinabi niya. Akala ko pa naman kilig moment na. Napakaperfectionist naman nito, simpleng sketch lang pinatulan pa. Pano niya ba nasabi na siya iyan, wala namang pangalan at skeleton nga lang. Masyadong assumero.

"A whole picture is nothing but a stupid errors." Pahagis niyang ibinalik sa akin ang papel. Lalo pang lumakas ang mga tawanan. Grabe ang saya-saya nila, nakakagigil. Kayo na ang magaling.

Sobra-sobrang pagkahiya naman ang inabot ko. Nag-init ng husto ang mukha ko at pakiramdam ko ay sobrang pula nito. Nakakainis talaga siya, ubod talaga siya nang sungit. Araw ba talaga ngayon ng regla n'ya?

"The reason why I choose the complex variables as the first class is that I want to make it clear that everyone is required to be accurate without any errors."

"Wow!" mahinang sambit ko. Napa-wow talaga ako. Sana all perpekto. Hindi pa ba siya nagkakamali sa tanang buhay niya? Hindi ako naniniwala.

Nagpatuloy na siya sa lecture niya. Ako naman ay hindi na mapakali sa upuan ko. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil hindi ako nakikinig at wala akong balak na makinig sa kan'ya. Parang mas gusto ko pang titigan na lang siya hangang matunaw. Ay 'wag sayang naman. Natawa ako sa loob-loob ko.

Pagkatapos n'ya akong sungitan at ipahiya sa buong klase, gusto ko pa rin siyang titigan. Nakakatawa talaga iyon.

Hindi naman ako halos makatingin sa mga kaklase ko dahil sobrang napahiya ako at pakiramdam ko ay pinagtatawanan pa rin nila ako. Sila ba magaling mag-drawing? Kung makatawa akala mo kung sinong magagaling.

Nang matapos ang klase ay kaagad na rin akong lumabas. Hindi ko na inintindi pa ang mga kaklase ko. Nagtungo ako ng canteen para kumain dahil nakaramdam ako ng gutom, hindi ko alam kung sa hindi ko pagkain ng almusal o sa mga nangyari.

Pakiramdam ko araw ko ngayon. Araw ng kasungitan at naibunton sa akin lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
yeah,, chill lang Sab kaya mo yan palaban
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Professor's Contract Agreement    Special Chapter - Family

    Lumipas pa ang ilang taon. Mas lalo pa kaming naging matatag na dalawa ni Albrey. Minsan sinusubukan kami ng mga pagkakataon sa buhay na alam kong pangkaraniwan na lang sa buhay mag-asawa.May mga babae kasi na talagang hindi mo maiaalis sa kanila na humanga sa asawa ko dahil sa taglay na kaguwapuhan nito, kakisigan at katalinuhan.Nauunawaan ko naman iyon, hindi ko lang din talaga maiwasan na magselos kung minsan. Syempre dahil mahal ko siya at 'di ako papayag na harutin siya ng iba. Masaya naman ako dahil hindi nagkaka-interest sa kanila ang asawa ko.Ang sabi niya ay ako lang ang kailangan niya at ako lang ang gusto niyang makasama hangang sa pagtanda namin. Talagang nagdiriwang ang puso ko noong sabihin niya iyon. Gusto ko ngang mag pa-fiesta. Pero 'wag na lang baka magtaka siya.Nadagdagan pa ang mga anak namin. Lima na sila ngayon. Oh, diba ang dami na nila. Si Sevy ang panganay namin ay 12 years old na. Nasa grade seven na siya ngayon at siya ang nangunguna sa klase nila.Nakak

  • My Professor's Contract Agreement    Special Chapter - Warning! Rated SPG!

    FIVE YEARS LATERSavannah"Ooohh, A-Albrey..!" malakas na ungol ang kumawala sa bibig ko dahil sa tindi ng sarap na ipinalalasap niya sa akin. Walang habas niyang sinisibasib ang p********e ko. Paulit ulit niyang dinidilaan at sinisipsip ang maselang parte niyon na nagpapatindi ng kiliti at sarap na nararamdaman ko.Napapaliyad ako kasabay ng sunod sunod at malalakas kung pag ungol lalo na kapag pinaglalaruan ng dila niya ang cl*t ko. Pinaikot-ikot niya hinahagod ang dila niya doon. May mga kuryenteng nagsisipagdaloy sa mga ugat ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko naman ang pagpasok ng ilang daliri niya sa loob ko at dahandahang inilabas masok iyon. "Ooh, sh*t," napamura ako sa sarap. Hindi ko alam kung saan ako hahawak. Naghanap ang nga kamay ko ng kakapitan. Nahagip ko ang kan'yang buhok at bahagyang napasabunot doon. Dahil sa sarap na nararamdaman ko ay mas idiniin ko pa siya sa aking p********e. "Feels good, baby?" tanong niya ngumangat ang ulo n'ya. Umangat ang tingin niy

  • My Professor's Contract Agreement    Epilogue

    THREE MONTHS LATER "Hindi ko inakala na darating ang araw na ito. Na muli akong haharap sa dambanang ito at magpapakasal muli sa lalaking kinaiinisan ko noon dahil sa pagiging ubod ng sungit at istrikto." Natawa si Albrey pagkatapos kong sabihin iyon sa hawak kong mikropono. "Napahiya ako sa buong klase dahil ipinamukha n'ya sa akin na pangit akong mag-drawing. Tapos ibinagsak niya pa ako sa oral defense ko dahil sa late lang ako ng ilang sigundo sa palugit na oras. Gusto pa niyang makilala ko lahat ng guro sa buong mundo bago ko sabihin na siya ang pinakawalang pusong guro na nakilala ko. Talagang napaka imposible niya." Lalo naman siyang natawa. Maging ang mga taong naririto. "Sa kabila ng lahat, pumayag akong magpakasal sa kan'ya dahil unang beses ko pa lang siyang nakita, alam kong perfect guy na siya para sa akin. Kahit na kontrata lang iyon ay umasa pa rin ako sa totoong relasyon." Nakita ko ang biglang pagningning ng kanyang mga mata. Ngumiti din ito ng pagkatamis-tamis.

  • My Professor's Contract Agreement    Chapter 65 - Albrey's POV3

    Albrey Our wedding day came. Talagang napakaganda niyang bride. Namangha ako sa kagandahan niya. Napaka-amo ng kan'yang mukha at napakatamis ng kan'yang mga ngiti.I thought then as she walk closer to me in front of the altar, that hopefully everything was just true, that it wasn't just a pretense or a show.Tanging Pamilya at mga kaibigan lang ang imbitado sa kasal namin gaya ng napagplanuhan namin bago ang kasal. Kailangan lang ay mapaniwala namin si Grandpa na totoo ang relasyon naming dalawa ni Sav.I was happy to see the happiness on Grandpa's face. I will do everything just for him. Alam kong masayang-masaya siya na ikinakasal na ako at magkakaroon na ng pamilya. My own family that he wanted for me.Nagulat ako sa pagsunggab ni Sav sa mga labi ko, na sa kabilang banda ay ikinalukso naman ng puso ko. Dahil hindi ko alam kong paano ko siya hahalikan gayo'ng nagpapanggap lang kami, pero siya na ang humalik sa akin.Her lips were so soft.Pagkatapos ng kasal naming iyon ay gusto ko

  • My Professor's Contract Agreement    Chapter 64 - Albrey's POV2

    Albrey I did not expect na pupuntahan niya ako kinabukasan. She wanted to talk to me and maybe it was about her thesis. I am busy and my schedule is full. Sumabay pa na kailangan kong magtungo sa hospital dahil kay Grandpa.I didn't know to myself why I couldn't ignore her so I just took her to the hospital. Hindi rin naman namin napag-usapan ang tungkol sa pakay niya.Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin kaming pinagtatagpo sa iba't ibang pagkakataon.Dumating ang araw na kinailangan ng operahan ni Grandpa. Ngunit mayroon siyang huling kahilingan na kailangan kong gawin para sa kan'ya. I had to bring and introduce my girlfriend to him.I don't have a girlfriend and I haven't had one before. I also have no plan to have a girlfriend. Kaya hindi ko alam kong paano ko gagawin ang kahilingan niya.Naisipan kong magbayad na lang ng isang babae na magpapanggap na girlfriend ko. Ngunit saan naman ako hahanap noon?Ilang minuto na lang at ooperahan na si Grandpa ngunit wala pa rin akong na

  • My Professor's Contract Agreement    Chapter 63 - Albrey's POV

    AlbreyBata pa lang ako ay kinahiligan ko na ang matimatika. Si Grandpa pa ang naging una kong guro. Isa siyang professor at hilig din niya ang matimatika.I have taken home a lot of medals and trophies because I always win Mathematical contests at school.Dahil abala ang aking ama at ina sa negosyo ng pamilya ay si Grandpa lang palagi ang aking nakakasama. Lalo na sa mga event sa school.Sampong taong gulang naman ako noong maghiwalay ang mga magulang ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang gabing iyon. Nag-away ang mga magulang ko dahil may ibang babae daw ang aking ama.Nang gabing iyon ay nauwi sa hiwalayan ang pag-aaway nila, and my father left us to join his alleged other woman.Kitang-kita ko noon kung paano na-depress ang aking ina dahil sa pag-iwan sa amin ng aking ama. Walang araw at gabi ang hindi ko siya nakitang umiyak. Hangang sa nagkasakit noon si Mama sa sobrang pangungulila niya kay papa.Hindi naglaon ay namatay si mama dahil sa matinding depression. Galit na galit ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status