Share

Chapter 4

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-02 09:20:01

Windy's POV

Nanatiling tahimik ang buong silid matapos bumagsak ang mapanuyang salita ni Winston.

Parang pati ang hangin ay tumigil din at hindi siya agad nakahinga. Lahat ng naroon ay hindi naka-react, pati ang abogado at kasambahay ay nagkatinginan ngunit walang nangahas magsalita.

Ako man ay hindi agad nakakibo. Hindi dahil nasaktan ako. Kundi dahil hindi ako makapaniwalang may taong kayang manghusga sa loob lamang ng ilang segundo.

"Mr. Domingo."

Bahagyang sumingit ang boses ni Attorney Castillo.

"I don't think that was necessary."

Hindi man lang lumingon si Winston.

Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang isa lamang akong malaking pagkakamali.

"I simply stated a fact."

"She's not what my grandfather described."

Humalukipkip na lang ako. Bakit? Ano bang sinabi ng lolo niya? Na maganda ako? Eh, maganda naman talaga ako. Ano pa bang hindi niya nakita sakin?

"And let me make this clear. I have absolutely no intention of marrying that woman."

Nag-init ang ulo ko. Kanina pa ako nagpapakumbaba ah. Kanina pa ako nagpapigil pero may hangganan din ang pasensya ko.

Ngumiti ako. Hindi iyong nahihiyang ngiti. Kundi iyong tipong ngumiting may kasamang babala. Wag niya talaga akong subukan kasi kung malala siya, mas malala ako.

"Alam mo..." Napatingin siya sa akin. "Mabuti naman."

Bahagya siyang nagtaas ng kilay. At hindi niya yata inakala na sasagot ako.

"Dahil wala rin naman akong balak magpakasal sa lalaking mas masahol pa ang ugali kaysa sa buhok ko."

May ilang kasambahay ang napasinghap. Isa pa nga ang napatakip ng bibig. Well, ako ito eh. Kahit pa mayaman yan ay magrereklamo ako.

Nanatiling nakatingin si Winston sa akin at hindi siya kumibo. Kaya ipinagpatuloy ko ang litanya ko.

"At least ang buhok ko, nasusuklay pero ang ugali mo, tingin ko kahit sampung suklay ang gamitin, hindi na maaayos yan."

Tumigas ang ekspresyon niya. Nasapol ba kita?

“Excuse me?"

Tumango ako. "Tama ang narinig mo. Kung makapang-insulto ka, akala mo naman perpekto ka. Eh sa totoo lang..." Sinulyapan ko siya mula ulo hanggang paa. "Maganda nga ang suit mo. Pero sayang kasi hindi pala nabibili ang respeto."

Biglang natahimik ang buong silid. Maging si Attorney Castillo ay bahagyang napakurap na lang sa pinagsasabi ko.

Unti-unting nag-iba ang tingin ni Winston. Kanina ay puro paghamak at panglalait pero ngayon, may halong pagtataka.

Baka iniisip niya na sa unang pagkakataon yata sa buhay niya, ay may taong hindi natakot sa kanya.

"Interesting." Mahina niyang sambit.

"Ano'ng interesting doon?" Tanong ko naman.

"You're either brave..." Lumapit siya ng isang hakbang. "...or unbelievably foolish."

Hindi ako umurong. Uy! Lalaban ako, hindi pwedeng hindi.

"Ako?" Ngumiti ako. "Mas gusto kong tawaging honest. Ikaw kasi, parang sanay ka na walang sumasagot sa'yo."

Muli kaming nagkatitigan. Parang may kung anong hindi maipaliwanag na tensyon sa pagitan namin. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay pareho kaming ayaw magpatalo.

"Enough."

Muling nagsalita si Attorney Castillo. Naghiwalay ang aming mga tingin at inayos ng abogado ang kanyang salamin bago nagsalita.

"The guest room has already been prepared for Miss Guanzon."

Napalingon ako sa kanya. "Guest room?"

"Yes."

"She'll be staying here." Tumingin ang attorney sa masamang ugali na bilyonaryo.

"Ano?" Sabay naming nasabi ni Winston.

"No." Mariin niyang sagot. "She is not staying in this house."

Kasabay noon ay umiling din ako. "Pasensya na po, Attorney, pero hindi rin ako mananatili rito."

Tahimik na isinara ni Attorney Castillo ang hawak niyang folder.

"I expected this reaction." Kalmado niyang sabi. "But this was Don Alejandro's first condition."

Napakunot-noo si Winston. "What condition?"

"The two of you must live under the same roof while deciding whether to proceed with the marriage."

"What?" Halos sabay na naman kaming napasigaw.

"Impossible." Mariing sabi ni Winston.

"Walang mangyayaring gano'n."

Tumango rin ako. Syempre kung hindi papayag ang lalaking to, hindi rin ako papayag.

"Tama siya. Hindi rin ako papayag."

Si Attorney Castillo ay nanatiling kalmado kahit halatang stress na ito sa aming dalawa ni Winston.

"You don't have to get married. You don't even have to like each other. But you must honor Don Alejandro's final request. Live together, get to know each other. And only then, make your decision."

Muling bumalot ang katahimikan. Ramdam kong sumasakit na ang ulo ko. Isang araw pa lang akong nasa Maynila at gusto ko nang umuwi.

Huminga nang malalim si Attorney Castillo.

"If you'll excuse me, I'll have one of the staff show Miss Guanzon to her room."

Tumango ang isang kasambahay na lumapit sakin. "This way, Ma'am."

Napabuntong-hininga ako. "Wala na ba talaga akong choice?"

"I'm afraid not."

Napailing na lang ako bago sumunod sa kasambahay. Habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng ikalawang palapag, napansin kong napakalawak ng mansyon. Halos bawat pinto ay parang may sariling kuwento.

Sa wakas ay huminto ang kasambahay sa tapat ng isang pinto.

"Narito na po ang inyong kuwarto." Binuksan niya ang puting pintuan.

Napasinghap ako. Mas malaki pa ang guest room kaysa sa buong bahay namin sa probinsya. May king-sized bed, walk-in closet at may sarili itong sala.

Hindi pa rin ako nakakapasok nang tuluyan nang may bumukas na pinto sa katabi.

Lumabas si Winston na nakasimangot pa rin at sa kasamaang palad ay nagkatinginan kami. Napatingin siya sa pintuan ng kwarto ko.

Pagkatapos ay sa sarili niyang pintuan.

Dahan-dahang bumaling ang tingin niya kay Attorney Castillo.

"...Don't tell me."

Bahagyang ngumiti ang abogado. Na parang gustong-gusto pa ang nakikita sa kanilang dalawa ni Winston. 

Pwes! Kung siya gusto ang nangyayari, ako hindi! Gusto ko ng umuwi sa probinsya kahit na magtanim na lang ako ng kamote, okay lang sakin eh. Kaysa makipagplastikan pa ako sa matapobre na Winston na to.

Ito ba yong Winston na sinasabi ng Lolo nito na kailangan kong i-save? Parang ako pa yata ang kailangan i-save kung dito ako titira sa mansion na to eh. Baka hindi pa ko abutan ng isang araw kung dito ako titira. Nakikita ko na talaga ang kamalasan ko.

"Yes. Magkatabi ang kwarto niyo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?"

Samantalang napapikit si Winston na tila pinipigilan ang sariling mainis.

"This is going to be a very long week."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Promdi Wife   Chapter 4

    Windy's POVNanatiling tahimik ang buong silid matapos bumagsak ang mapanuyang salita ni Winston.Parang pati ang hangin ay tumigil din at hindi siya agad nakahinga. Lahat ng naroon ay hindi naka-react, pati ang abogado at kasambahay ay nagkatinginan ngunit walang nangahas magsalita.Ako man ay hindi agad nakakibo. Hindi dahil nasaktan ako. Kundi dahil hindi ako makapaniwalang may taong kayang manghusga sa loob lamang ng ilang segundo."Mr. Domingo."Bahagyang sumingit ang boses ni Attorney Castillo."I don't think that was necessary."Hindi man lang lumingon si Winston.Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang isa lamang akong malaking pagkakamali."I simply stated a fact.""She's not what my grandfather described."Humalukipkip na lang ako. Bakit? Ano bang sinabi ng lolo niya? Na maganda ako? Eh, maganda naman talaga ako. Ano pa bang hindi niya nakita sakin?"And let me make this clear. I have absolutely no intention of marrying that woman."Nag-init ang ulo ko. Kanina pa ako nagp

  • My Promdi Wife   Chapter 3

    Windy's POV"I kept this letter for years," paliwanag ni Attorney Castillo. "Your father entrusted it to Don Alejandro before he passed away.""Bakit hindi niya agad ibinigay sa amin?"Napabuntong-hininga si Attorney Castillo."Because your father specifically requested that it should only be given to you when the time was right."Napakunot-noo ako. Anong right time ang pinagsasabi niya?"Right time?"Tumango siya. "And according to Don Alejandro, that time is now."Maingat kong tiningnan ulit ang sobre. Isang sulat-kamay lang ang laman nito. At nang makilala ko ang sulat-kamay ni Papa ay biglang lumabo ang paningin ko.Labingwalong taon na. Labingwalong mahabang taon mula nang huli kong marinig ang boses niya. Pero, ang makita ang sulat-kamay niya ay parang narinig ko siyang muli.Nilunok ko ang namuong bukol sa lalamunan bago nagsimulang magbasa.My dearest Windy,If you're reading this, it means I'm no longer there to see the wonderful woman you've become. I'm sorry I couldn't stay

  • My Promdi Wife   Chapter 2

    Windy's POV"Windy! Bilisan mo! Mauubos na naman ang pandesal!"Napahalakhak ako habang inilalagay ang huling basket ng talong sa likod ng maliit naming tricycle."Aling Nena, five minutes lang po! Hindi naman tatakbo ang pandesal, eh.""Tatlong tray na ang naubos! Ikaw na lang ang hinihintay!""Ayan na po!"Tumalon ako pababa ng tricycle at halos madulas sa putik dahil sa ambon na bumalot sa buong baryo kagabi. Ito talagang si Aling Nena, palagi na lang ako minamadali. Takot na takot talaga ito na maubusan ako ng pandesal. Pero sabagay, ayoko rin naman din kasing maubusan, mabuti na nga lang at palagi akong tinitirhan ni Aling Nena."Naku!" Napatawa ako sa sarili ko. "Good morning talaga.""Nakakaloka ka, hija."Tinapik ni Mang Isko ang balikat ko habang nagwawalis sa tapat ng barangay hall. Pati si Mang Isko ay saksi kung paano ako makipaglaban para sa pandesal na yan. Syempre, favorite ko eh. Hahamakin talaga ang lahat, matikman ka lamang. Hoy, mali! Pandesal lang, pandesal."Isan

  • My Promdi Wife   Chapter 1

    Winston's POV"You look just like your grandfather."Those were the first words Attorney Benjamin Castillo said as I took the seat across from him.I adjusted the cuff of my charcoal-gray suit before looking up. "People have been telling me that since I was a kid."He smiled faintly."I wasn't talking about your face."I raised an eyebrow. Sinasabi ba nito na hindi ko kamukha si Lolo?"I meant..." He paused, as if carefully choosing his words. "The way you carry yourself."Pero hindi ko na siya pinakinggan. Mas gusto ko pang marinig na agad kung anong nakasulat sa Last Will and Testament ni Lolo. Kasi ngayong araw na to babasahin iyon.Around the long conference table sat the people who carried the Domingo name. Some looked solemn and others looked impatient. A few couldn't even hide the excitement in their eyes.Pathetic.My grandfather had only been buried a week ago, yet everyone was already thinking about who would get what.Attorney Castillo closed the thick black folder in front

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status