Share

24: Favor

Author: ninsies
last update publish date: 2026-09-13 22:01:45

SELENA's POV

"Think whatever you think, Victoria. No one gets to bully Silas and his siblings, understand?"

Naitikom ni Victoria ang bibig niya habang nanggigigil. Masama pa rin ang tingin niya sa akin at sa mga anak ko. Hinayaan ko na lang dahil baka lumala ang sitwasyon.

Nagpapasalamat na lang ako na dumating si Sebastian. Kung wala siya, baka tuluyan kaming napaalis sa ospital.

"Fine. I let them pass this time... only this time," sagot ni Victoria na halatang napipilitan. Ramdam ko ang inis
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   24: Favor

    SELENA's POV"Think whatever you think, Victoria. No one gets to bully Silas and his siblings, understand?"Naitikom ni Victoria ang bibig niya habang nanggigigil. Masama pa rin ang tingin niya sa akin at sa mga anak ko. Hinayaan ko na lang dahil baka lumala ang sitwasyon.Nagpapasalamat na lang ako na dumating si Sebastian. Kung wala siya, baka tuluyan kaming napaalis sa ospital."Fine. I let them pass this time... only this time," sagot ni Victoria na halatang napipilitan. Ramdam ko ang inis niya at ang gigil. Pero wala siyang magawa sa ngayon. "If these bastards cross the line again, I swear I will give them no respect. Kahit bata pa sila, papatulan ko sila."Matapos sabihin iyon ni Victoria, lumabas siya ng building habang inaalis ang harina sa buhok niya. Nakahinga ako nang maluwag, maging ang mga anak ko. Kahit papaano, hindi natuloy ang binabalak ni Victoria sa amin kung ano man iyon."The show ends here. Go back to your businesses, people," pagtataboy ni Sebastian sa mga taong

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   23: Backer

    SELENA's POV Saglit na natahimik ang lahat. Maging si Victoria ay natameme. Magsasalita sana ako para tumigil ang mga anak ko, pero bumunghalit ng tawa si Victoria na sinundan ng tawanan ng mga tao. Nagulat ang mga anak ko sa reaksyon nila, maliban kay Seraph na walang pakialam. Dala-dala na naman niya ang awra na kahit sa akin ay nagbibigay ng kaba. Ngumiti na lang ako nang tipid saka hinarap ang tatlo kong anak. Binaba ko rin muna si Silas sa tabi nila. Hingal na hingal sila. Halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa nila iyon kay Victoria. Ayokong mamulat sila sa mundong ito na ayos lang maghiganti. Hindi iyon ang gusto ko para sa kanila. "Kids, Mommy forgave you all. But don't do it again, okay?" sabi ko sa kanila sa mahinang boses. Tumango naman sina Sienna at Selene. Pero si Seraph, nakatingin lang siya sa akin. "Seraph, mommy is not mad, okay? She was just worried." "Single mom... oh, wait. I think I recognize you now," ani Victoria. Ni

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   22: S4

    SELENA's POV Kinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Sumusobra na talaga si Victoria. Una, sinaktan niya si Seraph. Ngayon naman, si Silas. Balak pa niyang patigilin ang treatment ng anak ko. Wala ba siyang puso? Hindi ba siya nakokonsensya? "Mom, hayaan niyo na po siya. May dahilan po kaya siya nagalit," bulong ni Silas. Kumunot ang noo ko. Hinawakan lang niya ang mga kamay ko at muling bumulong. "Bumili sina Seraph ng itlog at harina, Mom." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakurap pa ako dahil imposible talaga. Saan naman sila kukuha ng pambili? Eh, hindi ko nga sila binibigyan ng pera, eh. Paano sila nakabili? At bakit nila iyon ginawa kay Victoria? Lumuhod ako at hinawakan ko siya sa mga balikat. "Silas, sabihin mo sa akin. Bakit nila iyon ginawa?" tanong ko, mahina lang sapat para marinig ng anak ko. "Seraph is mad." Napahawak ako sa noo ko dahil sa dismaya. Ang akala ko pa naman ay nakinig sa akin si Seraph. Nagawa pa rin niyang maghiganti. "This is all my fa

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   21: Doomed

    SILAS' POV"Ano na kayang nangyari sa kanilang tatlo? Bakit hindi pa rin sila bumabalik?" tanong ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at nilingon ko ang tablet na nasa katabing mesa. Inabot ko ito at nag-type ng message sa group chat namin. They have their smartwatch, so I can contact them right now. "Kapag hindi pa sila nakabalik within 15 minutes, darating si Mommy at malalaman niyang pumuslit na naman sa labas ang mga kapatid ko. She will be mad at us."Nakailang send ako ng message pero walang nagre-respond kahit isa sa kanila. Pinindot ko na lang ang call button at naghintay na sagutin nila. Pero panay ring lang sa kabilang linya. This is bad. Baka pumalpak ang plano nila."Nasaan na ba kasi kayo?"'Message!'Napatingin ako sa tablet at nanlaki ang mga mata. We are so doomed. Papunta na si Mommy! Kailangan na nilang bumalik or else lagot kaming lahat."Kailangan ko silang mahanap."Nagmadali akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto habang bitbit ang IV ko. Kahit nanghihina ang

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   20: Payback

    SIENNA's POV "Are you really sure it will work?" tanong ko kay Seraph habang pinagmamasdan ang mga taong labas-masok sa hospital. Nakatago lang kami sa garden. Sa sobrang dami ng mga tanim, halos hindi na kami mapansin dito. "Kuya Seraph, what if Miss Alcaraz finds out about this? We will be screwed. Worse, she might discover that we have a family confined here." Sumandal si Selene sa tanim na santan. Nakataas ang mga tuhod niya. Ang mga kamay naman ay nakapatong dito. She looks worried. I get her. Once Miss Alcaraz knows about this, we are all screwed. But who cares? I mean, she will never know unless we tell her. Besides, I think we will have fun on this one. Ang huling beses na ginawa namin ito, muntikan na kaming mapaalis sa tinitirahan namin. Mabuti na lang at magaling magsinungaling si Silas. Though we felt bad about it, kasi sabi ni Mommy, masama ang magsinungaling. Pero may good purpose naman kung bakit namin iyon ginawa. Back home, children were bullying us because we

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   19: Asked

    SELENA's POV "Mom, saan ka po nanggaling?" tanong sa akin ni Silas nang dumating ako sa room niya. Sinuri ko kaagad ng tingin ang buong kwarto dahil may kakaiba. "It's a business, Silas. Nasaan pala sina Seraph at Sienna?" tanong ko, saka binaba ang tingin kay Selene na nakahiga sa sofa. Tutok na tutok siya sa tablet. Mukhang hindi pa ako napansin. Kumunot ang noo ko nang mapansing may kinakausap siya. Nilapitan ko siya para abutin ang tablet na hawak niya. "Mom! Ang sakit ng ulo ko!" narinig kong sabi ni Silas. Hawak-hawak niya ang ulo niya habang namimilipit sa sakit. Kaagad akong lumapit sa kaniya at chineck siya. Wala namang kakaiba sa kaniya, pero nakakaramdam siya ng sakit. "Silas, what's wrong? Sobrang sakit ba? Sandali, tatawag ako ng doctor," sabi ko at tumayo. Nang biglang bumukas ang p***o at niluwa nito ang dalawa kong anak. Mukhang kagagaling lang nila sa pagtakbo dahil pareho silang hinihingal. "Seraph? Saan kayo nanggaling?" tanong ko, saka bumaling kay Sienna na pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status