/ Romance / My Revenge Against Mr. CEO / CHAPTER 2: ANG UNANG HAKBANG

공유

CHAPTER 2: ANG UNANG HAKBANG

작가: author Ashxie
last update 게시일: 2026-04-05 19:41:03

Isang Taon Makalipas

Ang hanging dumaan sa bintana ng maliit kong apartment ay malamig pero hindi sapat para patigilin ang init ng galit na nanatili sa aking dibdib sa loob ng isang taon. Tumayo ako sa harap ng salamin at tinitigan ang babaeng nakaharap sa akin. Hindi na siya si Leng Weiwei. Ang babaeng iyon ay namatay kasama ng kanyang pamilya sa gabing walang buwan at walang hustisya. Ang nakatayo ngayon ay isang multo na may bagong pangalan, bagong mukha, at isang misyon lamang: paghihiganti.

Inayos ko ang aking buhok—mas maikli na ito ngayon, hanggang balikat lamang, maayos at propesyonal. Ang aking mga damit ay hindi na ang murang tela na nakasanayan ko mula sa palengke. Nakasuot ako ng puting blusa na may tamang fit at itim na palda na hanggang tuhod. Simple. Malinis. Hindi halatang naghihiganti. Iyon ang gusto ko. Ang maging invisible hanggang sa huling sandali.

Sa mesa sa tabi ko ay nakalatag ang mga dokumentong nagkakahalaga ng lahat ng aking ipon sa nakaraang taon. Ang bagong ID ko na may pangalang "Ivy Shen" . Ang resume na gawa-gawa lamang pero mukhang totoo dahil sa mga pekeng rekomendasyon mula sa mga taong binayaran ko para magpanggap bilang dating empleyador. At ang litrato ng aking target—si Wei Long.

Siya ang anak ni Mr. Wei Zhang, ang bilyonaryong pumatay sa aking pamilya. At ngayon, siya na ang bagong CEO ng Wei Corporation. Dalawampu't walong taong gulang. Nag-aral sa Harvard. Kilala sa mundo ng negosyo bilang isang mabagsik pero patas na lider. Ayon sa mga artikulong binasa ko, siya raw ay "ibaba ang mga korporasyon" at "iligtas ang mga maliliit na kumpanya." Isang bayani sa mata ng publiko.

Sa litrato, hindi siya mukhang halimaw. May magiliw siyang mga mata—kulay tsokolate na tila kayang tumagos sa kasinungalingan. Ang kanyang ngiti ay banayad, hindi tulad ng malamig na ngiti ng kanyang ama. Para bang hindi siya anak ng isang mamamatay-tao.

Pero alam ko na ang mansanas ay maaaring mahulog malapit sa puno. At kung hindi man siya katulad ng kanyang ama, wala akong pakialam. Ang apelyido niya ay Wei. Ang dugo niya ay dugo ng pumatay sa pamilya ko. Iyon lang ang sapat na dahilan.

"Hindi ako magpapaakit sa mukha mo, Wei Long," bulong ko sa salamin. "Hindi ako maniniwalang iba ka sa iyong ama. At handa akong sirain ang lahat ng minana mo."

Tumunog ang aking telepono. Isang text mula sa aking contact sa loob ng Wei Corporation: "May bagong opening sa executive assistant position. Ipadala mo na ang resume mo bukas ng umaga. Nakatanggap na ako ng tatlong aplikante. Mabilis ang proseso dahil nagmamadali si Mr. Wei."

Napangiti ako. Masyadong mabilis ang tadhana. Masyadong perpekto. Parang may mas mataas na kapangyarihan na sumasang-ayon sa aking plano.

Sumagot ako: "Ipadala ko na ngayon. Salamat."

Isinara ko ang telepono at tumingin muli sa salamin. "Ivy Shen, magsisimula ka na bukas."

---

Kinabukasan, 8:00 ng umaga.

Ang Wei Corporation Tower ay isa sa pinakamataas na gusali sa lungsod. Tatlumpu't limang palapag ng salamin at bakal na tila sumisigaw ng kapangyarihan at pera. Tumayo ako sa harap ng pangunahing pinto, hinawakan ang aking bag, at huminga nang malalim.

Pumasok ako na parang walang takot. Ang lobby ay napakalaki, may marmol na sahig at chandelier na kumikinang sa ilalim ng araw. Ang mga empleyado ay nagmamadali sa kani-kanilang destinasyon. Walang pumapansin sa akin. Perpekto.

Lumapit ako sa reception desk kung saan nakaupo ang isang babaeng maganda at nakangiti pero may matang nag-eebalow ng bawat pumapasok.

"Magandang umaga. Ako si Ivy Shen. Nakatanggap ako ng tawag para sa interview para sa executive assistant position," sabi ko nang mahinahon.

Tiningnan ako ng receptionist mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri kung karapat-dapat akong pumasok sa banal na lugar na ito. "Sandali lang," aniya at tumawag sa loob.

Makalipas ang limang minuto, isang babaeng nakasuot ng mamahaling suit ang lumabas at ako'y pinatawag. Sinundan ko siya sa elevator patungo sa ika-30 palapag. Sa loob ng elevator, tahimik kaming dalawa. Sinusubukan kong huwag magpakita ng kaba, kahit na ang tibok ng aking puso ay parang gusto nang tumalon mula sa aking dibdib.

"Si Mr. Wei ang personal na mag-i-interview sa iyo," sabi ng babaeng nagpakilalang si Ms. Chu, ang HR manager. "Bihira siyang sumali sa mga ganyang proseso, pero sabi niya gusto niyang makilala ang magiging kanang kamay niya."

Kinabahan ako. Hindi ko inaasahan na direktang haharapin ko si Wei Long sa unang araw pa lamang. Ngunit ito rin ang aking pagkakataon. Kung makukuha ko ang kanyang tiwala sa simula pa lang, mas mabilis ang aking plano.

Bumukas ang pinto ng elevator at dumaan kami sa mahabang koridor na may malalaking pintong gawa sa kahoy. Sa dulo ay ang opisina ni Mr. Wei. Isang plakang metal ang nakasulat: Wei Long, Chief Executive Officer.

Kumatok si Ms. Chu. "Mr. Wei, nandito na si Ms. Ivy Shen."

"Papasukin mo," sabi ng boses mula sa loob. Malalim. Kalmado. Pero may awtoridad.

Pumasok ako.

Ang opisina ay napakalaki—mas malaki pa sa buong bahay namin noon. Ang likod na dingding ay gawa sa salamin na kita ang buong lungsod sa ibaba. Sa gitna ay isang malaking mesa na gawa sa kahoy na maitim, at sa likod nito ay nakaupo si Wei Long.

Sa personal, mas gwapo siya kaysa sa litrato. Ang kanyang buhok ay maayos na nakatupi sa isang gilid. Nakasuot siya ng itim na coat na parang ginawa para sa kanya. Ang kanyang mga mata—yaong mga mata sa litrato—ay mas matalim ngayon. Tinitigan niya ako mula sa itaas hanggang ibaba, hindi tulad ng receptionist kanina na mababaw lang. Ang kanyang tingin ay parang x-ray na kayang makita ang lahat ng aking tinatago.

"Ms. Ivy Shen," sabi niya nang hindi tumitingin sa resume na nasa harapan niya. Diretso ang kanyang tingin sa akin. "Bakit ka dapat kunin?"

Diretso. Walang paligoy-ligoy. Gusto ko iyon. Mas madaling laruin ang isang taong diretsahan kaysa sa isang palihim.

Tumayo ako nang tuwid at sinagot ang kanyang tingin. "Dahil ako ang pinakamahusay sa ginagawa ko, Mr. Wei. Hindi ako nag-aksaya ng oras sa mga bagay na hindi importante. Alam ko ang trabaho, alam ko ang pressure, at hindi ako natatakot sa mahabang oras o mahihirap na desisyon."

Nanatili siyang tahimik sa loob ng ilang segundo. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung tumatak sa kanya ang aking sinabi o iniisip na niya kung paano ako paalisin.

"Bakit ka umalis sa huli mong trabaho?" tanong niya.

Handa ako sa tanong na iyon. "Dahil nagsara ang kumpanya. Na-bankrupt ang dating employer ko. Wala na akong mapupuntahan kaya ako lumipat dito sa lungsod para maghanap ng mas magandang oportunidad."

Lahat ng iyon ay kasinungalingan. Pero ang kasinungalingan ay mas maganda kung may halong katotohanan. Totoo na walang nag-iinterview sa dating employer ko dahil wala naman talagang ganung kumpanya. Totoo na lumipat ako sa lungsod na ito—dahil dito nakatira ang pumatay sa pamilya ko.

Tumango si Wei Long. Hindi ko alam kung naniwala siya o nagduda. Pero sa susunod niyang tanong, naramdaman kong may iba sa kanya.

"Ms. Shen, may itatanong ako sa iyo na hindi karaniwan," sabi niya, bahagyang sumandal sa kanyang upuan. "Kung bibigyan kita ng pagkakataon na baguhin ang isang bagay sa nakaraan mo, ano iyon?"

Nanlamig ako.

Iyon ay isang bitag. O kaya ay isang pagsubok. Hindi ko alam kung anong uri ng sagot ang gusto niyang marinig. Pero sa isang iglap, naalala ko ang gabing iyon. Ang aparador. Ang kamay ng aking ina. Ang katahimikan pagkatapos ng mga putok.

Muntik ko nang sabihin ang totoo. Muntik ko nang sabihing "Babaguhin ko ang gabing namatay ang pamilya ko."

Pero hindi. Hindi pa ako handa. Hindi pa oras.

Ngumiti ako—isang ngiti na hindi totoo pero hindi halata. "Babaguhin ko ang kursong kinuha ko noong kolehiyo, Mr. Wei. Mas naging praktikal sana ako para mas maaga akong naging kapaki-pakinabang sa mga taong pinagtatrabahuhan ko."

Isang sagot na walang kaluluwa. Isang sagot na ligtas.

Tumingin si Wei Long sa akin nang matagal. Masyadong matagal. Para bang may hinahanap siya sa aking mga mata na hindi ko kayang itago. Pero sa wakas, tumango siya.

"Tumawag si Ms. Chu sa iyo bukas para sa resulta. Salamat sa pagdating, Ms. Shen."

Iyon na iyon. Walang kamay na nakipagkamay. Walang ngiti. Basta isang tango at isang paalam.

Lumabas ako ng opisina na parang lumulutang. Hindi ko alam kung pumasa ako o nabigo. Pero nang makarating ako sa elevator at nagsara ang pinto, napahawak ako sa dingding at huminga nang malalim.

Isang hakbang pa lang ito. Mahaba pa ang lalakbayin ko.

---

Kinabukasan, 9:00 ng umaga.

Tumunog ang telepono ko habang nagtitimpla ako ng kape. Si Ms. Chu ang tumatawag.

"Ms. Shen, congratulations. Nais kang kunin ni Mr. Wei bilang kanyang bagong executive assistant. Pwede ka bang pumasok ngayong Lunes ng umaga?"

Pinigilan ko ang sarili na sumigaw sa tuwa. Hindi dahil masaya ako para sa trabaho. Dahil mas malapit na ako sa aking paghihiganti.

"Oo naman. Maraming salamat, Ms. Chu. Hindi ko kayo bibiguin."

Isinara ko ang tawag at tumingin sa kisame ng maliit kong apartment.

"Nay, Tay, Junjun... naririnig niyo ba ako? Papasok na ako sa pugad ng kaaway. Hindi pa ngayon ang hustisya. Pero darating din iyon."

Tumulo ang luha ko—ngunit hindi luha ng kahinaan. Luha ng determinasyon.

Pinasok ko ang pangalan ni Wei Long sa aking telepono at sa ilalim nito ay sinulat ko sa notes: "Target. Hindi bibitawan hangga't hindi nasisira."

At sa Lunes, magsisimula ang lahat.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Revenge Against Mr. CEO   BONUS EPISODE: HANGGANG DULO

    Maraming taon na ang lumipas. Hindi na mabilang ni Weiwei kung ilang Pasko ang dumaan, kung ilang birthday ni Luna, kung ilang beses silang naglakad sa dalampasigan sa tabi ng kanilang munting bahay.Ang dating itim na buhok ni Weiwei ay puting-puti na. Parang niyog na binalot ng hamog tuwing umaga. Ang kanyang mukha ay puno ng mga pinong linya — hindi mga pilat ng nakaraan, kundi mga marka ng pagtawa, ng pag-iyak, ng mahabang pagsasama. Ang kanyang mga mata, dati ay puno ng galit at takot, ngayon ay malambot na parang tubig sa lawa.Si Wei Long naman ay kalbo na. Ang konting natirang buhok sa kanyang ulo ay kulay abo na parang ulap bago umulan. Ang kanyang mukha ay may malalalim na kulubot, lalo na sa may gilid ng mga mata — mga kulubot na gawa ng araw at ng walang katapusang pagtingin kay Weiwei. Hindi na siya ang dating CEO na matipuno at matatag. Payat na siya, medyo nakayuko, pero ang kanyang mga mata ay may liwanag pa rin tuwing nakikita si Weiwei.Hindi na sila makalakad nang m

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG BAGONG BUKANG LIWAYWAY

    Kabanata 29Anim na taon na ang lumipas mula nang arestuhin si Selina. Ang mundo ay hindi na katulad ng dati. Ang foundation ay lumago nang husto sa ilalim ni Maria. Si Ana ay naging partner na ni Maria sa pagpapatakbo. Si Tonya ay may sarili nang pamilya sa probinsya, hindi na bumalik sa lungsod. Si Victor ay masaya kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.Si Wei Long at ako ay nanatili sa maliit na bahay sa tabing-dagat. Hindi na kami bumalik sa lungsod. Ang aming buhay ay simple. Hindi na kailangan ng malaking bahay, hindi na kailangan ng maraming pera. Ang kailangan lang namin ay ang isa't isa at ang mga paminsang pagbisita ni Luna.Si Luna ay dalawampu't pitong taong gulang na. Tapos na siya sa abogasya. Pumasa na rin siya sa bar exam. Hindi siya nagtrabaho sa malaking kompanya. Sumunod siya sa yapak ko. Tumulong siya sa foundation at sa Rosa's Light.At si Luis, ang kanyang nobyo, ay naging abogado rin. Magkasama silang tumutulong sa mga mahihirap. Hindi sila mayaman. Hindi si

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG PAGBANGON AT PAGHILOM

    Kabanata 28Isang buwan na ang nakalipas mula nang magising si Wei Long. Hindi pa siya ganap na malakas. Hindi pa siya makalakad nang mag-isa. Pero araw-araw, may pag-unlad. Ang doktor ay nagsabing sa loob ng dalawang buwan, makakauwi na siya.Araw-araw akong pumupunta sa ospital. Hindi ako napapagod. Hindi ako nagsasawa. Sa bawat maliit na galaw niya, sa bawat matagumpay na pag-angat ng kanyang kamay, nararamdaman kong unti-unti kaming bumabangon.Si Luna ay bumalik na sa paaralan. Hindi na siya natatakot. Hindi na siya nahihiya. Ikinuwento niya sa kanyang mga kaklase ang tungkol kay Wei Long. Hindi lahat ay naiintindihan. Pero hindi na mahalaga iyon.Isang hapon, dumalaw si Victor sa ospital.Mr. Wei, maganda ang inyong kulay.Salamat, Victor. Ikaw, kamusta ka?Maayos naman. Hindi na ako natatakot.Bakit?Dahil alam ko nang hindi na babalik si Selina. At kung may iba man, handa na ako.Ngumiti si Wei Long. Hindi na siya nagsalita.Victor, sabi ko, may gusto ka bang sabihin sa amin?

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG BAWAT HAKBANG AY PAPUNTA SA LIWANAG

    Kabanata 27Tatlong araw na ang lumipas mula nang harapin ko si Selina sa lumang bodega. Hindi ako natulog nang maayos. Bawat oras, iniisip ko ang kanyang mga mata. Walang takot. Walang konsensya. Puro galit lamang.Ngunit hindi na ako ang dating Weiwei na basta na lamang magpapatakot. Natutunan ko na ang halaga ng pasensya at diskarte.Kinabukasan, pumunta ako kay General Alvarez. Hindi ko na itinago ang nangyari sa bodega.General, nakaharap ko na si Selina.Nagulat siya. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Delikado iyon, Weiwei.Alam ko. Pero kailangan kong malaman ang totoo. At nalaman ko.Anong nalaman mo?Si Selina ang nag-utos ng pagpatay sa pamilya ko. Hindi si Tony Chan. Siya ang nagbigay ng pera. Siya ang nag-udyok. Ang ama ko raw ang sumira sa negosyo ng kanyang ama. Nagpakamatay ito. Kaya siya naghiganti.Tumahimik si General Alvarez. Matagal.Weiwei, kung totoo iyan, hindi lang si Tony Chan ang dapat managot. Si Selina rin.Alam ko. Kaya kailangan natin siyang hulihin.May ebi

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG PAGBAGSAK

    Kabanata 25 Walang kamalay-malay si Wei Long sa darating na panganib. Walang kamalay-malay din ako. Isang ordinaryong araw noon. Si Wei Long ay pumunta sa kanyang maliit na opisina para asikasuhin ang kanyang negosyo. Si Luna ay nasa paaralan. Ako ay nasa foundation. Bandang alas-tres ng hapon, may tumawag sa aking telepono. Hindi ko kilala ang numero. Mrs. Wei, ako po si Victor. May masama pong balita. Anong masamang balita, Victor? Si Mr. Wei po. Nasaksak siya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Saan siya ngayon? Sa ospital po. Dinala na namin siya. Hindi ko alam kung buhay pa siya. Isinara ko ang tawag. Tumakbo ako palabas ng foundation. Hindi ko na hinintay si Maria. Hindi ko na sinabi kahit kanino. Sa ospital, madilim ang paligid. Hindi dahil sa walang ilaw. Dahil sa ang pakiramdam ko ay parang gumuho ang mundo. Nakita ko si Victor sa labas ng emergency room. Duguan ang kanyang kamay. Mrs. Wei, sabi niya. Pumasok na siya. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG PAGSUBOK NA HINDI INAASAHAN

    Kabanata 24Isang taon na ang lumipas mula nang basahin namin ang sulat ni Aling Rosa. Ang Rosa's Light ay may tatlumpung scholar na ngayon. Ang foundation ay patuloy na lumalago. Si Maria ay hindi na empleyado kundi kapartner na sa pagpapatakbo.Si Luna ay labing-isang taong gulang na. Hindi na siya bata. May sarili nang opinyon. May sarili nang desisyon.Isang hapon, pauwi ako mula sa foundation. May dala akong pagkain para sa hapunan. Si Wei Long ay nasa bahay kasama si Luna.Pagpasok ko, nakita ko si Luna na nakaupo sa sofa. Hindi siya nakangiti. Hindi siya nagsasalita.Luna, anong nangyari?Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay namumula.Wei Long, ano'ng nangyari kay Luna?Weiwei, umupo ka muna.Umupo ako sa tabi ni Luna. Hinawakan ko ang kanyang kamay.Anak, anong problema?Mama, totoo bang pinatay ang lolo at lola ko?Nanlamig ako.Saan mo narinig iyan?Sa paaralan. May kaklase ako. Sabi ng nanay niya, ang tatay ko raw ay anak ng isang kriminal. At

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG PAGDATING NG HAMON

    Kabanata 21 Tahimik ang aming buhay sa loob ng ilang taon. Si Luna ay lumalaki nang matalino at mabait. Ang foundation ay patuloy na tumutulong sa mga biktima. Si Wei Long ay masaya sa kanyang maliit na negosyo. Ngunit hindi lahat ng araw ay payapa. Isang umaga, may tumawag sa akin mula sa

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG PAGHAHARAP

    Kabanata 19Isang buwan matapos naming makuha ang listahan mula kay Victor, halos lahat ng tauhan ni Tony Chan ay nakulong na. Ang iba ay sumuko nang kusa. Ang iba ay nakatakas pa rin. Pero alam naming hindi na sila makakabalik. Wala na ang amo nila. Wala na ang pera. Wala na ang proteksyon.Si Ali

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG PAGSUBOK

    Kabanata 17Anim na buwan matapos lumipat kay Wei LongTahimik ang aming buhay. Hindi perpekto, ngunit payapa. Tuwing umaga, gumigising ako sa tabi ni Wei Long. Si Aling Rosa ay nasa kusina, nagluluto ng almusal. Ang foundation ay tumatakbo nang maayos sa ilalim ni Maria.Ngunit hindi lahat ng araw

  • My Revenge Against Mr. CEO   ANG BAGONG ARAW

    CHAPTER 16Isang buwan matapos ang insidente sa bodegaSi Tony Chan ay nasa kulungan na muli. Sa pagkakataong ito, hindi na siya makakatakas. Inilipat siya sa isang maximum security facility — walang bintana, walang bisita, walang contact sa labas.Si General Alvarez ay nakatanggap ng medalya mula

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status